-Daniella
"Who's that?" narinig kong tanong ni Dane habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa leeg ni Travis. "Bago mo?"
I swear, papatayin ko talaga itong lalakeng ito kapag maling bagay ang pumasok sa isip ng kapatid niya. Hindi ko tuloy alam kung hahayaan ko na lang na nakabaon ang mukha ko sa leeg niya o haharapin ko si Dane. Pero hindi naman puwede iyon kasi magtataka ito kung bakit ayaw ipakita ng bago ni Travis – which is wrong dahil hindi ako babae nitong batang ito – ang mukha nito.
And the worst part is, ang ganda ng puwesto namin. Para kaming may ginagawang kung ano, pero wala naman talaga. Plus the fact na nakahubad siya at ang suot ko namang mga gamit ay sa kaniya tapos wala pa akong underwear. My god. Ano pang ihaharap kong mukha kay Dane?
Kill me now!
Pero wait. Tama. Pasensiya ka, Travis, pero dahil sa kapraningan mo, magtiis ka sa gagawin ko.
Bago ko pa man maibaon ng husto ang mukha ko sa leeg niya, pinisil niya ang bewang ko gamit ang dalawang kamay niya kaya automatic na napaangat ang ulo ko habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa kaniya. And when I realized what I did, nanlaki ang mga mata ko.
My god, umangat ang ulo ko! Alam na ni Dane!
"You can say that." nakangising sagot niya sa kapatid.
"DC?" gulat na sinabi ni Dane kaya lumipad ang atensyon ko sa kaniya.
My god! Hangin, tangayin mo na ako!
Okay. Daniella, dear, alam kong life threatening situation na ito kaya kung gusto mo mabuhay, be cool – act cool! Don't let him see na kinakabahan ka dahil baka kung anong isipin niya. Baka isipin niya na kaya ka kinabahan ay dahil nahuli niya kayo ng kapatid niya na may ginagawang kung ano kaya act cool, Daniella! Diyos ko, kakayanin mo iyan!
Huminga ako ng malalim at bago pa man ako makapagsalita, nasamid ako kaya tinakpan ko iyong mukha ko gamit ang dalawang kamay ko. Habang umuubo, naramdaman ko iyong paghagod ng kamay ni Travis sa likod ko habang paulit-ulit na tinatanong kung okay lang ako-- when I'm obviously not. Tanga ba siya?! Kasabay ng paghakbang palapit ni Dane ay ang pagkalaglag ng tuwalya na bumabalot sa katawan namin kaya napatigil siya. His mouth hang open at para siyang naputulan ng dila dahil hindi man lang siya nagsalita.
Great timing, throat. Great timing.
"D-Daney," nakangiting bati ko sa kaniya nang mahimasmasan na ako. I was really expecting na ngitian niya rin ako pero hindi niya ginawa.
Tumikhim siya saka itinuon ang atensyon kay Travis, na parang walang nangyayari ngayon, na parang hindi niya ako ikinakandong, na parang hindi nakahawak ang mga kamay niya sa likod at bewang ko. God, I'm really sorry but I'm going to kill this kid! "M-Mukhang okay naman siya." mahinang pagkakasabi niya bago itinuon ang atensyon pabalik sa akin. "Hinahanap ka ni Kuya Carlo simula pa kagabi. You better go home once you finish... whatever it is you guys are doing." Humakbang siya paatras saka ngumiti ng bahagya. "S-Sorry to interrupt. Tu-Tuloy niyo lang. Don't worry, wala akong nakita." Pumihit siya patalikod saka hinawakan iyong doorknob. At bago ko pa man siya matawag, lumabas na siya.
I was... left sitting on Travis' lap... speechless.
He did. He did get the wrong idea.
Wala sa sarili akong tumayo, ignoring the kid who's currently laughing his head off, saka ako dumiretso sa kwarto. Pagkapasok ko, sumampa ako sa lower deck saka ko itinalukbong ang kumot na nahablot ko sa gilid.
