7

4838 Words
-Daniella "Daniella!" Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin dahil boses pa lang nito, kilala ko na. Wala akong ginawa dahil alam ko namang lalapit ito sa akin. Hindi ko kasi maialis ang tingin ko sa gate dahil hinihintay kong dumating si Dane. Sobrang naging emosyonal ako kagabi, siguro dala ng pagppms ko. At saka kasi, paanong hindi ako magiging emosyonal, pakiramdam ko, galit sa akin si Dane. Ilang beses ko siyang itinext tapos ang replies niya, puro blank messages. Tinawagan ko siya ng isang beses. Oo, sinagot niya pero hindi naman siya nagsalita. Muntikan pa nga akong ngumawa kagabi kasi ayaw niyang magsalita, eh. Buong gabi ko hawak iyong cell phone ni Kuya dahil nakiopen ako ng f*******: tapos iyong panghihiram ko na iyon, walang napala dahil iyong ipinipiem ko, siniseen ako. Magkano ginastos ko kagabi para lang macontact siya tapos ganuon lang? As in, para siyang kaluluwa nang tawagan ko, na kahit anong gawin niyang salita, hindi ko maririnig kasi kaluluwa na siya. Nakakainis na nakakaiyak. May mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin, tulad ng mga kumakalat na tsismis tungkol sa akin pero hindi ako kumikilos para malinis ang pangalan ko. Like what I've said, wala akong pakielam sa iisipin ng iba sa akin. Other's doesn't matter and whatever ang dalawa sa tatlong motto at mantra ko. Nabuhay akong walang pakielam sa nangyayari sa paligid ko, sa nangyayari sa mundo kaya bakit ko pag-aaksayahan ang napakaliit na bagay na iyon? Ano naman kung iniisip nila na malandi ako dahil nagpapagamit – raw – ako nang nagpapagamit kay Gian? Ano naman kung iniisip nilang itinaob ni Gian si Daniella? Ano naman kung inaakit ko – raw – ang mga lalake sa buong campus? Hindi naman ako nasasaktan, eh. Kung normal na tao siguro ako, baka hindi na ako nag-aral para makaiwas sa mga tsismis pero hindi. I consider myself weird – in a good way – kaya hindi ako naaapektuhan ng mga tsismis, kaya hindi ako nagpapaapekto sa mga tsismis na iyan. Tsimis nga, hindi ba? Puwedeng walang katotohanan. Alam ko na ang dapat ko lang naman gawin ay ang magpaliwanag kay Dane para maging maayos na ulit ang lahat; para maging maayos na ako, kaya nga heto ako, naghihintay sa kaniya nang magkaliwanagan na kami. Alam ko rin na hindi naman siya maniniwala sa iba unless ako ang nagsabi kaya mas safe pa ako sa safe sa mga rumors. Nangangati na rin akong umamin. Kating-kati na ako umamin simula nang makita niya iyong eksena sa bahay nina Travis pero natatakot ako, eh. Ang daming what ifs na umiikot sa isip ko. Ang dami ng possibilities na pinuputakte ang isip ko kapag umamin na ako. Fifty-fifty iyan; it's either maging kami o hindi. Plus, baka mailang siya dahil nga may gusto ako sa kaniya. I can't risk our friendship for that. Kaya bahala na, ako na lang ang maghihintay. Alam kong kaduwagan itong ginagawa ko, na playing safe masyado ako pero masisisi niyo ba ako? Si Dane iyon, eh. He's not just any guy. Si Ian Dane Eru iyon. Mahal ko iyon. I don't want to lose him. "Tumabi ka riyan." Marahan kong itinulak si Roxanne, ang babae sa rooftop, pagkahawak ko sa bewang niya para makita ko iyong mga estudyanteng pumapasok sa gate. "Ano ba iyan." Umupo siya sa tabi ko at napansin ko na ipinatong niya iyong bag sa hita niya. "Akala ko pa naman, ako na iyong hinihintay mo kasi pumayag ka na kahapon na magkaibigan na tayo. Sino ba kasi hinahanap mo? Iyong sinabi mo ba kahapon? Nakalimutan ko pangalan, eh. Basta may Ian iyon. Siya ba iyong lagi mong