9

4292 Words
-Daniella "Why did you save me?" Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ko nang magising ako sa loob ng hospital. I really hate this place. "Bunso, what do you mean?" tanong ni Kuya, na mukhang nag-aalala na talaga. Hindi ko naman siya masisisi. "Hindi ba't dapat ka magpasalamat kasi iniligtas ka niya?" Tinapunan niya ng tingin ang katabing lalake, na mukhang kagagaling lang rin sa ilog dahil hindi pa ito totally natutuyo. "Who said I wanted to be saved?" pabulong na tanong ko saka ako pumaling ng higa pakanan dahil nasa kaliwa sila. And there, nakaupo sina Mama at Papa habang nakatingin sa akin kaya ang ginawa ko, pumikit na lang ako. Ayokong makita ang mga nasa harap ko. "Bunso..." mahinang pagtawag sa akin ni Kuya. "Kuya, hindi pa ba ako puwedeng umalis? Ayos naman na ako, ha?" pag-iiba ko sa usapan, at isa pa, gustong-gusto ko na rin umuwi at sa lang sa bahay na lang magpahinga. Pakiramdam ko kasi, mas lalong hindi ako gagaling rito dahil pinalilibutan ako ng mga taong may sakit. "Hindi ba't narinig mo iyong sinabi ng doktor na tumingin sa iyo kanina? Hindi pa puwede dahil ichecheck up ka pa. Marumi iyong ilog kaya kailangan siguraduhin kung wala kang nakuhang kung ano ruon." "Sige na, Kuya." pakisaup ko habang pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa kumot na ibinalot niya sa akin. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Umupo siya sa likuran ko saka sinimulang himasin ang ulo ko, and I felt comfortable. Kailangan ko talaga ng comfort ngayon dahil gusto kong mabawasan itong sakit at bigat na dinadala ko. "Kuya, salamat ho ulit sa pagliligtas sa kapatid ko." he said, ignoring my plea at alam kong nakangiti siya sa kausap dahil ugali niya na ang ngumiti sa lahat. Kaya nga ang raming nagsasabi na ako ang kabaliktaran nila ni Carla, eh. They're every parent's dream child and I'm not. Everyone's fond of them, at sa akin, hindi. Masayahin, magalang, mabait, masipag-- lahat na ng positive traits, naibigay na sa kanila. Sa akin, wala-- wala silang masabing maganda sa akin kung hindi maganda ako pati na ang boses ko. Ni sa mga kamag-anak namin, hindi ako malapit. Bakit ko pa sila papapasukin sa mundo ko na iilan lang ang puwedeng pumasok kung hindi rin naman nila ako gusto? "Wala iyon. Nagulat nga kami kasi para siyang wala sa sarili nang nagpakalunod. Sobrang blangko ng ekspresyon niya." "Ganuon lang ho talaga siya." Tumigil siya sa paghimas sa ulo ko saka tumayo. "Halika ho, ihahatid ko na kayo pero dumaan po muna tayo sa kahit anong fastfood at nang may maiuwi ho kayo." "Nako, huwag na--" narinig kong pagtanggi nuong lalake pero pinutol lang siya ni Kuya. Isa pa sa mga ugali ng kapatid ko na kinatutuwaan nila ay hindi ka niya tatantanan hangga't hindi siya nakakapagbayad sa utang na loob. Ako nga dapat ang magbayad pero hindi ko naman sinabi na iligtas ako kaya bahala sila riyan. "Sige na ho. Pumayag na kayo. Gusto ko lang ho talaga na magpasalamat kasi iniligtas niyo siya." Bumuntong hininga ito bago sumagot. "Oh siya, sige. Sige na." Naamoy ko ang pabango ni Kuya at nang maramdaman ko ang mainit na hangin sa bandang pisngi ko, alam kong inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Bunso, behave rito, ha? Aalis muna ako. Promise, babalik ako kaagad para mabantayan kita." Hinalikan niya ako sa sintido at ang sunod na narinig ko matapos niya sabihin iyon ay ang pagbukas sara ng pinto, indicating na lumabas na sila. "Daniella," Binalewala ko si Mama at nanatiling nakapikit. Wala naman akong magandang sasabihin sa kaniya. "Anak, ayos ka