Chapter 2
Jeannette Pov
Maaga akong nagising agad akong naligo, habang nasa banyoy dinadamdam ko ang pagbagsak ng mga butil ng mlamig na tubig,
pilit kong hinihimasmasan ang sarili, gustohin ko mang umalis sa pamamahay na itoy hindi pu pwede, kinakailangan kong mag banat ng buto dahil sa nag dadayalisis kong ama,
nung unay akala ko yun lang ang kailangan kong gawin pero sa stwasyon ngayon alam kong hindi ko lang buto ang mababanat, pati pusot kaluluwa ko na.
Sa isip ko gusto kong umalis pero sa kaloob looban koy gusto kong manatili,
Ano ba Jeannette? hanggang kailan ka ba mahihibang? Akala ko bay pinalaya mo na, bakit nasasaktan ka parin, nakakita ka nga lng ng kamukha halos mabaliw ka na, halos sugurin mo na.
Natapos ko ang pag sesermon saking sarili sabay ng aking pag aayos agad kong tinungo ang matanda gising na siya at handa ng maligo
Kumatok ako sa,naka awang niyang pinto at ngumiti siya nang makita ako
"How do u feel?" bungad niya saken.
"I feel good now maam, thank u for the medicines" ngiti kong sagot sa Kanya
"No worries dear, my night was splendid, we chatted together and eat together everything was fine last night"
kwento niya saken buti naman at di ko nasira yung gabi niya, andal dal niya kahit na naliligo siya ay ptuloy parin ang pg kwento niya natigil lng ang pag daldal niya nang marating namin ang dining area nandun kasi ang apo niya nakaupo at handa ng kumain.
"Good morning Grandma" nakangiti niyang bati sa matanda, isang simpleng ngiti lng yun. Ngunit ansakit ng dulot saken, pinagsa walang bahala ko nalang at inasikaso ang matanda
"it's okay now dear, I can manage" saad ng matanda tumango lng ako at nagpaalam na dun muna sa kwarto at may aayusin lng saglit
"No! Please Sit there and let's eat" maang ng matanda, hinawakan niya ako at pinaupo ayoko sana pero Pansin kong irritable na ang alaga ko kaya umupo ako sa tabi niya
Tahimik lng ako habang nag ku kwentuhan silang dalawa, hanggang sa matapos kaming kumain
"Jeannette, did Marga already told u?" nagulantang ako sa bglang pag baling ng atensyon ng matanda saken
"Im sorry madam, I left my phone on her room and I don't even know if she already texted me or not" matulin kong sagot
"She went to London last night, she said it was an emergency" kaya pala hindi siya nakauwi kagabi tumango tango lang ako bilang sagot
"and she will be staying there for 3 months and you"ll gonna stay here as well during her leave, would that be okay to u? "
muntik na kong masamid sa huling sinabe niya, tatlong buwan akong mananatili dito??
Yung isang araw pa nga lang na nakikita ko ang apo niya ay halos mawalan nako ng lakas, nangangatog pa ang mga tuhod kong pinipigilan ang sarili, sa bawat sandali na nasusulyapan ko ang knyang maamong mukha ay tinatarak naman ang puso ko ng punyal ng paulit ulit.
Marami akong gustong itanong sa taong to, gusto ko siyang kausapin ng masinsinan Ngunit wala tlaga akong lakas ng loob nanghihina ako sa tuwing nararamdaman ko ang presensya niya.
"Jeannette,? Is it okay with you? You don't have to worry, my Grandson will help you taking care of me, He'll gonna stay with us too" magiliw na sabi ng matanda.
Sasagot na sana ako kanina na ayos lang, dahil sa isip ko d naman cguro mgtatagal ang apo niya rito, pero ngayon mistula akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran ng alaga ko.
"Grandma, Ill be out for a walk. I will be back before lunch"
napapitlag ako sa bglaang pagsalita ni Alexis kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya,
humakbang siya patungo sa direksyon namin at binigyan niya ng halik sa pisngi ang matanda, sumilay sa boung katawan ko ang kilabot, nanindig ang mga balahibo ko nang maamoy ko siya.
Yun ang amoy ng Enzo ko, pero hindi dapat ee. Impossible ang nangyayari sa akin ngayon kitang kita ko ang bangkay ng asawa ko Limang taon ang nakalipas.
Dalawang linggo simula nung kinuha ng misteryosong kalalakihan ang asawa ko ay nakita siya palutang lutang sa ilog at wala ng buhay.
Labis ang paghihinagpis ko nun na halos mawalan ako ng ulirat.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga araw na yun ang alam ko lang ay sobra akong nasaktan na halos ay mabaliw ako, gabi gabi akong umiiyak hanggang sa ilibing siya ay di ko pa rin tanggap.
Minsan nagsasalita akong mag isa, kunwari kinakausap ko siya. Nagluluto pa nga ako ng mga paborito niya at hinihintay siyang umuwi.
Minsan nakakatulog ako na tanging siya lang ang iniisip ko at pagkagising ko ng umaga ay laging bumubungad saken ang katotohanan, ang malungkot na katotohanan na wala na siya at kailanmay hindi na magbabalik.