MARRYING THE BUSINESS TYCOON 07: TADHANA

3263 Words
MARRYING THE BUSINESS TYCOON 07: TADHANA “Sorry talaga, beks. Hindi ko akalain na lalagnatin ako sa mismong araw ng alis natin, alam mo naman kung gaano ko gusto sumama sa ‘yo at magbakasyon ‘di ba? Kaso hindi ko talaga kayang bumangon at kung sasama lang ako sa ‘yo ay baka mag-alaga ka lang sa bandang huli.” naiiyak na paliwanag ni Apple sa kabilang linya. “Naiintindihan ko. Hindi nalang din ako pupunta, hindi ko din naman maeenjoy ang pagpunta doon dahil wala din akong kasama.” Mahinahon na sagot ko. Wala sana akong balak na sumama o puntahan ang bakasyon na ito pero dahil kay Apple ay napilitan akong pumunta. Bayad ang mga araw na pagstay ko doon ng isang lingo, sagot din nila ang pangkain habang andoon sa kahit anong shop na aking puntahan pero sigurado na hindi din ako mag-eenjoy kung ako lang mag-isa. Walang makakausap, mahiyain din akong tao kaya baka kung makita ko ang tao sa isang side ay mag-umpisa na ako mailang. “Hoy! Ayusin mo ang buhay mo, Anastasia. Isang beses lang ‘yan sa buong buhay mo na mangyayari. Aware ka naman ata na hindi basta-basta makakapasok sa isla na ‘yan, marami din ang nag-aasam na makapunta dyan sabay sasabihin mo sa akin na hindi ka na pupunta?” nangangalaiti niyang sermon sa kabilang linya. “Hindi din naman ako mag-eenjoy doon.” Maigsi kong sagot. “Basta! Pumunta ka kahit wala ako. Kailangan mo din mag-enjoy sa sarili mo at mapag-isa kahit sandali lang, hindi iyong lagi mong nilulugmok ang sarili mo sa overtime at trabaho.” Parang nanay niyangs sermon bago malalim na napabuntong hininga, “Kung hindi ka pupunta, hindi na din kita papansinin. Bahala ka na sa buhay mo,” dagdag pa niya. Nanatili akong kalmado, nilingon ang mga bagahe na dadalhin ko kinabukasan sa pag-alis namin dalawa. Binalik ko ang tingin ko sa kany bago tumango, “Hmm, pupunta nalang ako. Bibilhan nalang kita ng pasalubong sa pag-uwi ko.” Pagsang-ayon ko. Ngumiti siya, “Basta ay huwag mo kakalimutan na magpasa sa akin ng mga litrato mo. Nakakainggit lang, leche kasing lagnat ‘to sumabay pa sa importanteng araw na katulad nito, pero deserve mo ang magpunta at magpahangin mag-isa.” Nakanguso niyang ani. Tumango ako bago maliit na ngumti. “Hmm, sayang nga.” Sagot ko na lamang. Nagpaalam na siya at pinatay ang video call sa pagitan namin dalawa. Ibinagsak ko ang aking sarili sa higaan bago napailing, sayang din naman ang ticket kung hindi ko magagamit kung alam ko lang na mangyayari ‘to ay sana binenta ko na lang sa isa sa mga katrabaho ko ng medyo malaki-laking halaga sana ay nagkroon pa ‘ko ng pera. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa pag-ikot ng oras ay hindi ko na namalayan na tuluyan na ako hinila ng antok at nakatulog. Malakas at sabay ang pagtunog ng dalawang alarm sa aking kwarto. Tamad na tamad ay pinilit na ibangon ang aking sarili upang mag-umpisa na mag-ayos sa aking pag-alis. Kailangan ay alas-siyete pa lamang ng umaga ay makarating na ako sa pier kung saan naghihintay ang cruise na aking sasakyan papunta sa isla. Suot ang palda na umaabot sa aking talampakan, shirt na may kalakihan sa aking katawan, at pinaresan ngf flat shoes na natatabunana dahil sa haba ng aking kasuotan. Inayos ko ang aking buhok na may habaan sa dalawa saka ito inilagay sa dalawang balikat, hindi din makakaligtaan ang salamin na nagbibigay liwanag sa aking paningin. “Ayan, ayos na.” usal ko ng makita ang sariling repleksyon. Kinuha ko na ang mga bagahe, pinatay ang lahat ng gamit na pwedeng pagmulan ng sunod saka lumabas ng apartment. Sa pagbaba ay bumungad ang nagmamay-ari ng building, kausap