NYELA'S POV: -- NATAHIMIK si Drift sa sinabi ko. Hindi naman na ako magtataka kung tatanungin niya ako tungkol sa plano ni Dad na pag-aralin ako sa kolehiyo dahil open naman kami sa isa't-isa tungkol sa mga pribadong usapin lalo na sa pamilya namin. "Bakit ayaw mo mag-aral? Sabi ni Daddy need daw natin mag-aral kasi 'yon na lang ang maipapamana niya sa atin. Pwede ba ibenta 'yon?" Pagak akong tumawa sa kainosentehan ng kapatid ko. Although he's smart, he can understand what is happening in our family, especially about me being the black sheep of the Benoit clan. "Hindi pwedeng ibenta ang edukasyon, Drift. Ang ibig sabihin ni Daddy, pwede nating magamit sa future ang mga bagay na napag-aaralan natin sa school. Tulad mo, kaya mong magbasa at magsulat at isa pa matalino ka hindi ba?" Pag

