Kabanata 5: Red Tigers

1313 Words
NYELA'S POV: -- Hindi nga ako nagkamali ng hinala nang mapansin ko ang tatlong lalaki na nakatingin sa gawi ko na nagkukunwaring tumitingin ng mga laruan. Akala ko sa action movie ko lang makikita ang mga lalaking nakasuot ng leather jacket na tila may minamanmanan at hindi ko akalain na mangyayari ito sa totoong buhay. Sa estado ng trabaho ko, malamang isa ito sa mga nakabangga ko pero magiging inosente muna tayo bago dumating si Mega at baka masira ang diskarte ko. "I have a bad feeling about this, Frost. Call Mega for me to back me up. Three people spotted behind me and they are looking at me intently." Malamig na sambit ko kay Frost mula sa earpiece na suot ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng bahay na madungis dahil tiyak na magtataka si Mommy kapag nakita niyang balot ng dugo ang buong katawan ko. "Alright. I'll send him a message to meet you there." Mula sa peripheral vision ko, kumilos ang tatlong lalaki nang makita nilang magbabayad na ako. Mabuti na lang at kaunti lang ang pila kaya naman mabilis akong nakapagbayad. Nang makalabas ako nang toy kindom, sakto namang pagsalubong sa akin ni Agent Mega. "What took you so long?" Kunot noong usisa ko kay Mega. Napakamot naman ito sa batok. "I'm on a mission. I need to follow someone here inside the mall but I lost her." Tinanguhan ko na lang si Mega at saka kami naglakad palayo mula sa toy kingdom. "Who the hell these three idiots who dared to follow you?" Kaswal na sambit ni Mega nang maramdaman naming sumunod ang tatlong lalaki sa amin. Nayayamot na 'yan pero pinipigilan niya lang at mukhang papalpak pa ata ang misyon niya ngayong araw dahil sa akin. "I don't know. We can't take action especially if we're in a public place. Might as well bring them where my car is." Sagot ko. Tumango si Mega sa sinabi ko at saka kami tumungo sa exit na parang wala lang. Tila normal na mamamayan lang kaming napadalaw sa isang sikat na mall. Nang makalabas kami, umangat ang isang kilay ko nang unti-unting nsgsilabasan ang mga kasamahan ng taong sumusunod sa akin. Napangisi ako. "Mabuti naman at naisipan mong lumabas? Akala ko dadaanin ka namin sa dahas kasama ang mga inosenteng tao sa loob ng mall." Napabuga ako ng hangin at saka ipinasok sa loob ng sasakyan ang playstation na binili ko. Mahirap na baka mayupi lang, edi umatangal na ng iyak ang kambal kung ibinigay ko sa kanila 'yon nang sira na? Humarap ako sa lalaking nagsalita at halos mapangiwi ako sa itsura nitong pang mobsta - black leather jacket, white sando, black pants, combat shoes and a red bandana on his head. Talk about being jologs? Baka Red tigers 'yan? "Ano bang kailangan mo?" Maangas na usisa ko rito na akala mo ay galing ako sa tambakan. "Baka nakakalimutan mo ang atraso mo sa amin, Nyebe?" Nanlisik ang mga matang sambit ni Walking leather. I'll call him that since hindi bagay sa kanya ang porma niya. "Nakalimutan ko nga. Ano bang atraso ko sa inyo?" Pang-aasar ko pa habang si Mega ay napailing na lang. "Ikaw lang naman ang nagpabagsak sa transaksyon namin kaya ngayon binabalikan ka namin." Aniya na siyang ikinaangat ng isang kilay ko. "Oh, tapos? Anong gagawin ko? Maibabalik ba ng paghihiganti ni'yo ang mga bagay na napurnada na dahil sa akin?" Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni Frost mula sa earpiece na suot ko. What can I do? This is how I dwell with the person I don't wanna talk to. "Matapang ka talagang babae ka. Gulpihin 'yan!" Utos ni Walking leather. Nasa parking lot kami at karamihan sa kanila ay may dalang baseball bat at bakal. Sobrang init pa man din ng panahon at ayokong mapagpawisan. Pero dahil sila ang lumapit sa akin, might as well giving them a recognition to feel my fist. Unang umatake sa akin ang katabi ni walking leather at akmang hahapasin ako nito ng hawak nitong baseball bat nang maunahan ko siya. Dinakma ko ang kanyang batok at walang atubiling pinisil ang ugat nito sa leeg at wala pang limang segundo, bagsak agad ang kalaban ko. "Matapang lang kayo dahil marami kayo. Ano? Lusob na!" Pang-aagyat ko pa at inihanda ang sarili ko sa posibleng paglusob nila. "Argh! Lintik kang babae ka!" Nagsimula na silang lumusob lahat at tanging tunog ng kamao ko at paa ang maririnig sa paligid dahil sa bigat ng suntok at sipa na binibigay ko. Halos nasa trentang tao ang kaharap ko at ngayon lahat sila ay bagsak na sa harapan ko. Napalingon ako sa gawi ni Mega at hawak-hawak niya sa leeg si walking leather habang nakaangat ang mga paa sa lupa. Sa tangkad ba naman ni Mega, malamang aangat ka talaga sa lupa oras na mahawakan ka niya. Ni hindi ko napansin na tinulongan niya ako dahil abala ako sa sarili kong mundo at kung hindi ko pa narinig ang pag-atungal ni walking leather, baka nakalimutan ko nang may kasama ako. Tinapik ko sa balikat si Mega. "That's enough. You should bring them inside our territory and let me interrogate them." Marahas na binitawan ni Mega si walking leather at saka ako nito tinanguhan at kinuha ang sarili nitong telepono mula sa bulsa. Mukhang magpapatawag panibagong back up para iligpit ang mga basura. "Thank you for helping me out, Agent Mega. I should go first." Paalam ko. "Sure," sagot naman nito. Sumampa na ako sa loob ng sasakyan at saka pinaandar 'yon pauwi ng bahay namin. Pagkarating ko, agad kong ipinasok sa garahe ang kotse dahil kapag nakita ni Dad na nakabalandra sa labas tiyak na sasabunin na naman niya ako ng sermon. Ayaw kasi ni Dad pakalat-kalat ang gamit niya lalo na kapag ako ang gumagamit. Alam ko namang mahal niya ako, sadyang matigas lang ang ulo ko dahil ayaw kong pumasok sa eskwelahan para mag-aral. "Natagalan ka yata?" Napalingon ako sa b****a ng pinto at nakita ko si Mommy na may hawak na basahan habang pinupunasan nito ang sariling kamay. Kinuha ko ang playstation sa backseat at saka ko isinara ang pinto ng kotse at lumapit kay Mommy. "Sorry po. Nagkaaberya lang tyaka dumaan po ako sa mall para bilhin ito." Sambit ko at saka pinakita kay Mommy ang playstation na hawak ko. "Uubusin mo na naman ang ipon mo para sa luho ng mga kapatid mo? Bakit hindi ka na lang mag-aral nang may pakinabang naman ang perang binibigay ko sa'yo?" Napasimangot ako. "It's just a simple gift for them of being my kind of headache, Mom. Don't worry about the money you gave kasi nasa bangko naman 'yon." Ang totoo, hindi ko ginagamit ang perang binigay ni Mommy sa akin. Ginawa kong insurance 'yon para sa future ng kambal. Actually, kompleto kaming lahat sa posibleng makukuha na pera ng magiging pamilya namin in the future kapag may nangyaring masama sa akin. Hindi naman kasi biro ang perang natatanggap ko mula sa misyon kaya kahit hindi na magtrabaho ang parents ko at si Kuya, kaya na silang buhayin ng perang inilaan ko sa kanila. Hindi ko na pinansin pa si Mommy nang makapasok ako sa bahay. Bagkus, dumiretso ako sa kwarto ko at iniwan sa may pintuan ang playstation na binili ko. Pasalampak akong nahiga sa kama at sakto namang nagsalita si Frost mula sa earpiece na suot ko. "Agent Mega came back with the thugs you encountered. What should we do with them?" Aniya. "Bring them to the dungeon. I need to think something about how to get away from this house later." "Why?" "Dad gave me a condition of me having away from our house every night and if he finds out about it, he'll do something I wouldn't like." "Why don't you obey him, instead? Going to school is not that hard." Napairap ako sa sinabi ni Frost.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD