8

3787 Words
-Daniella "Ang samang panaginip naman nito." matawa-tawang sinabi ko saka ko kinuha iyong bag ko. Tumayo ako't nilagpasan si Dane, na halatang nagtaka dahil nagsalubong ang mga kilay niya. Gamit ang likod ng palad ko, pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko. Pinagtitinginan ako habang naglalakad papunta sa gate dahil kahit anong gawin ko, tulo pa rin nang tulo ang mga luha ko. Wala akong pakielam kahit mukha akong tanga habang naglalakad dahil ang kailangan ko, matulog kasi alam kong pagkagising ko, makakaalis na ako sa bangungot na ito. Pero... tulog ba talaga ako ngayon? Kahit na naramdaman ko lahat ng sintomas ng in love sa taong iyon kanina, alam ko na hindi iyon si Dane-- hindi iyon ang Daney ko dahil hindi niya ako magagawang saktan kasi best friend niya ako at mahalaga ako sa kaniya. Binuo lang siya ng panaginip ko, ng bangungot na ito kasi alam ng isip ko na gustong-gusto ko laging nakikita si Dane. Imposible talaga na totoo lahat ng ito kasi kung may paniniwalaan man ang kaibigan ko, ako iyon at hindi ang mga ebidensiya na ipinakita sa akin nuong taong iyon, nuong taong nanakit sa akin, nuong evil counterpart ng lalakeng mahal ko. Nakakaloko lang kasi kahit panaginip ito, o bangungot, nararamdaman ko pa rin iyong sakit dahil sa mga binitawang salita nuong masamang Dane na binuo ng isip ko. Tinanggal ko ang salamin ko pagkaupo ko sa pangdalawahang upuan sa bus. Pinunasan ko ito saka isinuot ulit dahil namiss ko bigla iyong totoong Dane. Gaya ng sinabi ko, kapag namimiss ko siya, isinusuot ko lagi itong salamin na ibinigay niya sa akin. Siguro mas maganda kung bigyan ko siya ng peace offering? Like some sort of food na ako ang gumawa. Tama. Gusto ko siyang bigyan ng peace offering kasi nakagawa ako ng masamang version niya sa panaginip na ito. Ang problema, hindi ko alam kung anong pagkain ang iluluto ko para sa kaniya tapos hindi pa ako masyado marunong magluto. Mag-aaral na ako magluto para kapag naging girlfriend niya na ako, ipagluluto ko palagi siya kapag may extra akong pera nang sa gayon, hindi na siya maghanap ng ibang babae at para mas mahalin niya ako. Ika nga, a way into a man's heart is through his stomach. Nang makauwi ako, wala akong nadatnang tao sa bahay. Gustuhin ko man na magluto na kaagad at pumunta kina Dane mamaya, dapat muna akong matulog dahil baka kung ano na naman ang mabuo ng isip ko. Baka pati sina Tito, Tita, Gabriel at Chrissy, magawan ko rin ng evil counterpart. Umakyat ako sa kwarto saka ko inilapag iyong bag ko sa study table tapos iyong salamin, inilapag ko sa tabi nito. Kahit hindi pa ako nagpapalit ng pangbahay, nahiga na ako sa kama at pinilit matulog, na inabot ng kulang-kulang isang oras bago ko nagawa. Nang magising ako, pakiramdam ko, okay na ako kasi nagising na ako mula sa bangungot na iyon. Pagkatayo ko, nakita ko ang sarili ko sa full-length mirror sa likod ng pintuan. Nakaunifom pa ako. Baka hindi ako nakapasok kanina dahil sa sobrang antok ko at naiwan kong suot ang uniform ko. Sabagay, baka dahil sa kaiisip ko kay Dane kagabi kaya ako napuyat. No wonder hindi ako nakapasok dahil sa sobrang antok. Pagkabukas ko ng pintuan, natigilan ako dahil sa naalala ko. Bigla ko na lang kasi naalala iyong napanaginipan ko; iyong pagngiti sa akin ni Dane pati na ang pagsuot niya ng salamin sa akin. Isinara ko ulit iyong pintuan saka ko tinakpan iyong mukha ko ng dalawa kong kamay tapos sumampa ako sa kama't tumalon-talon habang tumitili. Grabe, pati sa panaginip ko, ang sweet niya. Kaya lalo akong nai-in love sa kaniya, eh. Mapa-totoong buhay at panaginip, hindi nawawala iyong sweetness niya. Grabe! Tumalon ako pababa sa kama saka itinigil iyong pagtili ko tapos kinuha ko iyong wallet ko't isinuot ang salamin ko. Nang tignan ko iyong laman ng wallet, isang one hundred at bente na buo lang ang laman, including my IDs at cards rin siyempre. Lumipad papunta sa pintuan ko ang paningin ko dahil sa biglaang pagbukas nito at nakita ko si Kuya na nakatingin sa akin habang nakangiti. Isinara ko iyong wallet ko saka ko siya nilapitan at hinalikan sa pisngi. "Hi, Kuya." nakangiting bati ko. "Dane?" nakangising tanong niya. Lagi na lang siyang ganito pagkatapos ng ilabas-ang-kilig session ko sa kwarto. Malamang ito, narinig na naman ang pagtili ko. Tumango ako habang kagat ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti ko ng pagkalaki-laki. Nang maalala ko na kailangan ko palang ipagluto si Dane para sa peace offering na naisip ko sa panaginip ko kanina, tinanggal ko ang pagkakakagat sa ibabang labi ko saka ko tinitigan si Kuya sa mata. "Kuya, pahingi ng pera." Sumandal siya sa pintuan saka humalukipkip habang nakatingin sa akin na nakakunot ang noo. "Bakit? Wala ka nang pera?" "Mayroon pero kaonti na lang. Ayoko namang magwithraw kasi ayokong umalis." Pumunta ako sa harap niya saka ko hinawakan ang braso niya gamit ang dalawa kong kamay. "Sige na, Kuya. Please. Ipagluluto ko kasi si Dane ng pagkain. Nanaginip kasi ako tapos nagawa ko siyang masama duon kaya gusto ko siyang bigyan ng peace offering dahil alam ko na kapag ikinwento ko na sa kaniya iyon, magtatampo siya. Sige na, Kuya. Please." Tumawa siya ng bahagya saka ako inakbayan. At dahil naglakad siya, napalakad rin ako dahil sa pagkakaakbay niya sa akin. Nang makapasok kami sa kwarto niya, bumitaw na siya't lumapit sa drawer. "Kayo na ba?" tanong niya habang naghahalungkat duon. "Well, we're exclusively dating sa isip ko." Muli siyang tumawa habang nailing then hinugot niya iyong wallet mula sa drawer. Isinara niya iyong drawer saka umupo sa kama niya habang nakaharap sa akin. "Bakit ba ikaw ang nangliligaw ruon? Hindi ba, siya ang dapat mangligaw?" "Hindi naman kaya ako nangliligaw." nakasimangot na sagot ko. Kung puwede lang, ako na talaga mangliligaw sa lalakeng iyon. "Eh, ano ba itong mga ginagawa mo para sa kaniya? Hindi ba pangliligaw ito?" "Hindi nga yata nakakaramdam iyong lalakeng iyon." Akmang magsasalita na siya pero inunahan ko na. "Kaonti lang, Kuya. May 120 naman ako rito." Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya at alam kong alam niya na ang dapat niyang gawin. "Ikaw talaga." Binuksan niya iyong wallet niya saka kumuha ng 100 na buo mula ruon tapos iniabot niya iyon sa akin. "Sabihin mo sa akin kapag may progress na kayo, ha?" "Okay, Kuya." nakangiting sagot ko saka ko siya niyakap sa leeg at hinalikan sa pisngi. "Thank you ulit!" Ikinalas ko ang pagkakayakap ko sa kaniya saka tinignan ang mga nakakalat na damit sa sahig. Actually, hindi lang damit ang nakakalat dahil may wrappers pa ng mga junkfood at kung ano-ano pang mga basura. "And, Kuya, you might wanna clean this up." ani ko habang iniikot ang daliri ko, telling him na tignan ang kabuuan ng kwarto niya, na ginawa naman niya. "Kapag nakita ito ng girlfriend mo, matuturn off iyon." Lumabas na ako ng kwarto niya at iniwan siyang nakatingin sa buong kwarto niya. Pagkababa ko, nadatnan ko si Papa na nanunuod sa tv pero hindi ko na lang kinausap dahil wala naman akong sasabihin sa kaniya. Saktong pagkapihit ko paharap sa direksyon kung nasaan ang kusina, nakita ko na napatingin nito sa akin pero binaliwala ko na lang saka ako pumunta sa kusina. Naabutan ko si Mama na nagluluto pero hindi ko na lang rin pinansin dahil wala rin naman akong sasabihin sa rito. Napatingin rin ito sa akin pero inignora ko na lang at tinignan ang laman ng ref. I'm checking kung anong laman na puwedeng isama sa pagkaing iluluto ko, na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam. Mas maganda nang alam ko iyong laman ng ref para hindi na magdoble-doble ng bili ng rekado. "Daniella," mahinang pagtawag sa akin ni Mama pero nagpatuloy lang ako sa pagtingin sa loob ng ref. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa at ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog mula sa ipiniprito niya. Dairy cream, hotdogs, eggs, syrup, tubig, mango juice na mukhang bagong timpla lang, at meats ang nakita ko. Habang naririnig ko ang ingay na nagmumula sa iniluluto ni Mama, may biglang pumasok sa isip ko. Hindi ako makakapagluto rito dahil una, nagluluto si Mama at pangalawa, hindi ko matagalan na kasama sila sa iisang lugar. Tumayo ako't isinara ang ref pagkakuha ko ng syrup mula sa loob nito. Saktong pagkapihit ko pakaliwa para umalis, nakita ko na nakatayo si Papa sa tabi ni Mama at parehas silang nakatingin sa akin. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa salas para umalis. Nang makakita ako ng plastic bag duon, kinuha ko ito at inalis ang lamang mga gamit panglaba saka ko inilagay ang bote ng syrup duon. Akmang aalis na ako pero naabutan ako ni Kuya dahil saktong pagkabukas ko ng pintuan, tinawag niya ako mula sa llikuran. "Hindi ka na ba magbibihis muna?" nakangiting umiling ako pagkapihit ko paharap sa kaniya. "Mag-ingat ka, okay? Malapit nang dumilim." Tumango ako saka isinara ang pintuan. "Hindi niyo po siya masisisi kung bakit ganuon siya umasta." narinig kong sinabi niya, na alam kong ang mga magulang namin ang kausap. "Kasalanan niyo rin naman po, eh." Tama. Kasalanan nila kung bakit malayo ang loob ko sa kanila. Naglakad na ako habang hawak ang wallet at plastic bag na may lamang bote ng syrup. Hindi ko alam kung bakit ko pa dinala itong bote ng syrup. Hindi naman puwedeng ito o matamis na bagay ang ibigay ko kay Dane dahil ang gusto niya, maalat. At saka, hindi talaga puwedeng ibigay ko ito dahil nakakahiya, ano. Bawas na kaya itong syrup. At saka, ano iyon? Syrup ang ibibigay ko sa kaniya? Ayoko man bumyahe para mamili, wala akong nagawa dahil kailangan kung gusto ko talagang makapaghanda ng peace offering kay Dane. Kaya heto ako, nasa loob ng 7-Eleven habang naghahanap ng puwedeng ibigay sa kaniya. Wala talaga akong maisip na puwedeng ihanda kung hindi puro junkfoods. Ayoko kasing umuwi pa para magluto. Masyado akong nasasakal kasi nanduon sina Mama. Hindi bale sana kung si Kuya lang. O kaya, si Carla kasi kakayanin ko pa na makasama iyon pero sina Mama? Hindi ko kaya-- more like, hindi ko gusto. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip habang nakaupo sa table sa gilid ng counter nang mahagip ng paningin ko ang napakaraming flower na ball pen na nakapatong sa gilid ng register. Bakit hindi ko kaagad naisip iyon? Tumayo ako't kumuha ng mga junkfood tapos nilapitan ko iyong cashier habang dala ang mga pinamili ko. I asked kung may papel sila, any type of paper and I guess luck was with me kasi mayroon silang colored paper. Iniwan ko iyong mga pinamili ko sa counter tapos lumapit ako sa rack na may school supplies then kumuha ng Elmer's Glue at gunting saka iyon inilapag sa counter. "Iyan na lahat." sinabi ko habang nakangiti ng bahagya. "135 pesos lahat, Miss." Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko't naglabas ng pera duon saka ko siya binayaran. Nang ibinigay niya na iyong sukli at iyong plastic na pinaglagyan ng mga pinamili ko, umupo ulit ako sa harap ng table na pinagpwestuhan ko kanina. Kinuha ko sa plastic iyong glue, gunting, ballpen pati iyong mga colored paper saka ko sinimulang gawin ang nasa isip ko. May mga taong napapatingin dahil mukha akong weirdo pero wala akong pakielam. Wala rin akong pakielam kung sinakop ko na itong pang-apatan na table na pinwestuhan ko. Ang mahalaga kasi, matapos ko ito para makapunta na ako kina Dane. "Siya iyong nasa f*******:, right?" narinig kong tanong ng lalake na nasa katabing table ko sa kasama niya yata. Well, duh. Magsasalita ba siya mag-isa kung wala siyang kasama? Maliban na lang kung baliw siya. "Iyong kumakanta?" "Huwag kang turo nang turo." suway sa kaniya ng kausap, na lalake rin pala. "Hindi ko masyado makita. Natatakpan ng buhok niya iyong mukha niya." "Dito ka, makikita mo." Magpapasalamat na sana ako kay God kasi biglang tumahimik iyong dalawang lalake pero saglitan lang pala. Naman. Ang ingay nila. "See?" "Siya iyong Daniella Clemente, hindi ba?" Pangalan ko? Ako iyong pinag-uusapan? Augh. And they said, video sa f*******:. Siguro iyon iyong kumakalat na video namin ni Dane. Iniangat ko iyong ulo ko at tumingin sa gawi nila, only to find na may dalawang college student mula sa ibang school ang magkatabi, which is iyong dalawang lalake na nag-uusap. Hindi ko alam kung namamalikmata ako dahil the moment na tignan ko sila, may nakita akong pamilyar na mukha sa likuran nila. Nakatayo ito habang nakangisi sa akin. Pero nang nagmulat ulit ako matapos ako pumikit, nawala na ito. That was... creepy. "Wow, she's cute." nasabi nilang dalawa habang nakatingin sa akin. "Wow, shut up." Napailing na lang ako dahil sa itsura nila saka itinuloy ang paggupit sa papel. "Hingiin mo iyong number." "Ikaw na." "Akala ko ba, gusto mo siyang kaibiganin? Ayan na siya, oh?" "Fine." Can't they just shut up? Gusto ba nilang tahiin ko ang bibig nila? And can't they see na busy ako? Nahagip ng peripheral vision ko iyong paglapit ng isa sa kanila kaya iniangat ko na kaagad ang ulo ko at tinignan ito, na siyang nagpatigil rito. Si kuyang nakawax pala. Iyong isa kasi, bagsak iyong buhok. "Sit down." malamig na utos ko. I was really expecting that he would feel scared like what the others would feel kapag pinanlalamigan ko pero hindi dahil ngumiti lang siya. Okay, he has that kind of charm that other girls would fall for pero hindi ako dahil kay Dane lang ako. "Jarred." nakangiting sinabi niya saka inilahad ang kamay niya sa harap ko. "Would you please do me a favor and get out of my sight, Jar head?" "Jar head." matawa-tawang sinabi nuong isa pero itong si Jarred, he was too busy looking at me like some sort of a creep. Ibinaba niya ang kamay niya dahil alam niyang wala akong balak na makipagkamay sa kaniya. Iyong ngiti niya, hindi pa rin nabubura. Weirdo. "Is it okay kung makipagkaibigan ako sa iyo? You see, nang mapanuod ko iyong video mo sa f*******:, humanga na ako sa iyo." "Here's an advice." Pumihit ako paharap sa kaniya habang hawak pa rin ang gunting at colored paper. "Iyang nararamdaman mong crush towards me, itigil mo at magmove on ka na. Kasi kung hindi," Ipinakita ko sa kaniya iyong gunting saka iyon ibinukas sara. But still, hindi pa rin nawawala iyong ngiti niya. "Masasaktan ka lang-- emotionally but more on physically." "Hindi naman kita crush. Talagang gusto lang kitang kaibiganin." "The smell of your weirdness is affecting the air here so scoot." Itinuon ko na lang iyong atensyon ko sa papel dahil malapit na akong matapos. Kaonting gupit na lang okay na since nadrowingan ko naman na. "If ever we see each other again, pipilitin na talaga kita na tanggapin ako bilang kaibigan mo." aniya saka nakipag-usap ulit sa kaibigan niya nang makaalis na sa gilid ko. Well good luck sa kaniya dahil magkita man ulit kami, wala pa rin mangyayari. Napangiti ako nang matapos ko ang ginagawa ko. Itinaas ko ito saka isinuot. I know that I look weird, patunay ang mga nakatingin sa akin ngayon na, but I don't care. Masaya lang ako kasi natapos ko na. I gathered everything bago ako sumakay sa jeep pagkalabas ko dahil pupunta na ako kina Dane. Matapos akong pagbuksan ng maid, pumasok na ako. Ang bumungad sa akin ay ang sobrang higpit na yakap ni Chrissy at Gabriel kaya muntikan na akong matumba. "Ate!" masiglang bati nila habang ibinabaon ni Chrissy ang mukha niya sa dibdib ko. "Bitaw muna, Izzy." Matawa-tawang sinabi ko kaya bumitaw siya. "Nandiyan kuya Dane niyo?" "Grabe ka, Ate." Sinimangutan ako ni Gabriel kaya tinawanan ko ito. "Si Kuya na lang lagi ang hinahanap mo kapag napapadpad ka rito." "He's my best friend, ano ka ba." "We're your friends too!" reklamo nito. "Kayo talaga. I love you guys naman so okay na iyon." Napalitan ng ngiti ang simangot nito kaya alam ko na napacify ko na ito. "Nasaan siya?" "Nasa kwarto niya po." sagot ni Chrissy pagkatigil namin sa salas. "Bakit ang rami mong dalawang junk foods, Ate?" tanong ni Gabriel nang lumapat ang atensyon niya sa mga plastic na bitbit ko. "Magpipicnic kayo? Sama ako!" "Ako rin!" "Hindi kami magpipicnic, ano. At saka, bawal kayo sa junkfoods sabi ni Tita." Tumayo ako saka inilabas iyong ginawa ko kanina sa 7-Eleven. Chrissy laughed as soon as she saw me holding it pero hindi ko na lang pinansin kasi nacucute-an naman ako sa gawa ko. She even asked kung bakit may ganito ako pero hindi ko na lang sinabi. Nagpaalam na ako sa kanila at sinabing pupuntahan ko ang kuya nila. Pagkaakyat ko, huminga ako ng malalim pagkasuot ko ng ginawa ko saka kumatok sa pintuan ng kwarto ng pakay ko. "Hi!" nakangiting bungad ko pero blangkong tingin lang ang ibinigay niya sa akin pagkabukas nito sa pintuan. Baka hindi ako nakilala? "Daney, ako ito." Tinanggal ko iyong salamin saka ko siya nginitian pero ganuon pa rin siya. "Hindi ka ba nacute-an?" tanong ko habang tinitignan ang salamin ko na pinatungan ko ng maskarang smiley, na sakop ang buong mukha ko. "Cute naman, hindi ba--" "Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong niya sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagtataka. Ano bang nangyayari sa kaniya? "Wala lang." Isinuot ko ulit ang salamin saka dinampot iyong mga plastic ng junkfoods sa sahig tapos ipinakita ko ang mga ito sa kaniya. "Look, may mga dala ako. Alam mo, may ikukwento ako sa iyo pero bago iyon, pasok muna tayo sa kwarto mo." Akmang sisiksik ako para makapasok sa pintuan pero hinawakan niya ang balikat ko, na siyang dahilan kung bakit ako napangiti. Kinilig kasi ako, eh. "Daney--" "Daniella, ano ba talagang pakay mo?" Iyong ngiti ko, nabura dahil sa lamig ng tono na ginamit niya tapos tinawag niya pa akong Daniella. What happened to DC? "Wala lang. May ikukwento lang ako kasi tapos bibigyan kita ng peace offering kasi nagawa kitang masama sa panaginip ko. Pero pumasok na muna tayo sa loob para maikwento ko na ng buo iyong panaginip ko." Hindi pa man rin ako nakakahakbang ng isang beses nang natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Magkwento ng panaginip o ako?" Tinignan ko siya sa mata at sinalubong niya iyon. Alam ko iyong fact na hindi niya masyado ako naaaninag kasi wala siyang suot na salamin kaya ang ginawa ko, hinubad ko ang salamin na suot ko. Isusuot ko na sana sa kaniya iyon kahit alam kong faux lang pero nabigla ako kasi tinabig niya iyong kamay ko kaya nalaglag iyon. "Wala ka ba talagang patawad, Daniella? Pati ba ako lalandiin mo rin? Hindi pa ba sapat na iyong kapatid ko, nilandi mo tapos ngayon, pati ako? Sinasabi ko sa iyo, wala kang mapapala sa akin kasi hindi ako iyong tipo ng lalakeng puwedeng ibandera kasi pangit ako. Hindi malaki ang katawan ko. Kaya ngayon pa lang, Daniella, sinasabi ko na sa iyo, tumigil ka na kung balak mo talaga akong landiin." Binitawan ko iyong mga bitbit kong plastic saka siya sinampal. Ang sakit ng mga sinabi niya. Panaginip pa rin ba ito? Kasi kung oo, gusto ko nang gumising. Pero mukhang hindi, eh. Katulad na katulad siya ng Dane na ginawa ng utak ko sa panaginip ko. "I'm sorry." Iyan kaagad ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko kasi siyang saktan dahil sa mga sinabi niya pero hindi ko kaya kaya nga nang sampalin ko siya, nagsorry ako dahil kahit hindi ko iyon ginusto, nagawa ko pa rin. Gamit iyong isa ko pang palad, sinampal ko ulit siya pero sa kabilang pisngi na. "I'm sorry. I'm--" Napatigil ako sa akmang paghingi ng tawad at pagsampal sa kaniya nang masalo niya iyong kamay ko. "Kailangan na talaga kita iligtas." And with that, binitawan niya ako saka pumasok sa loob ng kwarto at pagkalabas niya, nakapang-alis na siya at dala niya na ang cell phone at wallet niya. Nang lumakad pa siya papunta sa hagdan, nakarinig ako ng tunog ng isang bagay na nabasag at halos madurog ako nang makita kong naapakan niya iyong salamin na ibinigay niya sa akin. Ni hindi nga siya nag-abala na lingunin ito. Napaupo na lang ako sa gilid ng pintuan niya habang paulit-ulit na sinasabing hindi si Dane iyon at nananaginip lang ulit ako. Kinurot-kurot ko pa nga ang mga braso at hita ko dahil sa pag-aasam na gumising ako. Alam ko na pinaaasa ko lang ang sarili ko kasi alam ko naman na gising talaga ako. Nasasaktan ako physically and emotionally kasi gising talaga ako. I just can't believe na kay Dane nanggaling ang mga salitang iyon. Ang sakit lang kasi first time niya akong pagsalitaan ng mga ganuon. Does that mean na hindi rin ako nanaginip kanina at nangyari talaga ang pag-uusap namin sa school? Then that means, hindi lang pala ito iyong first time na nasaktan ako dahil sa mga pinagsasasabi niya. This is the second time. Pero ang mas masakit talaga ay ang pinaniwalaan niya iyong mga kumakalat na kung ano-ano, na malandi talaga ako. Tumayo ako't iniwan na lang iyong mga plastic ng junkfoods sa harap ng pintuan niya saka ako bumaba ng hagdan. Sinalubong ako nina Gabriel at Chrissy pero wala ako sa sarili ko kaya minabuti ko na lang na hindi na muna sila pansinin. Alam ko na nag-aalala sila dahil nakita nila akong umiiyak pero hinayaan ko na lang. Hindi ko alam kung paano ako nakabalik ng ligtas sa lugar namin basta ang alam ko lang ngayon, naglalakad na ako papunta sa ilog. Naabutan ko ang magkakabanda ruon pero binalewala ko na lang. Hindi pa rin sila tumutugtog dahil maaga pa. Nakatambay lang talaga sila duon habang naninigarilyo, ignoring the fact na may mga pasahero pa na nag-aabang ng bangka. "Babes!" narinig kong tawag ni AJ pero hindi ko ito pinansin. Nakita ko na naman ang pamilyar na lalake nang makaapak ako ng handan. Naghahantay siguro ito pero ang ipinagtataka ko, nakangising nakatingin ito sa akin habang nakalahad ang kamay, probably offering his hand para alalayan ako. Nilagpasan ko na lang ito at sumakay na sa bangka. Nanatili lang akong nakatayo duon hanggang sa umandar na ito dahil pabalik na iyong isang bangka mula sa kabilang ibayo para magpalit na ang mga ito ng puwesto. Nang nasa bandang gitna na kami, wala sa sarili akong nagpakalaglag sa ilog. Basta ang huli ko na lang narinig ay ang sabay-sabay na pagtawag sa akin ng mga pasahero at ang motor ng bangka. Unti-unti akong lumubog pero hinayaan ko na lang dahil una, hindi ako marunong lumangoy at pangalawa, galit sa akin si Dane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD