SPECIAL CHAPTER

1065 Words
“Hindi. Hindi ako maayos.” Usal ng babae na patuloy na humihikbi bago kinalas ang pagkakaawak niya dito bago mabilis na tumakbo papalayo sa kanila. Samantala, naiwan ang binata na nakatayo sa pwesto nito habang sinusundan ng tingin ang likod ng babae na papalayo sa kanya. Hindi siya maaring magkamali, kilala niya ang babae ngunit ayaw niya itong lapitan—magmumukha siyang masama at hindi ito ang tamang oras para malaman nito kung sino siya. Pagdating sa unit ay agad na inilublob ang sarili sa bathtub, pagod na pagod siya ngayon araw sa dami ng kanyang kinailangan na tapusin. At hindi din mawala sa kanyang isipan ang babaeng muntik na maaksidente kanina. Mula sa pananamit, sa salamin, at ekspresyon nito ay hindi siya magkakamali. Siguradong may nangyari dito para umiyak sa maraming tao. Marahas itong bumuga ng hangin at inabot ang cellphone na walang tigil sa pag-ring. “What is it, Kitty?” tanong niya sa ssikretarya. “Nakuha ko na ang pinahahanap mo. Andito ako sa salas ng unit mo at sa harap mo mismo ipapaliwanag kung ano ang nangyari.” Walang buhay na tugon nito bago binabaan siya ng tawag. Napailing siya. Tapos na ang office hours kaya hindi na niya inaasahan ito na maging magalang sa kanya o umastang isang professional na sikretarya. Tinapos niya ang paliligo bago nagpunta sa pwesto nito na naghahanda ng sariling makakain. “Ano ang nakuha mo?” walang paligoy-ligoy na tanong. “Siya nga iyon.” Pagtutukoy nito sa isang tao. Hindi na siya natigilan pa dahil nakakasigurado siya sa nakita ng mga mata. “And what happened?” muli niyang tanong. “Nakipaghiwalay sa kanya ang boyfriend niya—sa nakuha ko ay pinagpalit siya nito sa isa nating empleyado, nahuli niya ito sa mismong mga mata at walang pag-aatubiling nakipaghiwalay dito. Ilang buwan na din siya nitong niloloko at ngayon lang naghiwalay.” Kompleto na tugon ng sikretarya kahit hindi niya pa tinatanong. “Ano ang gusto mong gawin natin sa kanya—or should I say, sa kanilang dalawa?” tanong nito na parang wala lang at prenteng kumakain sa harap niya. “Oh, before I forgot, si Anastasia din ang nagbabayad ng ibang pangangailangan ng lalaki—like gym, credit home, and etc.” iiling-iling na usal nito. “Kawawang babae. Hinuhuthutan lang siya ng gagong iyon para magbuhay prinsepe.” Komento nito. “Kausapin mo ang lahat na hindi na muling uulit. Sabihin mo sa may-ari ng gym na ipatigil ang membership at huwag na muling mag-renew, ganon din ang sa iba, Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin, I don’tcare.” Utos nito. “Okay, no problem. Let’s teach him a lesson.” May inis na pagsang-ayon nito saka tumayo na’t innilagay sa Tupperware ang ginawa nitong pagkain. “Uuwi na ‘ko, nangako ako sa mga anak ko na uuwi ako ng maaga kaya hindi na ‘ko magtatagal.” Tumango siya. “Keep safe.” Paalala niya at sinundan lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ng unit niya. Ang sikretarya niya ay kaibigan niya magmula ng college, malaki ang tiwala niya dito at alam niyang hindi din siya ipapahamak nito sa kahit anong paraan. At sa kaso ngayon ay siguradong hindi lang ang inutos niya ang gagawin nito kundi ang maiisip nitong paraan para pahirapan ang walang bayad na lalaki na katulad ng ex-boyfriend ni Anastasia. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa, tinignan ang cellphone. Wala siyang nakuhang mensahe mula sa dalaga, ilang lingo na din at gustong-gusto niya na ito makausap. Sobrang stress niya, ang daming naiisip at kaunti na lamang ay sasabog na ang utak niya. Ito lang ang nasasabihan niya ng problema na hindi siya hinuhusgahan. HABANG abala sa papel na binabasa ay sunod-sunod na katok ang narinig mula sa pinto at pumasok ang sikretarya. Hindi siya nag-angat ng tingin, hinihintay ang sunod nitong sasabihin. “Done.” Isang salita na ikinatigil niya’t napangisi. Siguradong mangangalaiti sa galit ang lalaki na ‘yon matapos ang ginawa niya at sa malalaman sa susunod na mga lingo. “Good.” Ngiting tagumpay nitong puri. “Hindi niyo naitatanong pero gusto kong sabihin. Nanalo si Anastasia ng ticket papunta sa isang isla, sa tingin ko ay pwede ka doon magpunta para magpakilala o kahit na malaman niya ang iyong presensya. Maganda ang isla, wala din siya ibang kasama kaya mag—” “Hindi pa ito ang tamang oras.” Putol niya sa suhestiyon nito. Wala siyang lakas ng loob para harapin ito at magpakilala ng tunay niyang pagkatao, nangako siya rito na hindi aalamin ang patungkol dito. ayaw niya masira ang tiwala nito sa kanya. “At kailan pa sa tingin mo ang tamang oras, Sir?” sarkastikong tanog ng sikretarya. “Ilang taon mo ng alam ang lahat sa kanya, ilang lakad lang ay pwede ka na niyang makilala at pwede ka na din magpakilala pero hanggang ngayon ay wala pa din nangyayari.” “Basta, hindi pa ito ang tamang oras para makilala niya ‘ko. Wala kaming kahit anong koneksyon sa isa’t isa, hindi ko siya makakausap ng basta-basta at walang rason, baka matakot lang siya.” Anito na may pangamba. “Ewan ko sa iyo.” sumusuko na usal ng sikretarya at iiling-iling matapos ang narinig na rason mula sa amo. “Payong kaibigan lang, huwag mo masyadong patagalin bago ka lumabas sa lungga mo. Marami ang nakapaligid sa kanya, marami din ang maaring magkagusto dahil sa ugali niya. Baka ikaw din ang magsisi sa huli dahil hindi ka kaagad nag pakilala.” Iritado na ito. Umiling siya. “Alam ko ang bawat kilos niya kaya’t nakasisigurado ako na bago may mauna ay mahaharangan ko na siya.” Buong-buo na tugon nito. “Bahala ka nga sa buhay mo. Sumasakit ang ulo ko sa iyo, masyadong mayabang na torpe!” inirapan siya ng sekretarya bago ito lumabas. “Mayabang na torpe?” pag-uulit niya sa sinabi nito. “May maipagyayabang naman ako, gwapo, mayaman, at higit sa lahat ay sobrang bait.” Sarkastikong aniya habang nakatapat sa salamin. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa cellphone. Ilang araw na din ang lumipas ng unang pagkrus ng landas nilang dalawa ng dalaga, hindi pa din ito nagpaparamdam sa kanya at sabihin ang problema. Gusto niyan muli itong makausap, sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman dahil doon—nakakaramdam siya ng sobra-sobrang pagtitiwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD