LESSON 03- Re-enactment

1503 Words
KINAKABAHAN man si Fely ay tumayo siya upang pumunta sa girl's locker room kung saan patuloy ang pagpatay-sindi ng ilaw. Bilang tao na natitira sa school area ay obligasyon niyang tingnan kung ano iyon. Mamaya, may magnanakaw na palang nakapasok sa school. Hindi nakasarado ang pinto ng locker room. Pagpasok niya doon ay nakita niya sina Portia at ang tatlong kasamahan pa nito. Pinapatay-buhay pala ni Portia ang switch ng ilaw! Kahit papaano ay nakaramdam siya ng relief nang malaman na hindi pala isang multo ang may kagagawan noon. "Stop it, Portia!" saway niya dahil patuloy ito sa ginagawa. Ngunit hindi siya sinunod nito kaya nilapitan na niya ito at inalis ang kamay nito sa switch ng ilaw. "Hindi ka ba talaga mapagsabihan?! Ke bago-bago ko pa lang dito pero puro sakit na ng ulo ang binibigay niyo sa akin!" Humalukipkip si Portia. "Ikaw ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa sarili mo, Teacher Fely. Kung hindi mo kami kinakalaban, then hindi namin ito gagawin sa'yo!" "Magpasalamat ka at hindi ako nagsumbong sa guidance dahil naaawa pa ako sa inyo. Pero oras na mahuli ko pa kayong naninigarilyo, hindi lang sa guidance ako magsusumbong kundi pati sa mga magulang niyo!" "Then do it!" halos lamunin na siya ng mga salita ni Portia. Hindi bagay sa edad nito ang kilos at pagsasalita nito. Napaka-walang galang. "Kahit na ilang beses mo kaming mahuli at kahit ilang beses kang magsumbong, wala pa ring mangyayari! I am telling you, Teacher Fely...This will not be easy for you! Wait, natakot ka ba sa ilaw?" at tumawa pa ito. "Sinadya niyo iyon para takutin ako?" naniningkit ang mga mata niya. "Oo! Sinadya namin iyon para makaramdam ka ng takot," lumapit sa kanya si Portia at nakipagtitigan ito sa kanya. "Ano, magsusumbong ka ba?" ngumisi ito. Bago umalis ang mga ito ay binundol pa ni Portia ang braso niya ng balikat nito dahilan para bahagya siyang mapaatras. Hindi na lang siya nagsalita dahil walang laban ang salita niya dito. Hindi yata marunong magalit ang mga ito lalo na si Portia. Palibhasa may kapangyarihan ito na gawin ang lahat sa eskwelahang ito. Pinalipas muna ni Fely ang ilang minuto bago siya magdesisyon na umalis sa lugar na iyon ngunit hindi pa man niya nararating ang pintuan nang muling magpatay-buhay ang ilaw sa locker room! Tumaas ang balahibo niya sa kanyang braso nang makaramdam siya ng isang malamig na hangin na dumaan sa kanya. Nagpapatay-sindi ang ilaw kahit walang gumagalaw ng switch! Narinig ni Fely ang pagbukas ng shower sa shower area na nasa dulong bahagi ng locker room. Muli ay nakaramdam siya ng takot ngunit agad niya iyong pinaglabanan. "Sinong nandiyan? May tao ba diyan?" lakas-loob na tanong niya sa kung sino man ang nasa shower room. Eksaktong ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa upang tingnan kung sino ang nasa shower room nang tumigil din ang paglagaslas ng tubig doon. Dinig niya ang pagpihit ng gripo. Katahimikan. May mga yabag ng paa na papalabas ng shower room at bumukas ang pinto noon. Nanlaki ang mga mata niya nang mula sa shower room ay lumabas ang kapatid niyang si Ruvina! Basa ang buhok nito at suot ang school uniform. "R-ruvina..." tawag niya dito ngunit tila hindi siya nito nakikita. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Tila lahat ng parte ng kanyang katawan ay naparalisado at hindi siya makagalaw! Wala siyang magawa kundi panoorin ang ginagawa ng kanyang kapatid. Buhay na buhay ito sa kanyang paningin habang pinupunasan nito ng tuwalya ang basa nitong buhok. Matapos matuyo ang buhok at magsuklay ay naghanda na paalis si Ruvina. Habang may tinitingnan ito sa locker nito ay isang gurong lalaki ang pumasok sa locker room. Sa tantiya niya ay nasa mid-40's na ito. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Ruvina nang makita ang lalaki. "Sir Gomez! A-ano pong ginagawa niyo dito?" bahagya pang napaatras si Ruvina. Nakangising sumagot iyong tinawag ni Ruvina na Sir Gomez. Papalapit ito sa kanyang kapatid. "Amoy na amoy ko ang bango mo sa faculty room, Ruvina! Napakabango. Naligo ka ba para sa akin?" "Uuwi na po ako, sir. Hinahanap na ako ng mama ko," nagmamadaling inihakbang ni Ruvina ang mga paa ngunit hindi pa ito ganoong nakakalampas kay Sir Gomez nang hablutin ng huli sa buhok ang kanyang kapatid. "Aray ko, sir... M-masakit po!" igik ni Ruvina. "Ruvina!" dahil sa nakita ay napasigaw si Fely. Mukhang may hindi magandang binabalak si Sir Gomez sa kanyang kapatid! Inamoy ni Sir Gomez ang buhok ni Ruvina. "Napakabango mo Ruvina... Napakasariwa!" "S-sir, maawa po kayo. Huwag po..." kita ang takot sa mukha ni Ruvina. Inamoy-amoy ni Sir Gomez sa leeg ito at sinapo ang kaliwang dibdib nito at dahil doon ay pumalag na si Ruvina. Malakas nitong sinampal si Sir Gomez at tumakbo palabas ng locker room. Hinabol naman ng lalaking guro ito. Sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin magawang makagalaw ni Fely. Wala siyang magawa kundi ang umiyak at isigaw ang pangalan ng kanyang kapatid. Sa wari niya ay ipinapakita ni Ruvina sa kanya ang nangyari dito kung paano ito namatay. Maya-maya ay bumalik na si sina Sir Gomez at Ruvina sa locker room. Hawak ng una sa braso ang huli. Gulo na ang buhok ni Ruvina at may dugo na ito sa gilid ng labi nito. Panay din ang iyak at hagulhol ng kapatid niya. Pabalandrang inihiga ni Sir Gomez si Ruvina sa sahig. "Huwag ka nang manlaban, Ruvina dahil masasaktan ka lang! Ayaw mong masaktan diba?" hinimas-himas pa nito ang pisngi ni Ruvina. Umiiyak naman na sumagot ito. "O-opo..." Pagkasabi noon ni Ruvina ay ipinikit na ni Fely ang kanyang mga mata dahil alam niyang hindi na niya kakayanin ang mga susunod na makikita. Ngunit kahit nakapikit siya ay dinig naman niya ang pagpunit ng mga tela. Dinig niya ang pag-iyak, paghingi ng saklolo at pagmamakaawa ni Ruvina. At dinig din niya ang pagtawa at pag-ungol na parang demonyo ni Sir Gomez. Halos limang minuto din siyang nakapikit at nang makadinig siya ng mahabang katahimikan ay iminulat na niya ang kanyang mga mata. Tanging si Ruvina na lang ang nasa locker room. Hubo't-hubad ito at maraming pasa sa katawan. Hirapan na gumapang si Ruvina para abutin ang bag nito at mula roon ay inilabas nito ang cellphone nito. "Hello, ate. Tulungan mo ako..." ito na iyong tinawagan na siya noon ng kapatid niya. "Tulungan mo ako, papatayin niya ako!" Biglang pumasok si Sir Gomez! May dala itong malaking bato. Mabilis itong lumapit kay Ruvina. "Magsusumbong ka pa, ha! Wag na, mamamatay ka na, eh!" "Sir Gomez, 'wag po..." paupong napaatras si Ruvina. Halos magsalo na ang luha at sipon nito. Pagkalapit ni Sir Gomez kay Ruvina ay sinipa nito sa mukha ang kapatid niya dahilan para tuluyan itong mapahiga. Kita rin ni Fely na nabalian ng ilong si Ruvina dahil sa sipang iyon. Malakas na napasigaw si Fely nang ibagsak ni Sir Gomez ang bato sa ulo ni Ruvina. Hindi pa ito nakuntento at makailang beses pa nitong ipinukpok ang bato sa ulo nito. Ilang sandali pa ay hinila na ng guro sa paa si Ruvina palabas ng locker room. "Saan mo siya dadalhin? Saan mo siya dadalhin?!" umiiyak na tanong niya ngunit hindi ito sumasagot. Para lang siyang nanonood ng telebisyon ng mga oras na iyon. Gusto niyang sundan si Sir Gomez upang makita kung saan nito dadalhin ang bangkay ng kanyang kapatid ngunit nananatiling tila poste siya. Hindi makagalaw. Hanggang sa ang tanging maiwan sa lugar na iyon ay ang duguan at sirang cellphone ni Ruvina at ang bakas ng dugo palabas ng locker room. Biglang namatay ang ilaw at nang mabuhay iyon ay saka lang muling nakagalaw si Fely. Tila tumakbo siya ng ilang kilometro sa kanyang paghingal. Butil-butil din ang pawis niya sa kanyang noo at nanginginig ang buo niyang katawan. Wala na rin ang bakas ng dugo. Tila walang nangyari doon. Talagang ipinakita lang sa kanya ni Ruvina ang nangyari dito. Hindi niya akalain na pinahirapan muna ito ng husto bago ito mamatay. Sayang nga lang at hindi niya nakita kung saan ito dinala ni Sir Gomez. "Sir Gomez..." usal niya. Kahit papaano ay nabuhayan siya ng loob. Ngayon ay kilala na niya kung sino ang pumatay sa stepsister niya. Ang kailangan lang niyang malaman ay kung nasaan ang gurong ito! Nagmamadaling lumabas si Fely ng locker room ngunit agad siyang natigilan ng makakita siya ng taong naglalakad papasok ng gate ng school. May bag pa ito na kulay pula sa likod at nakasuot pa ng school uniform. Tatawagin niya sana ito ngunit hindi na niya ginawa pa. Naisip niya na baka isa ito sa mga multong sinasabi ng kanyang mga co-teachers! Pikit-mata na tinakbo niya ang faculty room para kuhain ang kanyang gamit. Agad niyang sinamsam ang lahat ng kanyang gamit. Hindi niya alam pero parang may humahabol sa kanya kaya siya nagmamadali. Tinatablan na rin siya ng takot! Papalabas na sana siya ng faculty room nang isang babaeng may hawak na palakol ang humarang sa kanya sa pintuan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD