────⊱⁜⊰──── Naunang nakalabas si Red ng building na pag-aari ni Sammy. Hindi na niya inabutan pa si Jocelyn kaya nagmumumura ito dahil sa frustration na nararamdaman nito. Nakalabas na din si Hugo at lumingon ito sa paligid. Sumampa agad ito sa motor ng kanilang tauhan na nasa harapan ng building at agad niya itong pinaharurot. Bawat taxi na madaanan ni Hugo ay hinihintuan niya o kaya naman ay sinasabayan niya at tinitignan ang sakay nito hanggang sa makita niya ang sakay ng isang taxi sa may harapan niya. Mabilis ang umaandar na taxi kaya pinaharurot ni Hugo ang motor at bigla itong huminto sa harapan ng taxi. Gulat na gulat naman ang driver sa ginawang iyon ni Hugo kaya napahinto ito at kamuntikan na nitong maisayad ang bumper ng kanyang sasakyan sa motor na sinasakyan ni Hugo. Magi

