Nasa bahay nako at bumungad sakin ang kadramahan ng pamilya namin well nothing's usual Papa and Mama are fighting at nagkakasakitan na sila even my brother Jared di sila maawat I hit the table infront of me to get their attention
"Pwede tama na? Itigil nyo na yang away niyo tanghaling tapat nag aaway kayo nakakahiya sa kapit bahay oh mahiya naman kayo" I said
"Yang papa mo kasi eh wala na ngang ambag dito sa bahay nagawa pang mag lasing" sabi ni mama
"Pa! Alam mo naman na may sakit ka sa kidney mataan ang creatinine mo tapos umiinom ka parin? Pa naman" saad ko
"Eh ano ngayon? Isa pa di pa ako mamamatay at kung mamatay man malapit yung sementeryo pwede nyo akong ilibing kahit saan" saad ni Papa huminga ako ng malalim at kinukumbinse ko ang aking sarili na kumalma dahil wala naman akong magagawa kung mag drama pa ako eh
"At bukas magpapabili ka na naman ng gamot sa anak mo kasi masakit na naman yang katawan mo" saad ni mama
"Ikaw babae ka wag kang mangi alam buhay ko to eh tsaka pera ko naman yung pinapambili ng gamot ko dahil ayaw kong humingi sayo alam mo kung bakit? Kasi madaldal ka at madamot sinisingil mo ako!" Saad ni Papa at akmang sasampalin si Mama ngunit ginawa ko ang bagay na alam kung mali kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa at itinutok ito sa leeg ni Papa
"Sige subukan mo, isang beses pa na saktan mo si Mama patawarin ako ng Diyos papatayin kita kahit makulong pa ako" saad ko kaya umatras si Papa at umalis
"Okay ka lang ba Mama?" Tanong ko sa kanya
"Oo nak" saad ni Mama habang umiiyak Diyos ko ano bang kasalanan ng pamilya ko bakit ba nangyayari samin to? Hindi naman kami ganito noon eh we are once a happy family ngunit nasira yun nong nagrebelde ang ate Shaira ko at kinalaban niya si Mama at si Mama naman nawalan na ng pake sa kanya
Bakit ba ganito?
-flash back-
"Ano lalayas ka? Bakit kaya mo na?" tanong ni Mama
"Oo lalayas ako sa lugar nato kesa manatili pa sa impyerno" saad ni ate
"Ahh impyerno? Bakit sino ba nagluwal sayo? Sino ang nagpakain at nagpalaki sayo? Diba ako? Wala kang galang" saad ni mama
"Mama tama na po" pag awat ko kay Mama na umiiyak
"Hayaan mo sya Shane ito ang tatandaan nyo balang araw kakailanganin nyo din ako at luluhod kayo sa kin at kapag nangyari yun pagtatawanan ko kayo" saad ni ate at isang malakas na sampal ang inabot niya
"Ingrata sige tingnan natin kung saan aabot yang yabang mo hala lumayas ka" saad ni Mama agad namang inimpake ni ate ang gamit niya
"Ate mag sorry kana kay mama wag naman ganito" pag mamaka-awa ko sa kanya ngumiti lamang sya at pinaupo niya ako sa tabi niya
"Balang araw maiintindihan, mo din pagod na ang ate eh di na kaya ni ate na manatili dito kaya aalis muna si ate ha ikaw na bahala sa baby Jasper natin ha" saad ni ate habang umiiyak
" Sama nalang ako sayo pwede?" tanong ko
" Hindi pwede eh dito ka lang ha pero wag kang mag alala pag nakaipon na ang ate isasama kita at sasakay tayo sa maraming rides tulad ng ferris wheel gusto mo yun diba? " saad ni ate at tumango na lamang ako
" Sige na aalis na ang ate ikaw na bahala kay baby ha maging mabait ka sa kanya" saad nito
" Oh bakit nandito kapa? Diba lalayas kana? Ano pa ang hinihintay mo? Alis na" saad ni Mama ngumiti sakin si ate at hinalikan niya ako sa noo at umalis sa pag alis niya ay umiiyak ako ngunit si Mama ay tila walang pakialam
-End of flash back-
Bata pa ako nun pero natatandaan ko pa yun, lalo na ang mga pangako ni Ate sampung taon na ang nakalipas ngunit di niya parin tinutupad yun ang pangako niya kaya di na ako umaasa na babalikan niya ako
"Ate Shane okay ka lang? tanong ni Jasper
"Oo naman okay na ako ikaw okay ka ba?" tanong ko
"opo" saad nito at ngumiti
"Mabuti naman... sige magluluto pa si ate mag study ka muna" saad ko na ginawa niya naman agad akong nag saing at nagluto ng aming uulamin nagprito ako ng isda ang kalahati ay ginawa kong sinabawan makalipas ang ilang minuto ay tinawag ko na sila
"Ma, Jasper kain na tayo" saad ko at lumapit naman sila si Jasper ang nag lead prayer pagkatapos niyang mag dasal ay kumain na kaming tatlo habang si Papa di namin alam kung nasan