SILANG napauwi ng Pangasinan kasama si Kaiser dahil nga sa court proceeding na gaganapin. Nabanggit na niya rito ang tungkol sa pag-file ni Zackary ng temporary custody ng anak niya. “Are you okay?” Kaiser asked her. Sinulyapan niya ito sa driver seat. “Medyo. Kinakabahan ako sa mangyayari sa hearing mamaya at magkikita na naman kami ng tatay ng anak ko.” Hinawakan nito ang kamay niya. “It's all right. May pinadala namang magaling na attorney si Raven in behalf of his presence. I will do everything to support you and your son's custody. Ngumiti ka na at hindi ako sanay sa pananahimik mo.” Ngumiti nga naman siya. “Thank you, Kai. Hindi mo ako iniwan sa ganitong sitwasyon.” “Hindi mo rin ako iniwan. After we settle this one, asikasuhin na rin natin ang pagpapakilala ko sa iyo sa pamilya

