KAGABI pa iniisip ni Jhen ang tagpo nila ni Kaiser. Mula nang araw na kinamumuhian niya ito, hindi pa rin ito nagbago. He's handsome than ever and she doesn't want to feel the attraction again but it was the reverse side. Pilit niyang nilalabanan ang traydor niyang puso at ayaw niyang bumigay agad sa mga tingin lang nito. Malaki ang dapat nilang pag-usapan para kay Ivan. Nakikita naman niya na maayos ang relasyon ng dalawa. Nakikita rin niya ang saya ni Ivan nang magkita ang mga ito kahapon. Baklang haliparot! Imbes na magalit ako nang todo kahapon, penerahan ko pa. Buti nga rin sa kaniya at bahala siya kung ano ang isipin niya. Hanggang ngayon, naitabi niya ang dalawang libong ibinigay nito. “Ma'am Jhen, may naghahanap sa inyo sa labas,” sambit ni Ronald sa kaniya. “Sino ito, Kuya Rona

