12

2851 Words
-Daniella Heto ako, nakadapa sa kama ni Chrissy habang hinihintay ang mga damit na ipahihiram niya bilang pangtulog ko. And as expected, ang ibinigay niya sa akin, iyong pangsexy. Tumayo ako saka kinuha iyong nightgown, panty at boardshort na kulay pink. Kitang-kita tuloy iyong hita ko. Hindi naman ako makapanghiram ng bra kasi hindi parehas size namin. Mas malaki iyong sa akin. I hugged and kissed her goodnight saka ako lumabas at pumunta sa katapat na kwarto ni Travis, iyong guest room na tutuluyan ko. Kung puwede nga lang, iyong katabing guest room ang okupahan ko para katapat ng kwarto ni Dane. Ang kaso, dito ako pinagstay ng demonyong iyon. Ang gulo ng buhay ng lalakeng iyon. Pati ako, pasasakitin ang ulo sa project niya. Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng pinto habang nakahawak iyong isang kamay ko sa seradura at iyong isa naman, hawak iyong mga hiniram ko kay Chrissy. Iniisip ko kasi kung titignan ko ba sa kwarto si Dane o hindi na. Gusto ko kasi mapanaginipan siya kaya by means of giving him a visit, baka mapanaginipan ko na siya, hindi ba? Kahit sa panaginip man lang, bumalik siya sa dating siya kasi namimiss ko na talaga siya. Kaya ang ginawa ko, pumihit ako pakaliwa at nagmartsa palapit sa kwarto nito. Hinakawan ko ang seradura ng pintuan niya't huminga ng malalim. Pipihitin ko na sana pabukas ang pintuan kaya lang natigilan ako kasi anong sasabihin ko sa kaniya kung sakaling gising pa siya? Oo, maagang natutulog iyon kaya may chance na tulog na iyon pero kung sakali ngang gising siya, anong sasabihin ko? Bahala na. Tulad ng dati, sasabihin ko na lang na I'm just checking on him. Pinihit ko na ang seradura at dahan-dahang binuksan ang pinto, resulting para gumawa ito ng munting tunog. Nakiramdam muna ako kung gising siya at tinignan ang aparador niya na kita mula sa maliit na puwang ng pintuan. Nang wala pa ring Dane na nagsasalita o kumikilos mula sa loob, binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan dahil alam kong tulog na siya. And as expected, tulog siya pero ang hindi ko ineexpect ay ang babalandra sa paningin ko nang natutok ang mga mata ko sa kaniya. He's just so... Pinasadahan ko ng tingin ang buhok niya, ang mukha niyang natatakpan ng isang braso niya, ang kili kili niya, ang dibdib niya, at nang dumako ang tingin ko sa tiyan niya, napalunok ako't napahawak sa noo ko dahil pakiramdam ko, pagpapawisan ako. How the hell did he get a six pack? Oo, ang gandang tignan sa kaniya kasi – I admit – sobrang hot niya. Noong tingting pa nga lang siya, pinaglalawayan ko na siya kapag topless siya, ngayon pa kaya na parang pang-underwear model ang katawan niya? Umiling ako't ibinaba ko pa ang tingin ko habang naghahabol ng hininga at talagang hindi ko kinaya ang nakita ko kaya naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko dahil muntikan na akong mapatili. Kaagad akong tumakbo paalis sa kwarto, not minding kung magising man siya o ano, saka ko isinara ang pintuan. Nagulat nga rin ako sa sarili ko kasi pabagsak ko itong naisara kaya hindi na ako magtataka kung nagising siya. Tumakbo kaagad ako papunta sa kwarto na tutuluyan ko dahil kailangan kong ilabas itong kilig na nararamdaman ko. Light green. God! "Aaaaaahhh!" isinigaw ko matapos kong isara ang pintuan. Kaagad kong itinakip ang dalawang kamay ko sa mukha