Kabanata 2: Huli pero di kulong

1313 Words
NYELA'S POV: -- "Uwi ba ito ng matinong babae, Nyela?" Ang seryosong boses ni Dad ang siyang umalingawngaw sa sala. Napabuga na lang ako ng hangin at saka ako tuluyang pumasok sa bahay at lumapit sa kinaroroonan ni Dad. Himala yata at hinintay niya akong makauwi? Dati naman ay wala silang pakialam sa akin lalo na't sutil nga akong anak. "Malalim na ang gabi Dad, bakit gising ka pa?" Balik na tanong ko dito. Tumingin sa akin ni Dad nang may pagbabanta. "Answer my question first young lady." I heave a sigh. "Galing ako sa isang bar, Dad. And I am old enough to handle myself." He scoffed. "Handle yourself? Old enough? Naririnig mo ba ang sarili mo? Sa limang taon na sinayang mo sa buhay mo, anong ginawa mo?" Sunud-sunod na tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil matigas talaga ang ulo ko. "Are we going to argue that, Dad? Like what I've told you I don't need to study and stress myself inside the university you wanted me to be. Nakakabasa at nakakasulat naman ako kaya okay na 'yon." "Yan ba ang natututunan mo sa pagiging sutil mo, ha, Nyela? Marunong ka ng sagut-sagutin ako?" Nanggagalaiting sambit ni Daddy. I just look at him with my bored face. What's new? Lagi naman nila akong sinisermonan na parang bata at sanay na ako. "You should sleep now, Dad. May pasok ka pa sa trabaho." Walang sabi-sabing nilayasan ko si Daddy at pumanhik ako ng hagdan patungong second floor. "We're not done yet, Nyela Benoit! You're grounded and you're not allowed to go outside." Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ni Dad dahil nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko. Napapailing na hinubad ko na lang ang damit ko at saka ako padapang nahiga sa kama. "That's harsh. Hindi mo man lang pinakinggan ang Daddy mo?" Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Felix. "You're still connected? The hell with you Felix!?" I hissed in annoyance. "Chill. I'm the only one who heard your conversation with your father since you forgot to turn off your earpiece." I groan in frustration as I buried my face in the pillow. Marahas na tinanggal ko rin ang hikaw na itim na kasing laki ng baterya nang relong pambisig. Hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok, hindi ko napansin na may anino sa labas ng bintana ko. Kinabukasan, maagang kumatok sa labas ng pinto ko si Yaya Sela kaya naman yamot akong bumangon mula sa kama. "Nyela, gumising ka na at pinapatawag ka ng Daddy mo!" Sigaw ni Yaya Sela mula sa labas ng kwarto ko. "Gising na po ako Ya, pakisabi sa kanya maghintay siya." Naiiritang sambit ko bago ako padabog na kumuha ng tuwalya at pumasok ng banyo para maligo. Wala naman akong gagawin buong maghapon at mukhang sinisipag si Daddy na sermonan ako. Makalipas ang ilang minuto sa paliligo ko, isang simpleng tshirt at maikling shorts lang ang suot ko bilang pambahay. Hinayaan ko lang na basa ang buhok ko at hindi na ako nag-abala pang magsuklay dahil wala naman akong gagawin bukod sa tumunganga dito sa bahay. Pagkalabas ko ng kwarto ko, nakasalubong ko pa si Kuya Flake na nakasuot ng business suit at ang kambal na si Drift at Field. Sa sobrang weird magpangalan ng mga magulang ko, nagmumukha kaming pinaglihi sa Snow. "Good morning black sheep of the family." Nakangising sambit ni Field habang si Drift naman ay napapailing na lang sa ginagawa ng kakambal niya. "Good morning bansot." Mapaklang ganti ko kay Field na siyang ikinangiwi niya. Sanay na ako sa magaspang na ugali na pinapakita ni Field lalo na't bunso ito at ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya namin bukod kay Mommy. He snorted. "Kapag ako lumaki at mas matangkad pa ako sayo, who you ka sa akin." Aniya. "In your dreams, Field. You're just seven years old and yet you are dreaming to become an old? Gusto mo bang magaya kay Flake na gurang?" Pang-aasar ko dito habang pababa kami ng hagdan. Nauna si Kuya Flake kasunod si Drift at kami naman ni Field ang magkasabay. "Isusumbong kita kay Daddy!" Napailing na lang ako nang unahan niya kaming bumaba ng hagdan at saka nagtatatakbo papasok ng kusina. Mang-aasar tapos siya naman ang pikon? Ibang klase talaga. Pagkarating namin sa kusina, agad naming nadatnan si Dad na kalong si Field habang si Mommy naman ay abala sa pag-aasikaso ng agahan namin. Kahit araw-araw nila akong sinisermonan, hindi naman nila ako pinagbabawalan na huwag sumabay sa hapag kainan. Gusto ni Daddy na lagi kaming magkakasama sa hapag kahit gaano pa sila kaabala, maglalaan at maglalaan sira ng oras para sa pamilya. Ako lang talaga ang pasaway. "Daddy inaaway ako ni Ate Nyela, she told me I am bansot." Pagsusumbong ng bansot na si Field. Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ni Kuya Flake habang si Drift naman ay naupo sa kabilang bahagi ng mesa na siyang nasa harapan ko. Kung gaano kadaldal si Field ay siya namang tahimik ni Drift. Kumbaga, OA versus nonchalant at malas lang ni Drift dahil naging kakambal niya si Field. Sobrang layo din ng edad nila sa amin ni Kuya Flake. Kuya is already twenty five years old and I am also twenty habang silang kambal ay seven pa lang? Ang nice diba? Ginawang menauposal baby ang dalawa. "Don't mind her and just go to your seats." Pang-aalo naman ni Dad pero hindi yun naging hadlang para hindi ako ismiran ni Field nang bumaba ito mula sa pagkakakandong kay Daddy. "Good morning babies," biglang sambit ni Mommy matapos niyang ilapag ang bandehado nang sinangag at saka niya kami kinintalan ng halik sa pisngi. Pinanggigilan pa niya ang pisngi ko kaya naman napanguso ako. "Mom, quit pinching my cheek." Reklamo ko. "Paanong hindi kita panggigigilan kung nalaman ko sa Daddy mo na hatinggabi ka umuwi kagabi? Baka hindi mo napapansin na alam naming gabi-gabi ka umaalis ng bahay." At ito na nga po ang aking almusal ngayong umaga. Kinuha ko ang bandehado ng sinangag bago ko ito ibinigay kay Kuya habang si Mommy naman ay naupo sa pinaka-dulo ng mesa na siyang katapat ni Daddy. "Wala namang masama kung umalis ako ng gabi diba?" Rason ko. "Anong wala? Kababae mong tao 'nak tapos lumalabas ka ng gabi. Bampira ka ba?" Gusto kong bumunghalit ng tawa sa sinabi ni Mommy pero pinigilan ko lang ang sarili ko at saka ako kumagat sa hotdog na kinuha ko. "Ang ganda ko namang bampira? Black sheep nga po ako diba?" Sagot ko kay Mommy na akala mo ay magtropa lang kaming dalawa. "Tigilan mo ako sa kakasagot mo ng pabalang, tatamaan ka sa akin." "Save that sermon later, wife. We're eating." Saway ni Daddy kay Mommy kaya naman napanguso ito at ako? Malaki ang ngising nakapaskil sa labi ko habang kumakain. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig sa mesa at makalipas ang ilang minuto, tumayo si Kuya Flake mula sa kinauupuan niya. "I'm done eating, Dad. I have a meeting later at 9am. I should go first." Paalam ni Kuya at saka ito pumunta kay Mommy at hinalikan ito sa ulo at ang kambal, pagdating sa akin ginulo niya lang ang buhok ko at pasimple pa akong kinaltokan sa ulo kaya naman tinignan ko siya ng masama. Nang makalapit ito kay Daddy humalik lang ito sa pisngi at saka tuluyang umalis ng kusina. May araw ka rin sa akin Flake Adrian Benoit! "Nyela," biglang nabaling ang paningin ko kay Dad at nabago ang timpla ng mukha ko mula sa masamang tingin na binibigay ko kay Kuya, nakanguso na ako ngayon habang nakatingin kay Dad. "Po?" I just blink my eyes a hundred times. "Quit that gestures of yours, you'll get blind." Saway nito kaya tinigil ko ang pagpapa-cute ko habang si Field ay humahagikhik lang sa kanyang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD