NYELA'S POV: -- NAKAKULONG lang ako sa loob ng kwarto ko at nagkalat sa aking mesa at kama ang mga dokumentong pinadala ni Frost sa akin. Pinag-aaralan ko ang bawat profile ng mga kawatan na siyang nanggugulo sa tren para lang makahuthot ng pera sa mga kawawang empleyado na matinong nagtatrabaho. Sumandal ako sa swivel chair na kinauupuan ko at hinilot ang sarili kong sintido habang nakapatong ang aking batok at nakatingala ako sa kisame. Kahit ilang beses kong itatak sa isip ko ang mga mukha ng mga lalaking nangho-hostage ng mga pasahero sa tren, hindi matanggap ng sistema ko kung gaano kasi kalupit sa pormahang pang sanggano. I mean, sino ba ang matutuwa sa mga hostage taker na ito na nakasuot ng mga baggy pants, big sando shirt at tsinelas? Literal na hampas lupa ang datingan kung