nito ang nagbabantay dito. Nagdirediretso ako sa aking paglabas, nakaabang na din ang sasakyan na maghahatid sa akin. Ganito, ganito pala ang nararanasan ng mga maswerteng na bunot nakaraan. Kaya gustong-gusto ng lahat na manalo dahil sa asikasong-asikaso sila mula sa paglabas ng pagbahay. “Ma’am Anastasia?” tanong ng nag-aabang sa labas. Tumango ako, “Ako nga.” Maigsi na sagot ko dito. Napangiti naman ‘to, “Akin na po ang mga gamit niyo at ipapasok ko na po sa loob.” Magalang na usal nito. “Tulungan na kita,” pag-aalok ko ng tulong sa kanya. “Kaya ko na po, ma’am.” Sagot nito sa akin bago pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Nag-aalangan na tumingin ako sa kanya ngunit sa huli ay pumasok na lang din ako sa loob ng sasakyan. Maya-maya lamangg ng maayos na ang paglagay ng gamit sa likod ay pumasok na din ang lalaki na nag-ayos nito. “Madame, wala na po kayong ibang kasama?” tanong nito. Umiling ako, “Wala na, ako lang mag-isa ang pupunta.” Mahinahon kong sagot sa kanya bago maliit na ngumiti. Tumango lang ito, nag-umpisa na ang byahe na walang nag-iimikan sa loob ng sasakyan. Nasalpak ang earphone sa aking tenga sa buong byahe, at matapos ang ilang oras na bayhe ay nakarating na din kami. Iba’t ibang mamahalin na sasakyan ang sunod-sunod na pumapasok sa lugar, ang lahat ay may kanya-kanyang mga nag-assist na nagdadala ng kanilang mga gamit. At sa aking pagbaba ay malakas na hangin kaagad ang tumama sa aking mukha. Ang mga kasama sa loob ng sasakyan ay kinuha na ang aking mga gamit. “Ma’am, this way.” Pagtuturo ng daan. Hindi agad kami nakapasok sa loob, ilang beses pa na chineck ng securities ang bag na dala ng mga sasakay sa barko na inabot pa ng isang oras na paghihintay. Ngayon, nakatayo na ako sa isang gilid habang hinihintay ang susunod na kailangan gawin. “Ma’am, pwede na po kayong pumasok sa loob.” Magalang na ai nang nag-aasikaso ng mga bagay-bagay sa akin. “Maraming salamat.” Pasasalamat ko dito bago tumango sa kanya. Hindi kalayuan ay nag-uumpisa ng pumila ang mga papasok na pasahero. Kahit hindi na kailangan pa i-research ang kanilang pagkatao ay kitang-kita na mula sa mayayaman na pamilya ito nanggaling. Mula sa pananamit, paggalaw, at pakikipagsalita ay ibang-iba sa nakagisnan kong nakikita na pagkilos ng mga tao. “Hindi mo ba talaga ako titigilan at hanggang dito ay susundan mo pa ‘ko?” tanong ng pamilyar na boses mula sa likod. Nang lingunin ko ‘to ay bumungad sa akin si Alex, nakasuot ‘to ng isang mamahalin na damit habang hawak-hawak ang dalawang maleta sa kanyang kamay. Tinanggal niya ang pagkakasuot niya ng shades bago tinaasan ako ng kilay. “Hindi ka ba makamove on sa akin?” tanong nito bago inilapit ang kanyang mukha, “Bakit hanggang dito sa bakasyon ko ay susundan mo ‘ko? Saan ka nakakuha ng pera huh?” dagdag pa nito. Hindi ko siya inimik, pinagtitinginan na ang aking pwesto dahil sa kanyang ginagawa. May iba na nagbubulungan pero agad naman nang bumabalik sa kanilang mga trabaho at hindi na nakuhang mangealam pa. “Hon, sino ba ‘yan?” tanong ng isang babae na lumapit sa aming pwesto bago humawak sa braso ni Alex. “Wala, hon. Huwag mo ng alalahanin,” tila kumalma ang boses na sagot ni Alex sa bago niyang kasama. “Tara na, pumasok na tayo sa loob.” Dagdag pa nito. Tumango ito sa kanya pero bago pa sila makalagpas sa akin pwesto ay masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Alex. Mukhang nagkamali talaga ako na sumama sa bakasyon na ‘to, andito nga ako para makapag-isip isip pero mas lalong papalakihan lang ang gulo dahil sa nangyayari. Umiling na lamang ako ng makalayo-layo na sila, may iba na tumitingin pa din sa aking pwesto, at mukhang inaabangan ang aking reaksyon. Ngunit, ano nga ba dapat ang maging reaksyon ko sa ginawa niya? Siguro kung bago pa lang kami naghiwalay dalawa ay baka umiyak pa ako sa harap niya pero nagbago na ang lahat. Ang akala ko na nararamdaman para as kanya ay hindi mawawala ay unti-unti na din naglalaho, may kaunting pagmamahal man ay hindi na ganon kalalim. Ilang buwan na din ang lumipas, nakamove on na ang lahat—mas lalo na siya kaya bakit pa ako magpapaiwan sa nakaraan, katulad nga din ng sabi sa akin ng lalaki sa parke na may isang tao na magiging deserve sa pagmamahal ko at magiging deserve ako sa pagmamahal na ibibigay nito pero ang tao na ‘yon ay hindi si Alex. Isa na lamang siyang pasanin sa buhay ko na ayaw kong bitawan dahil takot sa possibleng mangyari kung wala siya. Nang mapansin na wala na gaanong pila sa pagpasok ay saka na ako nagpunta doon upang pumasok na. Ayaw ko makipagsabayan sa kanila dahil na din sa kanilang pagkilos at mga antas, hindi ko ikinahihiya kung ano langa ko pero mas mabuti ng lumayo upang hindi na din makaagaw ng atensyon. Mas lalo na’t andito ang magaling kong kasintahan. Sigurado na pagmakita niya ‘ko ay baka mas lalo niya lamang akong pag-initan. “One hundred nine? Where are you?” tanong ko sa aking sarili habang isa-isa na tinitignan ang mga numero na nakakabit sa pinto. Isang araw ang pananatili sa barko bago tuluyan na makarating sa isla na kanilang sinasabi. Wala ito sa internet dahil sa privacy na tinatago nito sa loob pero ang nakita ay tanging mga sikat at mayayaman na tao lamang ang makakapunta pati na din makakapasok sa loob. Papasok na sana ako sa kwarto ng matigilan sa pamilyar na boses na aking narinig. Agad ko itong nilingon, hind inga ‘ko nagkakamali siya ang lalaki na iyon. Ang lalaki sa parke na ilang araw—no, mag dadalawang buwan ko na din na hinihintay at umaasang makita muli. “Room 108, ito na nga ‘yon.” usal nito bago kinuha ang card sa bulsa nito at akmang i-swipe na ng mapansin niya ang aking presensya. “Ms?” tanong nito sa akin, “Ano ang problema?” dagdag pa niya. Umiling ako at lumiit akong ngumiti, “Hindi ko lang akalain na dito tayo ulit magkikita dalawa.” Mahinahon kong ani sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata sa aking sinabi, sandali niya ‘kong tinitigan at maya-maya lamang ay nanlaki ang kanyang mga mata. “Ikaw, ang babae sa parke?” tanong nito. Tumango ako, “Masaya akong makita ka ulit.” “Wow!” hindi niya makapaniwalang usal bago umiiling-iling, “Ikaw lang ba mag-isa?” tanong niya. “Oo,” mabilis kong sagot bago nagkibit balikat, “Pasok na ‘ko.” Sabay turo sa pinto. Hindi ko na siya hinintay na makasagot, pumasok na ako sa loob, at agad na isinara ang pinto. Isinandal ko ang aking sarili sa pader, ang aking puso ay sobrang bilis sa pagtibok na makita siya. Hindi ko inaasahan na dito pa mismo sa cruise na ‘to makikita siya. Teka, bakit nga ba ako pumasok kaagad kung ito na ang pagkakataon para makapag-usap kami ulit? Binuksan ko agad ang pinto upang tignan kung andoon pa siya ngunit sa pagbukas na pagbukas ko ay ‘yon din ang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto. Malalim na hininga ang aking pinakawalan, hindi lang hininga kundi ang pagkakataon na makapag-usap kami muli. May isang araw pa naman kami dito sa barko, may anim na araw pa para sa pagstay sa isla kaya hindi kailangan maubusan ng pag-asa. Hindi. Ibinagsak ko ang aking sarili bago inilagay ang dala-dalang mga gamit sa gilid ng aking kama saka binuksan ang maliit na bitana. Hindi pa gumalaw ang barko ngunit napakaganda na ng dagat sa