────⊱⁜⊰──── Tinawagan si Sammy ng lolo ni Marcus at may iniutos ito na patumbahin dahil isa itong nagbebenta ng mga kabataang babae sa mga parokyano nila kaya umalis agad si Sammy sa kanyang opisina upang pumunta ng kanyang condo at maghanda. Pinuntahan ni Sammy ang address na tinutukoy ng lolo nila Marcus. Bago siya bumaba ng sasakyan ay nagsuot muna siya ng ski mask upang walang makakilala sa kanya. Pinasok niya ang isang eskinita, at ng marating niya ang lugar ay walang sabi-sabi niyang pinagbabaril ang mga nagbebenta ng kabataang babae sa mga matatandang manyakis na mahilig sa mga batang babae. Bawat asintahin ni Sammy ay isa-isa lamang na bumabagsak sa sahig at nagagawa nya ding umiwas sa mga bala na sumasalubong din sa kanya. Hindi naman nagtagal ay napatumba na niyang lahat ang m