lang ba?" That's a rather stupid question. "Do I look okay?" malamig na tanong ko saka ko iminulat ang talukap ng mga mata ko. And from what it looks like, nasaktan ko sila dahil halatang-halata ang pagguhit ng sakit sa mga mata nila. "Alam niyo, umuwi na lang po kayo kasi kaya naman akong alagaang mag-isa ni Kuya rito at saka, makakalabas naman ho siguro kaagad ako bukas kaya hindi niyo na kailangang mag-aalala—oh. On the second thought; kalian pa po ba kayo nag-aalala pagdating sa akin?" I faked a yawn saka tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Nabigla sila, at kahit na ako kasi masakit pero binalewala ko na lang. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama habang hawak ang dumudugong braso ko saka ako pumihit patalikod para pumunta sa banyo. Hindi lang pala sina Mama ang nagulat dahil pati ang iba pang mga pasenyente at nagbabantay na kasama namin sa loob ng kwarto ay halatang nabigla. Dumiretso na lang ako sa banyo para maghugas. Pagkaharap ko sa ilalim ng showerhead, binuksan ko ito kahit pa nakadamit ako. Kinapa ko ang bulsa ko para tignan kung may laman pero wala naman. Baka tinanggal na ni Kuya kanina nang hindi ko namamalayan. Malamang, iyong cell phone ko, sira na dahil nasama iyon sa paglubog ko. Kakailanganin ko na naman mag-ipon para makabili ng panibago. Haay. Buhay. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Kuya, pero mas nag-aalala ako sa bulsa niya. Ang hirap kasi kay rito, sa sobrang bait, inaabuso na ng iba. Mapa-kaibigan, exes at iyong mga tao sa paligid nito na alam kung gaano ito kabait, ayun todo sa pang-aabuso. Minsan nga, naiisip ko na lang na parang bumibili na lang siya ng kaibigan kasi kung ilibre niya minsan ang mga iyon, akala mo kung sino siyang bilyonaryo. Tapos iyong mga naging ex niya, dumikit lang sa kaniya, hindi lang dahil sa guwapo at sikat siya noon sa school nila kung hindi dahil sa pera niya. Ang nakakatuwa lang kay Kuya, kahit ilang beses na siyang nagmahal, hindi pa rin siya sumusuko. He had, I don't know, twenty plus girlfriends at lahat iyon, minahal niya tapos nang hiwalayan siya, iniyakan niya nang iniyakan pero okay lang kasi mabilis rin naman siya magmove on-- parang gamay na gamay niya na kung paano makalimot. Makapagpaturo nga sa kaniya kung paano magmove on para maging handa ako sa future, if ever man na hindi ako magustuhan ni Dane pero siyempre, imposible naman iyon kasi gagawin ko lahat para lang magustuhan ako nito pero kapag ayoko na, wala na akong magagawa kung hindi gawin ang third mantra ko. Kapag ayoko na, ayoko na. Titigilan ko na siya if ever wala talaga pero sa ngayon, ipupursue ko siya, kahit ako pa ang babae sa amin. Sa panahon ngayon, pantay-pantay na ang lalake't babae; kung anong puwedeng gawin ng lalake, puwede na rin sa babae. Ang hirap lang kasi kay Dane, hindi ko mabasa ang mga mata niya. Sa ibang tao, madali kong mabasa ang emosyon, pero kasi, sa kaniya, mahirap minsan, lalo pa't kapag alien ang ipinapakitang kulay ng mata niya. Hindi ko tuloy malaman kung kahit kaonti ba, gusto niya ako. Ayoko naman na mag-assume dahil lang sa sobrang friendly at sweet niya sa akin. Ganuon lang naman talaga siya sa mga tao sa paligid niya. Iyon nga lang, parehas na parehas sila ni Kuya na hala sige pa rin sa pagngiti kahit nasasaktan na. Si Travis ang bumungad sa akin pagkatingin ko sa inuupuan kanina nina Mama. Napakaneutral ng ekspresyon nito, na ni katiting na bahid ng emosyon, wala. Pero anong ginagawa niya rito? Oo, alam ko na isa siya sa nagdala sa akin rito pero umuwi na siya kanina pagkahatid na pagkahatid niya sa akin rito, kasama nuong lalake na nagligtas sa akin. He's supposed to be looking for Dane dahil ang sabi nina Tita at Tito, wala raw ito sa bahay. Baka naman nanduon na sa bahay nila ang kapatid niya kaya nandito na siya? But still, bakit siya nandito? Para siguraduhin na ayos na ako? Nah. Iyong words na Travis at cares ay hindi puwedeng ipagtabi dahil napakaimposible nuon. Oo, nasaktan ako ni Dane pero hindi ko pa rin maialis ang pag-aalala kasi wala siya sa bahay nila noong dinala ako rito ng kapatid niya. Hindi pa naman iyon lumalabas ng bahay kapag ganitong oras na, except of course kapag may kailangan gawin o kaya pinalabas ko para pumunta sa amin. At isa pa, si Tita rin. Kabuwanan na niya at alam ko rin na nag-aalala na rin ito sa anak niya. Baka kung mapano si baby Terrence dahil sa pag-aalala ni niya. At kapag may nangyari kay baby at sa kuya niya, sisisihin ko talaga ang sarili ko. Hindi naman magagalit si Dane kung hindi dahil sa akin, eh. Tapos anong sinabi niya kanina? Ililigtas niya ako? Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero kung hindi lang ako nanggamit nang nanggamit ng mga lalake para pagselosin siya, at kung hindi lang ako nagsinungaling na buntis ako, edi sana, okay pa rin kami at hindi siya aalis sa bahay nila ng dis oras ng gabi. At siyempre, kapag hindi siya umalis, hindi mag-aalala si Tita. Butterfly effect. See? Sa akin talaga ang bagsak ng sisi. Ako talaga ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang mga ito. Pero hindi, Daniella. Nandito si Travis. May chance na nanduon na sa bahay si Dane kaya siya nandito. Tama. Nabalik ako sa reyalidad nang biglang may humawak sa braso ko at nang tignan ko kung sino ito, tinangka ko kaagad na alisin ang pagkakahawak niya pero hinigpitan niya lang lalo. "Ano ba? Bitawan mo ako." utos ko pero nag-ala tengang kawali siya dahil hindi niya ako pinakinggan. "Ano na naman bang katangahan ang inisip mo't tinanggal mo iyong dextrose?" Sinamaan niya ako ng tingin bago tinignan ang braso ko na hawak niya, kung saan may kakaonting dugo sa parte na pinagtanggalan ko ng dextrose. Napangisi ako dahil sa tono ng boses na ginamit niya. Ngayon naman, galit siya. Ayos rin itong lalakeng ito, eh. Hinila niya ako hanggang sa mapaupo ako sa inuupuan niya kanina tapos naghalungkat siya ng kung ano sa bag na dinala kanina ni Kuya at nang makita niya na ang hinahanap niya, nilingon niya na ulit ako habang hawak ang kinuha sa bag; isang tuwalya. "Lahat na ng katangahan, sinalo mo na kaya lahat na ng katangahan, ginawa mo." singhal niya saka ako pinunasan sa magkabilang braso, sa leeg, sa mukha at ang huli, tinuyo niya ang buhok ko. Halos madistort rin ang mukha ko dahil grabe siya kung makuskos. Mantakin mo naman, ang diin-diin ng pagkukuskos niya, na parang gusto nang burahin ang mukha ko. "Tapos ka na?" tanong ko nang tigilan niya na ang pagpapatuyo ng buhok ko. "Tanga ka ba talaga? Basang-basa ka." galit na sinabi niya saka ipinatong iyong tuwalya sa balikat ko. Nilapitan niya ulit iyong mga bag kung saan nakalagay iyong mga damit ko tapos binuksan niya iyon at hinalungkat. "Bakit hindi ka nagdala ng mga gamit kung maliligo ka? Gagong ito." Nang makakuha na siya ng mga susuotin ko - he even got me an underwear kaya papatayin ko talaga siya once na makalabas ako rito - hinila niya ako palapit ulit sa banyo. "Mag-ayos ka na." sinabi niya sabay abot sa akin ng mga damit. "Wala ka talagang galang, letse ka." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinagbagsakan ko siya ng pinto. Bahala siyang tignan ng mga kasama namin sa loob. Ang gaspang-gaspang ng dila ng lalakeng iyon. Kung sabihan ako ng tanga, akala mo siya, hindi. May matalino ba namang tao na magtatrato ng ganuon sa pasyente? At saka, kung murahin niya ako, akala mo siya, hindi rin gago. Ewan ko talaga sa taong iyon. "Po?!" narinig kong sigaw ni Tarvis mula sa labas. Gago talaga. Hindi niya ba alam na may natutulog na mga tao sa loob ng kwarto? Pagkabihis ko, binitbit ko na ang mga basang damit ko't lumabas na ng banyo. Ang ipinagtataka ko lang, wala ang gago sa kahit saang sulok ng kwarto. Napansin yata ng nagbabantay na ale sa pasyente sa tabi ko ang pagtataka ko kaya tinawag niya ako sa pangalang Ineng. "Iyong kasama mo bang lalake kanina ang hinahanap mo?" Tumango ako. "May tumawag sa kaniya sa telepono niya't dali-daling lumabas. Kung hindi ako nagkakamali ng rinig, mama ang itinawag niya sa nakausap niya. Mukhang may kakilala siya na dinala rito. Ang narinig kong itinanong niya kasi sa kausap niya, nandito raw iyong kuya niya. Nagulat nga yata siya kasi nanlaki ang mga mata niya't napalakas ang boses." The power of eavesdropping. Pero teka. Kuya? Kuya ni Travis? Si Dane? Dali-dali akong lumabas pagkabato ko sa gilid ng kamang hinihigaan ko ng mga basang damit ko. Nakakabangga ako ng mga nadaanan kong tao pero hindi ko na lang pinag-aksayan ng panahon at dumiretso kaagad sa nurse's station. Tinanong ko kung may nakaconfine ba na Ian Dane Han Eru at halos mapaupo ako nang sabihin ng nurse na nakausap ko na mayroon. Pinilit ko na tumayo ng tuwid at itinanong ko kung saan ang room and this time, napaupo na ako dahil nasa emergency room pa raw si Dane dahil kakapasok lang ng pasyente rito. "Miss, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ng nurse na napadaan. "Miss," pagtawag naman sa akin ng nakausap kong nurse. Tinulungan akong tumayo ng napadaan na nurse at nang makatayo na ako, tumakbo kaagad ako papunta sa emergency room. Napakaraming tao ang bumungad sa akin kaya nahirapan akong hanapin si Dane pero nang marinig ko ang sigaw ni Travis, napalingon ako sa kinaroroonan ng boses at hayun, nakita ko siyang pinipigilan ng mga tao at nurse dahil plano niya yatang bugbugin ang dalawang lalake sa harapan niya. But what broke me was when I saw Dane, surrounded by doctors while lying on the hospital bed... lifeless. Pinilit kong maglakad hanggang sa makalapit ako sa kinaroroonan nila. Mukha ngang hindi napansin ni Travis na nakalapit na pala ako dahil busy siya at ngayon naman, sa pagtawag sa kuya niyang nag-aagaw buhay. Durog na durog ako dahil sa nakikita ko. Para rin akong tinatakasan ng katinuan at kaluluwa ko dahil puro para ang katawan nito. At nang itinaas ng isang doktor ang gilid ng damit niya, nakita kong puro din ito pasa. Sunod na ginawa ng doktor na iyon ay ang paggupit sa pantalon niya para makita ang mga hita niya kaya halos hindi ako nakahinga dahil magang maga ang mga iyon nang tumambad sa amin. That's it. Hindi ko na kinaya at napaiyak na ako. "Daney..." pabulong na pagtawag ko habang patuloy siyang sinisilip mula sa likuran ng mga doktor na nagkukumpulan paikot sa kaniya para asikasuhin siya. "Daney!" "Putang ina niyo!" narinig kong sigaw ni Travis, na nasa gilid ko, habang patuloy pa rin siyang pinipigilan ng mga nurse at ng ibang tao na nanunuod sa ginagawa niyang eksena. "Bakit niyo siya isinali?!" "Siya ang lumapit sa amin--" narinig kong sagot ng isa sa dalawang lalake na planong patayin ni Travis kahit pa humahagulgol na ako habang nakatingin kay Dane. "Tang ina, kahit na!" "Hindi naman namin alam na hindi niya kakayanin--" sagot naman ng isa pero tulad nuong kasama niya, hindi rin siya pinatapos ng lalakeng nagwawala ngayon. "Sa liit ng katawan ng kuya ko, sa tingin niyo, kakayanin niya?! Mga putang ina niyo, pababalikan ko kayo! Papapatay ko kayo!" "Dane!" sigaw ng isang babae mula sa hindi kalayuan at nang malaman ko kung sino ito, nilapitan ko kaagad si Travis at niyakap para pakalmahin, kahit alam kong napakaimposible. Hindi kasi siya puwedeng dumagdag sa mga iisipin ni Tita dahil buntis ito. "Kuya Dane!" Napalingon ako saglit kay Chrissy at Gabriel pero ibinalik ko rin kaagad kay Travis ang atensyon ko. "Mga gago kayo! Papapatay ko kayo--" "Tama na, please!" pakiusap ko habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib nito. "Nandiyan sina Tita!" Bahagya naman itong kumalma pero ramdam ko pa rin ang galit nito dahil sa pagtaas baba ng dibdib nito pati na ang sunod-sunod na paghinga nito ng malalim. "Tama na." "Kayo ba, ha?!" narinig kong pasigaw na tanong ni Tito sa kung sino kaya napahigpit ang pagkakayakap ko kay Travis dahil sa matinding takot na bumalot sa akin nang marinig ko ang pagsigaw nito. "Pa!" pagtawag nina Gabriel at Travis kay Tito saka ako ikinalas sa pagkakayakap ko. Mukha naman siyang natauhan, na mali ang ginagawa niya kaya nilagpasan niya ako. Pumihit ako para sundan siya at dali-dali rin akong lumapit kay Tito para awatin ito dahil pinauulanan na nito ng mura at suntok ang isa sa dalawang kaaway ni Travis, na ngayon ay nakahiga na sa malamig na sahig. Mas lalong rumami ang nanunuod at umaawat dahil kilalang tao sina Tito't Tita. May iba pa ngang nag-uusap-usap, pinipicture-an o hindi kaya'y vinivideohan ang nangyayari. Kilala sina Tito't Tita bilang mababait at magagaling na mga artista sa buong bansa pero sa nangyayari ngayon, sa inaasta niya ngayon, alam kong maraming issue ang kahaharapin niya. Mas lalong nagwala si Tito nang inanunsyo ng isa sa mga doktor na wala na si Dane kaya pati ang dalawang binugbog niya, inilayo na rito para gamutin dahil sa rami ng tinamo ng mga ito. Alam ko na kahit nagpapakatatag si Tito para asikasuhin si Tita, halos tinakasan na rin ito ng buhay dahil nawalan na ito ng anak, dahil nawala na si Dane, o kuya kung tawagin ni Tita kapag naglalambing. Time of death - 11:37 PM Paulit-ulit na umikot sa utak ko ang mga katagang binitawan ng doktor sa nurse na katabi nito habang naglalakad ako palapit sa bangkay... sa katawan ni Dane. Akmang tatakluban na ng nurse ng kumot ang katawan pero pinigilan ko ito habang nakatingin pa rin ng diretso sa mukha ni Dane, na mukhang mahimbing na natutulog. Nahagip ko ang pagtingin sa akin nina Tita at Chrissy habang hawak ni Tita ang kamay ni Dane. Paulit-ulit ito sa pagbigkas sa salitang baby ko kaya mas lalo akong nadurog dahil katibayan ito na wala na talaga sa amin si Dane. Umupo ako sa tabi ni Dane saka ko hinawakan ang kamay nito gamit ang isa kong kamay. Ang isa naman, ginamit ko para hawiin ang buhok na tumatakip sa noo nito. "Daney..." Mula sa buhok nito, pinadausdos ko ang palad ko papunta sa pisngi nito. "Akala ko ba ililigtas mo ako? Ito ba iyong paraan mo? Pagpapakamatay?" Naiyukom ko ang kamay ko na humahaplos sa pisngi ni Dane saka ko ibinaon ang mukha ko sa dibdib nito. "Daney, please... gumising ka na. Magpa... magpapakabait na ako, promise. Hindi na... hindi na ako magiging bayolente. Gagawin ko na lahat... lahat ng gusto mo basta gumising ka. Please. Huwag mo kaming iwan." Iniangat ko ang ulo ko't ikinulong ko ang mukha nito sa dalawang kamay ko saka ko ito paulit ulit na tinapik. "Huy, gumising ka na. Magboboyfriend iyon si... si ano... sina Izzy at Gabriel, sige ka." Binalingan ko ng tingin ang magkapatid, na panay na rin ang iyak. "Hindi ba?" Hindi ako tinapunan ng tingin ng mga ito at bigla na lang sumubsob sa braso ng kapatid nila at ako, ibinalik ko ulit ang atensyon ko rito. "Daney, gising na. Hindi ko pa naikukwento iyong panaginip ko, hindi ba? Kasi nagwalkout ka, eh. Kakainin pa natin iyong mga sitsirya na binili ko-- ang rami nuon, hindi ko iyon mauubos mag-isa. Daney--" "Bunso..." mahinang pagtawag sa akin mula sa likuran ko na siyang nagpatigil sa akin sa pakikipag-usap kay Dane dahil kilala ko ang nagmamay-ari ng boses ng tumawag sa akin. Napalingon kaagad ako sa tao sa likod ko at walang sabi-sabi ko itong niyakap pagkababa ko sa hospital bed. "Kuya, si Dane, ayaw gumising!" pagsusumbong ko na parang bata habang umiiyak. "Gisingin mo siya, Kuya!" Niyakap ako nito't hinagod ang likod ko gamit ang isang kamay. Nakaramdam ako kahit papaano ng comfort pero kulang pa rin, eh. Hindi basta basta matatanggal ng pagcocomfort ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Bunso, tahan na." Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwartong ko sa hospital. Para akong mababaliw dahil sa rami ng iniisip ko, na sinamahan pa ng matinding sakit na bumabalot sa pagkatao ko dahil sa katotohanang wala na si Dane. Ni hindi ko man lang naamin sa kaniya na mahal ko siya. Tapos, ano? Namatay na lang siya na masama ang loob sa akin, na pangit ang tingin sa akin-- na malandi at bayolente ako. Akala ko pa naman, magiging kami, tapos ikakasal kami, tapos magkakaroon kami ng maraming-maraming-maraming anak tapos tatanda kami na magkasama, tapos aalagaan kami ng mga anak namin... iyon pala, hindi mangyayari ang mga iyon. At dahil kanino? Dahil sa akin. Dahil sa mga katangahan ko, sa mga desisyon ko. Kung hindi ko lang sana ginawa ang mga bagay na iyon, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan ko ito. Tama. Kasalanan ko kung bakit nangyayari ang mga ito kaya siguro, mas maganda na pagbayaran ko ang mga kasalanan ko. Ang bata pa masyado ni Dane para mamatay. Ang rami niyang pangarap, na hindi niya na maaabot nang dahil sa akin. May mga plano na rin kami para sa pagtanda namin pero nang dahil sa akin, hindi na mabibigyang katuparan ang mga iyon. Kasalanan ko talaga ito. Kaya heto ako, tumakas habang nasa cr si Kuya. Naglakad ako sa hallway ng hospital para hanapin sina Tito at bawat kwarto na madaraanan ko, tinitignan ko. Sa third floor ako galing at nakaakyat na ako't lahat-lahat sa pinakahuling floor, wala pa rin kaya napagpasyahan kong tignan ang second floor. At sa dulo ng hallway, may nakita akong lalakeng nakaupo sa sulok habang nakatungo. Nakilala ko kaagad ito dahil sa damit nitong kulay itim at basketball short na kulay asul. Nanduon siya, mag-isa sa gilid ng dulo ng hallway na walang katao-tao. Naaawa ako sa kaniya, pati kina Tito, Tita, Izzy, Gabriel at sa lahat ng nagmamahal kay Dane dahil nawala ang kapamilya nila nang dahil sa akin. Pagkalapit na pagkalapit ko ay lumuhod ako sa harap nito. Alam kong alam niya na nasa harap niya ako pero hindi pa rin siya nag-angat ng tingin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil alam kong hindi lang ang lalakeng ito ang magagalit sa akin kapag nalaman kung sino ang may kasalanan kung bakit namatay ang kapamilya nila. Natatakot at nasasaktan man, kailangan ko pa rin ipaalam sa kanila na nang dahil sa akin kaya nangyari kay Dane ang bagay na iyon. "Baby..." pagtawag ko sa kaniya gamit ang bansag ko sa kaniya dati. Hinawakan ko ang magkadaop na mga kamay nito gamit ang dalawang kamay ko saka ako tumungo. "I'm sorry... kasalanan ko." Nanatili lang kaming nakaganuon habang parehas na umiiyak ng tahimik ng ilang minuto at nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan sa likuran ko, nilingon ko ito, only to see na si Tito pala ang iniluwa nuon. "Daniella..." Napatayo ako't napayakap rito saka pumalahaw ng iyak. "Tito, I'm sorry. I'm really, really sorry. Kasalanan ko po. Kung hindi po dahil sa akin, hindi umalis ng bahay--" Naramdaman ko ang pagyakap nito at gamit ang isang kamay, ipinatong niya iyon sa ulo ko. "Daniella, what are you saying? Hindi mo kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo, okay?" "Pero, Tito, ako po iyong dahil kung bakit siya umalis. Pinagalitan niya po ako tapos sinabi niya, ililigtas niya ako. Ako po iyong may kasalanan kung bakit--" "Daniella, hindi." Ikinalas ako nito sa pagkakayakap sa kaniya't hinawakan sa magkabilang balikat. "Hindi mo kasalanan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Alam kong hindi mo gusto na mapahamak siya, na mamatay siya kaya huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo." "Pero si Tita rin po. Baka nang dahil sa akin, may mangyaring masama kay baby Terrence--" "No, Daniella. Magagalit sa iyo si Dane kapag sinisi mo pa ang sarili mo. Gusto mo ba mangyari iyon?" Umiling ako dahil ayokong magalit lalo sa akin si Dane. "Sige na, magpahinga ka na, okay? Ako nang bahala rito. At magiging okay si Tita mo at si baby Terrence, kaya sige na. Magpahinga ka na, ha?" Tinignan nito si Travis kaya napatingin rin ako sa kinaroroonan nito. Nanduon pa rin ito, nakatungo pero hindi na umiiyak katulad kanina. "Trav," Hindi ito nag-angat ng tingin kaya tinawag ulit ito ni Tito. "Trav," Iniangat na nito ang ulo at sinalubong ang tingin ng ama. "Samahan mo na muna si Daniella sa kwarto niya at may aasikasuhin lang akong mga papel rito, ha? Kasama naman ng mama mo ang mga kapatid mo kaya huwag ka mag-alala." Tamad itong tumayo't nilapitan ako at nang makalapit na ito sa akin, hinawakan ako nito sa kamay at hinila hanggang sa makarating sa third floor at saktong pagkahakbang namin sa huling baytang ng hagdan ay bumungad sa amin ang nag-aalalang mukha ni Kuya. Nakahinga ito ng maluwag at inalalayan na ako papasok sa kwarto habang nakahawak pa rin sa kamay ko ang walang imik na si Travis. "Travis..." pagkuha ko sa atensyon nito pagkahiga ko sa kama. Hindi ako nito pinansin at umubob lang sa kama habang hawak pa rin ang kamay ko. Hindi ba siya mahihirapan sa puwesto niya? Ang liit ng silya na inuupan niya. "Travis, iyong kamay ko." Sinubukan kong hilahin ito mula sa pagkakahawak niya pero hinigpitan niya lang lalo kaya napabuntong hininga ako. Hahayaan ko na lang. Nahiga ako sa kama't sinundan ng tingin si Kuya, na pumunta sa likuran ni Travis, kung saan naroroon ang mga bag. "Huwag kang bumitaw." Napunta kay Travis ang atensyon ko nang marinig ko itong magsalita ng pabulong. "Kailangan ko ng suporta ngayon." Niluwagan niya ng bahagya ang pagkakahawak sa akin kaya akala ko, bibitawan niya na pero hinigpitan niya rin kaagad saka siya humikbi. "I'm sorry. I'm sorry, baby." Alam ko na sinabi ni Tito na huwag kong sisihin ang sarili ko pero kahit sabihin nilang hindi ko kasalanan, na huwag kong sisihin ang sarili ko, hindi ko mapigilan, eh. Binabalot ako ng kunsensya dahil alam kong malungkot rin sila sa pagkawala ni Dane. "Kailangan lang talaga kita ngayon... please, huwag kang bumitaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD