Hindi pa rin mawala sa isipan ni Ice sa kung ano ba siya kay Jane. Pero sa kabuuan, binili siya ng dalaga para maging alipin sa lahat na ninanais ni Jane Han Lim. Pagkadating ni Ice sa hapagkainan ay hindi nito na datnan si Jane. “Nasaan si Jane?” tanong niya sa matandang nakatayo sa gilid ng hapagkainana. Halata namang ayaw sagutin ni Manang Rose yung tanong ni Ice sa kaniya. Pero sa kadahilang mahalaga itong bisita na kahit isa pa siyang ‘slave’ ay hindi napigilan ng matanda na isabi iyon sa kaniya. “Nagpalit po siya ng damit.” Pagkasabi ni Rose agad naman umupo si Ice. Manghang-mangha ang binata sa pagkain na nasa harap nito. “Inilagay na naming, Sir Ice yung mga dadalhin niyo sa bahay ng iyong pamilya.” Nagulat siya sa kaniyang narinig. “Anong?” pagtataka niya

