-Daniella
Akala ko, malala na ang nangyari kagabi. Ngayon, pakiramdam ko, tinakasan na ako ng buhay. Hindi dahil namatay na si Dane. Hindi iyon, eh. Iba iyong ipinasabog na balita sa amin ngayon.
"Nawawala iyong katawan ni Dane!"
Dahil ang mga katagang iyan ang bumungad sa amin ni Travis pagkagising na pagkagising sa kaniya ni Kuya. Sa lakas ng tono ng boses na ginamit nito, pati ako, nagising na rin sa bangungot na naranasan ko.
Nang buksan ko kasi ang talukap ng mga mata ko, medyo nasilaw pa ako dahil sa sobrang liwanag ng buong kwarto. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil ang pader sa kanang parte ng kwarto ay salamin from floor to ceiling. Sure, hindi pa nakakaadjust masyado ang mga mata ko sa sobrang liwanag pero kitang-kita ko ang lalakeng nakaupo sa kanan ko, na nakatitig sa akin habang nakangiti.
Hindi ko siya kilala-- sigurado ako duon. At habang tumatagal, umaayos na ang paningin ko at mas nakita ko lalo ang itsura niya. Nakaramdam ako ng matinding takot dahil hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na bumalot sa buong pagkatao ko habang nakatitig ako sa mga mata niyang itim na itim. Hindi ko makita ang buong katawan niya dahil sa mukha niya lang talaga nakapako ang paningin ko pero gamit ang peripheral vision ko, kitang-kita ko na nakat-shirt siya na kulay itim, na nag-angat sa kulay niyang sobrang puti. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko at para akong tinanggalan ng vocal chords dahil hindi ako makapagsalita.
Nakakakilabot ang ngiting nakapaskil sa mukha niya.
Parang hindi siya tao. I never get scared of anyone-- kay Kuya at sa pamilyang Eru lang, except kay Travis, siyempre. Pero itong taong nakaupo sa gilid ko, wala siyang ginagawa, nakatitig lang sa akin habang nakangiti sa tabi ko, kakaibang takot na ang nararamdaman ko.
Naramdam ko ang paggalaw sa kaliwang bahagi ng kama at ng kamay na nakahawak sa kamay ko. At kahit gusto kong tignan ang taong nakahawak sa kaliwang kamay ko, na alam kong si Travis, hindi ko maipihit paharap sa kaniya ang ulo ko. Nakapako lang talaga ang mata ko sa mukha ng lalakeng nakaupo sa tabi ko. Parang may kung anong pwersa na pumipigil sa akin para gawin iyon.
Nahirapan man, naigalaw ko pa rin ang isang kamay ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak nito, hoping na sana ay gumising siya pero hindi pa rin. The warmth radiating from Travis, plus his hand that held mine helped me kept my sanity at that moment kasi kung hindi, baka iyong lamig na nanggagaling mula sa lalake, sa titig nito, ang naging dahilan ng pagkabaliw ko dahil sa matinding takot.
I can't believe I'm going to say this pero laking pasasalamat ko dahil nasa tabi ko si Travis noong mga oras na iyon, na nakahawak siya sa kamay ko. Hindi ko nga lubos maisip na sa kaniya pa ako makakakuha ng comfort at lakas ng loob kahit papaano sa pagkakataong iyon.
I've known him for years kaya alam kong wala kang maaasahang kasweetan sa kaniya. Hindi na siya iyong dating Travis, iyong baby ko na sobrang sweet, na maaasahan, ayaw magmura, childish-- proper boy kung baga. Ngayon, mas matigas pa siya sa diamond. Sabagay; things change. Bata pa siya noon at ngayon, tumanda na siya kaya imposible talagang walang magbago. Iyong closeness nga namin, nagbago, iyong ugali niya pa kaya? At saka, lumaki siyang palabarkada kaya iyong nature na kinalakihan niya, iba sa nature na kinalakihan ng mga kapatid niya. Plus, lalake siya. As far as I know, wild and adventurous ang mga lalake. They easily get bored kapag sobrang proper nila, except for Dane kasi ganuon talaga ito; kaugali nito si Tito. Hindi tulad ng kuya niya na mahinhin, na bawat galaw, sinisiguradong maayos. At wala siyang kaalam-alam na, surprisingly, he supplied me a lot of comfort. Ang buong akala niya, ako ang nagcocomfort sa kaniya, by letting him hold my hand pero ako talaga ang kinocomfort niya.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang walang pakielam ang mga kasama ko sa kwarto. Hindi ba sila natatakot sa lalakeng nakatitig sa akin? Hindi naman sa pangit ang lalake pero nakakatakot talaga ito.
Ipinikit ko ang mga mata ko at saktong pagkapikit ko, narinig ko ang boses ni Kuya, na parang natataranta na kinakabahan habang paulit-ulit na ginigising si Travis, telling him that Dane's body was missing.
Nang dahil sa sinabi niya, napamulat ako at ang lalakeng nakaupo sa gilid ko, nawala na parang bula. Iyong takot na bumalot sa akin kanina dahil sa lalake, biglang nawala at napalitan ng napakatinding sakit dahil sa narinig kong sinabi ni Kuya.
"Ano?!" sabay na naisigaw namin ni Travis dahil sa gulat sa narinig na balita.
Dali-daling tumakbo palabas si Travis pagkatapos niya akong tapunan ng tingin. Thank God rin kasi nakagalaw na ako. Mabilis akong umupo at bumaba sa kama saka ko isinuot ang tsinelas ko na nakalapag sa sahig. Pinigilan pa ako ni Kuya dahil nag-aalala siya't baka hindi pa maayos ang pakiramdam ko pero nakalabas rin ako, kasama siya dahil nakiusap ako na tulungan kami sa paghahanap sa katawan ni Dane.
Hindi puwedeng mawala iyon. Sino bang matinong tao ang magnanakaw ng bangkay?
Habang tumatakbo, ilang nurse ang nadaanan namin na pinagsabihan kami pero hindi man lang namin pinansin. Nadaanan nga rin namin ang tatlong pinsan ko habang may dalang mga prutas at pagkain, eh. I know na dahil sa ginawa kong paglagpas sa kanila, mas papangit ang tingin nila sa akin but should I f*****g care? They're not worth my attention. May mahalagang bagay akong kailangang asikasuhin kaya wala akong panahon sa kanila. As if magkakaroon ako ng panahon sa kanila. At ang malala pa, may ibang tao, mapa-nurse, pasyente at kung sino sino pa, ang nadaanan namin na pinag-uusapan iyong nawawalang bangkay.
Ang bilis kumalat ng balita. Sabagay, hindi araw-araw kung makarinig ka ng ganitong klase ng balita, tapos anak pa ng sikat na mga artista. At ang pag-uusap pa ng mga taong nadaanan namin ang naging dahilan para umiyak ako dahil kumpirmadong nawawala nga ang katawan ni Dane.
Dumiretso kami sa morgue at duon, nakita kong hawak ni Tito Uno ang kwelyo ng isang lalake gamit ang dalawa niyang kamay. Base sa mukha niya, galit na galit siya. Ginitgit ko kaagad ang ibang nakikiusyoso't pumunta sa tabi ni Tita saka ko ito niyakap dahil nag-aalala ako sa kaniya. Buntis siya; baka kung mapaano si baby Terrence dahil sa nangyayari ngayon.
"Ate," pagkuha ni Chrissy sa atensyon ko pagkalapit niya sa akin. "Si Kuya." Umiiyak na sinabi niya saka ako hinawakan sa balikat.
Halos lamunin na ng sigaw ni Tito ang mga boses mula sa nagtsitsismisan. Pilit siyang pinakakalma ni Tita by means of calling him pero walang nagawa ang pagtawag-tawag nito. Ang nakakabahala pa, dumagdag sina Gabriel at Travis sa pagsigaw.
I guess he really loves Dane kahit pa hindi na sila masyadong close nito.
"Eru, please!" pagtawag muli ni Tita kay Tito habang hawak ang tiyan niya. "Tumigil ka na." umiiyak na pakiusap nito.
Napalunok ako at napahigpit ang pagkakayakap sa kaniya. "Sorry po..." mahinang paghingi ko ng tawad. "I'm sorry. I'm really sorry po, Tita." Napatingin siya sa akin and despite the fact na nanglalabo ang mga mata ko, I can clearly see that we are both crying our hearts and eyes out. Iyon lang naman ang kaya namin gawin ngayon para kahit papaano, mailabas ang sakit at sama ng loob namin.
Kung hindi naman talaga dahil sa katangahan ko, hindi mangyayari ang lahat ng ito, eh. Kung hindi dahil sa mga pinaggagagawa ko, wala kami ngayon rito sa hospital at hindi sana namatay si Dane.
"Daniella..." mahinang pag-aalo niya sa akin saka ako niyakap pero kumalas kaagad ako habang umiiling. Ayoko na kinaaawaan ako. Ako ang naaawa, hindi ako kinaaawaan.
"Ate." humihikbing pagtawag sa akin ni Chrissy kaya napalingon ako rito.
Tumingin ulit ako kay Tita saka ako humakbang paatras habang nakatakip iyong isang kamay ko sa bibig ko. "I'm sorry po." At bago pa siya makapagsalita, tinalikuran ko na siya't ginitgit ang mga tao para makaalis.
"Bunso!" Sigaw ni Kuya pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo paalis.
"Kuya, si ate!"
Bakit ganuon? Gusto ko lang naman na mapansin ako ni Dane biglang babae pero nang dahil sa mga pinaggagagawa ko, puro kamalasan ang nangyari. Hindi na nga yata ako magsasawang sisihin ang sarili ko at habang buhay ko nang dadalhin at pagsisisihan ito.
I destroyed them. I destroyed the family I've always wanted to belong to. Ang ironic lang kasi gusto ko sila pero ako pa ang sumira at nanakit sa kanila. But I didn't want that to happen. I really don't. God knows that. Nang dahil sa pagmamahal ko, I destroyed them. Napakaselfish ko naman kasi. Ang iniisip ko lang, iyong sarili ko. I even hurt a lot of guys just to make Dane jealous but where did it brought me? Wala.
Makasalanan ako. Ang dami-dami kong sinaktan, mapa-babae o lalake. And if I continue on existing, alam ko na balang araw o baka nga bukas lang, may masaktan na naman ako. And maybe... just maybe... ending my life and going after Dane wouldn't be such a bad idea.
"Ella!"
I don't know where I would go; if it'll be to heaven or to hell. I know for sure na nasa heaven si Dane. He's really good, and religious and... perfect. God, I'm doubting kung sa langit ba talaga ako pupunta. Makasalanan ako, eh. There's a huge chance na sa impyerno ako mapunta. Plus, I've read this article that if you end your own life, you'll go to hell.
Saan ba talaga ako lulugar? Ngayong wala na si Dane, saan pa ako pupunta? I belong in his arms pero ngayon wala na siya, wala na akong mapupuntahan.
"Putang ina, Ella! Tumigil ka! Hinihingal na ako!"
Pero paano sina Kuya? Ang mga taong nagpapahalaga at nagmamahal sa akin? Alam kong hindi sila marami pero paano sila? Kapag nagpakamatay ako, maiiwanan at masasaktan ko na naman sila. Pero kung mas maaga kong tatapusin ang buhay ko, kung maaga akong mawawala sa kanila, mas maililigtas ko sila sa sakit na maidudulot ko pagdating ng panahon, hindi ba?
Tama.
I'll end my life.
Kailangan ko rin pagbayaran ang pagkamatay ni Dane dahil kasalanan ko kung bakit siya nawala, kung bakit nasasaktan ang pamilya niya. It's only fair kung may mamatay rin ako, right? At isa pa, I can't bear seeing them in pain. Just the thought of them crying and grieving kills me. Paano pa kaya kung makita ko in actual, tulad noong kagabi at kanina?
I don't want to see pain crossing their eyes. Oo, kaduwagan itong ginagawa ko-- ang pagtakas para hindi makita ang sakit na gumiguhit sa mga mata nila pero ito lang talaga ang alam kong paraan para mapagbayaran ko ang mga ginawa kong kasalanan. Kaduwagan na kung kaduwagan pero kung ito lang ang paraan, gagawin ko.
At ang lakas ng pakiramdam ko na balang-araw, mapapaisip sina Tito na oo nga, kasalanan ko nga ito kaya dapat talaga nila akong sisihin. I know they are good people pero hindi malabong sisihin nila ako. Kaya nga ngayon pa lang, sinisisi ko na ang sarili ko. Kaya ngayon pa lang, gusto ko nang tumakas kasi ayokong marinig mula sa kanila na kasalanan ko talaga ito. Alam kong masasaktan ako kapag nangyari iyon. Alam ko iyon dahil mahal ko sila at masakit kapag sinisi nila ako.
Ang gulo ko.
Pero posible kayang buhay pa si Dane, ang Daney ko, kaya wala iyong bangkay niya sa morgue? Kasi kung oo, magpapakabait na talaga ako. Susunod na ako sa lahat ng sasabihin niya at sasabihin ko na talaga kung gaano ko siya kamahal. I'll promise him na magbebehave na ako, na magiging good girl na ako tulad ng gusto niya...
Stop it, Daniella. Wala na siya. Pinatay mo siya, hindi ba? Kaya please lang, tumigil ka na.
And I'm really doing all those girls a favor, a really big one. Once na mawala na ako, wala nang magugustuhan iyong mga boyfriend nila. They'll be free from the pain dahil wala nang magugustuhan ang boyfriend nila, na siyang dahilan kung bakit sila iiwanan.
"Puta! Ella, ano ba?!"
Ngayon ko lang talaga narealize kung gaano ako kasamang babae. I didn't even gave a s**t about their feelings dahil iniisip ko lang, iyong kaligayahan ko, kung paano mapapasa akin si Dane. Ang sama-sama ko.
At least if I end my own life, mababawasan na ng demonyo sa lupa. Hindi na nga ako magugulat kung malaman ko na ako ang naging antagonist ng ibang tao nang wala akong kaalam alam. Ganuon nga yata ako kasama; lumakad pa lang ako, nagkakasala na iyong ibang tao - specifically, lalake. Ngumiti lang ako, magkakaroon na ng hiwalayan, may masasaktan na.
I'm not being egotistic. Ilang lalake na ba ang nagsabi na gusto nila ako? Na mahal nila ako? Na nagbalak mangligaw sa akin? I've lost count. At ilang babae na ba ang hiniling na mamatay na lang ako dahil nawawalan sila ng lalake? I don't know pero I know that there's a lot of them. Ilang babae na ang lumapit sa akin na umiiyak at nagmamakaawang huwag na magpakita sa boyfriend nila o sa kahit sinong lalake.
They want me to lock myself up. And here I am, giving them a huge favor dahil hindi lang ako mawawala sa mga paningin nila, mawawala pa ako sa balat ng lupa.
Why was I even born evil?
I bet even my family, aside from Kuya, would be glad kapag nawala na ako. Ang absurd ng idea na gustuhin kang mawala ng mga kapamilya mo pero alam kong iyon ang gusto ng mga kamag-anak ko. They would be happy kasi mawawalan na ang pabigat sa pamilya ko.
I'm doing everyone a f*****g favor.
Bago pa man sumara ang elevator na sinakyan ko, may kamay nang humarang kaya bumukas ulit ang pintuan nito. I was too tired to even care kung bakit pa ako sinundan ni Travis. Ang ginawa ko lang, umiyak nang umiyak habang nakaupo sa sulok.
"Ella..." mahinang pagtawag niya sa akin.
Tumahimik lang ako habang hinihintay na umandar na ang elevator pakaakyat matapos kong ipress ang button para sa pinakahuling floor. Nang umandar na, umupo ako sa gilid. "I'm sorry..." Dinala ko ang magkabilang tuhod ko sa dibdib ko saka iyon niyakap tapos ang mukha kong basang-basa na ng luha, iniubob ko duon. "I'm sorry..."
"Bakit ka ba nagsosorry?" Hinawakan niya ako sa mga braso ko saka ako itinayo. Nang maayos na akong nakatayo habang nakasandal, gamit ang kaliwa niyang kamay, hinawakan niya ako sa baba't iniangat ang mukha ko tapos iyong isa niyang kamay, ipinanghawak niya sa kamay ko. "C'mon, Ella, bakit?"
"I'm sorry..." paghingi ko ulit ng tawad. Wala na kasi akong ibang maisip na sabihin bukod sa sorry dahil gusto ko talagang humingi ng tawad, kahit pa napakalabong patawarin nila ako dahil pinatay ko ang kapamilya nila. "I'm sorry."
"You don't have to say sorry dahil wala kang kasalanan, Ella--"
"I killed you brother, Travis! I killed him! Paanong wala akong kasalanan?!" frustrated na tanong ko saka ko siya itinulak. "Hindi man ako ang bumugbog, ako pa rin ang pumatay sa kaniya. If it... if it wasn't for me, buhay pa siya. Kung hindi lang naging matigas ang ulo ko, kasama pa natin siya. Kung hindi... kung hindi lang ako naging makasarili, nasa tabi ko pa rin siya. Ako ang dahilan kung bakit pare-pareho tayong nasasaktan ngayon."
"Ella, ano ba? Hindi ikaw ang--"
"No! Ako iyon, Travis! Ako iyon!" Itinuro ko ang dibdib ko at saktong bumukas iyong pinto ng elevator kaya tumakbo na ako't nilagpasan siya dahil kahit masama ugali niya, ayokong masangkot pa siya't mapagbintangan kapag nagpakamatay na ako. Masyado nang malaki ang kasalanan ko sa mga Eru at ayoko nang madagdagan pa iyon.
He kept on yelling my name, calling me, pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa hagdan na nakita ko, hoping na sana iyon na iyong rooftop. Halos madapa ako dahil sa pagmamadaling makapasok sa pinto papasok sa rito at nang makapasok ako, isinara ko kaagad iyong pinto, locking him on the other side. Mabuti nga at nasa labas ang lock, eh.
Lumitaw ang ulo niya sa transparent na salamin sa bandang gitna ng pintuan at tinignan ako sa mata, na parang nakikiusap na huwag akong gumawa ng katangahan. Wala naman akong magagawa, eh. Iyong katangahang gagawin ko ang magsasalba sa kanila sa sakit balang-araw. "Ella, ano ba?! Please, buksan mo ito!" pakiusap niya habang paulit-ulit na kinakalabog ang pinto. "Hindi mo kasalanan kung bakit siya nawala sa atin!"
Tumingin ako ng diretso, sa railing ng rooftop. Duon. Duon ko tatapusin ang buhay ko. Mabibigat ang bawat paghakbang ko, na parang hindi ko gusto ang ideya ng pagpapakamatay. Sabagay, sino ba namang gustong mamatay? At ang bata ko pa para mamatay-- tulad ni Dane.
Napayukom ang mga palad ko dahil sa matinding galit sa sarili ko. "Kasalanan mo ito, Daniella, kaya kailangang pagbayaran mo ang mga kagagahang ginawa mo."
Mas lalong lumakas ang katok mula sa pinto, na parang gusto niya nang gibain, pati na ang pagtawag sa pangalan ko nang tumawid na ako sa railing. Iniapak ko ang mga paa ko sa maliit na espasyo tapos iyong dalawang kamay ko, inihawak ko sa railing sa likod saka ako pumikit at huminga ng malalim.
It's now or never.
"Ella, please!" Napalingon ako sa kaniya, kahit na hindi ko masyadong makita ang ekspresyon niya dahil medyo malabo ang salamin at dahil na rin sa distansya. Kahit pa kasi magkaibang-magkaiba ang boses nila ni Dane, napagkamalan ko na siya ang kapatid niya dahil sa paulit-ulit na pakiusap nito. Matigas ang boses niya at ang sa kuya niya, malambot pero nang dahil sa pakiusap niya, parang may humaplos na kung ano sa puso ko. Para rin pala siyang si Dane kahit papano. "Hindi mo kasalanan!"
May nahagip ang mata ko sa gilid ng pinto kaya tinignan ko iyon. Nanduon iyong lalakeng nakaupo sa gilid ng kama ko kanina at tulad ng itsura niya nang makita ko, nakangisi siya't nakatingin sa akin habang nakasandal sa pader at ang dalawang kamay niya, nasa loob ng bulsa ng pantalong itim niya.
Bumalot na naman sa akin ang matinding takot at ang paningin ko, hindi ko na naman maialis sa kaniya. Kahit anong pilit ko, para na namang napako ang mga mata ko sa rito. Parang gusto ko na ngang tumalon kaagad para hindi ko na siya makita pero hindi talaga ako makagalaw. Pinilit ko rin ang sarili ko na sumigaw, kahit pa alam kong masasaktan ang lalamunan ko pero hindi ko man lang maibukas ang bibig ko. Nananayo na rin ang balahibo ko, hindi dahil sa itsura nito. Hindi ko alam kung bakit pero takot na takot ako sa kaniya, kahit wala naman akong maisip na dahilan para makaramdam ng takot.
I mean, ano naman kung palagi ko siyang nakikita rito sa hospital? Na kahit saan yata ako lumingin kanina habang tumatakbo ako paakyat rito, nanduon siya? I'm not even scared of ghosts. Sa ipis, oo, pero sa multo? Hindi, dahil alam kong hindi naman ako masasaktan ng mga iyon.
Yeah. Maybe... he's a ghost. Pero hindi naman dapat ako matakot sa kaniya, hindi ba? Multo lang siya, hindi niya ako masasaktan. God, I don't even think ghosts exist because reality check, I haven't seen one of them. Or kahit na pagparamdaman pa ako, wala rin kaya there's no reason for me to believe in them.
Pero ngayon, hindi ko na alam. Naguguluhan ako kung multo ba itong tinitignan ko o ano.
Dahil sa matinding takot siguro, hindi ko napansin na hindi na pala ako humihinga at pagkamulat ko matapos kong pumikit ng ilang segundo, nawala na siya. Tinignan ko rin ang pintuan para alamin kung nanduon pa si Travis at laking pasasalamat ko kasi wala na ito. Baka humingi na ng tulong, gaya ng isinigaw niya kanina habang hindi ako makagalaw. Hindi na siya masasangkot kapag nagpakamatay na ako.
It doesn't matter kung nakakita ako ng multo dahil mawawala na rin naman ako, eh. It's not a big deal, really. Ano naman kung nakakita ako ng multo? It's not like ako lang ang nakakita nuon, hindi ba? Kahit hindi ako naniniwala, noon, as far as I know, marami nang nakakita ng multo, encountered it even.
Baka sundo ko iyong lalakeng iyon at kaya ito palaging nagpapakita sa akin ay dahil nagbibigay na ito ng sign na malapit na akong mawala?
Huminga ako ng malalim saka tumingin sa ibaba, only to see na marami na palang tao na nakatingin sa akin habang itinuturo ako. Iyong iba, parang sumisigaw pa pero dahil nasa itaas ako, hindi ko sila marinig. Para silang mga langgam kung titignan mula sa puwesto ko.
Akmang tatalon na ako pero napabitaw ako, unintentionally, nang may sumigaw mula sa likuran ko. "DC!" Kaagad niyang nahawakan iyong isang kamay kong napabitaw nang mapapihit ako paharap sa kaniya at iyong isa niyang kamay, ipinanghawak niya sa braso ko, na nakahawak pa rin sa railing.
God... this can't be happening.
"Daney..."
"What were you thinking?!" bulyaw niya saka niya ako hinila pabalik sa kabilang side ng railing, sa side niya. Nang makatawid na ako, binitawan niya ang magkabilang kamay ko at iyong mukha ko naman ang hinawakan niya. Dumagundong ang dibdib ko dahil sa ginawa niyang gesture at halos maghabol hininga na ako nang inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, while wearing a worried expression. He still has the same effect on me. "Magpapakamatay ka ba?!" I absent-mindedly nodded kaya nagusot lalo ang mukha niya. "God, DC! What am I going to do with you?!" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa mukha ko saka ako hinila't niyakap. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko kaya ang ginawa ko, ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya, kahit pa nakatingkayad na ako dahil sa tangkad niya, saka ko siya niyakap ng mahigpit.
Pero teka, bakit parang nagkalaman iyong braso niya? Iyong katawan niya?
My god, Daniella! Does it even matter?! Ang mahalaga, buhay... teka.
"Daney..." mahinang pagtawag ko sa kaniya, na sinagot niya ng mahinang hmm. "Are you... are you for real? Hindi ka ba multo?" I asked. I just wanna be sure kasi baka multo lang pala itong yakap ko ngayon. Ayoko namang paasahin iyong sarili ko na buhay siya, kahit pa nahahawakan at yakap ko siya. Baka mamaya, multo lang pala siya at sasaglit lang siya para iligtas ako sa pagpapakamatay ko, or more like pigilan. Kasi may multong ganuon, hindi ba? Iyong nahahawakan ka? Kung nahahawakan nila ang tao, puwede rin siguro natin silang hawakan.
"Hmm." sagot niya, na may kasama pang pag-iling at mahinang pagtawa. Buti na lang at umiling siya kasi kung hindi, ibig sabihin, multo siya. Para kasing oo ang ibig sabihin niya sa hmm. Ay, hindi pala parang dahil oo talaga ang ibig niyang sabihin.
Kumalas ako sa yakap saka siya tinitigan sa mata, na halos magpatunaw na sa akin dahil nakatitig rin siya sa akin habang nakangiti. Pero parang may kulang sa ngiti niya dahil hindi man lang ito umabot sa mga mata niyang singkit. Oh, what the hell. What's important is he's back! "My god, Daney!" Napaiyak ako dahil sa kasiyahan saka ko siya nilundag kaya napahiga siya habang nasa ibabaw ako. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya habang nakakagat ako sa ibabang labi ko at iyong mga luha ko, pumapatak na sa mukha niya pero hindi man lang siya nag-abalahang punasan. "Thank God, buhay ka!" Pinaulanan ko siya ng halik sa mukha dahil sa sobrang saya ko, at hindi niya ako pinigilan. It's like my heart's overflowing with happiness dahil sa katotohanang heto siya, nakahiga habang pinauulanan ko ng halik. Mukha ngang hindi siya makakaramdam ng awkwardness dahil natatawa na lang siya habang yakap-yakap ang bewang ko. Paano ba naman kasi siya mao-awkward-an kung alam niya na kapag tuwang-tuwa ako, binubugbog ko ang mukha niya ng halik? At saka hahayaan ko ba naman na magkaroon ng awkwardness sa amin?
Narinig namin ang pabagsak na pagbukas ng pinto kaya napatingin kami sa direksyon nito. Nanduon si Travis, kasama ang isang lalakeng staff yata ng hospital. "Ella?" Nginitian ko siya saka ako umalis sa pagkakadagan kay Dane. Nang makatayo na ako, hinila ko na ito patayo. "Kuya."
"Yo, Gab." cool na pagkakasabi nito saka naglakad palapit sa kapatid niya.
I just stood there while watching Dane's back habang naglalakad siya. There's something... weird. There's something weird that's definitely going on.
Una, iyong katawan ni Dane. He's... kind of buffed. Nang mahawak ko iyon, parang puro muscle-- lean na ang katawan niya.
Pangalawa, sira-sira ang suot niyang damit, na parang hiniwa ng matulis na bagay, o puwede ring ginunting pero I doubt na ginunting iyon. Pero teka, he's supposed to be dressed in some hospital gown dahil nang ipasok siya sa morgue, ganuon ang suot niya and not... the one he's wearing right now. Iyong suot niya kasi, iyong suot niya nang dalahin siya rito. Maybe he got his things back kaya suot niya ulit. And it's impossible na iyong mga doktor ang sumira ng damit niya kasi nang gamutin siya, itinaas lang ng mga doktor ang damit niya, hindi pinunit. So bakit punit na ang damit niya?
Pangatlo, wala siyang salamin and it looks like he can see clearly without them.
Pang-apat, he looked super good, and I hate it dahil marami akong makakaagaw sa kaniya; maraming magkakagusto sa kaniya. I know it's not the right time to think about things like this. I just can't help it. Iyon kasi kaagad ang pumasok sa isip ko nang mapagtanto ko na sobrang guwapo niya, kahit pa punit-punit ang mga suot niya, dahil sa pagbabago niya. Wala namang nagbago sa mukha niya. Same pa rin talaga, iyon lang, nagkalaman na. Tumaba siya-- umayos talaga iyong katawan niya from head to toe. Siyempre, ngayong gwapo na siya, paliligiran na siya ng babae. At once na mangyari iyon, makakakita siya ng type niya. Ang ending? Ako ang luhaan. I can't accept that!
Panglima, iyong pag-yow niya kay Travis. He doesn't use those cool words. Hindi siya cool so bakit ganuon?
And lastly, bakit siya buhay? It's not that I'm not happy because he's alive. It's just that, he's not supposed to be alive dahil patay na siya, hindi ba? So bakit? Bakit siya buhay?
Kahit masaya ako sa katotohanang buhay siya, I can't help but feel puzzled dahil sa mga nangyayari. I can pinpoint what's weird pero wala akong makuhang sagot.
I guess kay Dane ko makukuha ang mga iyon.