MAGHAPONG nanatili si Kaiser sa tinutuluyang bahay nina Jhen habang kasama ang anak niya. Nag-enjoy naman si Ivan na makasama ang ama nito at hinayaan lang niya mag-bonding ang mga ito. Siya naman na abala na rin sa research paper niya na ipinapagawa sa kaniya ni Kinne. Maya-maya lang ay dinampot niya ang cell phone niya nang nag-ring ito at si Kinne ang tumatawag. “Hello, Kinne?” “Hi, Jhen! I'm calling you to let you know about your flight to Taiwan. It will happen by next week, so are you ready for this? Pwede kong tingnan si Ivan o dalhin sa bahay kung sakaling nag-aalala ka sa kaniyang maiwanan mo siya rito. Three weeks ang pananatili niyo roon kaya medyo matatagalan," paliwanag nito. “I see. Uhm, kakausapin na lang kita nang personal regarding diyan. Kakausapin ko rin si Ivan na ma