Tuloy-tuloy ang paghinga ko ng malalim dahil sa pagpipigil ko sa pag-iyak pero pumalpak ako dahil hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako. Malamang kasi, sobrang occupied iyong isip ko ng maraming bagay – mga bagay na konektado kay Dane.
"Sabi ko na gusto mo si Kuya, eh." narinig kong sinabi ni Travis, na hindi ko alam kung saan nakatayo, habang kagat-kagat ko ang ibabang labi ko sa pag-aasam na pigilan ang sarili ko sa paghagulgol.
Just ignore that kid, Gabriella. Siya ang dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon so you better ignore that dimwitted kid. If wasn't because of him, hindi mag-iisip ng kung ano si Dane.
I sobbed for who knows how many times even though I'm perfectly aware that Travis is watching me suffer. Wala naman siyang pakielam, eh. Naririnig ko pa nga iyong mahinang pagtawa niya.
I sniffed then got up. "That's it." mahinang sinabi ko tapos umalis ako sa kama saka ako tumayo sa harapan niya. "Alam mo ba kung anong ginawa mo? You... you ruined everything."
"H-Hoy." He stepped back habang nakataas ang dalawang kamay. "Anong I ruined everything?"
"God, Travis!" isinigaw ko habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo ko tapos tinignan ko siya ng masama. "Alam mo ba na may possibility na isipin ni Daney na may relasyon tayo?! Na kaya ganuon ang itsura natin kanina kasi we had s*x?! Hindi mo ba nakita kung paano siya tumingin kanina?! Hindi mo ba narinig iyong sinabi niya?!" I tried to hit his face pero nasalo niya iyong kamay ko kaya sinubukan kong suntukin siya gamit iyong isa ko pang kamay pero nasalo niya rin iyon. I tried to break free pero hindi niya ako binitawan kaya mas lalo akong nagalit, idagdag mo pa iyong halik na bigla ko rin naalala. "Bwisit ka! I was just goofing around earlier pero anong ginawa mo?! Anong inisip mo?! I wasn't flirting with you, so bakit mo ako hinalikan?! Tapos sinabi mo pa sa kapatid mo na you can say that, letse ka!"
"It didn't looked like na hindi mo ako nilalandi kanina kaya," He shrugged tapos binitawan niya ang pagkakahawak niya sa magkabilang pulso ko saka ako tinalikuran. "Sorry. Kasalanan mo rin kasi pinrovoke mo ako." balewalang sinabi niya saka lumabas ng kwarto.
"Ang gago mo, Travis! You ruined my life!" buong lakas na isinigaw ko kaya nakaramdam ako ng kirot sa lalamunan. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang prenteng-prente na nakaupo sa pabahang sofa habang nanunuod ng tv. Hindi ko na lang siya pinansin saka ako lumabas ng bahay, ignoring the fact na inaapoy ako ng lagnat.
Nakakainis!
Hindi naman kasi porque nagkaroon na ako ng maraming boyfriend, dahil nga sa ginagamit ko sila para pagselosin si Dane, sanay na akong mahalik-halikan, na parang balewala na sa akin ang makipaghalikan. Hindi ako ganuon. Sa mga naging boyfriend ko, si Gian lang talaga ang nakahalik sa akin sa labi. The rest, sa noo, likod ng kamay, ilong at pisngi lang. Hindi naman ako malandi para makipaghalikan kung kani-kanino. Anong akala nuong batang iyon? Basta-basta at kung kani-kanino ako nakikipaghalikan kaya hinalikan niya rin ako? Ang gago niya.
Sinira niya iyong chance ko sa kuya niya? Sisirain ko rin sila ng girlfriend niya. Wala akong pakielam kahit mahal niya pa iyon. Wala akong pakielam kahit pa masaktan siya kapag hiniwalayan siya ng girlfriend niya. Bakit? Siya ba, naghesitate na sirain ang chance ko? Hindi naman, hindi ba?
Humanda talaga siya sa akin.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, si Kuya kaagad ang sumalubong sa akin. Kung ano-anong sermon ang inabot ko pero binalewala ko na lang dahil pagod na pagod na ako. Nang pinapasok niya ako sa kwarto ko para magbihis matapos niya akong bigyan ng mga susuotin, tinanong ko siya kung bakit nasa bahay siya gayong may pasok. He just said na hindi siya pumasok kasi hinihintay niya ako kaya nagsorry na lang ako. Sina Mama at Papa? Hindi man lang ako nilapitan kaya hindi ko na lang sila pinansin.
Buong magdamag na nakabantay sa akin si Kuya. Panay rin ang pag-aasikaso niya sa akin kaya para ipaalam at ipakita na naappreciate ko ang mga ginagawa niyang pag-aaruga, buong magdamag ko rin siyang niyakap na parang teddy bear.
Laking pasasalamat ko nga rin kasi okay lang siya, na walang nangyaring masama sa kaniya. Buti na lang talaga at sa panaginip lang may nangyaring masama sa kaniya.
Kinagabihan, kahit ayoko, dinala niya ako sa hospital dahil sa taas ng lagnat ko. Ipinacheck up niya ako and he also asked kung kumusta iyong bata, iyong batang non-existent. Siyempre tinanong ako ng doktor kaya napaamin ako na hindi ako buntis. Ayoko naman na dumaan sa kung ano-anong test para alamin kung nagdadalang tao nga ako o ano. Nakahinga naman ng maluwag si Kuya dahil hindi ako buntis, na nagsinungaling lang ako. Nagsorry na rin ako sa lahat ng ginawa ko, pati sa pagsisinungaling, sa pagsasabi na buntis ako gayong hindi naman. Pero nakiusap ako na huwag sabihin kina Papa iyong totoo. Sure, he hesitated pero later on, sinabi niya na bahala raw ako.
Isang araw rin ako nanatili sa hospital kaya makalawa na nang makapasok ako. Hindi pa nga ako pinapapasok ni Kuya pero nagpumilit ako kasi okay na ako. Pagkapasok na pagkapasok ko, si Dane kaagad ang hinanap ko. As usual, pinagtitinginan pa rin ako, na may kasama pang pagbubulungan. Dumiretso ako sa library dahil alam ko na duon ang not so hiding spot niya pero pagkapunta ko ruon, wala siya kaya napagpasiyahan ko na lang na tawagan siya pero ang ipinagtataka ko, ring lang nang ring iyong phone. Lagi niya namang sinasagot kaagad iyong tawag ko pero ngayon, wala. At kapag hindi niya sinagot, isa lang ang ibig sabihin nuon-- busy talaga siya sa kung anong bagay so I decided not to call him kahit pa gusto ko magpaliwanag tungkol sa nasaksihan niya, kahit hindi naman necessary kasi wala naman kaming relasyon.
Gustuhin ko man na pumunta sa kanila, hindi ko na lang ginawa kasi kailangan ko ipasa iyong research paper namin na ginawa ko noong nakaraan, na good thing naman dahil hanggang Friday pa ang due, eh, Wednesday pa lang ngayon.
Tinanggal ko ang pagkakaponytail ng buhok ko pagkaapak ko sa third floor then let my hair flow down. Sakto naman na pagkaliko ko pakaliwa para makaakyat ulit sa hagdan, bumungad sa akin iyong babaeng lagi kong nakikitang nakalingkis sa mga lalake, mostly ay kay Gian, pati na rin iyong tatlo niya pang mga kaibigan, which I guess ay mga sunud-sunuran sa kaniya.
Wala naman talaga akong plano na tumigil at makipag-usap sa kanila, sa kaniya pero bago pa man kasi ako makahakbang sa paunang step, nagform sila ng padiretso, na parang sinasabi na hindi ako puwedeng umabante.
