Kabanata 4: Annoying Brothers

1336 Words
NYELA'S POV: -- "Are you sure you want to accept this mission, Nyebe?" Napalingon ako sa gawing kanan ko at nakita ko si Frost na nakatayo sa gilid ko habang nakahalukipkip sa kanyang kinatatayuan. "You know, I don't hold back any work even if my life is in danger." Sambit ko. Ganun naman talaga dapat. Pinili ko ang ganitong klaseng trabaho kaya dapat handa ako sa magiging takbo ng buhay ko kahit kamatayan pa ang haharapin ko. He scoffed. "Too much dedication to your work, huh? I must say, you're just really a stubborn woman." Inirapan ko na lang si Frost at saka naglakad palayo sa kanya. Wala naman akong gagawin sa hideout namin ngayon at isa pa grounded ako. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa ingay ng kambal. Nagsisigawan ba naman sa labas ng kwarto ko sinong hindi magigising doon? "Ibalik mo na lang kasi!" Sigaw ni Field nang madatnan ko sila sa sala. "No! This is mine!" Balik na sigaw naman ni Drift sa kakambal niya. Napabuga na lang ako ng hangin at saka binatukan ang kambal. "Ang aga-aga, ang ingay ninyong dalawa?" Singhal ko sa kanila. Pinag-aagawan kasi nila ang controller na binili ko noong five years old pa lang sila. "Bakit ka nananakit?" Sabay na usisa nilang dalawa. Napairap na lang ako sa kawalan at saka sila nilayasan sa sala dahil maririndi lang ako sa boses nilang dalawa. Nagmartsa ako papasok ng kusina at hinayaan ang dalawa na mag-away sa sala. Nadatnan ko si Mommy at Kuya na abala sa kanilang sariling mundo. "Good morning, Mom at Kuya," bati ko bago ako umupo sa bakanteng silya na nasa tapat ni Kuya. "Good morning, baby." Ganting bati ni Mama habang si Kuya ay tinignan lang ako. Sanay na ako sa ugali niyang feeling mysterious at tanging ang trabaho niya ang priority. "Nasaan po si Dad, Mom?" Usisa ko kay Mommy na abala sa pagluluto ng agahan namin. May katulong naman kami pero mas gusto ni Mommy na siya ang umasikaso sa amin tuwing umaga. "Maaga siyang umalis, 'nak." "Sino pong maghahatid kay Drift at Field sa school?" Tanong ko bago ako tumayo muli mula sa kinauupuan ko at saka ako lumapit sa lababo para maghugas ng kamay. Kumuha na rin ako ng tasa at nagtimpla ng kape. "Why don't you drop them in school?" Sabat ni Kuya. "Baka sakaling maisipan mong mag-aral." I frown at him. "As if mababago ang isip ko kung makikita ko ang school ng kambal. Hello, Kuya elementary 'yon?" "Pwede ka namang bumalik sa elem at bantayan mo ang kambal." Binato ko si Kuya ng kutsara dahil sa inis ko pero ang loko nakailag pa. Padabog na kinuha ko na lang ang tasa ko at saka ako pasalampak na naupo muli sa upuan ko. Siya namang pagpasok ni Drift at Field sa kusina na parehong hindi maipinta ang mukha. "I'm old enough to get inside the university, Flake," magaspang na wika ko. Tumingin sa akin si Kuya nang seryoso. "You're always telling us that you're old enough when in fact you don't have any plans on yourself. What do you want, Nyela?" I bit my lower lip. I can't tell them that I already have my own money and properties. Wala silang ideya na mataba ang laman ng bank account ko. "Gusto ko lang maging taong bahay." Tipid na sagot ko. "A house wife? Hindi bagay." I frown. "Tambay, hindi house wife. Magkaiba 'yon." "Should I tell Dad that you didn't obey his order? I saw you last night and you can't deny the fact that you're still grounded and yet you dared leave your room?" Inismiran ko na lang si Kuya at saka ako kumain. Akala ko pa naman ligtas na ako kagabi nang makauwi ako. 'Yon pala nakita ako ni Kuya Flake. "Nyela, anak, paano kong may makakita sayo at pagkamalan kang akyat-bahay?" Ani naman ni Mommy na siyang ikinanguso ko. "Last na 'yon, Mom. Baka totohanin ni Daddy ang pagpapakasal ko sa taong hindi ko naman kilala." Napailing na lang si Mommy at habang ang mga kapatid ko naman ay abala na sila sa kani-kanilang pagkain. Mukhang mahihirapan ako na kumbinsihin ang mga magulang ko na manatili na lang ako sa bahay at gawin ang gusto ko. "Call me when your school is finish." Habilin ko kay Drift at Field habang papalabas ng kotse. Wala akong nagawa kundi ang ihatid ang kambal dahil ayaw naman ni Kuya lalo na't nauna itong umalis sa amin bago pa man kami matapos sa pagkain. Pinagbuksan ko pa ng pinto ang dalawang asungot at literal na ginawa akong alalay. Kung hindi ko lang sila kapatid, baka pinaanod ko na sila sa dagat o kaya sa malapit na ilog. "Nah, we'll call Dad since you're not allowed to lurk around. You're grounded, Nyela," ani sa akin ni Field na siyang ikinasimangot ko. Bastos talaga 'tong batang 'to. "Sige, kung 'yan ang gusto mo hindi ko kayo bibilhan ng bagong playstation." Marahas na sinara ko ang pinto at akmang iikot na ako papuntang driver seat nang maramdaman kong may humawak sa dulo ng damit ko. Napalingon ako at nakita ko ang kambal. "You mean it?" Sabay nilang sabi. Napangiwi ako. "Anong akala niyo sa akin, walang pera?" Mapaklang sambit ko at saka ako pumamewang sa kanilang harapan. Napanguso naman si Field habang si Drift naman ay nakatingin lang sa akin. Sabay pa silang nagkrus ng kanilang braso sa ibabaw ng kanilang dibdib na akala mo ay magkakaroon kami ng debate. "Tambay ka nga diba, sabi mo? Paano ka naman magkakapera?" Usisa ni Field. "Don't tell me ninanakawan mo si Daddy!?" Nasapo ko ang sarili kong noo dahil parang hindi bata ang kausap ko. Sa sobrang inis ko kinaltukan ko sa ulo si Field. "Tumigil ka nga! Hindi ako pinalaki ni Mom at Dad na magnanakaw, no." Pero aminado ako na pumapatay ako ng tao dahil sa trabaho ko. "Pumasok na nga kayong dalawa bago ko pa maisipang isilid kayo sa sako!" Natakot naman ang dalawang bulinggit sa sinabi ko kaya naman kumaripas sila ng takbo palayo sa akin. Napapailing na pumihit ako patalikod at saka ko tinungo ang gawi ng kotse kung saan naroon ang driver seat. Pagkapasok ko ng sasakyan, agad kong pinasibad ang sasakyan patungo sa mall para bilhin ang latest playstation na trip ng kambal. Ito lang ang kaligayahan nila at bilang ate, gusto kong gampanan ang responsibilidad ko sa bahay. Nang marating ko ang mall, agad kong ipinarada sa parking space ang hi-ace na gamit ko na siyang pagmamay-ari ni Dad. Ginagamit ko lang ang sasakyan na ito kapag may importante akong lakad o ihahatid ang kambal sa kanilang school. Si Kuya at Mommy naman ay may sariling sasakyan, ako lang ang wala. Gaya ng sabi ko, hindi kami mayaman. Average lang ang pamumuhay namin at sa isang kompanya nagtatrabaho si Dad at Kuya bilang mga empleyado. Sa laki ng sahod nila, kaya nilang punan ang edukasyon ko kung gugustuhin kong mag-aral sa isang prestihiyosong paaralan pero hindi ko ginawa. Pagpasok ko sa loob ng mall, nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin pero inignora ko lang 'yon at saka ako dumiretso sa escalator paakyat ng second floor. Hindi lang isa ang nakamasid sa akin, kundi marami sila. "Frost," sambit ko matapos kong hawakan ang hikaw na nasa tenga ko at awtomatiko itong nakakonekta kay Frost. "Hmm?" Tipid na sagot nito na tila kagigising lang. "Check the mall's vicinity where I was in. I feel like I'm being followed." Utos ko kay Frost. Pumasok ako sa toy kingdom at rinig ko ang pagtipa ni Frost sa kanyang keyboard. "Agent Mega is also inside where you are and he's on a mission." Ani ni Frost. Nagkibit-balikat ako. Baka mali lang ang hinala ko. Hindi na lang ako umimik at saka nagpatuloy sa isang section kung saan naroon ang gaming tools. Kumuha ako ng isang playstation at halos tumaas ang balahibo ko sa batok nang may dumaan doon na tila bala ng baril kaya naman napalinga ako sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD