11

3972 Words
-Daniella Everybody was really, really happy when they knew that Dane was alive. Tinanong ko, namin kay Dane kung paano nangyari ang mga bagay-bagay at ang tanging sagot niya lang, palabas niya lang iyon, with the help of his really powerful friend. We were asking kung sino pero ayaw niya sabihin. Talagang idinadivert niya iyong topic. Kalat na kalat na rin ang balita mapa-diyaryo, tv, radyo, at social media sites dahil sa ginawa ng anak ng mag-asawang Eru. Siyempre, gumagalaw sila sa mundo ng showbiz kaya hindi puwedeng hindi mangyari ang pagkalat ng balitang iyon. Maraming nagtataka, isama na ako sa bilang ng mga taong iyon dahil nawalan na talaga siya ng buhay noong mga oras na iyon. Naruon ako, eh. But even the doctors said na kasabwat sila. I don't know kung paano nangyari ang mga iyon, na parang planado na talaga. The hell, may mga nasaktan sa pinaggagagawa nilang palabas. Sa tingin ba nila nakakatuwa iyon? I almost ended my life nang dahil ruon. And how did Dane appear noong patalon na ako? It's like he magically appeared out of nowhere. Wala naman kasi siya noon sa rooftop. Ako lang talaga ang tao ruon noong mga oras na iyon. Okay, isama na natin iyong misteryosong lalake at si Travis – na biglang nawala – pero accountable pa ba sila? I mean, hindi sila malapit sa akin. Nakalock iyong pinto. Kung galing siya sa loob ng hospital, then bakit hindi siya nakita ni Travis? Don't tell me, all along, nasa rooftop rin siya? Pero imposible talaga. Wala naman siyang pagtataguan ruon. So how the hell did he appeared out of nowhere? Tapos iyong katawan niya pa. Nakakagulat kasi ang alam ng lahat, ganuon naman talaga ang katawan niya. Even sa pictures at videos nito, may laman rin ang katawan niya. As in, hindi talaga siya mapayat sa kahit anong picture o video niya. Parehas na parehas na talaga sila ng katawan ng kapatid niya. Don't they remember na patpatin siya? Malaman naman raw talaga ang katawan nito dahil madalas raw ito sa gym. Gym? Dane? Hindi puwedeng pagsamahin ang dalawang salitang iyan sa isang sentence kasi hindi naman ito naggygym dahil mabilis itong mapagod. Even Travis, na alam kong naggygym, sinabi na naggygym raw talaga ang kuya niya-- kasabay pa nga raw ito minsan ng mga kabanda niya. Nasabihan pa nga ako ni Travis na nakashabu kasi kung ano anong sinasabi ko. Iyong eyesight niya. Malabo iyong mata niya, sigurado talaga ako ruon. Pero bakit ang sabi ng mga taong kakilala niya, namin, malinaw raw ang paningin nito? Ako pa nga ang nasabihan na weird dahil kung ano-ano raw ang sinasabi ko, na kesyo payat at nagsasalamin ito dahil malabo nga ang mga mata nito, na kesyo binubully ito dahil geek kung sa geek ang itsura nito noon. Nakakaloka kasi sa rami ng tanong na umiikot sa isip ko, pakiramdam ko, mag-ooverload na ang utak ko at sasabog dahil hindi matanggap ang mga nalalaman ko, ang mga naririnig ko mula sa iba. Narito kami ngayon sa bahay nila, at thankfully, Sunday ngayon kaya wala kaming pasok pare-pareho pero bukas, mayroon na. Actually, ako, kanina pa talaga ako nandito dahil sinabi ni Tito na pumunta raw ako dito. Ewan, may sasabihin yata. Kararating lang nila galing sa isang press con. Ginabi na nga sila, eh. As usual, dahil na naman sa issue na ginawa ni Dane at nuong kaibigan niya. Kasesettle lang namin rito sa salas; kami nina Dane, Gabriel, Chrissy Travis, Tito Uno at Tita Aira. Iniisip ko nga, family gathering ito kaya pakiramdam ko, nananaba iyong puso ko kasi kabilang ako sa pamilya nila kahit hindi naman nila ako kadugo. Nakaupo kami sa pahabang sofa at pinagigitnaan ako nina Travis at Dane. Gusto nga akong makatabi sina Chrissy at Gabriel pero ayaw makipagpalit ng mga kapatid nila sa kanila. Kaya ayun, natahimik sila. Sabagay. Baka kasi magbangayan sina Travis at Dane kapag pinagtabi. Pauwi pa nga lang kami matapos akong idischarge, nagbangayan na silang dalawa, eh. Buti kamo napatigil nina Tita. Kahit naman kasi ako, gusto kong pagalitan nang pagalitan nang pagalitan si Dane tulad ng ginawa ni Travis. Pinagsabihan kasi siya na bakit siya sumali sa isang grupo, na narinig ko pa, using the power of eavesdropping, na kalaban ng isa. I know the fact na gangster si Travis dahil ikinukwento sa akin ni Dane iyon dati, plus the bruises na nakikita ko noon sa katawan at mukha niya kaya nagngitngit talaga ako sa inis dahil alam ko na iyong grupo na sinasabi ni Travis na sinalihan ng kuya niya, grupo rin ng gangster. Okay, medyo pabor pa naman ako kung gangster as in gangster na parang barka-barkada lang pero kasi ang alam kong grupo ni Travis, gangster talaga. Bugbugan, alak, sigarilyo, babae, teritoryo – and dear God – droga ang involved. Kaya kung sumali si Dane sa kalaban na grupo ng grupo niya, hindi imposible na mga ganuong bagay rin ang involve, hindi ba? Pinagalitan ko nga noong kaming dalawa na lang ang naiwan sa kwartong pinag-admitan ko. By kami, I mean, wala kaming mga kakilala; tanging iyong ibang mga pasyente at nagbabantay lang. Inis na inis ako noong oras na iyon nang malaman ko ang kagaguhang pinasok niya at mas nainis pa ako kasi siya pa ang nagalit. Halos maiyak na nga ako habang sinisigawan ko siya noon, eh. Sabihan ba naman ako na wala raw akong pakielam, na huwag ko raw siyang pakielaman dahil buhay niya naman iyon. Ang malala pa, pasigaw pa nang sinabi niya sa akin ang mga iyon. Hello, magsisisigaw ba ako kung wala akong pakielam sa kaniya? Hanggang ngayon, galit pa rin ako sa kaniya. Hindi pa rin kami nag-uusap dahil sa away na iyon kaya nga nagtataka ako kung bakit tumabi-tabi siya sa akin. Gusto ko na amuhin niya ako tulad ng ginagawa niya kapag nagkakaroon siya ng kasalanan sa akin. Lambingin, ganuon. Pero hindi. Dalawang araw na kaming hindi nagpapansinan pero wala pa rin siyang ginagawa. Tapos ngayon, tatabi-tabi siya sa akin na parang walang nangyari? Naiinis ako sa kaniya na gusto kong maiyak kasi namimiss ko na talaga siya, iyong dating siya. Gusto ko nga siyang isumbong kina Tito, eh. Gusto kong sabihin na sumali siya sa isang fraternity. Nakakainis. Ang alam lang kasi nina Tito, napagkatuwaan siya noong mga nagdala sa kaniya sa hospital kaya hindi sila masyadong nag-aalala. Kapag talaga sinabi ko na sumali sa frat iyong anak nila, lagot siya, eh. Kahit nga si Travis, hindi alam nina Tito na may frat kasi kung oo, malamang, dito nakatira sa bahay nila itong lalakeng ito at hindi sa isang paupahang apartment. Grabe pa naman iyong protectiveness nina Tita. Magkasugat nga lang, grabe na kung mag-alala. Frat pa kaya, na nakamamatay dahil sa mga gawain? "So, Pa," panimula ni Chrissy pagkalapag ng