ko't hinayaang malaglag ang hawak kong mga damit. Nagtatalon ako paikot habang patuloy sa pagsigaw at hindi pa ako nakuntento dahil hindi ko talaga nailalabas lahat ng kilig na nararamdaman ko sa katawan ko. Pinaghahampas ko ng isang kamay ko iyong pintuan pagkapihit ko patalikod habang nakapikit at iyong isang kamay ko, nakatakip sa kalahating parte ng mukha ko. "Light green! Light green na Bench! Aaaaaaahhhh!" Kasasabi ko lang na parang pang-underwear model iyong katawan niya tapos makikita ko pa iyon? God, I must be dreaming! Pero hindi, eh! Bakit nararamdaman ko ang malamig na sahig habang pagulong-gulong ako? Hindi ako nananaginip! Nakita ko talaga! Finally! Gusto ko tuloy kantahin iyong korning jingle ng Ariel, eh. Finally naman kasi, nakita ko rin siya in his wonderful underwear! Favorite color ko na talaga ang light green! "Light green?" Napatigil ako sa paggulong at pagtili nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses mula sa hindi kalayuan. Dali-dali akong tumayo at hinanap ang switch ng ilaw kasi wala akong makita dahil sa sobrang dilim pero bago ko pa man mahanap, biglang lumiwanag ng bahagya sa bandang kanan ko kaya napatingin ako ruon. And there, I saw a devil habang nakahiga sa kama at iyong isang kamay nito, nakahawak sa lampshade. "Anong ginagawa mo rito?" nakasimangot na tanong ko saka ko isa isang pinagpupulot ang mga damit na binitawan ko kanina. Ang laking epal nito ni Travis. Wala na. Nawala na iyong kilig na nararamdaman ko. Bwisit siya. "Anong light green?" Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa sariling bathroom ng kwarto. Gusto ko nang maglinis nang matulungan ko na itong epal na ito at nang makaalis na siya. "I didn't know na manyak ka pala?" matawa-tawang sinabi nito na siyang nagpatigil sa akin sa pagbukas sa pintuan ng banyo. "Excuse me?" Tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin dahil sa sinabi niya. Manyak? Oo, manyak ako pero kay Dane lang. "I just have this wild guess na baka iyong itinitili mong light green ay iyong brief ko na ipinahiram ko kay Kuya kanina." nakangising sinabi niya saka iniunan ang dalawang braso habang nakasandal siya sa headboard. Napanganga ako dahil sa narinig ko. Bakit alam niya? At anong brief niya? Icinompose ko ang sarili ko't tumayo ng tuwid saka ko sinalubong ang tingin niya. "Excuse me lang ulit pero mali iyang iniisip mo." He shrugged saka pumikit pagkahiga niya paharap sa kinaroroonan ko. "I saw you go to Kuya's room kaya alam ko kung anong sinasabi ko." Once again, my jaw dropped. "If I know, alam mo na natutulog lang iyon na may damit kapag duon ka sa kwarto niya natutulog. Sus, pinlano mo na pumunta duon kasi alam mo, ano?" Yeah, I know. Bakit nga ba hindi ko naisip kaagad iyon? Ang tanga-tanga mo, Daniella! Pero anong pinlano ang pinagsasasabi nito?! "Come to think of it, parang dalawa kaming minanyak mo kasi brief ko iyong gamit niya na pinagpantasyahan mo kasama iyong katawan niya, eh." Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa banyo. Padabog kong isinara ang pintuan dahil nadagdagan iyong galit ko, lalo na nang marinig ko iyong mahinang pagtawa niya. Nakakainis siya. Pagkalabas ko ng banyo na suot na iyong mga hiniram ko, expected ko na nanduon pa si Travis dahil nga magpapatulong siya sa kung anong project niya. And yeah, nanduon nga at nakahiga habang yakap iyong isang unan. Sa totoo lang, ayoko talaga siyang tulungan sa project niya kasi hindi ko naman problema iyon pero nangako na kasi ako kay Dane na magiging mabait na ako. Tapos kapatid niya pa itong epal na ito. At saka, bigla akong natakot kasi knowing this guy? Malaki ang chance na ipagkalat niya iyong pagpapantasya ko sa kuya niya at sa brief niya kuno na gamit nito. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. Mukhang tulog na siya kasi ang amo-amo na ng mukha niya tapos iyong paghinga niya pa, relaxed na relaxed. Napangiti na lang ako ng bahagya kasi umungot siya't kumunot ang noo. Okay naman talaga ito si Travis, eh. Gwapo kung sa gwapo ito. Iyon bang, puwedeng-puwede mo siyang ibandera. Takpan mo lang ng duct tape iyong bibig niya, okay na siya. At hindi naman sa bias pero mas gwapo talaga si Dane rito. Kahit noon pang bata pa kami, mas nagagwapuhan talaga ako sa kapatid niya kaysa sa kaniya. I'm not saying that kasi mahal ko iyong tao pero talagang gwapo ito, hindi lang marunong mag-ayos at wala talagang kalaman-laman noon kaya laging binubully ng mga taong makikitid ang utak at walang magawa sa buhay. Kaya heto, natatakot ako kasi ngayong mas gumwapo ito, imposibleng hindi na siya pagkaguluhan ng mga babae. Baka tulad ni Travis, kuyugin na rin siya ng mga haliparot. Kapag nangyari iyon, mawawala na iyong atensyon niya sa akin. Oo, ang damot ko lang pero ano bang magagawa ko? Mahal ko, eh. Gusto ko, sa akin lang iyong atensyon niya. Kahit bilang best friend lang ang turing niya sa akin, okay lang. Kaya kailangang gumawa ako ng paraan para maging maayos na ulit kami, para bumalik na kami sa dati. "Ella," pabulong na pagtawag sa akin ni Travis. Akala ko nga, napapanaginipan ako pero nang unti-unti niyang iminulat ang mga mata niyang mapungay, naisip ko na mali ako kasi tinatawag niya talaga ako't gising siya. "Buti naman gising ka pa. Akala ko, tulog ka na talaga, eh." "I did fell asleep. Naamoy lang kasi kita kaya ako nagising." Napangisi ako dahil sa sinabi niya pero unti-unting nawala ang ngising iyon nang dugtungan niya iyong sinasabi niya. "Lumayo ka nga, ang baho mo." "Ang kapal ng mukha mo!" naisigaw ko kaya napamulat ng husto ang mga mata niya. "Ako? Mabaho? Kaliligo ko lang kaya!" "Anong body wash ginamit mo? Burak?" matawa-tawang tanong niya saka umupo habang yakap pa rin ang unan na dinadantayan niya kanina. "Nagbaon ka pa talaga ng burak, ha?" "Ewan ko sa iyo. Akala mo, tulungan kita sa project mo? Manigas ka." Itinulak ko siya kaya nalaglag siya sa kama saka ako nahiga't pumailalim sa comforter. "Then let's have s*x para manigas ako. Tutal pinagpapantasyahan mo naman iyong brief ko, hindi ba?" walang prenong sinabi niya saka tumabi sa akin. Alam kong ganito iyong ugali niya, na bastos siya pero nakakagulat pa rin pala. "Gago ka, ang bastos--" Napatigil ako sa pagtalak dahil pagkaharap ko sa kaniya para sana itulak ulit siya, nagkaharap ang mga mukha namin. "Bumalik ka nga na sa kwarto mo." Lumayo ako ng bahagya saka umupo. Umiling siya't hindi tinanggal sa akin ang nakakapaso niyang titig. "Kung iyong project ang iniisip mo, then bukas na kita tutulungan. Balik na sa kwarto, bilis. Matutulog na ako." "Hindi puwede bukas." Tumingin siya sa bintana sa likuran ko bago ibalik iyong tingin sa akin. "Mas maganda kung sa gabing maulan at malamig gawin iyon." "Taray ng project mo, talagang may ganuon." Tinawanan ko siya pero siya, pinalitan niya lang ng ngiti iyong seryosong tingin niya. This is what I mean. Kaya maraming umiiyak nang dahil sa kaniya, eh. Nang dahil sa mukha niya, maraming nauulol. "Sa s*x ed iyon. Kailangan ko ng kapartner sa s*x at ikaw ang napili ko." "Gago!" Itinulak ko siya kaya natumba ulit siya't bumagsak sa kama. "Ano ka?! High school?! s*x ed?!" Wala na akong pakielam kahit sumigaw-sigaw ako rito kasi soundproof naman lahat ng kwarto. Wala naman akong mabubulabog. At saka, marinig man nila ako, sasabihin ko na kasalanan ng lalakeng ito kasi kung ano-anong sinasabi. Alam ko naman na papanigan nila ako kasi alam nila ugali nitong taong ito. "At bakit ako kung mayroon ka ngang subject na iyan?! Bakit hindi iyong ibang babae mo?! Or iyong girlfriend mo?!" "They're boring." He shrugged. "Ako, Gabriel, tigil-tigilan mo ako! Mas matanda ako sa iyo! Hindi ka nakakatuwa!" "Pero ikaw, oo." nakangiting sinabi niya. "You're really cute, baby." "Baby mo mukha mo, gago!" Kinuha ko iyong unan na nakalagay sa ulunan saka pinaghahampas sa ulo niya. "Labas na!" "Tama na." pakiusap niya habang sinasalag iyong paghampas ko ng unan sa kaniya. "Okay, seryoso na!" Dahil sa sinabi niya ng pasigaw, napatigil ako. Seryoso na raw, eh. "Ano ba kasi talaga?" tanong ko habang sumasampa siya sa kama. "Do you know na every time you cuss, natuturn on ako?" Akmang hahampasin ko ulit siya ng unang pero kinuha niya sa akin iyon. "Okay, promise, seryoso na." Sinamaan ko siya ng tingin saka ako sumandal sa headboard at humalukipkip. "Gusto ko, ikaw maging date ko sa birthday nina Mama." "At bakit ako? Marami ka namang babae, may girlfriend ka pa. Bakit hindi na lang sila?" He could pick anyone from his girls na puwede niyang idate in just a snap kaya bakit ako kung alam niya namang kinasusuklaman ko iyong pagmumukha niya? At alam naman siguro niyang sa kuya niya ako sasama kung sakaling yayain ako nito. "I told you, boring sila-- and not in s*x. They're good in bed pero boring pa rin sila." Tumabi siya sa akin at sumandal rin sa headboard habang iyong paa niya, iniaangat iyong comforter. Nang maiangat niya na iyon, kinuha niya ito at itinakip hanggang sa crotch area namin. "I'm done sa pagsesettle sa good lang. I want to experience something great – no, something awesome." "Alam mo, hindi na ako magtataka kung one day, mabalitaan kong may nakuha kang sakit like STD, HIV, or AIDS, oh, baka nga may nabuntis ka na ng hindi mo nalalaman. Ang hilig mo makipagsex sa kung sino-sino, eh, ang bata-bata mo pa." Umiling ako't tinignan iyong mga mga kamay niyang nilalaro iyong laylayan ng damit niya. "And what makes you think na papayag ako makipagdate sa iyo?" "Kasi no choice ka? Kasi magkaaway kayo ni Kuya?" At dahil sa sinabi niya, napaangat ang ulo ko't lumipad papunta sa kaniya ang paningin ko. Nakatingin rin siya sa akin ng seryoso. "Look, just go with me and I'll do anything you'll ask me to." "Anything?" Tumango siya matapos bumuntong hininga. "Okay, here's the deal. I'll give you Dane's used brief--" "Deal." pagpuputol ko sa sinasabi niya. Once in a lifetime deal ito kaya kailangang sunggaban ko na. He stared at me for a second and it looks like he's stunned dahil sa sinabi ko. Tumungo siya pero nang iangat niya ang ulo niya, nakangiti na siya. "Hindi pa ako tapos, may isa pa akong gusto." "Anything." Anything na talaga. Diyos ko, brief iyon ni Dane, ano! Not just any brief dahil used ang ibibigay sa akin ni Travis! Feeling ko, nanalo ako ng isang milyon sa isang game show. Mas lumaki iyong ngisi niya saka humiga't icinover iyong comforter hanggang sa dibdib niya. "Tabi tayong matutulog kapag nandito tayong parehas." Napaisip ako. Used brief ni Dane kapalit ng gusto niya na maging date ako sa dinner at maging katabi ako sa pagtulog kapag nandito kami parehas? Parang lugi, ha? Manyak pa naman itong lalakeng ito. Who knows kung anong gawin nito sa akin, hindi ba? "Make that three used briefs and his toothbrush and you have yourself a deal." nakangising sinabi ko pero nakacross finger ako ng hindi niya nakikita. God, sana pumayag siya. "Manyak ka talaga, ano?" Amused na pagkakasabi niya matapos niya akong tignan sa mata. "Bakit hindi na lang ako manyakin mo? Willing naman ako magpamanyak." "Kasi hindi ikaw ang kuya mo. Ano ba? Deal na?" atat na tanong ko. Ang dami pa kasing sinasabi. Deal or no deal lang naman ang sasabihin, ayaw pa sumagot. Kitang naeexcite na ako sa isasagot niya, ang dami pang chechebureche. "I'll make that five used briefs, his toothbrush and another of his used boxers but--" "But what?" pagpuputol ko sa sinabi niya dahil sa narinig ko. God, ang dami niya nang ibibigay tapos may boxers pa! "I'll hug you anytime I want to. Think, Ella. Think." "Anong think think?" nakangising sinabi ko. "Deal." Yakap lang pala, eh. Kapalit naman ng yakap na iyon, mga used personal items ng kuya niya. God, pinagpala ako ngayong gabi, ha? Hinila niya ako pahiga't ipinaibabaw sa kaniya saka niya iniyakap iyong mga braso niya sa bewang ko. "C'mon, let's sleep." I tried pushing him pero ayaw niya talaga akong bitawan kaya ako na lang rin ang sumuko. Isa pa, inaantok na rin talaga ako at pagod na pagod na ako sa pakikipagtalo pa sa lalakeng ito. Iyon lang, nakakailang kasi wala akong bra at mararamdaman niya iyong dibdib ko. Ang nipis pa man rin ng damit na suot ko. Hindi bale, unknowingly, makakaalis rin naman ako pagkatulog ko. Natural, gugulong ako paalis sa pagkakadagan sa kaniya. I just remembered. Kailangan ko pala siyang bawian dahil sa sinabi niya kay Dane noong nagkasakit ako't nasa apartment niya ako. I know that I promised Dane na magiging mabait na ako pero last na ito. Kailangan ko lang talagang bawian itong lalakeng ito dahil sinira niya ako sa kaniya. Mukhang sa akin umaayon ang lahat. Hindi naman na kataka-takang magrequest siya ng yakap kasi mahilig talaga siyang yumakap sa amin nina Tita simula dati pa. And it's like hitting many birds with one pebble. Ako magiging date niya kaya may tendency na mag-away sila ng girlfriend niya. Siyempre, magseselos iyon, hindi ba? I don't know if he's serious sa girlfriend niya or not pero sa tingin ko, serious iyon dahil sa sinabi ni Dane. Three months na raw kasi ang mga ito. Walang tumatagal na babae kay Travis. Kung serious nga iyon, mas maganda kasi mararamdaman rin nito iyong sakit na naramdaman ko noon nang siraan niya ako sa kuya niya. Tapos siyempre, kapag nag-away sila, may chance na magbreak sila, and that'll make me happier. At iyong last, siyempre, used personal items ni Dane. My god!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD