KABANATA 1

1119 Words
MARRYING THE BUSINESS TYCOON 01 “Anastasia, mag-oovertime ka na naman ba ngayong araw?” tanong ni Apple sa akin habang inaayos nito ang kanyang mga gamit pati na din ang sarili para sa pag-uwi. Napatingin ako sa labas, hindi ko namalayan na lumubog na ang araw. Unti-unti na din dumidilim sa labas at ang mga tao na naghihintay sa pila mula sa kalapit na terminal ay humahaba na, hindi lamang ang mga nagtratrabaho kundi pati na din ang ibang estudyante na nagsisi-uwian na. “Hindi na siguro,” mahinahon na sagot ko sa kanya bago isinara ang folder na aking hawak bago inilapag ‘yon sa lamesa, “Tapos ko na din naman ang trabaho, wala na ‘kong gagawin na iba pa.” dagdag ko pa. “Great! Diretso ka na ba sa pag-uwi?” tanong niya muli, “Kung wala ka naman gagawin, samahan mo naman ako sa mall. Payday ngayon, kailangan natin magrelax kahit papaano, at bilhan mo naman ng maayos na damit ang sarili mo. Wala ka na sa probinsya para magsuot ng mga ganyang klaseng damit.” Mahaba niyang sagot bago hinawakan ang laylayan ng aking damit. “Pinoproblema mo na naman ang damit ko,” sagot ko sa kanya bago inayos ang aking bag, “Wala naman akong gagawin, sasamahan kita pero hindi ako bibili kas—“ “Kasi nagtitipid ka?” nakataas ang kilay nitong putol sa sinasabi ko, “Lagi namang ganyan ang rason mo sa ‘kin, palagi ka naman nag-oovertime pero para kang walang pera.” Dagdag pa nito. “Ganon talaga,” natatawa kong sagot sa kanya bago tumayo na sa aking pwesto. Si Apple ang pinakamalapit kong kaibigan sa loob ng trabaho, may pagka-maldita man siya ay tunay naman siya sa kanyang pag-uugali. Mababait naman ang tao sa loob ng office pero kahit kami-kami lamang ang andito ay nagkakaroon pa din ng chismiss, siraan at sipsipan sa loob mas lalo na ang mga taong gusto agad umangat sa trabaho. Kaya naman ay sobra akong nag-iingat sa aking pinagkakatiwalaan dahil mahirap na. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa mall, may kalayuan ‘yon sa trabaho pero mabilis lamang kaming nakarating dahil sa habal na sinakyan namin. Dumiretso na din kami agad sa unang boutique na sumalubong sa aming pagpasok. “Ano sa tingin mo, Anastasia?” tanong sa ‘kin ni Apple bago itinaas ang dalawang off-soulder dress sa aking harapan, “Itong black or red?” “Iyong red.” Sagot ko sa kanya. “Okay! Miss, itong black.” Aniya sa sales lady na nakasunod sa kanya. Napangiwi na lamang ako ng piliin niya ang itim at napatingin sa kanya na excited na nagpunta sa counter upang magbayad. Nang matapos na siya ay dumiretso nag-umpisa na muna kaming maglibot-libot upang makapili ng maayos. “Try natin dito.”  Aniya bago pumasok  sa isang sikat na brand ng mga relo. Agad na pumasok kami sa loob at nag-umpisa na siyang mamili. Habang nagtitingin-tingin ay isang relo ang naka-agaw sa aking pansin at agad na naalala ang isang tao ngunit halos malaglag naman ang aking mata sa taas ng presyo. “Ma’am, gusto niyo po bang tignan?” tanong ng sales lady, “Magaling po kayo mamili. Isa po ‘yan sa best seller ng shop.” Wala ako sa sariling na tumango, hindi pa din maalis-alis ang tingin ko sa relo. Napaka-ganda! Sigurado ako na babagay ang relos na ‘to sa kanyang kamay. “Kaya ka ba nagtitipid dahil bibilhan mo ng regalo ang boyfriend mo?” tanong ni Apple. Hindi ko manlamang naramdaman ang kanyang paglapit. Hindi ako umimik at ibinalik ang relo sa sales lady. Kinuha ko ang wallet sa loob ng bag saka binilang ang natitirang pera bago muling napatingin sa relo na nasa aking harapan bago tumingin sa sales lady. “Miss, kukuhain ko po ‘yan.” Nakangiting ani ko sa kanya. “Yes, ma’am.” Sagot nito sa akin at nag-umpisa nang ayusin ang relo. “Ayan ba ang magtitipid?” nakangisi na tanong ni Apple sa akin bago napailing, “Hindi mo mabilhan ang sarili mo ng bagong damit pero nabibilhan mo ang boyfriend mo nang bagong relos na kahit sarili mo ay hindi mabilhan.” “Minsan lang naman ‘to, Apple. Ngayon lang ako magbibigay sa kanya ng regalo, malapit na din kami magdalawang taon kaya deserve niya ang bagay na ‘to.” Sagot ko sa kanya. “Whatever! Ang mag-asawa nga, naghihiwalay pa kahit may sarili ng pamilya at dekada ng magkarelasyon. Kayo pa kaya na magdadalawang taon palang?” sabay irap nito sa akin. Hindi ko na siya sinagot at nagbayad na lamang ng aking binili. Nagpatuloy kami sa paglibot-libot, isang oras na lamag ay magsara na ang mall pero may marami pa din ang tao sa loob, may iba na papasok pa lamang upang kumain, at may iba naman na naghihintay sa labas. “Pasensya na, hindi ko namalayan ang oras, bilisan na lang natin ang kumain para makauwi na tayo.”  Paghingi ng pasensya ni Apple bago inilapag ang order namin sa mesa. “Ayos lang, nawili din naman ako sa kakatingin.” Sagot ko sa kanya. Nag-umpisa na kaming kumain ng mapahinto ‘to at nakatingin sa labas. Nang tignan ko ang kanyang tinitignan ay hindi ko masyadong maaninag, wala ‘kong suot na salamin kaya naman ay mahina kong itinapik ang kanyang kamay upang tanungin ‘to. “Akala ko ba ay kailangan natin bilisan sa pagkain pero nakatulala ka nalang dyan?” tanong ko sa kanya bago muling lumingon sa kanyang tinitignan, “Ano ba ang tinigtignan mo?” “Anastasia, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Nagawa ka na bang lokohin ng boyfriend mo at asan siya ngayon?” seryoso niyang tanong. “Hindi pa siya nagloloko kahit isang beses, madalas lang siyang abala sa trabaho kaya naman ay madalang kami magkita. Bakit mo na tanong?” nagtataka kong balik ng tanong sa kanya. “Sigurado ka?” paninigrado niya. Tumango ako sa kanya. “Oo, sigurado ako sa bagay na ‘yon.” Napabuga na lamang siya ng hangin bago muling tumingin sa kanina niya pa tinitignan bago tumango. “Baka nga na malikmata lang ako.” Bulong niya sakto na para aking madinig. “Ano ba ‘yon?” hindi ko na siya maintindihan. “Wala ‘yon, wag mo na lang pansinin.” Sagot niya bago sumeryoso ng tingin sa akin, “Anastasia, bantayan mo ng mabuti ang bawat kilos ng boyfriend mo. Alam ko na malaki ang tiwala mo sa kanya pero hindi masama ang mag-ingat at mag-overthink minsan.” Aniya na mas lalong ipinagtaka ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD