Katulad ng inaasahan ay naging mabagal ang takbo ng mga oras at araw para kay Amara. Kung bakit ba naman kasi ilang araw lamang naman wala ang kanyang boss pakiramdam niya ay napakatagal na nilang hindi nag kikita, idagdag pang ang sabi ni nanay Unday ay dalawang araw lamang mawawala si Xavier pero halos ika-limang araw na ay wala pa rin ito, tuloy ngayon ay napakatamlay niya’t halos wala sa tamang huwisyo. Malakas siyang napa buga ng hangin habang nag hihiwa ng ilang gulay na sangkap sa pag luluto ni nanay Unday ng hindi niya malamang putahe para sa hapunan, dahil sa malakas niyang pag buntong-hininga rin ay naagaw niya ang atensyon ng mga kasama. “Parang ang lalim naman yata ng butong-hininga mo, Amara…” Naiiling na sabi ng isa sa mga kasambahay, si Aisa. “Oo nga, ano ba iyang nasa

