NAG-UMPISA siyang muli sa bagong career na tinahak niya ngayon bilang representative ng Zurich Foundation. Sa umaga, inaasikaso niya si Ivan para sa paghahanda ng pagpasok nito. Tinanggap niya ang suporta na ibinigay ni Kaiser noon sa anak niya. Pagkaalis ng bata lulan ng school bus, siya naman na pagtungo sa BGC kung saan ang opisina ng Zurich Airline. Nasa building na iyon ang foundation ng magkapatid kaya magkikita pa rin sila ni Kinne. “Good morning, Ma'am Jhen,” bati ng kaniyang driver na si Ronald. “May rider sa labas na naghahanap sa inyo. “Rider ng ano? Baka riding in tandem iyan, Kuya Ronald.” “Hindi naman, Ma'am. May dala-dala lang siyang bulaklak.” Nakakunot noo siya. “Bulaklak?” “Oho.” Naglakad siya palabas ng gate at binuksan ito. Nakita nga niya ang rider ng isang couri

