MAAGA siyang sinundo ni Kaiser sa kaniyang pinapasukan upang dumiretso na sila sa Royal Hotel sa Makati. Sinabi naman nitong may mag-aayos sa kaniya para sa birthday nito at dadalo ang ilang mga kaibigan nila. Pagdating naman sa hotel, may nag-asikaso agad sa kaniya kaya naman iniwan siya ni Kaiser sa mga ito. Ilang oras din siyang inayusan ng make up artist hanggang sa siya na lang mag-isa ang naiwan sa kwarto upang isuot niya ang kaniyang damit na ibinigay ni Kaiser sa kaniya. Nang kunin niya ito sa paper bag, nagulat na lang siya dahil sobrang daring nito. Ano ito? May kinuha pa siyang isang masquerade mask na kulay black and silver lining. Nabanggit nga naman sa kaniya ni Kaiser na isang masquerade party ang gusto nito. May isang maliit na paper bag pa na may lamang pabango. Wait, ito

