“ALAM niyo ayos lang naman sa’kin na gusto niyong malaman kung anong nangyari sakin sa loob ng maraming taon pero…” agad sinamaan ni Marlon ng tingin ang mga kaibigan nakikipagsiksikan sa loob ng sala ng kanyang ama. “Bakit kailangan na nandito pa kayo?” asar niyang lingon sa mga kaibigan. Akala pa man din niya ay mananahimik ang mga ito sa labas at aantayin niya, pero bakit nga ba siya nagtataka? Sa pinakamataas kasi na floor ng kanilang pack house doon nakatira ang Alpha family parang isa iyong malaking condo unit one of the perks of being an Alpha. Pero oras na maging Alpha ang mga anak nito usually ay lumilipat ng bahay ang dating Alpha pero hindi naman kalayuan ang pinaglilipatan ng mga ito. “Baka kasi kung anong sabihin mo sa kanila Alpha masira ang pangalan namin kay Luna Crist