buong paligid. Habang nakatingin lang sa labas ay nakaramdam ako ng pagkalam nga king sikmura. Kinuha ko ang card na ibinigay sa akin sa trabaho, ito lamang ang kailangan kong ipakita sa lahat ng aking pupuntahan o kakainan bago pumasok. Ngunit, hindi lahat ay mabibili nito dahil tumatanggap lamang nito ay ang mga restaurant na aking pagkakainan. Kung pwede lang na perahin ang lahat ng laman o gagastusin nito ay ginawa ko na kaso hindi. May nakalaan lang talaga na bagay kung saan ito gagastusin at pati na din ang budget   nito sa loob na para sa dalawang tao. “Makakain na nga lang muna,” usal ko sa aking sarili bago lumabas na ng kwarto. Ngunit, sa aking saktong paglabas ay ang pagbukas din ng pinto sa aking tabi. Ang lalaki sa parke, nakasuot ‘to ng simpleng short at white shirt na para lamang niyang pambahay ngunit ang lakas pa din ng appeal nito sa aking paningin. “Lunch?” tanong niya. “Oo,” sagot ko, “Ikaw?” “Hmm.” Tango-tango niya, “Sabay na tayong dalawa, wala ka naman atang ibang kasama ‘di ba?” kanyang pag-aaya. “Wala naman.” Kalmado kong tanong at direkta sa kanyang mga mata na nakatingin. “Great!” aniya. Sabay na lumabas kami mula sa cabin, sa  itaas ng barko ay maraming iba’t-ibang shops ang andoon ngunit mas pinili namin ang magpunta sa isang buffet style. Kailangan ko din tipirin ang aking sarili mas lalo na’t may limit lang ang card na aking gagammitin, hindi pwede na ako ang sasalo ng ibang gastusin kung maubos ‘to dahil mas lalo lamang akong naghihirap. “Ano ang ginagawa mo dito?” sabay tanong namin sa isa’t-isa. “Ikaw na ang mauna.” Sa pangalawang pagkakataon ay nagsabay na naman kami ng sasabihin. Mahina kaming dalawa napatawa dahil sa nangyayari saka siya tumingin sa akin. “Kamusta ka?” tanong niya, “Maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon kesa noong una tayong nakita?” dagdag pa niya. Tumango ako. “Simula ng magkausap tayo ng gabi na ‘yon ay parang may sumampal din sa akin na katotohanan. Bukod doon ay tama ang lahat ng sinabi mo, hindi ako sinumbatan ng kahit sino mas lalo na ang nag-iisa kong kaibigan.” Paliwanag ko sa kanya. “Masaya akong marinig.” Sagot niya bago ngumiti sabi. “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito at kamusta ka na?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya. “Ang pagpunta ba sa isla?” mahina siyang napatawa, “Matagal na itong naka-set sa akin, may malaking plano sana ako sa pagdating doon ngunit hindi na natuloy dahil wala na—hindi na umabot.” Dagdag pa nito. “Iyon ba ang sinasbi mo sa akin nakaraan?” dahil kung iyon ‘yon ay para niya na din sinasaktan ang kanyang sarili na para pumunta pa sa isla. “Oo, siya pa din.” Maliit itong napangiti bago nag-umpisa na kumain. Hindi na ako umumik, halata naman na ayaw niya na pag-usapan ang bagay na ‘yon. Mukhang ding hindi pa siya nakakamove-on sa nangyari sa kanyang nakaraan, at kahit ang sarili niyang mga payo sa sarili ay hindi niya magawang gawin. Iyon ang madalas na nangyayari kung sino pa ang magaling na mag-advice sa iba ay sila naman ang kabaliktaran nito. Tahimik kaming dalawa, nag-umpisa na din ang tugtugin mula sa maliit na entablado ng sa harapan, unti-unti na din dumarami ang mga tao na nakapila upang kumuha ng kanilang mga makakain. “Alam mo pwede mo naman i-share sa akin ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo. Hindi mo naman ako kilala, hindi din kita kilala. We’re totally stranger.” Pangungumbinsi ko sa kanya. “Teka, parang line ko ‘yan?” naniningkit niyang tanong sabay mahinang tumawa. “Para gumaan ang pakiramdam mo, hindi naman pwede na ikaw lang ang makikinig sa problema ko ‘di ba?” pangungumbinsi ko sa kanya. Hindi siya umimik pero sandali lang ay tumango ito sa akin. “Sasabihin ko sa ‘yo kung nakarating na tayo sa isla.” Sagot niya. Napangiti ako. Ibig sabihin ay pagdating namin sa isla ay magkikita pa ulit kami upang magkwentuhan, makakausap ko pa siya ng mas matagal. Ngayon, hindi ko na pinagsisihan pa ang pagsama ko dito. Sa tagal ko siyang hinihintay, umaasa na makakapag-usap kami muli ay dito lang pala siya matatagpuan. Natapos kaming dalawa sa pagkain at dumiretso kaming dalawa sa tuktok ng barko, malakas ang hangin sa loob nito at mas tahimik kesa sa loob dahil na din sa dami ng kumakain. Tirik na tirik man ang araw sa aming pwesto ngunit hindi naman ganon kasakit sa balat ang sinag nito. “Hindi ko akalain na makikita kita dito,” inabutan niya ako ng isang in can na soft drinks, “Paano ka nakakuha ng ticket o pass para makapasok sa isla?” tanong niya. “Iyon ba? Sa kinaswerte-swerte ay ako ang nanalo sa libong empleyado sa bunutan, wala nga dapat akong balak na pumunta kaso lang ay mapilit ang kaibigan ko.” Sagot ko bago siya nilingon, “Iyong hindi ka naman umaasa na mananalo ka pero sa akin ibinigay ang ticket. Mas gugustuhin ko pa sana kung overtime sa trabaho ang ibibigay sa akin.” Dagdag ko pa. Mahina siyang napatawa, “Overtime?” “Hmm,” tatango-tango kong sagot, “Mahirap lang akong tao, umaasa sa akin ang mga magulang ko at gusto ko sila bigyan ng magandang buhay kaya hanggat sa maari ay gusto ko pumasok ng pumasok sa trabaho. Bukod pa doon ay wala naman talaga akong ibang ginagawa.” Paliwanag ko sa kanya. “Halata nga,” sagot niya bago uminom ng kanyang hawak-hawak, “Hindi ko alam kung ano ang meron sa ‘yo pero ang gaan ng pakiramdam ko na kausap ka. Mukha kang walang pakealam sa mundo at sa nakapaligid sa ‘yo, makikinig ka lang na walang kahit anong reaksyon.” “Kung madalas ka magreact sa paligid mo ay pwede lang pag-uwian ng pag-aaway o hindi pagkakaintindihan. At kung nakikinig ka naman saka ikwekwento mo sa iba para ka lang isang microphone na ipagsisigawan.” Mahinahon na sagot ko sa kanya, “Panget din na maraming may alam sa nangyayari sa buhay mo dahil kung panay ka kwento sa iba  ay marami lang magiging opinion, maraming manghihimasok, at mas lalo lang magugulo ang nangyayari pati pag-iisip mo.” Dagdag ko pa. Pero minsan kailangan din natin makinig sa opinion ng iba, hindi naman masama ‘yon at madalas ‘yon ang magbibigay linaw sa maari mong maging hakbang na desisyon. Iyong nga lanag ay kailangan mo alamin kung advice nga ba ang ginagawa o pangingialam na ng buhay. Iba ang nagbibigay ng advice at mas lalong iba na ang nangengealam sa problema ng iba. “Baka para sa ‘yo talaga ang ticket na ‘yon. Kahit ako ay hindi ko na inaasahan na makita kita ulit mas lalo na sa lugar na ‘to.” Sabay ngiti niya. “Pumupunta ka pa ba sa parke?” tanong ko. Umaasa na sana ay pumupunta pa siya. “Minsan pero nitong nakaraan ay halos hindi na.” mabilis niyang sagot. “Naging abala ako sa trabaho na tanging patulog na lang ang extrang oras.” Paliwanag niya. Tumango-tango ako, “Gusto ko magpasalamat sa ginawa mo dati, noong sobrang kailangan ko ng taong makakausap ay andyan ka. Ikaw ang nagpamulat ng mga mata ko at siguro kung hindi kita nakilala non ay naghahabol pa din ako.” Pasasalamat ko sa kanya. “Wala ‘yon, ayaw ko lang nakakikita ng babaeng umiiyak.” Sagot niya. “Mas lalo na nang malaman ko ang lahat-lahat ng ginawa mo, hinding-hindi mo deserve ang isang katulad niya.” dagdag pa nito. Napangiti na langa ko bago tumingin sa kumikinang na karagatan, “Alam ko.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD