“Good morning, Ma'am Jhen!” Iyon ang ibinungad sa kaniya ng rider nang buksan niya ang gate isang umaga. Hindi naman niya inaasahan na muli silang magkikita ng rider na ito dahil nga nagkamabutihan na sila ni Kaiser kagabi. Agad na napakunot ang noo niya sa lalaking ipinaglihi naman sa puwit ng manok sa kadaldalan. Halos tinalo pa siya nito sa pagiging hyper nito. “Sino siya, Mama?” tanong ni Ivan na kasunod nitong lumabas. “Si Kuya Rider na nasobrahan sa tiki-tiki,” bulong niya. Ewan ba niya at umandar na naman ang kalokohan niya. Natawa si Ivan. “Ma'am, narinig ko iyon.” Sumulyap ito kay Ivan. “Kapatid mo, Ma'am?” “Anak ko,” tugon niya. Mukhang hindi nito narinig na tinawag siyang mama ni Ivan. “Ho? Anak niyo? Ma'am, ang bata niyo pa na maging ina. Sino ang ama?” Nagulat ito. “Sy

