────⊱⁜⊰──── Muling naging malamig si Sammy sa mga taong nakakasalamuha niya, hindi katulad nuon na nagbago ito at naging palangiti dahil kay Maricris. Ngunit si Maricris din ang naging dahilan ngayon kung bakit nagbalik sa dati si Sammy. Ilang katok sa pintuan ng opisina ni Sammy ang nagpaangat sa mukha niya. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mukha ng maganda niyang sekretarya. "Sir, Mister David Hendrickson has arrived," ani ng kanyang sekretarya. "Let him in," sagot niya ng hindi na niya tinapunan ng tingin ang maganda niyang sekretarya. Wala na siyang interes pa sa kahit na sinong babae. Ayaw na niyang magkaroon ng kahit na anong klase ng relasyon sa ibang babae. Sapat na sa kanya ang minsan siyang nasaktan at hindi na niya hahayaan pa na muling maulit ito. Muling bumukas ang