"Ang kulit mo naman kasi." matawa-tawang sinabi nuong babaeng laging nakalingkis sa mga lalake. I heaved a sigh dahil alam kong pepestehin nila ako. Why do bitches swarm at me like flies? Seriously. Tae ba ako para paligiran nila nang paligiran? "Sinabi ko na sa iyo dati na niloloko ka lang niya, itinuloy mo pa rin iyong pakikipagrelasyon sa kaniya." Tumawa siya, na sinabayan pa ng mga alipores niya pero tumigil kaagad saka humalukipkip. Well, I'm not intimidated. "Hindi naman kasi porque sikat ka, hindi ka na paglalaruan ni Gian. Girl, gumising ka." Umiling siya saka bumuntong-hininga, iyong tipo na parang nang-aasar. "Break na kayo, ano? Masakit, hindi ba?"
Kung alam lang nila. Kung alam niya lang kung sinong luhaan sa amin ni Gian.
Ngumiti ako ng bahagya tapos humakbang ako ng tatlong beses paakyat saka ako tumigil. "Kung alam mo lang. Gusto mo ba maramdaman iyong sakit?"
"As if naman na masasaktan ako. Wala naman kaming relasyon. We're just--"
"Bedmates?" Humakbang ako ng isang beses. "f**k buddies?" Once again, humakbang ulit ako kaya nakatayo na ako ngayon sa gilid niya. At pagkatingin ko sa kaniya, nakita ko na para siyang proud sa title na mayroon siya with that ass. What a slut. Sabagay, mukha naman kasi siyang p****k. "Does your fiancé even know na may mga lalake pa na gumagamit sa katawan mo besides him?" And with what I said, namutla siya. "Oooohhh. I think it'll be fun kung ipaalam ko kay PJ na--"
"How did you know him?" she asked through gritted teeth.
Nilakihan ko ang ngiti ko then positioned my feet behind hers. And it's a good thing na hindi nila napansin na iginalaw ko ang paa ko dahil iyong atensyon nila, nasa mukha ko. "That's the power of eavesdropping. At oo nga pala, I'll let you taste how much pain Gian felt when I dumped him." I said bago ko ginamit iyong paa ko pangsipa sa paa niya kaya natumba siya at naoutbalance. Iyong gusto kong makita, nangyari dahil nagpagulong-gulong siya sa ilang steps ng hagdan hanggang sa pumlakda siya. I know her condition pero ilang steps lang naman iyong nilaglagan niya kaya safe pa rin naman siguro.
"Charlene!" sabay-sabay na pagtawag nuong apat saka siya nilapitan at tinulungang tumayo. And wow lang kasi sabay-sabay rin nila akong tinignan ng masama, including Charlene.
"How dare you?!"
"Hindi mo ba kilala kung sinong binangga mo?!"
Kaniya-kaniya sila ng tanong pero inignora ko lang sila at nakipagtitigan kay Charlene. Siya, masama ang tingin sa akin at parang maiiyak na pero ako, nakangiti lang ng bahagya. Oh, how it felt good nang makita ko siyang magpagulong-gulong.
"You almost--" Bago niya pa man matapos iyong sinasabi niya, nagsalita kaagad ako.
"I know. Pero hindi naman, right? Go on, magsumbong ka sa mga magulang mo para mapatalsik ako rito sa school niyo. Iyon naman lagi iyong panakot mo, hindi ba?" Tumawa ako ng mahina habang umiiling pero tumigil rin ako't tinignan siya habang nakangiti pa rin. "Akala mo kasi, lahat ng estudyante rito, matatakot mo dahil kayo nagmamay-ari nitong school na ito. Guess what, Miss Lacrimosa? Hindi ako duwag para katakutan ka. Dahil ikaw? Basura ka lang. Para kang suklay na matapos gamitin at pagpasa-pasahan, iiisang tabi ka na. At kung akala mo, natatakot ako sa mga magulang mo, sinasabi ko sa iyo-- kahit iharap mo pa sila sa akin, wala akong pakielam. And about your bedmate, Gian, pakisabi na magmove on na siya dahil kahit umiyak pa siya ng dugo, hindi ko siya babalikan." I flashed my sweetest smile para maasar sila, siya, then turned my back at them saka ako dumiretso sa fourth floor dahil duon ngayon ang klase ko.
Nagdaan ang tatlong subject at himalang walang lumapit sa akin dahil masyado yatang intimidating ang aura ko ngayon pero hindi nakaligtas ang mga bulungan at mga sulyap nila. As usual, hindi ko inintindi o pinansin. Ano bang mapapala ko, hindi ba? Wala. Pero, may isang bagay akong dapat tapusin bago ang araw na ito. Thanks to the power of eavesdropping, may nalaman ako-- isang bagay na puwedeng mas sumira sa chance ko kay Dane.
Bumaba kaagad ako nang maidismiss na kami at habang naglalakad, I started composting a message. Nang masigurado kong kapani-paniwala iyong message, dumiretso na ako sa court dahil alam ko na sa oras na ito, practice ngayon ng pakay ko.
Nang makita ko na siya, tumigil na ako sa paglalakad at nanatili sa gilid. Nang makita niya ako, itinigil niya iyong pagdidribble saka ipinasa ang bola sa kateam niya tapos patakbong linapitan niya ako habang nakangiti. Iyong ekspresyong nakapaskil sa mukha niya, sobrang hopeful dahil sa sinabi ko sa text.
Too bad, I'm here to crush him again.
"Seryoso ka?" nakangiting tanong niya pagkahawak niya sa magkabilang balikat ko. "D-Do you really mean what you said on your message?"
Nginitian ko siya kaya nagliwanag lalo ang ekspresyon niya. "Tell your teammates na lumayo muna dahil gusto kitang makausap in private."
Nilingon niya iyong mga kateam niyang isa-isang lumalapit sa amin saka niya ibinalik iyong tingin niya sa akin. "Gusto mo, sa rooftop na lang? I doubt na mapapaalis ko iyang mga iyan." I shrugged then started walking at sumabay naman siya. Nang makarating kami sa rooftop, bigla niya akong niyakap. And yeah, it's kinda gross dahil puro pawis siya pero hindi niya na yata inisip na mandidiri ako dahil sa sobrang saya niya. "Dan, do you really mean what you said?"
Itinulak ko siya ng bahagya kaya nakalas na iyong yakap. "Do you really think na I'll ask for your forgiveness dahil sa ginawa ko sa iyo?" Umiling ako saka humilukipkip, at base sa ekspresyon niya, nagulat siya sa sinabi ko. "You know what? Sinayang mo iyang mukha mo. Gwapo ka sana, Gian, bobo ka lang. Bakit hindi mo gamitin minsan iyang ulo mo sa itaas at hindi iyong nasa ibaba?"
I noticed both of his hands balled into a fist tapos iyong paghinga niya pa, sunod-sunod, na parang pinipigilan niya iyong inis niya. Well I can't blame him. He loves me tapos kung ano anong pinagsasasabi ko sa kaniya, na alam kong nakakasakit sa kaniya. It's impossible for him not get mad or pissed. I know him bago pa man maging kami. Madali siyang mainis o mapikon at ayaw niyang naiinsulto siya.
"Dan, huwag mo na akong saktan dahil baka kung anong magawa ko sa iyo. Please lang, huwag mo--"
"I have every rights para galitin o saktan ka dahil alam mo iyong ginawa mo? You ruined my image. Actually, wala akong pakielam sa image ko, sa kung anong tingin sa akin ng mga tao pero nang dahil sa ipinagkalat mo, lalong hindi ko makukuha si Dane--"
"Iyan na naman iyong putang inang pangalan na iyan!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at halos ngumiwi ako sa sakit dahil sa higpit ng hawak niya. "Dan, bakit hindi na lang ako?! Nasa akin na lahat pero bakit iyong putang inang palito na iyon ang gusto mo?! Ano ba?! Gumising ka naman! Hindi kayo bagay nuon--"
"At sinong bagay? Tayo?" malamig na tanong ko sa kaniya. "Hindi man siya kasing macho mo, malinis naman siya. Hindi tulad mo na marumi dahil sa rami ng babaeng naikama mo."
"Dan, tumigil ka na. Ayokong saktan ka kasi mahal kita pero dahil sa mga sinasabi mo, itinutulak mo ako para saktan ka."
"Tulad ng sinabi ko, may karapatan akong saktan ka dahil sa mga ipinagkakalat mo." Hinawi ko ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko saka ko siya tinitigan sa mata. I swear, pakiramdam ko talaga, gustong gusto niya akong saktan base sa nakikita kong galit sa mga mata niya pero hindi ko man lang makuhang makaramdam ng takot dahil alam ko na hindi niya ako sasaktan kasi mahal niya ako. Iyon ang pagkakamali niya; minahal niya ako. "Alam mo, nakakaawa ka. Hindi ko magawang mainis sa iyo kasi alam mo, awang-awa ako sa iyo. Ganuon ba kahalaga ang reputasyon mo sa school na ito? Brokenhearted ka pero nagawa mo pa talagang ipagkalat na ikinakama mo ako? At ano? Ikaw iyong nakipagbreak sa akin?" Natawa ako ng bahagya dahil sa katotohanang natatangahan ako sa kaniya.
"Ginawa ko lang iyon dahil iyon lang iyong alam kong paraan para ikaw ang lumapit sa akin!"
"Ang daming paraan para lumapit ako sa iyo pero congrats kasi heto nga, ako ang lumapit sa iyo." Binura ko ang ngiting nakapaskil sa mukha ko saka ko siya tinitigan sa mata. "Since tagumpay ka sa plano mo, bakit hindi mo naman ako tulungan sa plano kong linisin ang pangalan ko dahil ayokong masira kay Dane."
"Bakit ba lahat na lang, ikinokonekta mo sa kaniya?!"
"Simple-- dahil siya ang mahal ko at hindi ikaw."
Dahil sa sinabi ko, mas lalo siyang nagalit. Bigla niyang hinawakan ang bewang ko gamit iyong isang kamay niya tapos iyong isa naman, ipinanghawak niya sa likod ng ulo ko. "Ayaw mo sa akin? Edi pupwersahin kitang magustuhan ako." Bago pa man ako makapalag, hinalikan niya na ako.
Alam ko na sinabi ni Dane na masama ang pumatay pero I'm sorry, God, kasi papatayin ko si Gian ngayon.
His kisses was full of need, na parang kapag hindi ako nagrespond, ikamamatay niya. Sa ginagawa niyang paghalik sa akin, sobrang rahas na parang mabubura na iyong mga labi ko tapos idinidiin niya pa iyong katawan ko sa katawan niya kaya naramdaman ko iyong bulge sa basketball short niya.
A few seconds of kissing me and he's already having a hard on? Sheesh.
Iyong mga kamay ko, ipinagapang ko mula sa bewang niya, papunta sa likod niya at paakyat sa leeg niya. Gusto ko na si Dane lang iyong hahalik sa akin pero sa ngayon, pagbibigyan ko ulit si Gian since tatapusin ko na ang buhay niya. Goodbye gift ba. Naramdaman niya na ibinabalik ko iyong mga halik niya kaya iyong marahas na paggalaw niya, naging marahan. Habang ibinabalik ko iyong halik niya, unti-unti kong ipinupuwesto ang dalawang kamay ko sa leeg niya. Nang mahawakan ko na iyon gamit ang dalawa kong kamay, unti-unti kong ibinaon ang mga hinlalaki ko sa leeg niya kaya napatigil siya sa paghalik sa akin tapos iyong dalawang kamay niya, napahawak sa magkabilang kamay ko't pilit iyong iniaalis sa pagkakasakal sa kaniya.
"Here's a thing, Gian. Iyong mga tulad mong babaero, hindi deserving na makaramdam ng pagmamahal mula sa iba."
"D-Dan, s-stop, please."
"Gago ka, Gian!" Napaluwag iyong pagkakahawak ko sa leeg niya at napalingon sa babaeng sumigaw mula sa pintuan. May hawak itong kahoy na malapad habang naglalakad palapit sa puwesto namin. Kinuha niya iyong pagkakataon at inialis ang pagkakahawak ko sa leeg niya. Saktong pagkatalikod niya para lingunin iyong babae, tumama sa ulo niya iyong kahoy na hawak nito, making him unconscious tapos biglang umiyak iyong babae saka sinipa iyong hita niya. "Matapos mong kuhanin iyong virginity ko kagabi, bigla mo akong iiwang hayop ka?! Porque hindi ako maganda, ha?!" Pinagsisipa ulit nito ang hita ni Gian and I'm pretty sure na pagkagising nitong lalakeng ito, magang-maga ang hita niya.
I was really about to kill him pero good thing pa yata na dumating bigla itong babae kasi kung hindi, natuluyan na si Gian for sure. Kung natuluyan ko siya, baka hindi na ako bumagay kay Dane kasi mabait ang mahal ko tapos ako, killer. Buti na lang talaga at dumating itong babaeng ito.
"Binaboy ka niya?" Napatigil siya sa pagsipa saka napatingin sa akin tapos tumango siya't sinimulang punasan ang magkabilang pisngi niya na basang-basa na ng luha. "Nagpauto ka kasi."
Tinalikuran ko na sila pero bago pa man ako makahakbang, nagsalita siya at dahil sa sinabi niya, napalingon ulit ako sa kaniya. "Alam mo, gusto ko magalit sa iyo pero hindi ko magawa kasi wala naman akong magagawa kung ikaw iyong mahal niya; wala naman akong magagawa kung ikaw ang inisip niyang katalik habang may nangyayari sa amin kagabi. Wala ka namang kasalanan, eh. Pero hindi ko lang maintindihan itong pesteng lalakeng ito," Sinipa niya ulit iyong hita ni Gian saka ito tinapunan ng masamang tingin kahit pa alam niya na wala itong malay. "Kung bakit ka niya hiniwalayan kung mahal ka niya. Kung bakit kailangan niya pa akong gamitin kung puwede namang ikaw na lang tutal ikaw naman iyong iniisip niyang katalik niya habang ginagawa namin iyon."
"Una sa lahat, ako ang nakipagbreak." Napatigil siya sa tangkang pagsipa dahil sa sinabi ko tapos napatingin siya sa akin. "Pangalawa, walang nangyari sa amin-- at kahit kailan, walang mangyayari sa amin. Yuck. Nakakadiri. Kilabutan nga kayo sa sinasabi niyo na may nangyari sa amin."
"P-Pero--"
"Kasinungalingan lahat ng narinig mong tsismis." Bumuntong hininga ako saka umiling. "Bahala ka na--"
"Gusto ko maging katulad mo!"
"Ano?"
Lumapit siya sa akin saka hinawakan iyong dalawang kamay ko. "Dati pa kita nakikita at dati ko pa rin nakikita kung gaano ka kaastig. Gusto kong habul-habulin rin ako ni Gian tulad ng ginagawa niyang paghahabol sa iyo kaya please, tulungan mo ako maging katulad mo."
Ikinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin saka ko siya tinaasan ng kilay. "Nakashabu ka ba?" Seryoso, nahihibang na ba itong babaeng ito? Gusto niya maging katulad ko? Seryoso ba siya?
"Please, gusto ko maging katulad mo." Dali-dali niya akong niyakap saka ibinaon iyong mukha niya sa dibdib ko kaya automatic na lumipad papunta sa ulo niya iyong mga kamay ko para itulak siya pero masyado siyang makulit kaya kahit anong gawin kong tulak, wala pa rin so ako na lang iyong sumuko kasi alam ko na mapapagod lang ako.
She's weird.
"Ano ba? Alis nga."
"Please." Bigla siyang humagulgol kaya mas lalong nabasa iyong dibdib ko. Augh. "Kahit friends na lang tayo tapos pag-aaralan ko na lang iyong kilos mo. Please."
"Whatev..." Napatigil ako nang may naisip ako habang nakatingin ako sa headband sa ulo niya.
"Please, Daniella! Please!"
"Sige." Sa isang salitang iyon, napatigil siya sa pagbaon ng mukha sa dibdib ko. Iniangat niya iyong mukha niya saka suminghot. "Pero tutulungan mo makuha si Ian Dane Eru."