"WOW! So intense!"
Ang boses na iyon ni Portia ang nagpabalik sa kamalayan ni Fely. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig kaya naitulak niya palayo ang sarili kay Patrick na kanina ay kahalikan niya.
"Take some perfect shots, Yvette. That would be an evidence sa kalandian ng Teacher Fely'ng 'yan!" nakapameywang pa na pagpapatuloy ni Portia.
Kumpleto ang grupo nina Portia na nandoon at tila kanina pa nanood sa kanila. Dalawang digital camera ang kumukuha sa kanilang dalawa ni Patrick. Isa ay hawak ni Yvette at ang isa ay hawak naman ni Jade. Panay ang kuha ng mga ito.
Kinuha ni Portia kay Yvette ang hawak nitong camera at lumapit sa kanya. "Pwede niyo bang ulitin ang kissing scene niyo? I want to take a close-up shots," nang-uuyam na sabi nito.
"A-akin na ang camera, Portia..." hindi na niya alam ang kanyang sasabihin o gagawin. Maging si Patrick ay natameme na rin at halatang nalilito na.
Hindi inaasahan ni Fely ang biglang pag-alis ni Patrick. Pipigilan pa sana ito ni Portia pero mabilis itong nakaalis. "Sundan niyo siya! Bring that brute here!" dumadagundong na utos ni Portia.
Mabilis naman na sumunod sina Aldous, Renz at Yvette kay Patrick. Habang sina Lala, Emielyn, Jade at Patricia naman ang naiwan doon.
"Portia, idelete mo ang mga pictures na nasa camera mo," nakikiusap na turan ni Fely.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Hell no! Bakit naman kita susundin? Ngayong may panlaban na kami sa iyo. Alam mo bang naiinis kami sa pagiging pakialamera mo! Now, its payback time!" at malakas itong humalakhak.
"Portia, parang awa mo na..." aniya.
"Did I heard it right? Nagmamakaawa ka, Teacher Fely?"
Mabagal siyang tumango habang nakayuko. Hiyang-hiya na siya ng mga sandaling iyon. Wala siyang ibang dapat sisihin dito kundi si Patrick dahil masyado itong naging mapusok at hindi nakapagpigil.
"Please, Portia. Idelete mo na," naluluha niyang pakiusap.
Nag crossed-arms si Portia at tiningnan siya ng pailalim. "Okey. Hindi naman ako masyadong masama kaya pagbibigyan kita. I'll delete your scandal photos in one condition..."
"A-anong kondisyon iyon?" Wala pa man ay kinakabahan na si Fely sa kondisyong hihingin nito.
"Halikan mo ang paa ko!" deklara nito.
"Portia, kami rin. Pwede bang ipahalik din kay Teacher Fely ang mga paa namin?" singit ni Patricia.
"Baka gusto niyong idamay ko kayo dito?!" bulyaw ni Portia sa mga kaibigan at muli siya nitong kinausap. "Ano na, teacher? You'll kiss my foot or I will keep your kadiring pictures?"
"Oo na! Gagawin ko na ang kondisyon mo," pikit-mata na lamang niyang sagot.
"Very good, Teacher Fely. Now, do it!" anito matapos maghubad ng sapatos.
Nanginginig sa sobrang awa sa sarili si Fely nang lumuhod siya sa harapan ni Portia. Sa totoo lang, wala naman talagang karapatan ang mga ito na gawin sa kanya iyon. Guro siya at estudyante niya ang mga ito. Siya dapat ang sinusunod pero sa kaso nila ay baligtad yata. Wala siyang ideya kung bakit ganoon umasal ang grupo ni Portia lalo na mismo si Portia. Alam niyang hindi lang dahil iyon sa may kapangyarihan ito dahil sa anak ito ng may-ari ng Wellington High School. Sigurado siyang may mas malalim pang dahilan kung bakit ganoon ka-demonyo ang ugali nito.
Hinawakan niya ang paa ni Portia at pikit-matang hinalikan iyon. Inisip na lang niya na kailangan niyang gawin iyon para kay Ruvina. Oras kasi na makita ng head ng school ang litrato nila ni Patrick na magkahalikan ay maaari siyang mapatalsik sa school o kaya ay makasuhan. At kapag nangyari iyon ay hindi na niya mahahanap ang bangkay ng kanyang stepsister. At hindi siya makakapayag na basta-basta na lamang mawala lahat ng pinaghirapan niya. Ipinapangako niya na pagkatapos ng problemang ito niya kina Portia ay mag-po-fucos na siya sa kanyang tunay na misyon kung bakit siya andito.
Tumayo na siya at tiningnan si Portia. "Ngayong nagawa ko na ang gusto mo, i-delete mo na ang mga pictures."
"Sorry, ha. But I just changed my mind!" ani Portia na sinabayan pa ng pagtawa ng mga kaibigan nito.
Nanlaki ang mga mata. "Ano?! Pero may usapan tayo. Sinunod kita kaya sana naman sundin mo din ako!"
"Sinisigawan mo ba ako? Hindi ka ba marunong umintindi? Ipapakita ko sa head ang nakakadiri mong pictures para mapatalsik ka na dito."
"For once, sundin niyo naman ako!"sigaw niya.
Sumabat si Jade. "Hindi ka namin susundin dahil nakakadiri ka!"
Natahimik siya sa sinabi ni Jade. Tatalikod na sana si Portia nang bigla ay hawakan niya ito sa braso. Mahigpit. "Hindi ako makakapayag na mapatalsik niyo ako dito," madiin niyang sabi.
INABOT ni Bridgette ang basahan na nasa gilid ng lababo. Binuksan niya ang gripo at itinapat doon ang basahan. Matapos pigain iyon at patayin ang gripo ay pinunasan niya ang lamesa na pinagkainan nila ni Tiyang Magda.
Maya-maya ay nilapitan siya ni Tiyang Magda at inamoy-amoy ang kanyang buhok. "Sa kabilugan ng buwan, may darating tayong bisita. Gusto kong lutuin mo lahat ng karne natin. Maligo ka at linising mabuti ang iyong katawan! Magpupugay tayong lahat sa tunay nating diyos..."
Umalis na rin ito pagkasabi noon. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Bakit kailangang maglinis siya sa kabilugan ng buwan? At sino ang mga bisitang darating na tinutukoy ni Tiyang Magda?
Napatingin tuloy si Bridgette sa kalendaryo na malapit sa refrigerator.
Kabilugan ng buwan...
June 23, 2013 iyon. Mahigit dalawang linggo mula sa araw na ito. Anong meron sa petsang iyon? Kaarawan ba ni Tiyang Magda? Malalaman niya rin.
"HINDI mo ako mapipigilan, Teacher Fely," bulyaw ni Portia sa kanya.
Dahil sa desperada na ay biglang hinablot ni Fely ang camera na nasa kamay ni Portia. Tinakbo niya ang pintuan at tinabig sina Emielyn na nakaharang doon.
"Habulin niyo!!! Get that camera!" narinig niya na sigaw ni Portia kaya mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo.
Naalala niya iyong balon. Kung itatapon niya ito doon ay masisira iyon at mawawalan na sila Portia laban sa kanya. Lumiko siya sa isang madilim na pasilyo at tinahak ang daan papunta sa likod ng Music Room.
Natatanaw na niya ang naturang balon. Hindi niya alam kung namamalik-mata lamang siya pero tila nakakita siya ng isang estudyanteng babae na nakaupo sa gilid ng balon. Ngunit nang ikurap niya ang kanyang mga mata ay naglaho din ito.
Dinig na niya ang mga yabag na papalapit sa kanya. Binilisan niya ang paglapit sa balon at humihingal na itinapon niya roon ang hawak na camera. Saka naman dumating sina Portia.
"Anong ginawa mo sa camera ko? Give it back to me!" nanlilisik ang mga mata na sabi ni Portia.
Malakas na tumawa si Fely. "Wala na! Tinapon ko na dito," sabay turo niya sa balon. "Ngayon, wala na kayong ibedensiya laban sa akin."
Naningkit ang mga mata ni Portia. "b***h!!! Mas mahal pa sa buhay mo ang presyo ng camera ko!"
Lumapit si Patricia kay Portia. "Portia, hindi yata alam ni Teacher Fely na may isa pa tayong camera na ginamit to take pictures sa kanila ni Patrick. And here it is, ang bonggang-bonggang camera! Hindi man kasing mahal ng camera mo pero it has the ewwy photos of that immoral teacher!" at inilabas ni Patricia ang camera.
Literal na napanganga si Fely. Nanghihina na siya dahil sa sobrang tense. Hindi niya akalain na hindi pa pala siya ligtas.
Hinablot ni Portia ang camera kay Patricia. "Ang dami mo pang sinasabi!" at tiningnan ang mga naka-save na pictures doon. Napangiti si Portia at tiningnan siya. "Tsk. Tsk... Paano ba iyan, Teacher Fely? May evidence pa rin kami against you at hindi na ako papayag na itapon mo ito sa balon. If that happens, ikaw na ang ihuhulog ko diyan!"
Tuluyan nang napaluhod si Fely sa lupa at lumuluhang nakiusap kay Portia. "Parang awa mo na, Portia. Ayokong mapatalsik dito sa school---"
"It's too late! Lalo mo lang akong ginalit! Bukas na bukas din ay sasabihin ko sa head ng school ang kababuyan niyo!"
Nakita niya na nilapitan ni Emielyn si Portia at may ibinulong ang una sa huli. Tila isang demonyo na napangiti si Portia at humagikhik ito. "Good idea, Emielyn! Kahit moody ka, gumagana pa rin pala ang utak mo."
Ibinigay ni Portia ang camera kay Emielyn at nilapitan siya. Akmang tatayo na sana siya mula sa pagkakaluhod nang pigilan siya ni Portia. "Huwag kang tatayo! Alam mo, hindi naman talaga ako masama at dahil diyan...i'll keep your dirty secrets but in one condition."
"Kondisyon na naman? Tapos, hindi ka na naman susunod sa usapan! Pagod na ako sa iyo, Portia!" aniya.
"You have my word. Kapag sumuway ako, i will kill my self! I promise."
Dahil ramdam niya ang sinseridad nito ay pumayag na rin siya. "A-anong kondisyon ba?"
"Ang gusto ko, lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. Kapag hindi ka sumunod, you know what will happen... Okey ba sa'yo iyon, Teacher Fely?"
"S-sige..." labag sa loob na sagot niya. Wala siyang pagpipilian kundi sundin ang gusto nito upang manatili siya sa eskwelahan. Gagawin niya ang lahat para lamang makita ang bangkay ni Ruvina. At pag nakita na niya iyon saka na lang siya aalis ng Wellington.
"Very good. Madali ka naman palang kausap. At bilang unang utos ko sa iyo... Gusto kong mula sa balon na iyan ay kunin mo ang camera ko na itinapon mo!"
Nagimbal siya sa utos nito. "P-pero hindi ko alam kung paano ko makukuha iyon."
"Pwes, bumaba ka diyan. At hindi ko na problema kung papaano mo iyon gagawin! Basta ang gusto ko, kunin mo sa loob ng balon ang camera ko, ngayon din!" matigas nitong utos sa kanya.