Pasado alas dos na ng madaling araw ay hindi pa rin dalawin ng antok si Amara. Kanina pa siyang nag papagulong-gulong sa maliit niyang kama, kung ano-ano na ring posisyon ang nagawa niya, nakuha niya na ring mag latag ng kumot sa sahig upang doon mahiga kaya lamang ay sakit ng likod lamang ang napala niya. Marahas siyang napa buntong hininga saka ibinato sa kung saan ang yakap niyang unan. Bakit ba kasi, Amara? Matulog ka na… Walang mararating iyang pag mamaktol mo, wala ring magagawa iyang inis mo… Eh ano naman ngayon kung hindi kia man lang pinansin ng pesteng si Xavoer kanina? Hindi ka talaga papansinin nun, karga ang bruhang si Angelica eh, anong malay mo naman, baka nga nag aano na iyong dalawa ngayon eh… Inis niyang sabi saka dumaopa ng higa. Dahil sa isiping tumatkbo sa kanyang

