Sammy's POV Makaraan lang ng mahigit isang araw ay nakuha din namin agad ang resulta ng DNA testing na ginawa sa pagitan ng aking ina at ni Jocelyn. Napatunayan nga namin na nagsasabi siya ng totoo kaya hindi na kami nagdalawang isip pa na kuhanin siya mula sa apartment na tinitirhan niya at sa mansion na namin ng asawa ko siya pinatuloy. Magkakasama kaming lahat ngayon ng aking pamilya at mga kaibigan ko na pinamumunuan ni Marcus upang pag-usapan ang planong gagawin namin para mahanap namin ang kinaroroonan ni Benavidez. Sa ngayon ay hindi pa sumasagot sa cryptic message si Ramon, ilang beses na sinubukan ni Hugo ngunit isa man sa mensahe nito ay wala kaming natanggap na kahit na anong response. "Baby, mamaya aalis kami upang puntahan ang mga club ng Benavidez na 'yon. Baka sakaling ma

