NYELA'S POV:
--
Napairap ako sa bunso kong kapatid.
"Like what I've told you last night, you're grounded. Hindi ka aalis ng bahay nang hindi ko sinasabi at sa oras na umalis ka may kalalagyan ka." Pagbabanta ni Dad dahilan para mapalingon akong muli sa kanya.
"Dad?" Padabog na tawag ko sa kanya.
"What? Ayaw mo namang mag-aral at puro gala lang naman ang inaatupag mo. Sa tingin mo anong parusa ang ibibigay ko sayo? Trip mo pa lang manatili dito sa bahay pero layas ka naman ng layas tuwing gabi. Seriously, Nyela, dati ka bang kampon ng mananangal?"
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Dad habang si Mom ay napabunghalit ng tawa. Ibang klase ang humor nang mag-asawang ito!
"Daddy naman eh! As if naman nahahati ang katawan ko tuwing gabi? Apaka O.A mo naman." Naiinis na sambit ko.
Umangat lang ang isang kilay ni Dad habang nakatingin sa akin. "Do as I said at sa oras na nilabag mo 'yan, ipapakasal kita sa isa sa mga kakilala ko."
Malakas na singhap ang kumawala mula sa labi ko.
"Kasal? Ako? Seriously Dad?" Sunud-sunod na tanong ko. "We're not in the medieval century na uso ang arrange at fix marriage!"
"Come on, I can do that if I want to. Kaya kung ako sa'yo, susundin mo ang iniuutos ko o magigising ka na lang isang araw na may asawa ka na. Deal or no deal?"
I groan in frustration as I got up from my seat. Padabog na nagmartsya ako palabas ng kusina at pumanhik patungo sa kwarto ko.
Pabagsak na isinara ko ang pinto at naiinis na nag-dive ako sa ibabaw ng kama ko at padapang humiga doon.
"Sa lahat ng i-ooffer niya, kasal pa talaga? Hindi ba pwedeng boyfriend muna? Wala nga akong experience sa love na 'yan!"
Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama ko dahil sa sobrang inis at pakiramdam ko biglang naglaho ang kinain kong agahan.
Nakakainis ka Dad!
Tila isa akong magnanakaw sa sarili naming bahay habang tinatawid ko ang bintana mula sa kwarto ko pababa ng first floor. Kahit gustuhin kong tumalon na lang ay hindi ko magawa dahil tiyak na mababalian ako sa taas ng bahay namin.
Nasa ikalawang palapag pa man din ang kwarto ko at wala akong terasa bukod sa masters bedroom kung saan naroon ang mga magulang ko. Alas dyes na nang gabi at nakatanggap ako ng mensahe mula kay Frost na pinapatawag kami sa mismong hide out ng aming organisasyon.
"Wooh! Kaya mo ito Agent Nyebe. Hindi ka ipinanganak para lang mabalian nang buto." Bulong ko sa sarili ko bago ko itinapon ang sarili ko pababa ng bahay at halos mapaigik ako nang lumagapak sa lupa ang mga paa ko at nagpagulong-gulong ako sa carpet.
Bago pa ako mahuli ni Daddy, agad na akong sumampa sa bakod namin at saka ko tinawid ang distansya nito at saktong paglapag ko sa lupa, nasa harapan ko na si Agent Frost.
He's wearing a black leather jacket, black pants, combat shoes, and his black signature helmet jaguar design. Mukha siyang ulul sa itsura niya.
Iniabot nito sa akin ang isang helmet na agad kong kinuha at saka ako sumampa sa likuran ng kanyang big bike. Bago ko pa maiayos ang helmet sa ulo ko, biglang sumibad ng andar ang motor na kinasasakyan namin.
"Anak ka ng kagang, Felix! Hindi ko pa naayos ang helmet ko!" Sigaw ko sa kanya gamit ang ear piece na suot ko na konektado sa kanya.
Napapiksi naman ito dahil sa sigaw ko pero kasalanan nya naman.
Nagdahan-dahan ng maneho si Felix nang makalabas kami mula sa subdivision namin at doon ko lang naiayos ng maigi ang helmet. Ang sarap lang sa pakiramdam na mag-rides ng gabi lalo na't solo namin ang kalsada.
Mabalik tayo sa lalaking kasama ko.
Si Felix ang nag-iisang kaibigan ko at kababata ko. Hindi ko nga alam kung paano kami naging magkaibigan basta nagising na lang ako na bestfriends forever na kaming dalawa.
Makalipas ang ilang minuto, narating namin ang isang lumang building na nalipasan na nang panahon. Pumasok ang motor ni Felix sa basement ng building at saka kami pumarada katabi ng ilang sasakyan na naroon.
Agad akong bumaba mula sa big bike na pagmamay-ari ni Felix at saka ko binato sa kanya ang helmet na pinahiram niya sa akin.
"You're welcome." Aniya nang masalo nito ang helmet.
"Amoy pawis. Kadiri ka." Nakangiwing sambit ko rito.
Nauna akong maglakad kay Felix at saka kami pumasok ng elevator. Kaming dalawa lang ang sakay no'n at si Felix na mismo ang naglagay ng numero kung saan nakahimlay ang aming organisasyon; sa underground nitong lumang building.
I compose myself and change my attitude as the elevator stops from moving. Bumukas ang pinto ng elevator at saka kami lumabas ni Felix. Sumalubong sa amin ang mga nakaunipormeng puti na abala sa kani-kanilang ginagawa.
Unang bubungad ay ang laboratory namin kaya naman kinuha ko ang isang sachet na naglalaman ng ecstasy mula sa mga past missions ko at saka ito inabot sa isa sa mga scientist na nadadaanan namin. Nang maibigay ko 'yon, walang lingon likod kaming naglakad ni Felix dahil alam na nila ang gagawin sa bagay na 'yon.
Sa pinakadulong pinto, pumasok kami ni Felix at isang hagdan paakyat ang bumungad sa amin kaya naman dumiretso na kami ni Felix nang walang nagsasalita sa amin.
Kahit gusto kong magtanong sa kanya ay pinipigilan ko lang hanggang sa makalabas kami ng building. Nakakapagtaka nga dahil lumabas ang isang ito at sinundo pa talaga ako? Siguro nagsawa na siya sa harap ng kanyang computer kaya ako naman ang napagdiskitahan.
Nang marating namin ang tuktok, panibagong pinto ang bumungad sa amin at sa pagbukas no'n sandamakmak na agents ang nabungaran namin. Lahat sila ay tahimik na naghihintay lamang sa pwedeng sabihin ng aming Boss kaya naman tahimik na pumunta lang ako sa isang sulok habang si Felix naman ay nakisalamuha sa tulad niyang sabik sa computer.
Kung sa normal na sitwasyon lang, tila isang gatherings ang eksena namin pero lahat kami ay pawang nakasuot ng mga itim. Ilan pa sa kanila ay may sukbit na katana sa likod habang ang ilan ay mga baril ang nakasukbit sa kanilang katawan.
Sa sitwasyon ko naman, kutsilyo lang ang nakakabit sa katawan ko at nasa mismong hita ko 'yon. Ayokong gumamit ng baril dahil masyadong hassle at isa pa maingay. Nadidistract lang ako.
Makalipas ang ilang minuto, biglang nag-flash sa pader ang isang itim na screen pero sa paligid no'n ay may isang lalaki ang nakaupo sa kanyang swivel chair. Tanging ang postura lang nito ang siyang nakikita namin.
"Good evening agents," malamig na bati nito na tila isa lamang formal gatherings ang ganap namin ngayong gabi. "I know every one of you is asking why I called you here. All I could say is I need your assistance for a certain train robbery."
Nag-flash sa screen ang isang eksena kung saan may mga armadong lalaki na hina-harass ang mga pasahero habang nasa byahe ang isang tren. Napapabalita nga ang ganitong kaso sa telebisyon pero hindi ma tyempuhan ng awtoridad kaya kakailanganin siguro ang aming kooperasyon.
"As you can see, this group is part of the syndicate that Agent Nyebe has been facing recently,"
Nagsalubong ang kilay ko.
"They won't stop until this news reach to our Agent Nyebe and they succeeded. What can you say about this Agent Nyebe as their target?" Bumaling ang paningin sa akin ng lahat nang naroon sa hall at tinaasan ko lamang sila ng kilay.
This kind of thing is not new to me since I am always exposing myself to danger.
"Just let them be." Tipid na sagot ko.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang aming Boss at tanging nagawa ko na lang ay manahimik. Hindi na bago sa akin na ako lagi ang target ng mga taong naging misyon ko lalo na't napapabagsak ko ng kusa ang mga sindikatong humaharang sa daraanan ko. Bawat kilos ko ay sinisigurado kong walang matitirang buhay sa kanila pero sa train robbery na ito, mukhang panibagong grupo ang makakalaban ko.