katulong sa maliit na lamesa sa gitna ng tray na may mga nakataob na baso at isang pitsel ng iced tea. "What's this meeting all about at sobrang importante yata?" Nakangising tumingin siya sa pinagigitnaan namin, kay Travis, na nakatingin rin sa kaniya. Hindi ko naman makita ang facial expression nito kasi iyong likod ng ulo nito ang nakikita ko. "Nandito si kuya Travis, eh." "Well," Napatingin ako kay Tito nang magsalita ito. Kinuha nito ang kamay ni Tita at inintertwine ang mga daliri nila. Napangiti tuloy ako kasi kinikilig ako sa kanila. Naiimagine ko rin kasi na magiging ganiyan rin kami ni Dane balang araw. Iyon bang hahawak-hawakan niya ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay tapos iyong isa pa, ipanghihimas-himas niya sa tiyan kong umbok dahil buntis ako. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti pagkatungo ko. Ayoko kasing ipakita sa kanila at baka matawag na naman akong nakashabu. Ang lakas pa naman mang-alaska nitong katabi ko. "Nakausap ko kasi iyong doktor ng mama niyo kahapon at pumayag naman siya sa plano ko." "What plan?" magkasabay na tanong ng magkakapatid at ako, parang tanga pa ring nakatungo habang nakangiti. Hindi ko mapigilan, eh. Kahit kasi inis ako kay Dane, kinikilig pa rin ako sa mga pinag-iiisip ko. "Na pumunta sa resort ng lolo't lola niyo sa Cavite." sagot nito kaya napaangat ako ng tingin. Nakita kong bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ni Tita para magsalin ng iced tea sa baso. "It'll both be our fifteenth anniversary sa showbiz industry at alam kong magiging stressful dahil sa mga project na ibibigay." Umupo ito ng tuwid at uminom bago nagpatuloy sa pagsasalita. "But don't worry, I turned down all of them, pati na rin iyong sa mama niyo dahil ayoko siyang mastress kasi kabuwanan niya na. Lalabas na ang kapatid niyo in a few weeks. And also, I want all of us to have some time off dahil sa ginawang kalokohan ni Dane. We'll go there by tomorrow kaya mag-ayos na kayo mamaya ng mga gamit na dadalahin niyo. Two days tayong magsstay ruon." Tinapunan niya muna ng tingin si Dane bago binaba ang hawak na baso. So two days kaming aabsent? Hindi kaya kami hanapin ng mga prof namin? "Then sa birthday namin ng mama niyo next week, ipagsasabay na lang namin iyong celebration dahil masyadong stressful para sa kaniya kung doble-dobleng okasyon pa ang ihahanda. We'll just have a dinner--" Tinapunan nito ng tingin si Travis, na parang bored na bored. "And yes, you can bring a friend or in your case, Trav, a date. Basta sabihin niyo lang kung ilan ang isasama niyo para matantiya ko kung gaano karami ang ipaluluto." So alam na pala ni Tito na babaero itong anak niya? Sabagay. Ilang beses ko na nasaksihan kung paano siya pagsabihan dahil sa takot nila na baka makabuntis ito. Hindi naman kataka-taka kung makabuntis ito dahil papalit palit ito ng girlfriend, iyon ang sabi ni Dane. Minsan nga, ibubungad na lang sa akin ni Dane, nakapagpaiyak na naman raw itong kapatid niya ng babae. Nakakapagtaka nga kasi siya lang iyong bukod tanging babaero sa pamilya nila. Si Tito naman, parang aso ni Tita kasi kung loyalty lang naman ang pag-uusapan, magwawagi ito. Pero grabe, hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin kapag isinasama nila ako sa mga ganitong usapan, iyon bang