kasama? Iyong kasama mong kumanta noon sa music room? Alam mo, ang galing niyo kumanta nuon. Kaya nga mas naging idol kita, eh." Tinignan ko siya with a blank expression kaya itinikom niya iyong bibig niya. "Ganiyan ka ba talaga kadaldal?" "Sabi nila, sobrang daldal ko raw pero sa tingin ko, hindi naman--" "Ashh shh shh." pagpuputol ko sa kaniya pagkataas ko ng kanang kamay ko, na parang may sock puppet, indicating her to shut up. Ibinaba ko rin iyon saka ibinaling ulit iyong atensyon ko sa gate. "Yeah, siya nga. Siya iyong taong gusto kong kuhanin kaya tutulungan mo ako kung gusto mo makalapit sa akin." "Grabe, love is blind nga naman, ano? Hindi siya ganuon kamacho, pero mukhang gustong gusto mo siya. Ang laki ng ipinagkaiba niyo. Siya, hindi ganuon kaguwapo. Ikaw, maganda. Siya, ang baduy. Ikaw, ang cool. Siya, ang payat. Ikaw, ang ganda ng katawan mo. Alam mo ba, noong stalking days ko pa sa iyo, laging pumapasok sa isip ko na gusto niyo iyong isa't isa dahil sa mga ngitian niyo tapos lagi pa kayong magkasama. Pero dahil sa dami ng naging boyfriend mo, nasabi ko, baka mali lang ako pero look, tama pala ako kasi gusto mo siya. Iyon lang, hindi ko alam kung gusto ka niya. At saka, napansin ko lang rin noon since stalker mo nga ako, na puro may Ian – o katunog nuon – sa pangalan iyong mga naging boyfriend mo. Ian, Gian, Kian, Weian – puro may Ian. Mahilig ka ba sa mga lalakeng may Ian sa pangalan? Siguro--" Hindi niya natapos iyong sinasabi ko nang hawakan ko iyong nguso niya. Ang daldal niya at para pa siyang machine gun dahil ang bilis-bilis niya magsalita. God, bakit ko ba tinanggap itong babaeng ito bilang companion? Apprentice? Or kaibigan? Whatever. Pero mukhang kaibigan ko na nga siya kasi sinabi ko na tatanggapin ko siya pero tutulungan niya akong makuha si Dane. Pero hindi. Hindi ko siya kaibigan. Alam ko na na kapag kasama ko itong babaeng ito, kawawa ang tenga ko kasi sobrang daldal niya. "See how nice it is kapag tahimik ka?" Binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa nguso niya saka ibinalik ulit iyong tingin ko sa gate. Sakto naman na pagkatingin ko, napangiti ako kasi nakita ko si Dane. "Daney!" Tinignan niya lang ako habang nakangiti ng bahagya kaya halos magwala na naman iyong puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang saya. Kinikilig talaga ako kapag nginingitian niya ako. Saktong pagkatayo ko, biglang sumulpot si Charlene and friends sa harap ko saka ako itinulak paupo. Pero may bago kasi may dalawang lalake na nasa likuran nila. Are they gay? Mukhang hindi naman. "Puwede ka nang magpaalam sa kaibigan mo dahil after this day, wala ka na sa campus na ito." nakangising sinabi nito saka tinignan iyong dalawang lalake sa likuran niya. "Roger, Garry, pakidala itong babaeng ito sa office ni Daddy dahil gusto niya siyang makausap." Linapitan ako ng dalawa saka hinawakan sa magkabilang braso pero hindi pa rin ako tumayo. "Tara na." utos nuong lalake sa kaliwa ko, na may kulay brown na buhok. "Are you scared, Daniella?" tanong ni Charlene saka nagtawanan ang mga kasama niya, bukod sa dalawang lalake na para na akong ina-eye r**e. Hindi ako natatakot, at hindi ako matatakot. Bakit? Sino ba siya? Kayang-kaya ko siyang itumba, ano. Ang iniisip ko lang, si Dane kasi alam ko na nasa nakatayo pa rin ito malapit sa gate habang nanunuod sa amin. Pero bakit hindi niya ako nilalapitan tulad ng ginagawa niya dati kapag pinagkukumpulan na ako? I'm hurting right now dahil hindi man lang niya ako nilapitan. Kung natatakot siya sa mga nakapalibot sa akin, gusto kong sabihin na wala siyang dapat ikatakot dahil ipagtatanggol ko naman siya. Siguro, maganda nang tapusin ko na muna itong kay Charlene para magkalinawan na kaagad kami. Tumayo ako saka ikinalas ang pagkakahawak sa akin ng dalawa. Mabuti naman at hindi mahigpit kaya nakawala kaagad ako. Ibinigay ko iyong bag ko kay Roxanne saka pinigilan iyong dalawang lalake nang akmang hahawakan na naman nila ako. "D-Daniella," mahinang pagtawag sa akin ni Roxanne, na bigla na lang natahimik. Don't tell me, natatakot siya? "Sumama ka." malamig na sinabi ko sa kaniya saka ko nilagpasan ang mga pumalibot sa akin. "Hoy, saan ka pupunta?!" pasigaw na tanong ni Charlene, kahit pa ang lapit-lapit ko sa kanila, kaya mas nadagdagan iyong mga estudyanteng nahuli ko na nanunuod sa amin. Hindi ko na lang sila pinansin saka nilapitan si Dane. "Usap tayo after ng gagawin ko, ha?" nakangiting pakiusap ko sa kaniya. Hinintay ko siyang sumagot pero tinignan niya lang ako na may blangkong ekspresyon kaya may gumuhit na sakit sa dibdib ko. But still, kahit nasaktan ako, nakangiti pa rin ako nang tinalikuran ko siya matapos kong guluhin ang buhok niya. "DC," mahinang pagtawag niya sa akin kaya napatigil ako sa paghakbang. Nilingon ko siya't inignora ang nakita kong paglapit nina Charlene kung nasaan kami. "Mauna na ako sa room, ha?" Nginitian niya ako ng bahagya saka kinuha iyong salamin na nakasabit sa necktie ko bago niya isinuot sa akin iyon. "Good morning pala." Tumango ako habang nakangiti ng mas malaki tapos tinalikuran niya na ako saka naglakad palapit sa hagdan. Bumuntong hininga ako saka ko kinagat iyong ibabang labi ko tapos naglakad na ako papunta sa office ng head at alam ko naman na nakasunod sa akin iyong walo kaya inignora ko na lang ang mga ito. Gustong kong magtatalon sa kilig dahil sa pagngiti at pagsuot niya ng salamin sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong magmukhang tanga kaya sa kwarto ko na lang ulit ako magtatatalon at magtititili. Nang makapasok ako sa office matapos sabihin ng boses ng lalake mula sa loob na pumasok na ako, bumungad sa akin ang lalakeng nakasuit and tie na nakaupo sa swivel chair at sa likod niya naman, nakatayo ang babaeng napakasopistikadang tignan dahil sa damit at makeup. Nasa around forty na siguro sila pero mukha pa rin silang thirty something. Nagagawa nga naman ng pera. "Are you Daniella Clemente?" tanong ng lalake pagkapasok ng kung sino sa loob. Nang umupo sa sofa sa gilid iyong pumasok, nakilala ko kung sino ito-- si Charlene. Gusto ko siyang pagtaasan ng kilay dahil hindi man lang siya bumati pero dahil estudyante lang ako at siya ang may-ari nitong campus, hindi ko ginawa. Hindi pa naman sobrang kabastusan iyong ginawa niya kaya hahayaan ko na muna. "Yes, Sir." balewalang sagot ko. Hindi niya ba ako pauupuin? Nangangalay na ako. Galing ako sa first floor ng kabilang building tapos anong floor ito ng Annex? Fourth. God. "Are you aware why I summoned you here?" Napatingin ako sa babae sa likod niya, sa asawa niya, and based on her reaction, gusto ako nitong sugurin. Ang sama-sama ng tingin nito sa akin at iyong mga kuko nitong bagong manicure yata, bumabaon dahil sa higpit ng hawak nito sa sandalan ng swivel chair ng asawa niya. "Yes." sagot ko pagkabalik ko ng tingin sa kaniya. Wala akong mapapala kung makikipagtitigan ako sa asawa niya. I'm here to talk to him, not her. "Alam mo ba na sa ginawa mo, puwede kitang patalsikin sa eskwelahang ito sa isang