Chapter 2

1852 Words
“Oh, my gee!” Halos naririnig ng buong Topys Place Building ang boses niya nang mapasigaw siya at malaman niya mula kay Zairah na ikakasal na ito sa isang bilyonaryo. “Dai, ang swerte mo naman sa lalaking ito! Tama lang talaga na tanggapin mo ang alok niyang kasal para naman diyan sa anghel sa tiyan mo. Hay, naiinggit tuloy ako. Kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend na may apat na M.” “Anong apat na M?” curious na tanong sa kaniya ni Zairah. “Mayamang matandang madaling mamatay?” “Gaga! Hindi iyon! Mayamang macho na masarap magmahal! Ganern! Bruhang ito gusto pa yatang iburo ako sa matanda. Ano nga ulit ang pangalan ng mapapangasawa mo?” Natawa ito sa biro niya. “Akala ko naman kung ano. Zack ang pangalan niya. Zack Villa Acosta.” Napangiwi siya. “Hmm. Zack na naman.” Inilagay niya ang mga braso sa kaniyang dibdib. “Naalala mo na naman ang ex-boyfriend mo. Move on na girl, ano ka ba?” “Move on na ako, ‘no? Anyway, wala pala akong damit na maisusuot nito sa engagement party mo. I’m sure mga mayayaman ang dadalo rito dahil sabi mo nga mayaman iyong jowabels mo.” “Ako ang bahala basta ipapasundo na lang kita rito. Oh, siya at baka naiinip na ang jowabels ko. Naghihintay na siya sa kotse at talagang idinaan ko lang itong invitation ko para sa iyo.” “Congrats, Zairah. I’m so happy for you.” “Thank you, Jhen.” Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. “Malaki ang utang na loob ko sa iyo at sa pagpapatira mo sa akin sa bahay mo.” “Wala iyon. Magkaibigan naman tayo at sino pa ang magtutulungan kung hindi tayong dalawa lang din.” Humiwalay din siya sa pagkakayakap nito. “Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka.” “Sure!” Isang masayang ngiti pa ang binitawan nila sa isa’t isa saka ito tumalikod na at naglakad papalayo sa kaniya. Napapabuntong hininga na lamang siya nang sa wakas ay natagpuan na rin ng kaibigan niya ang taong itinakda para dito. Samantalang siya, hopeless romantic pa rin. Mula nang magkaroon siya ng kasawian sa pag-ibig kay Zackary, hindi na niya pinasok ang pagkakaroon ng relasyon sa opposite s*x. Mas naka-focus na siya ngayon sa trabaho niya at para na rin makaipon. Siya na lamang ang naiwan sa Maynila samantalang ang mga kapatid niya ay nasa Pangasinan na. Wala na rin siyang mga magulang at panganay siya sa mga apat na magkakapatid. May kaniya-kaniya na rin pamilya ang mga kapatid niya at siya na itong napag-iiwanan. Well, hindi naman sa napag-iiwanan. Choice niya ang hindi muna sumabak sa mga relasyon dahil alam niya sa sarili niyang may responsibilidad na siya. INILIBOT niya ang paningin niya sa malawak at magarang kapaligiran sa bahay ng mga Villa Acosta. Naroon siya upang dumalo sa engagement party ng kaibigan niyang si Zairah. Nakausap na niya ito kanina nang magpakita na ito sa kanila kasama ang asawa nito. Zairah helped her to have her own evening dress. Hindi tuloy halatang sagigilid lamang siya sa mga bisita nila na alam naman niyang mga bigatin talaga. Wala siyang kilala sa mga ito kaya naman off talaga siyang makihalubilo. She walked through the buffet area to have some drinks and food. Nakigaya naman siya sa mga tao roon na kumukuha rin ng food. Dahil diet siya, mga ulam at desserts lang ang nilantakan niya. Kukuha na sana siya ng lumpiang shanghai nang may sumabay sa kaniyang kunin rin ang kinukuha niya. Sabay nilang naipit ng hawak nilang tong ang isang lumpia saka sila nagkatinginan. “Sorry.” Bahagya siyang natulala nang isang gwapong lalaki ang nakiagaw sa lumpia na dapat sanay ay sa kaniya. “S-Sorry.” Saka niya binitawan ang lumpia. “Ikaw na muna, Sir.” Hindi naman siguro nagkakaubusan ng lumpia sa handang ito, ‘di ba? My god! Nakikipag-agawan pa talaga ako. “Ladies first,” he said. “It’s okay, Sir. H-Hindi pa naman ako nagugutom.” Sheyt! Ang gwapo naman ng isang ‘ito. He smiled. He took the shanghai using the tong again and put it to her plate. Nakaramdam tuloy siya ng hiya sa sarili niya dahil ito pa ang kumuha para sa kaniya. “Thank you,” sambit niya. “You’re welcome. Enjoy your food.” Para bang isang musika ang mga salitang iyon sa kaniya. It was the sweetest voice she heard on her entire life. After that, humanap na agad siya ng kaniyang puwesto. Pagkaupo niya, hinanap agad ng kaniyang mga mata ang lalake ngunit nahagilap niya ito sa sulok kung saan may kasama na itong mga kalalakihan din. When he turned to her, their eyes meet. Isang ngiti na naman ang pinakawalan nito sa kaniya at siya naman na nabigla, napayuko agad. Nagkunwari siyang inabala na niya ang kaniyang pagkain. Anak ng kamote! Bakit napaka-intimidating ang mga tingin ng lalaking ito? But he looks familiar to me. Saan ko ba siya nakita? Kumain na lang siya at nag-enjoy sa masasarap na pagkain. Subalit hindi na siya tumungo pa sa buffet area dahil pakiramdam niya may nakatingin sa kaniya. Zack took the attention of everyone when he announce about the engagement. They showed their great smile as they witness of how they fell in love to each other. Naramdaman niyang walang pagsidlan ang kasiyahan sa mga ito lalo na ang kaibigan niya. “Bravo! Bravo! Bravo!” Subalit napatigil sila nang marinig ang boses ng babaeng nagsalita na iyon. Natuon ang kanilang atensiyon dito at siya naman na curious dito ay nakiusyuso rin. Nagsasalita ito sa harapan nina Zairah at Zack at tila may bagay siyang naintindihan sa mga sinabi nito. Nagkapalitan pa ng mga salita sina Zack at babaeng ito na dating ex-girlfriend pala nito. “Well, I am here to give you all of you my sweetest revenge!” wika ng babae. Subalit laking gulat nilang lahat nang maglabas na ito ng baril na nakatago lang. Siya naman na nanginginig sa nakita at mabilis na kinabahan. Nagkagulo na ang lahat nang magsigawan ang ibang mga bisita habang ang iba naman ay alerto para pigilan ang babaeng tila nagwawala na. Siya naman ay pasimpleng lumapit sa direksiyon nina Zairah ngunit bago pa man iyon, isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong paligid. Siya naman na hindi alam ang gagawin subalit nang makita niyang duguan ang binti ni Zairah, agad siyang lumapit. Ang iba naman na nakipag-agawan ng baril sa babae kasama ang magiging asawa nitong si Zack. She was shivering when she saw Zairah has blood on her both legs. Naalala niyang buntis ito at baka makunan nang dahil sa biglaang pangyayari. “Zairah! Zairah!” sigaw niya. Sumulyap lang ito sa kaniya sabay yugyog niya. Zairah was trembling and in pain. Sumigaw ito sa pangalan ng kaniyang asawa. Agad naman na nag-atubiling nilapitan sila ni Zack at kinarga ang kaibigan niya upang dalhin sa ospital. Siya naman na naguguluhan at sinundan ang mga ito hanggang sa labas ng bahay ni Zack. Hindi niya iniwan si Zairah hanggang sa ospital. Kasama rin nilang isinugod sa ospital ang kaibigan ni Zack na si Raven nang madaplisan ito ng bala. Sa daming nawalang dugo dito, sinabi ng doktor na kailangan nito ang blood transfusion. “Type A ako!” sambit niya. “Are you sure?” tanong ng lalaking ito na nakasalamuha niya sa buffet area. Nalaman niyang kaibigan pala ito ni Zack. “O-Oo.” Sinamahan siya nito sa loob hanggang sa makapag-donate siya ng dugo. Kaya lang kailangan nitong iwanan siya para puntahan naman si Zack. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nalilito na siya. She prayed of Zairah’s safety and the baby on her womb. After an hour, lumabas siya sa room kung saan siya kinuhanan ng dugo. Nagtungo agad siya sa emergency room kung saan nakita niya sina Zack at ang lalaking iyon. “Zack!” tawag niya. Nag-angat ng tingin ang dalawa sa kaniya saka siya lumapit sa mga ito. Nangangalay pa ang kamay niya ngunit nakapagpahinga naman siya sa loob. “Have a sit,” alok ng lalaki sa kaniya. Siya naman na umupo sa tabi nito at nakikiramdam sa dalawa. Batid niya na naroon pa rin ang tensiyon ng mga ito sa nangyari. Naghintay pa sila ng ilang oras doon at lumabas din ang doktor sa emergency room. “I’m sorry, Mr. Villa Acosta. We did our best to save the baby, but she had a miscarriage. Nag-nervous breakdown ang fiancée mo at hindi na kumapit ang baby,” saad ng doktor sa kanila. “I’m sorry.” “Damn!” Napasuntok sa pader si Zack. Siya naman na napatutop ang bibig sa nangyari at napaluha. Inaasahan ng kaibigan niya ang baby nila ni Zack at pati siya ay saksi sa pagmamahalan ng dalawa. Zairah! Alam niyang hindi basta-basta ang mawalan ng sanggol sa sinapupunan at alam niyang hindi ito madali para sa kaibigan niya. “Ihahatid na kita,” wika ng lalaki sa kaniya pagkatapos. “Huh? H-Hindi. Babantayan ko pa si Zairah at sasamahan si Zack dito,” tugon niya. “Zack told me na kailangan na kitang ihatid sa bahay niyo.” “But how about Zack? Kailangan din niyang may kasalitan dito at⸻” “Don’t worry about that. Pupunta rito ang mga kasambahay niya para may magbantay kay Zairah. You need to take a rest for a while. Look at you; you need to change your clothes.” Napatingin siya sa damit niyang may mantsa ng dugo. “Okay, sige.” “You can trust me. By the way, I’m Kaiser, and you are…” “Jhen,” tugon niya. Sumama na siya rito para ihatid sa kanilang bahay. Habang nasa daan sila, nakatingin lang siya sa labas. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya sa sinapit ng kaniyang kaibigan. Mas lalo siya nitong kailangan sa tabi nito. Habang nagmamasid siya ay napuna niyang hindi iyon ang papunta sa kanilang bahay. Sinulyapan niya ito. “Wait. Hindi ito iyong papunta sa amin.” “Yes. We are going to my place at BGC.” “BGC? B-Bakit?” nagtaka siya. “Nakita mo iyong pulis na kasama namin kanina? He’s Rendell Dela Vega. He’s investigating the latter situation and he told us to keep everyone safe including you.” “Pati ako?” “Yes. Ex-girlfriend ni Zack ang bumaril kay Raven at gusto nitong maghigante. Since you are Zairah’s friend, I need to keep you away from danger. May kasabwat pa si Lara at baka isa ka sa mga babalikan nila. As I said earlier, you can trust me. Kailangan din nating bumalik sa ospital bukas para sa dalawa at sa kaibigan kong si Raven.” Napamaang na lang siya sa narinig mula rito. Sasama siya ngayon sa lalaking ngayon lang niya nakilala at hindi niya alam kung maniniwala siya rito. Subalit wala naman siyang nakikita o nararamdaman na may gagawin itong masama sa kaniya. Sino ba naman siya para gawan nito na hindi niya gusto?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD