Maricris POV Mahigit dalawang linggo na mula ng ma-hospital si nanay. Maayos na siya ngayon at naghihilom na rin ang kanyang mga sugat. Sumasailalim pa rin siya sa psychiatrist na nag-aalaga sa kanya pero sabi ni nanay, ang tuluyang pagkawala ni Benavidez ang tanging magpapabago ng takbo ng kanyang buhay. "Sigurado ho ba kayo na kaya n'yo na ulit harapin ang matandang 'yon?" tanong ng mahal ko. Napatingin ako kay Donita na papalapit sa amin at niyakap ako nito mula sa aking tagiliran at pinagmasdan naming dalawa ang matamis na ngiti ng aking ina. "Ito lang ang paraan upang makalimutan ko ang lahat. Napakalaki ng kasalanan niya sa aming lahat at hindi na ako makapag hintay na dungisan ang kamay ko ng kanyang maruming dugo upang makabangon ako sa kadilimang kinasadlakan ko ng dahil sa kan