kurap lang?" "Yes." "Do you want to stay here?" "Yes." Of course. Nandito si Dane, eh. Alangan naman na sabihin kong no, edi nagkalayo kami ng future husband ko. "Then how would you make it up to my daughter?" "Nope. Not gonna happen." malamig na sagot ko saka nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Napansin ko na medyo nainis siya dahil sa isinagot ko pero wala akong pakielam. "See how bad that girl is, Dad?" narinig kong tanong ni Charlene sa tatay niya pero walang nagpatinag sa amin dahil nanatili kaming nagtititigan. "What do you--" Alam ko na iyong kasunod ng sasabihin niya kaya inunahan ko na siya. "Hindi po ako babawi sa anak niyo dahil una sa lahat, wala ako rito kung hindi dahil sa kaniya." "Anton, patalsikin mo iyang babaeng iyan." gigil na sinabi ng babae sa likod. "Sinaktan niya ang anak mo, ang anak natin." "Look." Bumuntong-hininga ako saka hinawi iyong buhok ko na tumatakip sa mukha ko dahil sa electric fan sa sulok, sa gilid ng head tapos iniayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko. "Alam ko po na alam niyo iyong mga kumakalat na sabi-sabi tungkol sa akin-- kung gaano ako kasama, bully etsetera etsetera. Aaminin ko po, totoo na masama ako pero hindi ko inilalabas ang kasamaan ko kapag hindi dapat. I don't go around hurting or discriminating people-- like what your daughter always do to the other students." Lumipad ang tingin nito sa anak niya kaya napagpasyahan kong tignan rin si Charlene, only to see na ang sama ng tingin nito sa akin. Don't tell me, hindi niya alam na masama ugali ng anak niya? Oh, c'mon. They're her parents kaya dapat alam nila iyon. Or maybe, itinatago ng babaeng ito ang ugali niya kapag kaharap na ang mga magulang niya? "Natanong niyo na po ba siya kung bakit ko siya sinipa sa hagdan?" tanong ko pagkabalik ko ng atensyon ko sa kaniya kaya napatingin ulit siya sa akin. "Kasi kung hindi pa po, bakit hindi niyo po siya taungin ngayon? First of all, hindi mangyayari ang mga nangyari kung hindi niya ako prinovoke." "Pero kahit na pinrovoke ka niya, hindi mo pa rin siya dapat sinaktan!" apela ng babae sa likod pero hindi ko pinansin. I'm getting tired of this. Seriously, gusto ko nang lumabas para makasama ko na ulit si Dane at nang magkausap na kami kaya I might as well finish this conversation-- and Charlene nang matahimik na ito at nang hindi na rin makapangbully. "Alam ko po na wala ako sa posisyon para sa akin manggaling ito pero kasi, gusto ko na pong umalis dahil may mga bagay pa po akong gustong ayusin." "Bakit hindi mo muna ayusin ang problema mo rito?" inis na tanong ng head. I think naiinis na talaga siya dahil akala niya siguro, binabastos ko siya dahil hindi ko siya masyadong iginagalang. Ano pa bang gusto niyang paggalang na gawin ko, eh, gumagamit na nga ako po? What? Gusto niya ba na lumuhod pa ako sa harap niya? God. "Because this whole thing is nonsensical." Hinablot nito ang ball pen sa gilid saka iyon hinawakan. Ilang segundo kaming nagtitigan pero naputol iyon nang mabali nito ang hawak na ball pen. Dapat niya talagang ibunton ang galit niya sa ibang bagay, sa bagay na hindi humihinga dahil kapag sinaktan niya ako, issue iyon-- at puwede pa siyang masira. "Sa tingin ko po kasi, hindi lang iyong pagkahulog sa hagdan iyong ikinagagalit ng anak niyo sa akin." "What do you mean? May malalim na rason pa kung bakit ka niya isinumbong sa amin?" Bahagyang nabawasan iyong inis na nakikita kong napaskil sa mukha niya at nahaluan iyon ng pagtataka. "May nalaman po kasi akong isang bagay, isang bagay na isinisikreto ng anak niyo hindi lang sa ibang tao, pati na rin sa iniyo, na mukhang hindi niyo pa po alam." Tinignan ko si Charlene at nakita kong namumula na siya sa inis habang nakatingin ng masama sa akin. "Bakit po hindi niyo tanungin iyong anak niyo kung ano iyon?" "Charlene," narinig kong pagkuha ng tatay niya sa atensyon niya kaya tinignan niya ito. "Ano iyon?" "P-Pero, Dad..." C'mon. Ayoko ng drama. Gusto ko nang umalis rito. This is their family's problem, not mine. Bakit ba ako nasali rito? Oh, right. Kasi ginawa ko siyang barrel at pinagulong sa hagdan. "Sir," Napatingin ito sa akin. "If you want, magcocommunity service na lang po ako para makapag-usap-usap kayo." Bumuntong hininga ito saka nagsulat sa isang papel. Nang matapos niya pirmahan iyong papel, ibinigay niya ito sa akin. "Can I go now?" "You may." Tinalikuran ko na sila saka naglakad palapit sa pintuan. Nang mahawakan ko na iyong doorknob, pumihit ako't tinignan si Charlene, na namumulta naman ngayon habang nakatingin sa akin dahil sa takot. I'm gonna finish her like a pancake. Tinignan ko iyong head, na saktong nakatingin sa akin. "Pakitanong na rin po siya kung sino ang ama ng dinadala niya dahil ang alam ko, hindi lang po iyong fiancé niya ang gumagamit sa katawan niya-- marami pa." Pumihit ako paharap kay Charlene saka ko siya nginitian ng bahagya. "Bye." And with that, I stepped outside and closed the door. I win. "Daniella," bungad sa akin ni Roxanne pagkalapit nito sa akin. Hindi lang pala siya ang naghahantay sa labas ng office dahil nanduon rin sa kabilang banda ang apat na kaibigan ni Charlene pati na iyong dalawang lalake. Kinuha ko sa kaniya ang bag ko saka iyon isinabit sa balikat ko tapos iyong papel na ibinigay sa akin ng head, inilagay ko sa bulsa ng palda ko. "Okay ka lang?" "Why wouldn't I be?" Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya. Nilagpasan namin iyong mga alipunga saka kami bumaba sa hagdan para mabalik sa kabilang building. "Binubully ka ba nuon ni Charlene?" "Lahat naman yata ng estudyante rito, nabully niya na." mahinang sagot niya. Wow, nawala iyong pagkamadaldal niya. Pero okay na rin iyan. At least I wouldn't have to hear her talking so fast. "Magdiwang ka dahil hindi ka na pepestehin nuon." Napansin ko na napatingin siya sa akin habang bumababa kami at saktong pagkasabit niya ng bag sa balikat niya, dahil mahaba iyon, tumama iyon sa dibdib ko. At shet lang kasi ang sakit-sakit! "Aw!" naisigaw ko pagkatigil ko saka ko hinawakan iyong kanang dibdib ko na tinamaan ng bag. "Sorry!" Akmang lalapitan niya ako pero napatigil siya nang itinaas ko ang kamay ko, telling her to stop. "Is that how you thank someone?! God!" Hindi bale sana kung wala akong The Falls ngayon. Ang kaso, mayroon. Ang sakit ng dibdib ko! Sa sobrang sakit, pakiramdam ko, nasira iyon tapos malaglag. Hindi magiging ganito kasakit ang dibdib ko kung wala ako ngayon! God, umagos pa yata iyong mens ko. Shet lang! "Bumawi ka sa akin, gaga ka!" "S-Sige. Oh, sige. Magdate tayo." Ipinagdaop niya ang mga palad niya saka pumikit. "Sorry na. Please, patawarin mo na ako. Hindi ko talaga sinasadya, Daniella. Promise, babawi ako. Pasasayahin kita sa date natin--" "Gaga, anong date?!" Umiling ako saka nagsimulang bumaba sa hagdan habang hawak pa rin iyong dibdib ko kasi masakit pa rin. Alam ko naman na susunod siya kapag napansin niya na bumaba na ako kaya hindi ko na sinabing bababa na ako. "Friendly date!" sagot niya pagkasunod sa akin. "Babawi ako. Ililibre kita ng kahit anong gusto mo. Kahit mahal na pagkain, ililibre kita. Please, patawarin mo na ako. Gusto ko pa matuto kung paano maging ikaw. Gusto pa kita maging kaibigan--" "Oo na. Ang daldal mo." singhal ko kaya napatigil siya. Pagkabalik sa building namin, naghiwalay na kami dahil hindi naman kami magkaklase. She's already third year pero akala mo, bata dahil sobrang daldal at kulit niya. Mas matanda siya sa akin pero bakit parang ako pa iyong mas mature Pero I can't deny the fact na napapangiti niya ako kasi nakakatuwa siya. But still, it's not like I trust her or anything. Naggagamitan lang naman kami, eh. Gagamitin niya ako para magkandarapa sa kaniya si Gian at ako naman, gagamitin ko siya para makuha si Dane. I don't even consider her as a friend to begin with dahil sina Dane, Gabriel at Chrissy lang talaga ang mga kaibigan ko. I don't really trust her. Sure, she has a very bubbly attitude pero hindi ko pa rin alam kung ano iyong mga agenda niya, o iyong mga iniisip niya kaya for me, she's just someone I know. But that doesn't mean na kapag nalaman ko na iyong agenda niya pati na iyong mga iniisip niya, kakaibiganin o pagkakatiwalaan ko na siya. No. Kung ganuon lang ako mag-isip, marami na sana akong kaibigan ngayon. Iniayos ko ang pagkakasuot ko sa salamin saka ako pumasok sa room namin. Napatigil sa pag-iingay ang mga kaklase ko nang nilingon ko sila. Hinahanap ko kasi si Dane pero hindi ko siya makita. Now where did that guy go? "Feeling nerd. May pasala-salamin pa." narinig kong sinabi ni Shaina, na nakaupo sa gilid ko. Hindi pa ba ito nadadala sa akin? Tinignan ko siya kaya bahaya siyang napaatras. I guess may takot na siya sa akin, and also, hindi niya siguro sinadyang iparinig sa akin iyong sinabi niya dahil ang hina ng pagkakasabi niya. Too bad, narinig ko dahil biglang tumahimik iyong room nang pumasok ako. "You know, Shaina, hindi porque nakaglasses ay nerd kaagad. Minsan, gamitin mo iyang utak mo, huwag puro kalandian." Umiling ako dahil natatangahan ako sa kaniya saka ako pumunta sa bakanteng upuan sa likod. Malas lang kasi may nakaupo na sa favorite spot ko. "Hey," sinabi ko matapos kong kalabitin iyong nasa unahan ko, si Greg. "Nasaan si Dane?" "Hindi ko lang alam. Bigla na lang siyang lumabas kasi inasar nina Kathleen." sagot niya saka pumihit sa harapan niya dahil may kausap siya kanina nang kalabitin ko. Uminit bigla iyong ulo ko dahil sa narinig ko, plus, umingay ulit. Alam ko na walang kasalanan sina Greg dahil hindi naman sila iyong nang-asar kay Dane pero they could've at least stop those bitches from teasing him. Tumayo ako kaya nawala iyong ingay saka ko nilapitan iyong grupo ni Shaina dahil alam ko na sila iyong nang-asar kay Dane. Nina ang sinabi ni Greg kaya hindi lang si Kathleen iyong nang-asar. Napatingin silang apat sa akin pero iyong atensyon ko, nakay Kathleen. "Wala ba talaga kayong dala?" "Ano na naman iyon?" mataray na tanong nito sa akin. "Dane." Pangalan lang ni Dane ang sinabi ko dahil alam ko na alam na nila iyong ibig kong sabihin. "Wala naman kaming ginawa, ha?" entrada naman ni Dana kaya napatingin ako sa rito. Tinignan ko si Shaina, na nakatingin sa labas, sa pintuan. "Shaina." Nagdalawang isip pa yata siya kung lilingunin niya ba ako o ano pero nilingon niya pa rin ako. She's acting tough pero base expression niya, alam ko at nararamdaman ko na natatakot siya. "Kailangan ko pa ba kayong itali sa leeg at ikulong sa kulungan para tumino kayo?" "Don't act all high and mighty nga, Clemente." maarteng sinabi ni Kayla pero bakas pa rin ang inis sa boses niya. "Hindi porque sikat ka, you have to act like a diva." "You bitches tease too hard." Itinaas ko iyong kaliwang kamao ko saka ako ngumiti ng bahagya. "See this fist? I hit too hard." Ibinaba ko ulit iyon saka tinignan si Shaina. "Ano bang sinabi ko noon? Hindi ba't, sinabi ko na huwag niyo siyang isasama sa mga kagagahan niyo? Pero anong ginawa niyo? You still disobeyed me." Nilingon ko iyong nakaupo sa tabi ng lagayan ng walis, at thank God kasi nakatingin ito sa akin. "Walis." utos ko pagkalahad ko ng kamay ko. Tumayo naman ito saka kinuha iyong walis tapos ibinigay ito sa akin. Tinignan ko ulit sina Shaina at napansin ko na medyo umurong sila. "Sinong pasimuno?" Pinasadahan ko sila isa-isa ng tingin. Nang walang sumagot, inihampas ko iyong handle ng walis sa armchair ng upuan sa likod ni Kathleen kaya napapikit sila dahil sa takot, gulat at sa lakas ng tunog na nilikha ng ginawa ko. "Wala namang ginagawa sa iniyo iyong tao, hindi ba? Kaya bakit pati siya, idinadamay niyo na? Again. Sinong pasimuno sa pang-aasar kay Dane?" Wala pa rin sumagot kaya nainis lalo ako. Itinaas ko iyong walis, ready para ipanghampas saka ako bumuntong hininga. I was about to hit Dana pero napatigil ako nang may nagsalita mula sa pintuan. "DC." mahinang pagtawag sa akin ng lalakeng kanina ko pa hinahanap. "Daney." Nginitian ko siya saka ko binitawan iyong walis bago ko siya nilapitan. "Saan ka nagpunta?" "DC, puwede ba tayong mag-usap?" Tumango ako saka siya hinawakan sa pulso. Hihilain ko sana siya papasok pero hindi siya nagpatangay at nanatiling nakatayo lang. "In private sana." Then again, tumango ako saka ko kinuha iyong bag ko tapos nilapitan ko na siya. Nagsimula na siyang maglakad, habang ako, nakasunod lang. I asked a lot of questions pero ni isa wala siyang isinagot. Okay, mayroon. Isa lang. Tinanong ko kasi siya kung magkacut kami at ang sagot niya, kibit-balikat lang. Iniisip ko nga rin, baka magcoconfess na siya, eh. Kaya ayun, habang naglalakad, nakangiti ako pero pumwesto ako sa likod niya para hindi niya makita iyong ngiti ko. Napadpad kami sa quad, at dahil mainit kasi tanghaling tapat, walang estudyante. Pumwesto kami sa gitna, sa nag-iisang bench na natatakpan ng puno. Naupo ako pero siya, nakatayo pa rin habang nakatungo kaya nagtaka ako. Ano bang problema niya? Bakit parang ang seryoso niya masyado? "Anong pag-uusapan natin?" pagbasag ko sa katahimikan bago ko ikinandong iyong bag ko. Bumuntong hininga siya saka tumingala habang nakapikit. Buti naman hindi siya masisilaw kasi may puno. "DC, ang rami kong narinig. Ang rami kong... ang rami kong nalaman, na hindi ko ikinatuwa." "Ano bang pinagsasasabi mo? Daney, wala akong maintidihan." "Ano bang nangyayari sa iyo?" tanong niya nang ibaba niya ang tingin sa akin. "Ang rami kong nalaman, DC. Sa totoo lang, normal lang na makarinig ako ng mga balita tungkol sa iyo pero iyong mga recent na issue patungkol sa iyo? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong gawin." "Daney, ano bang--" "Ayokong paniwalaan iyong mga iyon pero kasi may mga ebidensiya akong nakita, eh." Itatanong ko sana kung ano iyong pinagsasasabi niya dahil wala akong maintindihan pero hindi ko nagawa dahil iyong atensyon ko, napunta sa kamay niya na bigla niyang ipinasok sa pantalon niya. Nang ilabas niya iyon, may hawak na siyang picture pati iyong cell phone niya. Ibinigay niya sa akin iyon at halos maubusan ako ng dugo sa mukha dahil sa nakita ko, lalo pa iyong bumungad sa akin sa cell phone. Iyong picture, kung saan hinalikan ako nuong varsity player, na boyfriend ni Shaina. Tapos iyong sa cell phone, ang bumungad sa akin, iyong video sa f*******:. Video ng eksena sa rooftop ng school, iyong halikan namin ni Gian. May tao noon sa rooftop bukod sa aming tatlo nina Roxanne at Gian? "Daney, saan mo nakuha itong picture?" Nilukot ko iyong picture saka ko ibinulsa. "Kalat na kalat iyan noong absent ka, matapos iyong araw na nakita ko kayo ni Travis sa bahay na inuupahan niya." "Ano--" "Tapos nang mapadaan ako sa Anex para puntahan ka dahil alam ko na duon ang punta mo kasi kasama mo iyong anak ng head, nalaman ko pa na sinira mo iyong buhay nuong tao." I was about to protest dahil hindi ko naman sinira iyong buhay nuong babaeng iyon pero inunahan niya ako. "DC, you've gone too far." Kinuha niya sa akin iyong cell phone saka iyon ibinulsa. "Alam mo ba na kaya ang tingin sa iyo ng mga estudyante, malandi kasi ipinakikita mo na ganuon ka? Kaya ang tingin nila sa iyo, masama kasi ipinakikita mo na ganuon ka. Hindi ikaw iyan, eh. Tapos ilan iyong lalake mo? Si Gian, iyong lalake sa picture-- tapos iyong kapatid ko. Tatlo, DC. Tatlong lalake, pinagsabay-sabay mo? Hindi ka naman mauubusan ng lalake. Alam mo, habang tumatagal, nagbabago ka na. Mas nagiging bayolente ka. Mas rumarami ang nagiging lalake mo. DC, ayokong pag-isipan ka ng masama dahil best friend kita pero sa ginagawa mo, hindi ko mapigilan, eh." "Hindi naman ako ganuon." nakatungong sinabi ko. Kagat-kagat ko na rin iyong ibabang labi ko dahil pinipigilan ko na tumulo iyong luha ko pero kahit na anong gawin ko, wala pa rin dahil tumulo pa rin nang tumulo ang mga ito. Napupunta tuloy lahat ng luha ko sa salamin dahil nasasalo nito ang mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko. Napahigpit iyong hawak ko sa bag na nakakandong sa akin dahil sa matinding pagguhit ng sakit sa dibdib ko. Hindi ko naman kasi lubos akalain na sa kaniya pa manggagaling ang mga salitang narinig ko. "You even lied to your parents. Sinabi mo na buntis ka pero hindi naman pala. Alam ko na galit ka sa kanila, na hindi maganda ang samahan niyo pero, DC, ibang usapan na iyong ginawa mo. Magulang mo pa rin sila. Telling them you're pregnant when you're really not? Ano bang gusto mong mangyari?" Si Kuya talaga. Bakit kailangan niya pang sabihin kay Dane ang bagay na iyon? Siya lang naman ang madalas makausap ni Dane so malamang siya ang nagsabi nuon. Hindi naman puwedeng si Carla kasi hindi naman sila masyadong close nito. At saka, alam ko naman na sumosobra na ako. Ginagawa ko lang naman iyong mga iyon – except the being pregnant part – para sa kaniya, para mapansin niya ako sa paraang gusto ko pansinin niya ako, sa paraang gusto ko makita niya ako. Alam ko na hindi nga naman maganda iyong mga kagagahang pinaggagawa ko pero ano bang magagawa ko? Gusto ko lang naman talaga na makita niya ako bilang babae, hindi bilang best friend niya. "Let me explain." pabulong na pakiusap ko. Hindi ko na alam kung saan napunta ang lakas ng loob ko kanina pati na iyong saya ko. Kanina lang, sobrang saya ko kasi nalapitan, kinausap, nginitian at binati niya pa ako tapos isinuot niya pa sa akin iyong glasses. Kanina lang, kinikilig ako. Kanina lang, ang lakas ng loob ko pero ano nangyari ngayon? Pagdating talaga kay Dane, ang bilis ko tumiklop. "DC, hindi ko na kilala iyong babaeng tinitignan ko ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD