“Amara ano ka? Ayos ka lang ba? Kapag bumaba ka doon at nag pilit na mag trabaho sa tingin mo ba okay kami ni sir doon?” Nanlalaki ang mga matang sabi ni Cally nang pilitin niyang bumangon. “Hindi ‘yan akong bahala!” May kayabangan niyang sabi, pinanliitan naman siya nito ng mga mata. “Aba’t anong ikaw ang bahala? Hindi mo ba alam kung gaano ka ikli ang pisi ng boss natin? Mas maikli pa sa sinulid na pang tahi sa butas ng medyas. Tsaka hindi mo rin ba nakita kung gaano ka seryoso iyon nang ibilin ka niya sa akin kanina? Ako daw ang malalagot kapag pinairal mo iyang katigasan ng ulo mo.” Mahabang litanya nito, napa siangot naman dito si Amara. “Sa haba ng sermon po para kang girl version ng lolo ko. Tsaka okay naman na ako eh, kaya ko nang mag trabaho.” Pag sisinungaling ni Amara. “

