Chapter 4

2212 Words
Kaiser build his own restobar near to his condo unit after years. Malaki ang nawala sa kaniya subalit malaki rin ang tulong ng pagtatrabaho niya kay Zack. He lost his billions, his reputation, and his being in the limelight. Hindi na siya muling bumalik sa kaniyang pamilya at namuhay na lamang na mag-isa. And now, he’s thinking someone who caught his interest again in opposite s*x—woman. Nakaupo siya sa couch ng restobar niya habang nasa center table ang mga papeles na dapat ay pagtuunan niya ng pansin subalit natigil siya nang maalala niya ang dalagang si Jhen. It’s been a while when the last time he saw her. Wala siyang mapagtanungan tungkol sa mga designs niya since abala si Zack sa pamilya nito at si Raven naman na out of the country. Busy din ang iba kaya hindi niya ito mayaya. Dinampot niya ang cell phone niya at hinanap sa phone book niya ang number ni Jhen. Subalit napatitig lang siya roon at nagdadalawang-isip na tawagan ito. Nakuha niya ang number nito mula kay Raven. Damn. When suppose to be the last time I am being coward of calling someone else? She's only— Bigla niyang napindot ang call button. s**t! Nadulas pa ang kamay niya sa end button kaya lang nasagot na nito ang tawag niya sa kabilang linya. “Hello?” sambit ng magandang boses nito sa kanilang linya. “Hello? Sino ito?” Naririnig niya ito saka marahang napalunok. Inilapit niya sa tenga ang cell phone para lalo niyang marinig ito. Bahagya niyang niluwangan ang necktie na suot niya dahil pinagpapawisan siya kahit naka-full na ang lamig sa loob. “Hoy, tukmol! Sino ito? Tatawag ka tapos hindi mo ako sinasagot? Kapag hindi ka pa nagsasalita ibababa ko na itong tawag? Hindi mo ba alam na nandito ako sa banyo at nagle-labor?!” angal nito. Pinigilan niyang tumawa. Bentang-benta talaga sa kaniya ang senses of humor ito at ang nakakatuwa nitong sitwasyon. “Hi,” sambit niya. “Did I disturb you?” “Anong— K-Kaiser?!” Nagulat ito nang mabusesan siya sa kabilang linya. “H-Hindi nga!” “It's me.” Narinig pa niya ang pag-flush ng anidoro. “Mukhang naabala ko yata ang pagmumuni-muni mo sa banyo.” Natatawa siya sa isipan niya kung ano ang hitsura nito ngayon. Alam niyang nagulat niya ito at tiyak siyang pinamulahan ito ng pisngi. Sumandal naman siya sa couch. “Ah, eh, hindi naman. Akala ko kung sinong prankster na naman ang tumawag at nasa banyo ako. Don't worry at nakalabas na ako. Success! Anong atin?” She chuckles. He smirked. “Uhm, are you free tonight?” “Uhm, oo. I mean work from home ako hanggang friday. Kailangan ko kasing mag-focus doon sa ginagawa ko. Bakit?” “Good. Uhm, can I invite you here to my resto? I have something here to show you, and I need someone's insights if it is okay.” “It's fine. Uhm, kaya lang traffic ngayon at baka matagalan ako. Alam mo na, malayo itong place ko.” “I'll fetch you.” “Huh?! Sure ka? Medyo malayo itong lugar ko.” “I know your place. I will call you when I am near.” “Okay. Ikaw ang bahala.” “You can bring your things if...if you want to stay at my penthouse until Friday,” he offered. “Uhm... Baka maabutan ako ng girlfriend mo at magtaka kung bakit nandiyan ako⸻” “I don't have a girlfriend,” putol niya sa sinasabi nito. “Kaibigan na babae lang mayroon ako. We are friends, right?” “Oo naman. Sige, ikaw ang bahala. Sige at hihintayin na lang kita rito. Magliligpit lang ako.” “Okay. Bye.” “Bye.” He pressed the end call button and then smiled again. For the first time in his life, tinawagan niya ang babaeng alam niyang hindi pagnanasa ang gusto niya rito. Yeah. And he admit the fact that sometimes he needs the physical contact in every woman he wanted in bed. But Jhen is different. Ito ang tipo ng babaeng pwedeng maging kaibigan katulad ng presensiya ni Raven sa lahat. She's cool at hindi nahihiya sa kahit anong sitwasyon like she said earlier that she's in the bathroom. Nagbilin muna siya sa katiwala niya sa resto saka siya lumabas upang sunduin ito. He drove along the C-6 road when Jhen was residing at Taytay. Tanda niya ang lugar kung saan niya ito hinatid noon kaya hanggang ngayon ay kabisado pa rin niya ang daan. After an hour, nakarating siya sa may kanto, pumarada at bumaba ng kotse. Halos napalingon pa ang mga tambay sa kaniya at sa magarang kotse niya. “Sir, bawal ho ang pumarada rito,” sita ng may edad na lalaki sa kaniya. Tiningnan niya ito nang masama. “Walang nakasulat na bawal. Kalsada naman ito at hindi naman siguro ito sakop ng area niyo. Am I right?” “Pogi, hindi ka taga-rito, ano? Hindi mo ba alam na naglalagay ang mga nais pumarada rito?” wika ng isang lalaki sa gilid na kasing payat ng bangkay at mukhang nakahithit ng katol. Mabilis ang mga mata niya sa paligid niya at mukhang iisahan siya ng mga ito. Isa ito sa mga ayaw niyang puntahang lugar dahil sa masyadong mainit ang mga katulad niya. Subalit nakahanda naman siya kung paano niya depensahan ang kaniyang sarili. “Pogi, baka pwedeng ma-arbor iyang tsekot mo. Kahit ngayong gabi lang,” ngising wika naman ng isa. Naalerto siya nang kaniya-kaniyang lumapit ang mga ito. Mukhang mapapalaban pa ako. Mali yata ang timing ko. Hindi naman siya nabahala dahil sanay naman siya sa man to man defense. Kaya lang hindi rin niya alam kung may mga bitbit ang mga ito na makakasakit sa kaniya. “Hoy!!” Sabay silang napalingong lahat nang sumigaw ang isang babae sa unahan. Si Jhen. Nakapameywang na agad ito habang bitbit nito ang lalagyan ng laptop at ang knapsack nito. Agad itong lumapit sa kanila habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. While she's staring at her, hindi niya maiwasang magkaroon na naman ng atraksiyon dito. Ang lakas ng dating nito sa kaniya. “Hoy, mga impakto! Anong ginagawa niyo sa bisita ko, ha?” angas nitong tanong sa mga tambay na naroon. “I-Ikaw pala iyan, Enao. B-Bisita mo pala itong si Pogi,” sambit ng patpating lalaki saka ito napakamot ng ulo. “Oo, bisita ko. Kayo ha, porkit may bago rito nangingikil na naman kayo. Mga wala na naman siguro kayong pangsinghot ng katol niyo!” Napangiti siya. Isang sigaw lang pala nito, takot na ang mga tambay dito. Nice! Pinagmasdan lang niya ito habang nakikipagbardagulan pa ito sa tambay at wala siyang balak pigilan ito. “Enao naman. Inaano nga namin si Pogi para makapag-park siya,” dahilan ng isa pa. “Gusto niyo ng sabunot?" Bumaling ito sa kaniya. “Tara na nga, Pogi.” Nagulat siyang hinawakan nito ang kamay niya. Subalit nang ma-realize nitong kamay pala niya ang hinawakan nito, agad itong bumitaw. “S-Sorry. Akala ko kasi pinto ng sasakyan. Tara na at baka kung ano pa ang gawin ng mga iyan.” “Okay.” Tumingin pa siya paligid saka niya tinulungan itong ipasok ang mga gamit nito. Maya-maya lang ay lumayo na agad sila sa kinaroroonan nila upang hindi na magkainitan pa. Pakiramdam niya, iba ang tingin ng mga tambay sa kaniya. Sino ba naman ang hindi kung ang dala niya ay isang black porsche. “Hindi ka ba inaano ng mga tambay? Pasensiya ka na sa mga tao sa amin, alam mo naman sila. Makakita lang ng mukhang mayaman at kung ano-ano ang nasa isip. Palibhasa kasi ang mga iyon, kulang sa aruga. Ayaw kasing maghanap ng trabaho at gusto lang hayahay,” paliwanag nito. “Sorry talaga, Kaiser. Dapat pala hindi na lang ako nagpasundo. Kakaloka itong mga kapitbahay ko. Mga paltak sila!” “What’s paltak?” he asked with curiosity. “Ha? Ah, w-wala. Expression lang iyon.” “Ah.. I'm okay, Jhen. Don't worry about me. Ang tapang mo pala.” “Wala iyon. Takot lang naman ang mga iyon kapag nasigawan ko na. Sa tagal ko ba naman na nakatira doon, hindi naman din nila ako ginagawan ng kung ano-ano. Black porsche ba naman kasi itong dala mo.” “What do you want me to bring?” “Kabayo,” sambit nito sabay ngiti. “A knight in shining armor, huh?” “Sort of. Kaya lang iyong shining in armor ko, ako pa yata ang nagtanggol sa kaniya.” “Kaya ko silang ibalibag,” biro niya. “Oh? Sige pagbalik natin.” He chuckles. Nagsimula na naman kumulay ang gabi niya sa tuwing nakakarinig ng mga jokes mula rito. Isang babaeng kalog ang turing niya kay Jhen kaya naman aliw na aliw siya sa presensiya nito. Kahit hanggang condo niya, hindi pa rin ito nauubusan ng kwento. “Kaiser, baka nakakaabala ako sa iyo rito, ha. Ayos lang naman ako at maaari akong umalis,” wika nito saka nito inilagay ang gamit sa center table ng sofa niya. “I called you and asked you to be here. No worries, Jhen. Ako nga itong dapat humihingi ng pasensiya at baka nakaabala ako.” “Ayos lang. Sabi ko sa iyo at naka-work from home ako. By the way, saan ako pwedeng pumuwesto para dito sa laptop ko at sa pen tab ko?” “Uhm, you can use my study room or any place here. You can use everything here,” he said. Ngumiti ito. “Ang bait mo palang kaibigan. Shene all.” “Mabait ako kapag tulog. Do you want to eat something?” Naglakad siya patungo sa kitchen niya. “Busog pa ako,” sigaw nito. “Drinks?” “Kahit ano basta huwag lang alak!” Kumuha siya ng maiinom niya sa refrigerator niya. Isang beer at isang four season. First time niyang magkaroon ng full time bisita sa kaniyang unit kaya naninibago siya. Pagbalik niya, nakapuwesto na agad ito sa isang sulok kung saan malapit sa balcony. Sa puwestong iyon, kitang-kita ang buong BGC. “Here.” “Thanks.” Kinuha naman nito ang four season sa kaniya. “Ang ganda ng puwesto mo rito, alam mo ba?” Umupo siya sa arm rest ng sofa saka uminom ng beer na kakabukas lang niya. “Yeah. Madalas akong nakatambay diyan habang nakamasid sa kalangitan. And sometimes, I do star gazing at night. Lalo na kapag maliwanag ang kalangitan.” “Curious lang ako, sigurado ka bang wala kang girlfriend? Baka sumugod dito at sabunutan ako. Naku, pumapatol pa naman ako.” “Mukha nga.” “So, mayroon nga?” He stared at her. Isang tingin na may kahulugan ngunit isang ngiti lang ang pinakawalan niya. “As I said, I don't have. Kung meron man, hindi kita papupuntahin dito.” Bumaling siya sa kabilang table na may nakapatong na folder. Iyon ang tinitingnan niya kanina. Kinuha niya iyon saka iniabot kay Jhen. “Here. Take a look. I want your insights about that.” Kinuha naman nito agad ang iniabot niya at binuksan. “Designs ito, ah. So, totoong architect ka nga.” He nodded. “Wow. Pangarap ko rin ang maging architect.” Naglakad ito upang umupo sa sofa malapit sa kaniya. “Hmm. Okay ako sa designs. Kaya lang tingin ko may kulang.” “Ako ba ang kulang?” Binigyan niya ito ng isang tingin na alam niyang iiwas ito. “Oo, ikaw ang kulang—este hindi! I mean…iyong designs mo, masyadong malungkot. Siguro lagyan dito tapos dito.” Turo nito sa design na hawak. “Hmm. I guess so. Will you revise it for me?” “Huh?” “I’ll pay. Actually, ilalagay ko iyan dito sa loob ng penthouse ko.” “Oh. Sabagay, wala rin akong nakikitang designs dito.” Napatingin ito sa wall niya. “May kulang pa ba?” Umayos siya at tumabi rito habang hindi pa ito nakasulyap sa kaniya. “Mukhang mas may taste ka kaysa sa akin.” Bigla itong napatingin sa kaniya kaya lang halos magkalapit na ang kanilang mukha. He stared at her eyes and then down to her lips. But he’s trying to suppress what he wanted to try since was trusting him. Ayaw niyang masira ang tiwala nito sa kaniya lalo na at silang dalawa lang ang naroon. Umiyas ito at napahimas sa noo. “Uhm, this is your expertise, Kaiser. Mas magaling ka kaysa sa akin at ang alam ko lang naman sa designs ay hindi pro.” Ibinigay nito sa kaniya ang hawak na mga papel. “Magtatrabaho muna ako at baka bukas masesante na ako nang wala sa oras.” Tumayo na rin ito at lumapir sa table kung saan ito nakapuwesto. He smirked. “Do you want to work with me?” he offered. “Work? Sa iyo? Part-time o full-time?” “Both. I mean, it’s up to you. As I said, I’ll pay you.” Natawa ito. “Pag-iisipan ko.” “Okay. If you need anything, nasa kabila lang ako at manonood ng movies.” “Sige.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD