MARRYING THE BUSINESS TYCOON 8: TEY AND ONI
Malakas na hampas ng hangin ang tumama sa aking mukhang ng makalabas sa loob nang barko. Karamihan ay nasa ibaba na, naghihintay ng private boat na maghahatid sa aming lahat papunta sa mismong isla na aming pupuntahan, hindi ko din akalain na ganito katagal ang magiging byahe kaya pala pitong araw ang ibinigay sa akin bilang bakasyon dahil hindi ko masusulit ang lugar na ‘to kung sakali.
Maya-maya lang ay dumating na ang mga private boat na maghahatid sa lahat ng pasahero sa mismong isla. Karamihan sa mga inuna na isakay ay ang mga may bitbit na bata at mga matatanda, nagbigay daan naman ang lahat at walang reklamo.
“Ikaw, hindi ka na talaga nahiya ‘no?” bulong ng aking katabi—si Alex. “Hindi ka ba nahihiya na makisama sa mga katulad ng mga tao na andito? Ang lahat ay kitang-kita mo na mamahalin pero ikaw, nagpunta ka dito na galing pa sa ukay ang kasuotan.” Dagdag pa nito.
“Kung pagdating lang sa kahiyaan, hindi ba’t ikaw dapat ang unang mahiya?” tanong ng baritonong boses na paparating sa aming pwesto. “Nilalait mo ang isang babae dahil lang sa kasuotan. Sa tingin mo ay pag-uugali ‘yan ng isang taong tunay na may pinag-aralan?” dagdag pa niya.
Hindi makaimik si Alex matapos siyang sagutin ni—hindi ko pa nga pala alam ang kanyang pangalan. Masama ang tingin nila sa isa’t-isa, si Alex na nangangalaiti ang itsura dahil sa pagkaasar pero maya-maya lamang ay bigla ‘tong nagbago ng may sumigaw sa hindi kalayuan.
“May araw ka din.” Pagbabanta nito sa akin bago ako nilagpasan.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit ito sa kanyang bagong kasintahan. Walang kahit anong emosyon na maramdaman sa kanya kundi ang galit. Galit sa pangmamaliit nito sa akin, kung hindi ko naman siya tinulungan dati ay hindi din niya maabot ang kung anong meron siya ngayon, at baka nasa kalsada pa din siya hanggang ngayon.
“Sino ang lalaki na ‘yon?” naagaw ang aking atensyon ng may muling magsalita sa aking tabi. Nang nilingon ko siya ay nakatingin din siya sa pwesto nila Alex na ngayon ay pasakay na sa private boat.
“Ex.” Walang kahit anong emosyon na sagot ko saka kinuha na ang aking maleta, “Sasakay na ‘ko. Hindi ka pa ba sasakay?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ka naman nagpunta dito para kanya ‘di ba?” pagsapaw niya sa aking katanungan.
Sa pangalawang pakakataon ay nilingon ko siya. “Sa bibig mo na din nanggaling na hindi ko deserve ang katulad niya kaya hindi ko na siya kailangan habulin pa.”
Napangiti siya sa aking sinagot bago lumapit sa akin, “Talagang sinusunod mo ang payo ko?” tila natutuwa niyang tanong.
“Hindi pa ba halata na?” sabay ayos ng aking salamin at malalim na bumuntong hininga, “ginagawa ko ang lahat para layuan siya at hindi magtagpo ang landas namin pero ‘yon.” Sabay kibit balikat.
“Ano hindi ka pa ba sasakay?” pag-uulit ko sa tanong ko kanina.
“Sasakay na, sabay na tayo.” Pag-aaya niya.
Tumango ako sa kanya at sabay kaming sumakay sa bagong dating na private boat. Iilan lang kami sa loob dahil marami na din ang naunang umalis kanina kaya hindi na kami nahirapan.
“Kelan mo pa na laman na andito ang ex mo?” pag-uumpisa niya ng usapan sa pagitan namin dalawa.
“Kahapon ng tanghali bago makasakay sa barko papunta dito.” Diretso na sagot ko sa kanya, “Akala niya ay hanggang dito ay sinusundan ko siya, iniisip niya na sisirain ko ang bakasyon niya dito. Hindi naman ako gagastos ng pera para lang sa ganito o kahit para sa kanya.” dagdag ko.
Masyadong iniisip ni Alex na hindi ko kaya ang mabuhay na wala siya, akala niya ata ay siya lang ang mundo ko. Oo nga’t siya ang tao na pinangarap ko ng panghabang buhay pero lahat naman ay nagbabago, hindi palagi ay kailangan ko masatan ng dahil sa kanya.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” nag-aalala na ani niya, “paano kung inabangan ka niya na nag-iisa at kung ano ang gawin sa ‘yo? Masyadong delikado mas lalo na at nasa gitna tayo ng dagat.”
Umiling ako. “Hindi naman na siya importante. Ayaw ko din na isipin siya habang nasa byahe, nagpunta ako dito para sagot makapag-isip isip hindi para lagi siyang isipin at intindihin.” Kalmado at nakangiti na sagot ko.
Malalim siyang napabuntong hininga bago umiling, “Paano lang naman, mas mabuti na ang nag-iingat.” Pahabol niya.
Hindi na ako muling umimik. Matapos ang ilang minuto ay huminto ang sinasakyan namin sa isang magandang isla, mula sa malayo ay kulay berde ito dahil sa nagtataasan na puno at nang makatungtong na kami sa mismong isla ay sobrang linaw na tubig naman ang ‘yong makikita. Sa lupa ay may nakatayong nagtataasang mga hotel, malawak at maayos din ang kalsada nito, at may iilang de-kuryenteng mga nagkakalat na inihahatid sundo ang mga tao. Mayroon ding mga nakalutang sa tubig na mga kwarto, kung saan ay medyo kalayuan sa buhangin at kailangan pang lakarin. Base sa pagkakagawa nito ay mukhang papaikot ito sa buong isla, maganda ito sa mukha at sigurado ako na mas maganda ito pagsapit ng gabi.
“Welcome to Silvecet Island!” nakangiting bati ng mga attendant na nag-aasikaso ng mga pababang pasahero bago kinakabitan ito ng mga kwintas na gawa sa puting shell.
“Excuse me,” pag-aagaw ko sa atensyon ng isang attendant, “Ito ang unang beses ko dito sa isla, hindi ko alam kung na saan ang building o ang room ko.” Paliwanag ko bago inilabas ang papel sa bag saka pinakita dito.
Ang papel na naglalaman ng katibayan na mula lamang ito sa pagkapanalo at isang envelope itim na envelope na nakalagay ang aking pangalan.
“Ma’ma, kung inyong mamarapatan ay ipapahatid ko na lamang po kayo sa isa sa mga crew upang hindi po kayo maligaw at magdala ng inyong mga gamit.” Sagot nito bago tinignan ako mula ulo hanggang pa ana tila nanghuhusga.
“Okay.” Maigsi kong sagot.
Sandali itong nagpaalam na tatawag ng tao para maghatid sa akin nang magsalita siya sa aking tabi. “Ano ang room number mo?” tanong niya.
“109 ata” hindi ko siguradong tanong bago ipinakita sa kanya ang papel na hawak.
Kinuha niya ‘to at binasa saka tumango-tango bago muling iniabot sa akin. “Sumabay ka nalang sa akin, magkatabi lang tayo ng kwarto.” Usal niya.
“Baka makaistorbo na ‘ko sayo,” ani ko bago nahihiyang tumingin sa kanya, “sinamahan mo na ‘ko habang nasa byahe papunta dito pati ba naman sa paghahanap ng kwarto ko.” Dagdag ko pa.
“Hindi ka nakakaistorbo, magkatabi lang naman tayo ng kwarto kaya mas mabuti ng sumabay ka nalang.” Pampalubag niya ng aking loob.
Maya-maya lang ay dumating na ang Attendant na naghanap ng magdadala sana sa akin sa kwarto. Nakasimangot ‘to na naktingin sa aking pwesto ngunit ng mapansin niya na may katabi ako ay agad ‘tong ngumiti.
“Ma’am, siya na po ang maghahatid sa inyo hanggang sa kwarto.” Sabay tingin nito sa kanyang katabi na lalaki na medyo may katandaan na. “Ibigay niyo na ang mga gamit niyo sa kanya at siya na din po ang magbubuhat.” Nakangiting ani niya.
Tumango ako. “Thank you.” pasasalamat ko bago tumingin sa kasama na lumapit sa aking pwesto.
“Ma’am, ako na po d’yan.” Magalang na ani nito.
Ibinigay ko sa kanya ang aking maleta, pawis na pawis pa din ito kahit na malakas ang simoy ng hangin. Mukhang madami na din ‘tong naihatid sa kanikanilang mga kwarto at hotel.
“How about you, sir?” pacute na baling ng attendant sa lalaki na aking katabi, “Ihahatid ko na po kayo sa kwarto.” Dagdag pa nito.
“No,” umiiling nitong ani bago tumingin sa nag-aassist sa akin, “No need.” Dagdag pa nito.
Nanghihinayang na tumango ang attendant. Wow, ganon pala ‘yon, kung isang dukha na katulad ko ay ipapasa niya na lamang kung kanikanino at kung makita niya na mukhang mamahalin na tao saka siya gagalaw? At ‘yon ang i-assist?
Umiling na lamang ako bago tumingin sa matanda na may hawak ng aking bagahe. “Welcome po dito sa isla, ma’am, sir,” nakangiting pagwewelcome nito na punong-puno ng sincerity.
“Salamat po.” Kalmado na sagot ko habang buhat ang isang bag sa aking braso, “Ang dami din po palang dumadayo dito kahit na hindi holiday po ‘no?” tanong ko dito.
Katulad ko ay marami din ang naglalakad papunta sa kanikanilang mga kwarto. Mula sa malaking pabilog na floating rooms ay marami din ang kumukuha ng litrato ng kanilang mga sarili.
“Hindi naman ata problema ng mga bakasyonista ang araw, ma’am. Mayayaman at may kaya na po sila pero karamihan po talaga ng nagppunta dito ay ang mga nagpipictorial at mga may planong magpakasal.” Kwento nito.
Napatingin ako sa ‘kanya’ na nakasunod pa din sa aking likod. Seryoso ang kanyang mukha habang tumitingin-tingin sa buong paligid. Maya-maya lamang ay hindi na buhangin ang aming naapakan kundi ang parang kahoy na papasok sa loob ng floating area.
“Malimit din na pumupunta dito ang mga maghohoney moon,” dagdag pa niya na aking ikinagulat. Ganon siya ka-Open sa bagay na ‘yon? “Pakiramdam ko ay hindi magtatagal ay makakabuo din kayo ng asawa mo, ma’am.”
“Asawa po?” bulaslas ko ng kanyang sinasabi, “Hindi po kami mag-asawa, nagkakilala lang po kami nitong nakaraan. Nagkakamali po kayo,” pagrarason ko dito.
“Sayang naman kung ganoon pero malakas ang aking pakiramdam na kayo ang magkakatuluyan.” Usal nito.
Huminto kami sa harap ng pinto. Ang mga kwarto ay may mga kanya-kanyang layo sa bawat isa at halos lahat ay pare-parehas din ng itsura. “Andito na po tayo, ma’am.” Usal nito.
“Maraming salamat po,” pasasalamat ko sa matanda at akmang kukuha ng aking wallet upang abutan man lamang ‘to ng maliit na halaga ng una na ‘niya’ ako.
“Thank you.” may ngiti nito sa labi bago inabot ang nakatupi na papel, “Pero hindi po kami andito para maghoney moon.” Dagdag pa niya.
“Pasensya na po, sir.” Paghingi ng paumanhin nito bago maliit na nagbow.
“Wala po ‘yon.” Sabay kamot ng aking batok.
Muli akong nagpasalamat sa matanda at nagpaalam na din ‘tong aalis. May ibang naglalakad-lakad sa daan upang maglibot-libot, binuksan ko ang pinto ng aking kwarrto pero bago ako makapasok ay muli ‘siyang’ nagsalita.
“Ano ang pangalan mo?” tanong niya.
Lumingon ako sa kanya bago umiling, “Kung alam mo ang pangalan ko ay hindi na tayo matatawag na ‘Stranger’ sa isa’t-isa.” Sagot ko sa kanya.
Hindi niya na din sasabihin sa aking ang kanyang mga hinaing pati na din ang mga nasa aking isipan. Ang pangalan namin ang simbolo na magkakilala na kaming dalawa, ito na ang pagkakataon ko upang mas makilala siya o makausap siya pero kung malaman niya ang aking pangalan ay tapos na din ang lahat.
“Ang pangalan ko ay Oni.” May ngiti sa labi na kanyang usal, “Kung hindi mo mamasamain ay pwede ba kitang makasama hanggang sa matapos ang araw natin sa isla na ‘to?” dagdag pa niya.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Seryoso ba siya?
“Bakit?” tanong ko.
“Wala kang kasama, wala din akong kasama. Kailangan mo ng kausap, kailangan ko din ng kausap.” Maigsi ngunit makahulugan niyang usal. “At siguro, pagtapos nito ay hindi na natin muli makikita ang isa’t-isa. Bilog at maliit ang mundo sabi nila pero hindi ako naniniwala sa tadhana.” Dagdag pa niya.
“Totoo ang tadhana.” Pagkontra ko sa kanya.
Dahil ang tadhana ang nagbigay daan para makita muli natin ang isa’t-isa, sa mga araw na nawawalan na akong hanapin ka ay doon ka niya muling ipinakita. Gusto ko lang ng kausap, kausap na katulad mo na magpapagaan sa aking kalooban.
Napailing ako sa aking isipang. Ibig sabihin ay maggamitan lang kami habang andito sa isla, kung sabagay ay mas maayos ng may kasama kesa ang magkulong ako sa loob ng kwarto na mag-isa.
“Pero kung ‘yon ang iyong paniniwala, hindi kita kokontrahin.” Pahabol ko bago maliit na ngumiti sa kanya.
“Pumapayag ka?” umaasa niyang tanong.
Tumango ako. “May punto ka naman sa ‘yong sinabi, mas masaya kung may kasama sa isang linggong pananatili dito kaya pumapayag na ‘ko.” Tugon ko sa kanyang katungan.
“Ano ang iyong pangalan?” muling kanyang tanong.
“Oni ba ang ‘yong tunay na pangalan?” paninigurado ko.
Umiling siya, “Hindi.” Simple at walang gana niyang sagot.
Tumango ako sa kanya, “Kung gayon ay hindi ko na din sasabihin ang aking tunay na pangalan.” Nahihiya na sagot ko sa kanya bago inayos ko ang aking salamin sa aking mga mata, “Tawagin mo nalang akong ‘Tey’” pahabol ko.
“Tey?” nagtataka niyang usal pero agad din itong ngumiti at inialok ang kanyang kamay, “Nice to meet you, Tey.”
Kinuha ko ang kanyang kamay bago ‘yon iginalaw, “Nice to meet you too, Oni.”