Agad napa balikawas ng bangon si Amara nang tumama sa kanyang mukha ang mataas na sinag ng araw mula sa bahagyang naka bukas na bintana sa silid ni Xavier. Mariin niya pang nakagat ang pang ibabang labi nang hindi sinasadyang madaan ng tingin ang malaking wall clock malapit sa study table ni Xavier. Pasado alas diyes na ng tanghali at heto siya’t kagigising lamang. Disappointed na inikot ni Amara ang tingin saka napa buga ng hangin nang hindi makita doon ang kanyang boss. “I am freaking late… And I am a freaking maid…” Wala sa sariling kausap niya sa kawalan bago mabilis nang bumangon, inayos niya muna ang kamang pinag higaan bago mabilis na tinungo ang banyo at nag hilamos.s Nang matapos ayusin ang sarili ay nag mamadali na rin siyang lumabas g silid ng kanyang boss, balak niyang bu

