KABANATA 3

1094 Words
MARRYING THE BUSINESS TYCOON 03 “Anastasia, anak, huwag mo masyadong ipressure ang sarili mo sa pagtratrabaho. Hindi mo naman kailangan araw-araw mag-overtime, bigyan mo ng pahinga ang sarili mo mas lalo na ang mga mata mo. Lagi ka din kumain sa oras at huwag ka magpapalipas ng gutom. Mas importante ang kalusugan mo kesa sa kahit anong halaga ng pera.” Paalala sa akin ni mama habang naghihintay ng bus na kanilang sasakyan sa pagpunta sa pier. “Opo, ma. Naiintindihan ko po, kayo din ay mag-ingat sa pag-uwi. Sa susunod na magpupunta kayo dito ay tumawag kayo sa akin ng mas maaga para masundo ko kayo sa pier.” Sagot ko sa kanya bago ito mahigpit na niyakap. “Osya, andito na ang bus. Huwag mo na kami ihatid, umuwi ka na sa apartment mo para makapagpahinga. May pasok ka pa bukas,” utos nito bago niyakap ako pabalik. Hinintay ko ang makasakay silang dalawa, nakatingin lamang ako mula sa labas hanggang sa unti-unti na ‘tong umandar ang bus na kanilang sinasakyan at tuluyan na ‘tong mawala sa aking paningin. Napabuga ako ng hangin at dumiretso agad sa isang jeep kung saan patungo sa bahay ni Alex. Hindi pa siya nagtext o ‘di kaya ay tumawag. Tinry ko siyang tawagan ngunit hindi naman niya ‘to sinasagot, sigurado na nagagalit pa din ‘to sa akin dahil sa pang-snob na ginawa ko kahapon sa lakad namin dalawa. Hindi nagtagal ay nakarating na ‘ko sa harap ng kanyang pintuan, sinubukan ko ang kumatok ngunit walang nagbukas at walang tao sa loob. Kaya naman ay kinuha ko na lamang ang susi sa ilalim ng paso na madalas niyang pinaglalagyan at saka pumasok sa loob ng kanyang apartment. Malinis ang buong kwarto, wala din bakas ni Alex sa loob pero nakuha ang aking atensyon ng isang underware na nasa sahig. “Oh!” malakas na ungol mula sa loob ng kwarto. Nag-umpisang manginig ang aking mga kamay at nag-umpisang pumasok ang kung ano-ano bagay sa aking isipan. ‘Hindi niya magagawa sa ‘kin ‘yon.’ pangungumbinsi kong ani sa akin sarili at marahan na naglakad papunta sa kanyang kwarto. Mula sa maliit na awing ng pinto ay sinilip ko ang nangyayari sa loob. Tila binuhasan ako ng mainit na tubig sa aking nakita, napatakip ako ng aking bibiga at hindi makapaniwala sa aking nakita. Si Alex na may kasama sa kanyang kama habang parehas na sarap na sarap sa kanilang ginagawa at hindi alintana ang pawis sa kanyang katawan. “Bakit?” tanong ko sa aking sarili habang patuloy ang pagtulo ng aking luha. “Saan ako nagkulang?” dagdag ko pa. Nanatili akong nakatingin sa kanila hanggang sa matapos na nila ang kanilang ginagawa at parehas na napahiga sa kama. “Babe, hindi mo pa ba tatawagan ang girlfriend mo?” tanong ng babae, “Sabi mo ay makikipaghiwalay ka na sa kanya kahapon, anong nangyari?” desperada na dagdag nito. “Hindi kami natuloy, dumating daw ang mama niya kaya hindi siya nakapunta. Hayaan mo, babe, mamaya ay tatawagan ko siya para makipaghiwalay.” Sagot ni Alex sa babae bago ‘to muling hinalikan. Napakagat ako sa aking ibabang labi, mariin na ipinikit ang aking mga mata at pinunasan ang aking mga luha. Lakas loob ‘kong binuksan ang pinto dahilan upang mapatigil ang dalawa at napatingin sa aking pwesto. “A-anastasia, anong ginagawa mo dito?” gulat na tanong ni Alex at akmang tatayo ‘to ng hatakin siya pabalik ng babae upang pigilan ‘to sa paglapit sa akin. “Gagawin ko lang ang hindi mo nagawa kahapon,” malamig kong ani at pilit na pinipigilan ang paglabas ng aking luha. Ayaw ko makita niya ‘kong mahina, ayaw kona maging mahina. “Anastasia,” nakokonsensya nitong tawag sa aking pangalan. “Maghiwalay na tayo, Alex.  Ayaw ko na, tama na ang ilang beses mo ‘kong niloko, tama na ang mga araw na sinisisi ko ang sarili ko dahil sa mga ginagawa mo.” Sagot ko sa kanya bago tumingin sa kanya diretso sa mata, “Pagod na ‘kong akuin ang lahat ng pagkakamali mo.” Dagdag ko. “A-anstasia,” muling tawag niya sa aking panagalan. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sasabihin, tumalikod na ako sa kanila at tumingin sa kisame upang pigilan ang pagpatak ng aking luha, “Tapos na tayo.” Huling katagang aking sinabi bago tumakbo na papalabas ng kanyang apartment. Hindi ko alam ko kung saan kung ako dinala ng aking mga paa, panay lamang ako takbo hanggang isang malakas na busina ang nadinig. Doon ko lamang namalayan na may isang sasakyan ang mabilis na tumatakbo papunta sa aking harapan nang may humila sa ‘kin mula sa gilid. “Miss, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong lalaki. Tumingin ako sa kanya ngunit hindi ko makita ng maayos ang kanyang itsura dahil sa mga luha na patuloy na tumutulo sa aking mga mata. “Hindi, hindi ako maayos.” Sagot ko sa kanya at muling tumakbo. Napahinto ako sa isang parke, walang ibang tao ang andon maliban sa akin. Naupo ako sa isang swing at doon nagpatuloy sa aking pag-iyak. Unti-unting pumasok sa aking ala-ala ang lahat nang ginawa niyang panloloko sa akin sa loob ng mga taon na magkasama kaming dalawa. Ang lahat ng panloloko na sa akin niya ibinibintang sa huli dahil sa pagkukulang ko sa kanya, dahil sa hindi ko maibigay ang kanyang gusto. Magdadalawang taon na din, ganon na din katagal na pinapaniwala ko ang aking sarili na hindi niya ‘ko niloloko, na maayos lang kaming dalawa at ang relasyon namin. “Kasalanan ko din ‘to, kung hindi ko lang sana pinalampas ang mga bagay noong una palang ay hindi ko na sana nararamdaman ‘to ngayon.” Pagsisi ko sa aking sarili. Nagpatuloy lang ako sa aking pag-iyak, wala na ‘kong ibang magagawa kundi ang ilabas ang bigat na aking nararamdaman gamit ang pagtulo ng luha. “Tahan na, mas lalo ka lang papanget kung iiyak ka.” Baritonong ani ng lalaki sa aking harapan habang ang kamay nito ay may panyo na inaabot sa akin, “Tanggapin mo, hindi ko pa nagagamit ‘yan. Punasan mo ang luha mo.” Dagdag pa nito na may pekeng ngiti sa kanyang labi. “Sino ka?” tanong ko sa kanya. Peke itong ngumiti lamang siya at na upo sa aking tabi, “Alam mo ba na mas maganda magsabi ng problema sa mga taong hindi mo kilala?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD