NYELA'S POV: -- Napanguso ako. "Hinatid at sinundo ko lang naman ang kambal, Dad. Anong masama don?" "Oh yeah? Someone told me you were getting caught in a fight in front of a mall with my car. Seriously, Nyela? Babae ka ba talaga?" Aray? Parang duda pa siya sa kasarian ko. At sino namang poncio pilato ang nagsumbong sa Daddy ko? Napalingon ako kay Felix pero umiling lang ito at saka ko ibinaling ang paningin ko kay Dad. "Sila kaya ang lumapit sa akin. Hindi ko naman kasalanan kung ililigtas ko ang sarili ko mula sa kanila. They even brought metal and baseball bat." Rason ko. "Yon na nga ang problema, may gamit sila tapos ikaw wala? What if someone will smash your air head? Nag-iisip ka bang bata ka?" Nalukot ang mukha ko. "I am fine, Dad. Kasama ko naman si Felix why so bothered?

