Chapter 3

2234 Words
“Feel free at home,” he said. Inilibot niya ang paningin sa malawak na penthouse nito at isa lang ang napuna niya, wala itong wall decorations. Wala man lang nakasabit ng painting sa wall nito o kahit family picture. Habang nasa kotse sila kanina, nag-iisip na rin siya kung saan niya nakita ang lalaki. “Ikaw si…si Kaiser Philip Ayala?” Napatigil ito sa paglalakad saka ito bumaling sa kaniya. “I’ll get you some clothes.” Hindi siya nito sinagot bagkus ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad at pumasok sa isang pinto. Hindi siya maaaring magkamali at ilang beses na niyang nakikita ito sa TV at newspaper. Ang pamilya lang naman nito ang nag-iisang taga-supply ng gasolina at krudo sa buong Pilipinas. Though it has other companies but they are in the top list. “Here.” Napatingin siya sa inabot nitong damit sa kaniya pagkabalik nito. “Iyan lang ang mapapahiram ko sa iyo since I am alone here.” Kinuha niya ito. “It’s okay. Pwede na rin ito.” “Uhm, tara sa kwarto ko para makapagbihis ka na.” Sumunod na lang siya rito. Sa totoo lang, kanina pa siya hindi makahinga. Isang bilyonaryo ba naman ang kaharap niya at naroon siya sa condo unit nito. Kanina pa siya pinagpapawisan ng malamig at sa hindi inaasahan, magkakaroon pa siya ng chance na makapasok sa kwarto nito. Hingang malalim lang, Jhen. Kaya mo iyan, Dai! “Nasa kanan ang bathroom, and I will wait for you in the kitchen. I ordered our food.” “Okay.” Sabay tumango lang siya. “Do you need anything else?” “Ikaw! I-I mean⸻nothing. Thanks for this.” Impakta talaga ako. Bakit ko ba nabanggit iyon? Bahagya itong ngumiti sa kaniya. “Hindi ako pwede unless…” Napalunok siya at hinintay niya ang sasabihin nito. Unless what? “Magbihis ka na.” Isang malalim na tingin ang ginawa nito saka ito tumalikod na. Nakahinga siya nang maluwag. “My god! Anong ginagawa ko?!” Nagmamadali siyang pumasok ng banyo upang makapagpalit ng damit. Lumabas siya ng kwarto nito at tinungo ang kitchen. Abala na si Kaiser sa pag-aayos ng pagkain sa mesa saka niya ito nilapitan. Nakapagbihis na rin ito na hindi man lang niya napuna o marahil nasa loob siya ng banyo nito. Ini-angat pa niya ang manggas ng t-shirt na pinahiram nito dahil maluwang sa kaniya. “Maupo ka at kumain muna tayo. I’m starving.” “H-Hindi ka ba nakakain kanina sa party?” Iniurong niya ang upuan saka siya umupo katapat nito. She needs to feel herself at home and despite of being intimidated to him, she’s trying to suppress it. “Not so. May umagaw ng lumpia ko.” Napangiti siya. “Madami namang natira na lumpia roon kung gugustuhin mo.” “Mas gusto ko iyong lumpia mo.” “Ha? Iyong lumpia ko talaga ang gusto mo?” “I mean⸻iyong pagkain na lumpia na inagaw mo.” “Hindi ko naman inagaw iyon. You gave it to me, right?” Akala ko kung anong lumpia ang gusto mo. “Silly. Kumain ka na lang para makagpahinga ka na.” Inumpisahan na rin niyang kumain sa inihanda nito. Kahit ang pagkain nito ay bantay-sarado niya. Nahahalata niyang mayaman talaga na pati paggamit ng tamang mga utensils ay sinusunod nito samanatalang siya mandirigma kung kumain. But this time, demure naman siya para naman hindi halata nitong nasasarapan siya sa pagkain. “Gaano mo na pala kakilala sina Zack at Raven?” basag niyang tanong dito. Kanina pa sila nagpapakiramdamang dalawa at naghihintay kung sino ang unang magsasalita. “Matagal na. And you? How long have you known, Zairah?” “Three years. We are in the same company.” “So, you’re an artist too?” She nodded. “Senior cartoonist sa department namin. Kumakanta rin ako kapag may occasion at madalas sa mga namamatayan,” kwento niya kahit hindi naman nito tinatanong. Nagulat ito. “What? Kumakanta ka sa patay?” “Oo. Marangal naman na trabaho iyon at raket ko iyon kapag wala akong pasok. At least, kapag kumanta na ako, naririnig pa rin nila ang mala-anghel kung boses papuntang langit.” Napailing ito saka muling ngumiti. “I thought hindi nangyayari ang ganoon.” “Mayaman ka kasi kaya hindi mo alam. Kami kasing mahihirap, marami kaming alam na hindi niyo alam.” “Like what?” Sumandal ito sa upuan habang nakikinig sa kaniya. “Kumakain kami ng pagkain na sa tingin niyo ay exotic para sa inyo. Katulad ng balut, street food, pritong palaka, pritong ibon, buwaya at marami pang iba.” Hindi niya alam kung bakit napapakwento siya rito na hindi naman dapat. Lumabas tuloy ang pagiging madaldal niya rito. “Exotic food nga. Have you tried to eat them?” “Yes. Do you want to try it? Marami akong alam na kainan kaya lang huwag na rin. Baka lagnatin ka lang at sa ospital pa ang bagsak mo. Baka hindi tanggapin ng tiyan mo ang pagkaing tinutukoy ko kasalanan ko pa.” Napupuna niyang lagi itong napapangiti sa mga sinasabi niya kaya tuloy ginanahan pa siyang kumain at magkwento. Nakaramdam nga talaga siya ng feel free at home sa presensiya nito. “I guess masaya kang kasama,” puna nito. “As they said, oo. Marunong lang akong pasayahin ang iba pero hindi ko kayang pasayahin ang sarili ko. Ang chararat naman na pinapatawa ko ang sarili ko, ‘di ba? Mukha na akong timang noon.” “What’s chararat and timang? Sorry. I’m just curious about those words.” “Ah.. Chararat means pangit. Timang means baliw sounds like that.” “I see. Ubusin mo na ang pagkain para makapagpahinga ka na.” Napapangiti siya sa sarili niya. Mukhang maraming kabaklaan ang matutunan sa akin ang isang ito. He’s interested, huh! Tinapos na niya ang pagkain niya, Tinulungan din niya itong magligpit ng kanilang pinagkainan. “Sa sala na ako matutulog at dito ka na. Are you okay here?” “Ayos lang ako rito pero paano ka? Are you sure na makakatulog ka sa sala? Ako na lang sa sala at ikaw na lang dito sa kama mo. Sanay naman ako kahit sa papag lang ako matulog.” “No. I won’t let you sleep at the sofa. May extra bed naman ako na pwede kong gamitin.” “Eh, ‘di dito ka na lang din matulog. I mean…okay lang talaga sa akin. Sanay ako.” “Sanay in what way?” “Sanay akong may katabing matulog before.” “Lalaki?” Tumango siya. “Bakla nga lang. Friends, of course.” “And then I am not a gay. Okay. Ilalatag ko lang iyong extra bed at dito na ako matutulog.” “Keribels.” Hindi ka nga bakla pero kapag makita ka ng bakla pulutan ka, Dong! Napangiti na naman ito sa kaniya. Mukhang naaliw na ito sa presensiya niya na kahit noon lang sila nagkita at nagkasama sa iisang kwarto. Sanay naman talaga siya na kahit mga kaibigan niyang bakla ay katabi na niya sa kama. Kahit noon pa man talaga, sanay na siyang makisama. Well, hindi lang iyon. May isang bagay na itinago niya kaya at ease lang siyang makasama sa kwarto ay lalaki. “Kaiser, tulog ka na?” “Hmm. Hindi pa. Why?” “Hindi mo pa kasi sinasagot ang tanong ko kanina. Are you Kaiser Philip Ayala?” inulit niya ang tanong dito. Katahimikan na naman ang namayani sa pagitan nila. Nahiya naman siyang namimilit na itanong dito kung ito nga ba ang tinutukoy niya. Nais lang naman niyang makasiguro at baka sugurin siya ng girlfriend nito. Ayaw pa naman niyang napapahiya siya at baka manabunot siya ng wala sa oras. “Yes,” mahina nitong tugon. “Matulog ka na, Jamila. (Beautiful)” Huh? Sinong Jamila? “Jhen ang pangalan ko at hindi si Jamila.” “I know.” Siguro pangalan iyon ng girlfriend niya. Bahala ka nga at matutulog na ako. Kaya lang ay hindi rin siya agad nakatulog since may kasama siyang tunay na lalaki sa kwartong iyon. Iba rin pala sa tingin niya kapag isang estranghero ang nakasama niya sa hindi inaasahang pagkakataon. It seems that she knocked his door and opened it for some reason. Hindi niya alam kung good reason or not basta mabuti naman siyang taong pumasok sa buhay nito. AFTER that night, hindi na nawala sa isipan niya ang binatang Ayala. Mas lalo pa silang nagkakausap nang madalas itong dumalaw sa bahay nina Zack at siya naman para kay Zairah. Hindi rin nila iniwan ang mag-asawa hanggang sa maka-recover ang mga ito sa kinakaharap nitong mga problema. Nalaman niyang nagtatrabaho nga si Kaiser kay Zack ngunit hindi na nito idinetalye kung bakit. Ang alam niya na may pinamamahalaan itong kompanya pero wala rin siyang balak na tanungin pa ito at masyado na rin personal. Nang ikasal sina Zairah at Zack, siya ang wedding singer ng dalawa. Isa rin siya sa mga ninang ng dalawang kambal nitong mga anak na sina Zevi at Zero. Nakapagpasalamat na rin sa kaniya si Raven at nag-insist pa itong bayaran siya pero tumanggi naman siya. Hindi naman basta pera-pera na lang ang labanan para makatulong sa kapwa kaya tinanggihan niya ito. Sa ngayon, nakilala na niya ang lahat ng mga kaibigan ng asawa ni Zairah na madalas din niyang nakakasalamuha. Pakiwari niya, napakaswerte niyang may kaibigan siyang mayayaman katulad ng mga ito. They are down to earth people and accept her as their friends too. “Hoy!” “Ay, kabayong bakla!” Nagulat siya nang hampasin ng ka-opisina niya ang table niya. “Hoy, bakit ka nanggugulat? Gusto mo ng sabunot? Baklang ito!” “Bakla ako at hindi ako kabayo. Bruhang ito. Kanina ka pa tulala riyan sa table mo at mukhang hindi mo pa natatapos e-lay out lahat ng nasa computer mo, Dai. Lutang ka, gurl? Hmm. May problema ka ba? Ano iyan at sabihin mo na sa tita,” wika ng kaibigan niyang baklang si Arvi. “May iniisip kasi ako.” Hinila nito ang upuan at umupo. “Hulaan ko. Lalaki itetch?” Nagkunwari pa siyang itago ang isang papel na kanina pa niya ini-sketch. “H-Hindi naman.” “Ano iyan, huh?” “W-Wala ito.” Pilit niyang inilayo ang papel. “Anong wala? Akin na!” Sabay inagaw talaga nito ang papel mula sa kaniya. “Hoy, bakla! Huwag mong itaas at baka makita nila.” “Ay! Chopopo! Sino ang mystery guy na ito? Mukhang Dakota Harrison Plaza itetch!” “Hoy! Huwag kang maingay at baka marinig ka ni Sir John. Akin na nga iyan.” Inagaw niya rito ang papel. “Wala ito.” “Wala pero reference mo? Dai, magsabi ka nga, naka-momol mo iyan?” “Hindi, ah. Friends lang kami nito. Kaibigan ito ng asawa ni Zairah at nakikita ko lang madalas sa bahay nila o kaya sa okasyon na isinasama niya ako,” paliwanag naman niya. “Parang familiar ang mukha. Hmm. Saan ko nga ba ito nakita?” “Si Kaiser Philip Ayala iyan,” pagtatama niya sa iniisip nito. Ayaw niyang mag-isip pa ito kung sino ang lalaking nasa papel niya. Open naman siya sa mga kaibigan niya kaya lang hindi gaano at iyong detalye lang na hindi siya maaaring pagtsismisan ng mga ito. “Bongga! Kilala mo ang lalaking may gintong kutsara sa bibig na iyon? Habulin kaya siya ng mga girlie rodis! Naku, kung ako sa iyo, patusin mo na iyan. Kung isama ka sa kwarto mag-ala Darna ka na! Sa tingin ko daks iyan, Dai! Wala naman masama kung titikman niyo lang ang isa’t isa!” “Gaga! Hindi ako papatulan niyan at alam ko ang kalidad ng mga babaeng humahabol diyan. Iyong mga tipong sexy at sopistikada. Isa lang akong hamak na baklang katulad mo!” Napameywang ito. “Jusmiyo, Dai! Bukod kay Zairah, ikaw ang isa sa mga hinahangaan kong ganda rito. Beauty queen kaya ang dating mo kung mag-ayos ka lang at kaunting paligo pa lamang ka na.” “Parang sinabi mo namang hindi ako naliligo. Bruha ka! Anyway, reference ko lang naman siya. Wala naman akong plano na mag-jowa dahil alam mo naman na marami akong pinapakain sa probinsiya.” “At kailan ka pa haharot, aber? Kapag uugod-ugod ka na at hindi na kaya ng kepyas mo na tanggapin si Thor? Ganern?” Humarap ito sa kaniya. “Go for it, Dai. Kung ako lang na may gandang ganyan, rampa na itetch. Sa panahon ngayon, pili na lang ang matino at kung may chance ka, grab mo na. May mga lalaki pa naman na performance level ang hanap sa mga girls. Kaya nga ako todo perform ang tita mo!” “Sumakit ang ulo ko sa iyo, Dai. Tsupi ka na nga at para makapagtrabaho na ako.” “Oh, sige. Ibibigay ko lang itong hinihintay ni Sir John at makapagtrabaho na rin. Babush!” Tumayo na ito at umalis na sa tabi niya. Napapailing na lang siya kay Arvi. Mula nang umalis si Zairah sa kompanya nila, ito na ang nakakaututang dila niya. Masayahin at prangka magsalita ito sa kaniya kaya niya ito nagustuhan. Mabait din ito sa mabait at nagki-click ang ugali nila bilang mga bakla ng taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD