KABANATA 2

1116 Words
MARRYING THE BUSINESS TYCOON 02 “Ayos na ‘to.” Pagkukumbinsi ko sa aking sarili habang kaharap ang malaking salamin bago kinuha ang paper bag kung saan nakalagay ang relo na ibibigay ko para kay Alex. Si Alex ang aking kasintahan, matagal na kaming magkakilala ngunit nitong mga nakaraan taon lamang kami nagkaaminan. Siya ang isa sa mga kababata ko mula sa probinsya, marami ang humahanga sa  kanya sa kinalikuhan namin lugar kaya naman hindi makapaniwala ang lahat ng malaman na ako ang kanyang kasintahan. Nang maihanda ko na ang aking sarili ay isa-isa ko na din inayos ang lahat ng ginamit. Balak namin ang magkita ngayong araw, matapos ang ilang lingo na pagiging abala niya ay sa wakas magkakaroon na kami ng oras para sa isa’t-isa. Gusto ko din ibigay na sa kanya ang maliit na regalo na inihanda ko. “Sino ‘yan?!” pasigaw na tanong ko ng marinig ang malalakas na katok mula sa aking pinto bago ibinababa ang aking hawak upang pagbuksan ‘to. “Ma?” bulaslas ko ng makita si mama na nasa aking harapan, “Ano po ang ginagawa niyo dito? Pasok po kayo.” Paanyaya ko bago nilakaihan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok naman ito habang nililibot ang tingin sa buong paligid, agad kong isinara ang pinto at inilagay sa sulok ang paper bag na aking hawak upang hindi niya ito makita. Naupo naman si mama sa isang single sofa sa gilid bago napabuga ng hangin. “Ang Tito Camella mo ay may sakit, wala sa mga anak niya ang gustong sumama sa kanya dahil lahat ay abala sa trabaho. Kaya pinaki-usapan niya ‘ko na ako na lang ang sumama, na pansin ko din na malapit lang ang hospital sa lugar mo kaya pumayag na din ako para mabisita ka.” Nakangiti na paliwanag niya. Lumapit naman ako kay mama bago mahigpit ‘tong niyakap. “Bakit hindi niyo po agad sinabi sa ‘kin, sana ay nasundo ko pa po kayo.” Aniko. “Ayaw na kita abalahin, anak. Alam ko na kahit hindi mo sabihin ay pagod ka na sa trabaho mo at madalas na nag-oovertime kaya ayaw ko na dumagdag pa.” sagot nito bago kinuha ang dala-dalang bag at nag-umpisang maglabas ng mga pagkain, “Nagdala din ako ng iilang mga pagkain, nabanggit mo na mahal ang mga bilihin dito kaya naisipan ko ang magbalot.” Dagdag pa nito. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang tinitignan si mama. May katandaan na ito pero malakas pa din ang kanyang pangangatawan, kahit anong sabi at pagpupumilit ko sa kanya na tumigil na sa pagtratrabaho ay nagrereklamo lamang ‘to dahil ayaw niya iasa sa akin ang lahat ng gastusin. “Teka, anak,” napatigil siya sa paglalabas ng pagkain bago napatingin sa aking, “Ngayon ko lang na pansin na naka-ayos ka ngayong araw, may pupuntahan ka ba?” nag-aalala nitong tanong. Mabilis akong umiling sa kanya bago isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat, “Balak ko lang po ang kumain sa labas para i-treat ang sarili ko at mamili na din ng ibang mga pangangailangan dito sa loob ng kwarto.” Pagsisinungaling ko. “Ganon ba?” sagot nito bago napabuntong hininga. “Ayos lang po ‘yon, ma. Tutal, ay andito na din po kayo ay samahan niyo na lang po ‘ko. Malungkot din naman po kung mag-isa lang ang kumakain, may sale din po ngayon para mabilhan na din po kita ng mga bagong damit.” Nakangiti kong ani bago isa-isang inilagay ang mga dala ni mama na pagkain sa maliit na ref. Tumango-tango na lamang si mama bago ako tinulungan sa aking ginagawa. Maliit lamang ang aking tinitirhan, sapat na ‘yon para magkaroon ako ng maliit na kusina, banyo, salas pati na din kwarto. Ako lang naman mag-isa kaya maayos na ang lugar na ‘to para sa akin. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa mall, habang si mama ay naghihintay sa aming mesa ay ako naman ang nakapila upang umorder ng aming makakain nang maramdam ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. “Hala!” gulat kong ani at agad na sinagot ang tawag. “Asan ka na?” bungad ni Alex mula sa kabilang linya. “Pupunta ka pa ba?  kanina pa ‘ko naghihintay sa iyo dito. Sabihin mo kung hindi ka na pupunta para hindi na din ako magsayang ng oras.” Irritable niyang dagdag. “Pasensya na, babe.” Mahinahon kong sagot bago napatingin sa pwesto ni mama, “Hindi ko inaasahan na darating si mama ngayong araw, hindi na kita natawagan para sabihin sa ‘yo na hindi na muna ‘ko makakapunta.” Paliwanag ko sa kanya. “Okay, uuwi na ‘ko.” Sagot niya bago pinatay ang tawag at hindi hintay na muli akong makapagsalita. Napabuga na lamang ako ng hangin at nag-umpisang magtipa para humingi sa kanya ng tawad dahil sa nangyari. Nang maka-order na ‘ko ay agad akong nagpunta  sa lamesa kung na saan si mama, nang magsalita ‘to habang nakatingin sa labas. “Itinuloy mo pa din ba ang relasyon niyo ni Alex?” tanong ni mama habang inaayos nito ang kanyang pagkain. Napatigil ako sa kanyang tanong at napaiwas ng tingin. Hindi sang-ayon si mama sa relasyon namin ni Alex magmula ng makita niya ‘kong umiiyak dahil dito, naiintindihan ko si mama. Ayaw niya lamang ako masaktan at magsisi sa huli pero mahal ko si Alex kaya naman ay hindi ko din siya kayang bitawan. “Ma,” tawag ko sa kanya. “Anak, hindi mo kailangan isekreto sa akin ang relasyon niyo. Matagal ko ng alam ang bagay na ‘yon, kahit hindi ako sang-ayon sa inyong dalawa ay wala pa din akong magagawa kundi ang respetohin ang sarili mo. Ang akin lang din ay gusto sana mag-ingat ka, ‘nak. Isang beses ka na ilang beses ka na niyang niloko pero nagstay ka pa din sa kanya.” Mahabang sagot sa akin ni mama bago napailing. “Hindi niya po ‘ko niloko,” sagot ko sa kanya, “Kasalanan ko po kung bakit nangyari ‘yon dati, lasing po siya at hindi niya po alam kung ano ang kanyang ginagawa.” Paliwanag ko. Mahinang napatawa si mama, “Hindi mo kelanman naging kasalanan ang bagay na ‘yon. Lagi mong tandaan, anak. Kung talagang kuntento siya sa ‘yo, kahit sabihin pa na lasing ‘yan ay lalayo ‘yan sa babae pati na din tukso. At hanggang ngayon ay hindi mo pa din maamin sa sarili mo, patuloy mo pa din na pinapaniwala ang lahat na hindi ka niya niloko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD