Isang katok mula sa labas ng kotse ni Jane ang nagpatigil sa dalaga mula sa paghahalik nito kay Ice at sa balak nitong gawin. “Mabuti na lang tinted yung kotse mo.” Sabi ni Ice na agad na inayo ang kaniyang sarili. “Mauna na akong lumabas,” Pagkabukas niya ng pinto ay agad nitong pinunasan ang labing hinalikan ni Jane. Ang dalaga naman ay agad na naglagay ng lipstick nito. Agad na nilapitan ni Ice ang ina at ama nitong naghihintay sa labas ng kanilang bahay. “Anak kay ganda naman ng kotseng iyon.” Sabay turo ng aman niya sa kotse ni Jane. Pakamot ulong tugon naman ng binata, “Sa amo ko po iyon.” Nahihiya pa ito pero ang kasiyahan na makita ang kaniyang mga magulang ang siyang nananaig sa kaniya. Nagkatitigan ang mga magulang ni Ice. “Huwag mong sabihin na kasama mo

