Naka labas na at lahat si Xavier sa silid nito, halos mag ka-kalahating minuto na rin itong wala doon ngunit hindi pa rin mawala ang malaking ngiti sa mga labi ni Amara. Isama pang sa palagay niya ay nag mumukha na rin siyang bulateng nilagyan ng asin sa pabalik-balik na pag gulong sa malaking kama nito tuloy ay lalo siyang nahilo. Sa kabila ng sama ng pakiramdam ay hindi ulit napigil ni Amara ang muling pag silay ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi at ang dahilan niyon? “Sh*t kinikilig ako…” Amara giggled as she covered her face with her own hands. “Okay! Tama na... Amara, relax…” Tila isang baliw na saway niya sa sarili sabay pilit na pinawi ang ngiti. “Ehhh… Kahit naman kasi pigilan ko wala pa rin eh, ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko kahit pa ba isang simpleng I like you l