family matters lang dapat. Pakiramdam ko, lumulutang ako dahil ang sarap sa pakiramdam na itinuturing nila akong kapamilya. Mama niyo. Lolo't lola niyo. Oo, ang assuming lang ng dating pero paano bang hindi ako mag--aassume na itinatrato nila ako bilang kapamilya kung kasali ako sa halos lahat ng activity na ginagawa nila? Naramdaman ko ang paglingon ng dalawang katabi ko kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Si Tito at Tita naman, napailing na lang pagkatapos magpalipat-lipat ng tingin sa magkapatid na nakatingin sa akin. "Nagsimula na naman sila. Hanggang ngayon ba?" Narinig kong tanong ni Tita sa sarili. "I thought okay na." Napabaling ang tingin ko kay Tito nang pati siya, nagsalitang mag-isa habang nakatungo. Tumayo siya't nagpaskil ng ngiti sa mukha saka niya ipinagdaop ng malakas ang mga palad niya para kuhanin ang atensyon ng lahat. "Okay." Tumingin ito sa akin saka ako hinila paalis sa sofa, saving me sa nakakapasong titig ng dalawa nitong anak. "Dito ka na kumain at uwian mo na rin sina Carlo ng pagkain, okay?" Tumango ako habang nakangiti saka ko hinila sa kamay si Chrissy at Gabriel at nauna na kami sa kusina dahil sinabi nila na tumulong kami kay Tita sa paghahanda ng pagkain. Ewan ko nga kay Tito kung bakit ayaw na ayaw niyang kakain ng pagkaing hindi si Tita o mga anak niya ang naghanda. Dati pa niya pa iyon ugali, eh. Hula ko nga, bago pa ako magkaisip, ganuon na siya. But I really find it cute, kahit na si Tita, binubugbog ng kurot at pingot ang asawa kapag ayaw kumain ng iniluto ng mga katulong nila. Tumulong kami ni Chrissy at Gabriel sa pagbabalat at paghihiwa ng mga rekado habang si Tita, inaasikaso ang tatlong kalderong nakasalang pati na ang pagmimix ng kung ano-ano na inihahalo niya sa mga iyon. Iyong tatlong lalake? Nakaupo sa harap ng lamesa sa likod namin, nagkukwentuhan ng kung ano-ano. Nag-aasaran nga rin dahil sa video games na nilalaro nila-- kung sinong weak, noobita, balagoong, talunan, at kung ano ano pang term ang ginamit nila't ipinalit sa word na loser. Ang galing nga kasi kanina lang, magkaaway iyong magkapatid pero ngayon, kung mag-usap, parang walang nangyaring away. Pero I wonder, maging tulad rin kaya ang buhay namin ni Dane sa mga magulang niya? Iyong happily married? Well, I hope so. Pero kanina talaga, naisip ko na imposible dahil sa nangyari kani-kanina lang. Naisip ko, imposibleng maging kasing playful ni Tito si Dane, na maging kasing close siya sa mga magiging anak namin tulad ng papa niya dahil kung tignan at sigawan niya ako, parang gusto niya na akong kainin. Iniisip ko na nga lang, kasalanan ko rin kasi nilapitan ko iyong the room, iyong room na napakamisteryoso. As far as I know, wala pang nakakapasok sa the room, iyong ginawang kwarto sa rooftop. Well, except sa apat na taong kilala ko – sina Tito, Tita, Travis at Dane. Even si Chrissy at Gabriel, hindi alam kung anong mayroon sa kwarto na iyon. If I can remember it correctly, duon nawala ang first kiss ko. I was... grade three? Four? Or five? I don't remember it clearly pero nakapasok na ako sa kwartong iyon. Hindi ko na matandaan kung anong nasa loob nuon at ganuon na lang kung pagbawalan ang ibang pumasok ruon, kung bakit ganuon na lang ang saya ko noon at nagawa kong halikan si Travis. Yeah, as much as I hate to admit it, he was my first kiss dahil sa ipinakita niya sa akin noong araw na iyon duon sa kwartong iyon. Ang nakakairita pa, ako ang nag-initiate. Bakit ba? Childhood sweethearts kami, eh. Kaya nga baby ang tawag ko sa kaniya. I know. Disgusting, right? Ako at ang lalakeng iyon? May past? Nakakadiri lang. Pero bakit ko nga naman pagsisisihan ang pangyayaring iyon when on the first place, ginusto ko rin siyang halikan noon dahil sa matinding saya. Hindi ko maintindihan sarili ko. Oo, lumalandi na ako't crush ko na siya noon. Siya kasi talagang ang puppy love ko pero nang pumasok na sa eksena si Dane, noong kinaibigan ko na ito, nabura iyon na parang bula at napasa sa kuya niya ang nararamdaman ko. Ang tindi ko lang. Magkapatid pa talaga ang nagustuhan ko. But just to be clear, wala na akong nararamdaman kay Travis kung hindi inis dahil palagi niya naman kasi akong inaasar. Nakaramdam ako na parang may nakatitig sa akin habang itinatali ko papony tail iyong buhok ko matapos ko manghingi ng sanrio kay Chrissy. Pinagpapawisan na kasi iyong batok ko dahil sa buhok ko, eh. Idagdag mo pa iyong fact na nakaapron ako habang katabi iyong kalan. Maiinitan talaga ako. Binitawan ko ang hinihiwa kong repolyo saka ako pumihit para tignan kung sino iyong nakatitig sa akin. At ganuon na lang ang saya, na hinaluan ng kaba at takot nang makita kong sina Travis at Dane pala ang lumulusaw sa akin sa pamamagitan ng titig nila. Wala na rin si Tito sa likuran nila. Kaagad akong pumihit paharap sa counter para ipagpatuloy iyong paghihiwa ko dahil hindi ko kinaya iyong ibinibigay nilang tingin sa akin, lalo na iyong tingin ni Dane. Iyong tingin niya kasi, para akong nakapatay. May halong galit, tulad kanina, noong nahuli niya akong nakahawak sa kadenang nakapulupot sa handle ng pintuan ng the room. Muntikan na talaga akong maiyak kanina, at ngayon, parang gusto ko na namang maiyak dahil naalala ko na naman kung paano niya ako tignan, sigawan at saktan sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa braso ko. Ang buong akala ko kasi kanina, hindi pa sila uuwi kaya naglibot-libot muna ako sa buong bahay. Ang aga kasi akong itinext ni Tito, saying na pumunta ako rito sa bahay nila at may sasabihin siyang importante. Dahil nga nakaramdam ako ng pagkabagot, ayun, nilibot ko ang buong tatlong palapag ng bahay, including the rooftop. Pumasok pa nga ako sa kwarto ni Dane at nahiga sa kama niya para lang maamoy ko ang natural na amoy niya, eh. Namiss ko kasi siya kaya kahit man lang sa pamamagitan ng pag-amoy sa kama niya, ginawa ko para lang maibsan iyong pagkamiss ko sa kaniya. Wala naman na kasi iyong salamin na ibinigay niya sa akin dati dahil inapakan niya nga matapos iyong aksidente, hindi ba? Wala na tuloy akong bagay na mula sa kaniya na nagtatanggal ng pagkamiss ko sa kaniya. Habang nakahiga, biglang pumasok sa isip ko iyong kwarto sa rooftop kaya napagpasyahan kong umakyat at tignan iyon. Alam ko naman na bawal lumapit ruon; sinabi na sa akin iyon nina Tita pero dala siguro ng kabagutan, sinuway ko sila at lumapit pa rin. Iyon lang ang nag-iisang kwarto sa itaas ng rooftop. Ang alam ko, ipinagawa iyon duon dahil mahilig kaming tumambay noon ni Travis duon kaya nagpagawa sina Tita ng kwartong gawa sa bato para may masilungan kami kapag tanghaling tapat o umuulan. Wala itong kabinta-bintana kaya kapag nasa loob ka, puwede kang masuffocate pero buti na lang may aircon at exhaust fan sa bandang likod. Nagulat na lang ako nang biglang may nagtanggal ng pagkakahawak ko sa kadena saka ako hinila kaya muntikan na akong matumba dahil sa lakas ng pagkakahila. I was expecting na si Travis iyon dahil siya lang naman ang mahilig manakit sa akin pero laking gulat ko na lang dahil si Dane ang nakatayo sa gilid ko habang nakatingin ng masama sa akin. Duon ko napagtanto na kauuwi lang nila galing sa press con. Sinigaw-sigawan niya ako, telling me na huwag akong pakielamera at huwag na huwag lumapit sa pintuang iyon. Na tanga raw ba ako at hindi ko naisip na kaya nakakadena iyong pintuan ay dahil bawal buksan o lapitan. Kung hindi ko raw ba naalala na pinagbawalan na kaming lumapit sa pintuang iyon. Muntikan na akong umiyak habang nakikipagsagutan sa kaniya pero buti na lang, dumating si Travis at hinila ako paalis. Bago pa nga ako tuluyang mahila paalis nito, hinawakan bigla ni Dane iyong isang braso ko at sinabing huwag na huwag ko na raw ulit lalapitan iyong pintuan na iyon kung ayaw kong magkagulo. Namura pa kamo siya ng kapatid niya. Tang ina ka, Kuya, huwag mong paiyakin si Ella. Iyan ang mga katagang binitawan niya bago ako tuluyang hinila papasok ulit sa bahay. Habang hinihila ako ni Travis, nakatingin lang ako kay Dane at ang sama-sama talaga ng tingin niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nag-180 iyong ugali niya. Okay naman kami bago ako lumabas ng hospital pero nang maidischarge na ako, naging ganiyan na ugali niya. Oo, inaway-away ko siya dahil nga sa pagsali niya sa fraternity pero okay pa rin kami noon kasi kinulit-kulit niya pa ako. Kaya nga ang laking palaisipan sa akin kung bakit ganuon na lang siya umasta, eh, okay naman kami. Tulad ba ng mga weird na pagbabago sa katawan niya at iyong pag-iisip ng mga tao na nakapaligid sa amin, nagbago rin iyong ugali niya? Huwag naman sana kasi baka hindi ko kayanin kapag pinagsalitaan niya ako ng mga salitang ginagamit sa akin ng kapatid niya. Okay pa kung iyong kapatid niya ang mumura-murahin ako o kung ano pang mga salitang nakakadegrade kasi sanay na ako pero kung sa kaniya manggagaling? Ewan ko na lang. Baka bigla na lang ulit akong magpakalunod. "Mukha kang dugyot." nagulat ako hindi lang dahil sa biglaang may nagsalita sa likod ko kung hindi dahil may malambot na dumampi sa batok ko. At dahil sa gulat ko, nahiwa ko iyong daliri ko. "Tanga." matawa-tawang sinabi nito saka ipinagpatuloy ang pagpunas ng cottony something, na alam kong bimpo, sa batok ko. Hindi pa nga nakuntento at itinaas pa ang buhok kong nakatali para walang sagabal sa pagpupunas niya sa batok ko. Ako naman, inilayo ko iyong daliri ko sa gulay kasi baka mapatakan ng dugo saka ko ito hinawakan, sa pag-aasam na mapatigil ang pagdurugo. "Trav, your words." suway ni Tita rito saka ako dinaluhan. "Halika, Daniella," Hinila niya ako't itinapat sa gripo ang daliri kong may sugat saka niya pinihit ang valve nito kaya lumabas ang tubig mula ruon. "Dane, pakikuha iyong med kit. Lilinisan ko lang ang sugat ni Daniella." pag-uutos nito habang nililinisan ang kamay ko sa ilalim ng gripo. Napalingon naman ako sa likod nang marinig kong gumalaw ang bangkuan. Nagkatinginan kami ni Dane pagkatayo niya, or more like nakatingin na siya sa akin kanina pa. Inirapan niya ako't tumalikod saka kinuha iyong med kit sa ilalim ng cupboard kung saan ito nakasabit. Lumapit ito sa amin saka ibinigay kay Tita iyong kit at walang imik na naglakad na ulit paupo sa harap ng lamesa. At iyong balahibo ko, kanina pa nakatayo dahil kanina pa talaga siya nakatitig sa akin. Hindi iyan ang gusto kong tingin na itapon niya sa akin. Para kasi akong may kasalanan, iyong napakalaking kasalanan kaya matalim ang tingin niya. Ang gusto ko, iyong puno ng pagmamahal, hindi iyan. Bakit? Ako ba ang nagpapatay kina Rizal at Lapu-Lapu kaya ang sama ng tingin niya? Ang gulo niya. The dinner went smoothly at mukhang masaya naman sila dahil kumpleto sila. Iyon lang, hindi nawala iyong pagpapagalingan at pagbabangayan nina Dane at Travis, pati na ang pang-aasar nito sa akin. Kaya ayun, ilang beses siyang pinagsabihan na nasa harap ng pagkain pero sadyang matigas ang ulo nito dahil hindi man lang sinunod sina Tita. Tulad ng inaasahan at ipinanalangin ko, umulan kaya sa loob-loob ko, sobrang saya ko kasi makakapagstay pa ako ng matagal rito. At hindi lang iyon, sinabi pa nila na dito na ako magpalipas ng gabi kasi ang lakas talaga ng ulan. Tinawagan ko na lang si Kuya at nagpaalam dahil baka kapag hindi ako tumawag, malamang iyon, mag-aalala na naman, kahit pa alam niyang nandito ako sa bahay ng mga Eru. Sinabi ni Tita na sa guest room na lang ako pero hindi pumayag si Chrissy. Okay, pati ako. Sinabi ko na sa kwarto na lang ako ni Chrissy at pumayag naman sila. Gusto ko sana sa kwarto ni Dane dahil gusto ko itong makausap tungkol sa ugali niya. Wala namang issue kina Tito iyon, alam ko iyon kasi alam kong alam nila na kami iyong dynamic duo, iyong dalawang magkaibigan na sa sobrang close, mahirap paghiwalayin. At saka, ilang beses na ba akong natulog sa kwarto nito, sa kama nito habang katabi ito? Hindi ko na mabilang. At pagkagising, hindi na sila nagtatanong kasi alam naman nilang walang mangyayari sa amin dahil alam nilang sobrang close kami nito. Okay na sana ang lahat. Okay na talaga kaya lang iyong epal na Travis na iyon, sinabi na sa guest room ako patulugin nang makaalis na sina Tito't Tita. Of course we asked him kung bakit at ang sagot nito, magpapatulong raw siya sa project na ipapasa niya dahil malapit na ang deadline. Sinabi nga ni Chrissy na hindi siya pumapayag kasi gusto niya akong makatabi. Oo, papayag raw siya na duon kami sa kwarto niya gumawa ng project pero iyong patulugin ako sa guest room? Ayaw niya. Ang sagot naman ng demonyo, mapupuyat kami sa gagawin namin. Tinaasan ko talaga siya kilay kasi nakangisi siya nang sinabi niya iyon. May mali, eh. May meaning iyong sinabi niya. Nagtalo talaga iyong dalawang magkapatid, at sobrang disappointed ako kasi si Dane, hindi man lang sinabi na sa kaniya na lang ako matutulog. Talagang pinanuod niya lang iyong dalawa sa pagtatalo kung saan ako matutulog. Dati naman, pinag-aagawan nila ako ni Chrissy kung kaninong kwarto matutulog pero ngayon, wala. In the end, nanalo si Travis dahil sa pangbablackmail nito. The typical Travis-– manipulator. Hindi ko alam kung anong ipinangblackmail nito kasi ibinulong lang kay Chrissy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD