-Daniella
Nang iminulat ko ang mga mata ko, ang salubong na kilay kaagad ni Travis ang bumungad sa akin. Halos ilang segundo rin kaming nagtitigan habang sumisinghot ako at naputol lang iyon nang may kumatok sa pintuan. Inirapan niya ako saka tumingin sa direksyon kung nasaan iyong pintuan. Pati ako, tumingin na rin at nakita kong nanduon si AJ, nakatingin sa kaniya.
"Papasok na kami." panimula nito. "Sure ka na hindi ka papasok?"
Nagsalubong ang mga kilay ko tapos napatingin ako kay Travis dahil sa narinig ko. Tumango siya saka bumuntong hininga. Hindi siya papasok?
"Sige na, pumasok na kayo. Hindi ko naman puwedeng iwan ito mag-isa rito." sinabi niya na may kasamang pagturo sa akin. Nang sumara na iyong pintuan, ibinalik niya ang tingin sa akin, at hindi pa rin nabubura ang bakas ng pagkairit sa mukha niya. Patunay ang kilay niyang salubong sa nararamdaman niya. "Alam mo ba kung anong araw ngayon?" iritadong tanong niya.
At dahil masama ang pakiramdam ko, itinalukbong ko ang kumot saka ko pinunasan ang magkabilang pisngi ko. Alam ko kasi na umiyak ako habang tulog kanina. Ganuon naman palagi kapag inaapoy ako ng lagnat. Combo na iyon. Kung baga sa burger, buy one, take one. Kapag nagkalagnat ako, imposibleng hindi ako managinip ng masama.
"Huwag ngayon, Travis. Huwag ngayon." malamig na pakiusap ko saka ako suminghot kasi nagbabara ang ilong ko dahil sa sipon. Minsan lang ako makiusap, as in sobrang bihira. Knowing him? Makikipagtalo iyan sa akin. Lagi naman, eh. Ayaw ko muna siyang patulan dahil nanghihina ako. Wala pa ako sa kondisyon para sabayan ang init ng ulo niya. Baka kapag sinabayan ko siya, ako ang sumuko dahil sa kondisyon ko-- at ayokong mangyari iyon. Kung may sumuko man, dapat siya iyon. "Pumasok ka na."
"Gago ka ba o sadyang tanga lang?" Napabuntong hininga ako dahil sa tono ng boses niya. Wala talaga siyang galang. "Anong gusto mo? Iwanan kita rito? Halos hindi mo na nga kami pinatulog kagabi dahil sa tindi ng lagnat mo tapos iyak ka pa nang iyak. Kung manginig ka rin, akala mo, sinasapian ka kaya hindi maialis iyong mata namin sa iyo tapos ang gusto mo, umalis ako't pumasok?" hindi makapaniwalang tanong niya, at bakas na bakas pa rin ang iritasyon sa boses niya.
"Bakit kasi hindi niyo na lang ako hinayaan? Edi sana, hindi kayo napuyat." balewalang sinabi ko.
"Ay, gago nga ito." aniya habang tumatawa. "Katabi kita, paano ako makakatulog?"
"Edi sana, hindi ka tumabi sa akin kagabi. Ang tigas kasi ng ulo mo."
"Alam mo, ewan ko sa iyo." Naramdaman ko ang paggalaw ng kama tapos iyong pagtunog ng bakal na hagdan kaya alam kong bumaba siya.
Nanatili lang akong nakahiga habang pilit na ibinabalot sa katawan ko ang buong kumot para walang pumasok na hangin dahil ang tindi ng lamig na nararamdaman ko kapag natatamaan ng hangin iyong balat ko. Panay rin ang punas ko sa pisngi ko pati na ang pagsinghot ko. Hindi ko naman kasi maiwasang hindi maiyak. Hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa tindi ng takot.
"Kuya... Dane..." pabulong na tawag ko sa mga ito kahit na alam kong hindi nila ako maririnig.
Nakarinig ako ng yabang ng paa, tunog ng bakal na hagdan pati na ang paggalaw ng kama, tanda na lumapit at umakyat na sa kama si Travis. Tinanggal niya iyong kumot na nakabalot sa akin pero hindi pa rin ako nagpatinag; tumitig pa rin ako sa pader sa gilid ko at hindi siya pinansin. "Bakit ka ba kasi umiiyak?" Hindi ko siya sinagot at nakinig lang ako sa pagtama ng ulan sa bubong. He let out a frustrated sigh tapos hinawakan niya ang braso ko gamit iyong isa niyang kamay. Nakarinig ako ng tunog ng tubig mula sa paanan ko, and believe me, hindi iyon galing sa ulan. Nasagot ang tanong ko kung saan galing iyon nang naramdaman ko na pinunasan niya iyong braso ko ng basang bimpo. Mabait naman pala siya kahit papaano. Panira lang talaga kapag nagsalita na siya dahil hindi puwedeng walang lalabas na mura o panglalait sa bibig niya once na bumukas na iyon. "Matulog ka na muna. Maghahanda ako ng pagkain natin. Huwag kang magrereklamo kung noodles ulit ang ipakain ko sa iyo, ha? Baka ibuhos ko sa iyo iyon. Kung hindi naman dahil sa katangahan mo, hindi ka magkakasakit." aniya nang mapunasan niya na ang magkabilang braso at leeg ko. Piniga niya iyong bimpo sa basin saka iyon ipinatong sa noo ko matapos niya itong tiklupin. Once again, hindi ako umimik at nanatiling nakatingin sa kisame hanggang sa makaalis siya sa kama.
Matulog? Sa ngayon, ayoko na muna kahit parang pagod na pagod na ang katawan ko dahil sa taas ng lagnat ko. Natatakot ako kasi baka kapag natulog ako, matuloy iyong panaginip ko.
Itinaas ko hanggang sa leeg ang kumot saka huminga ng malalim. Alam ko na hindi magandang ideya na isipin iyong dahilan kung bakit ako natatakot pero kahit hindi ko gustong gawin, kusa pa ring pumasok sa isip ko iyong mga eksenang nakita ko habang nagtutulog ako, iyong napanaginipan ko.
Sa panaginip ko kasi, umiiyak ako at halos hindi na ako makahinga dahil sa paulit ulit na paghikbi ko. Nasa harap ko sina Kuya at Dane pati na ang mga pamilya namin. Maraming tao pero iyong iba, puro blurred iyong mukha. Ang mga pamilya namin, umiiyak habang nakatingin ng masama sa akin. Paulit-ulit rin sila sa pagbato ng mga salitang sobrang sakit tapos isinisisi pa nila sa akin ang lahat ng mga masasamang bagay na nangyayari. At pati na ang mga taong blurred ang mukha, nakisabay pero tumatawa ang mga ito habang nakaturo sa akin.
Nakatingin lang ako noon sa harapan, kina Kuya at Dane. Nasa loob sila ng puting kabao at mula sa salamin nuon, kitang kita ko ang mga mukha nila. Parehas silang nakatingin sa akin, tingin na parang ako ang may kasalanan kung bakit sila nasa loob ng kabao, kung bakit sila namatay. Nang itungo ko ang ulo ko, puro dugo ang nakita ko. Pati na ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko, kulay pula rin. Pero ang mas tumakot sa akin ay nang makita ko ang isang lalake na nakasuot ng itim na tshirt, pantalon at sapatos. Sa mga hindi ko kakilala na nasa panaginip ko, siya lang ang maayos at malinaw ang mukha dahil ang iba, puro blurred.
Nakaturo ito sa akin habang nakangisi at nang nakita ko ang hawak ko sa magkabilang kamay, natakot lalo ako dahil mga kutsilyong puro dugo ang bumungad sa akin. At nang iangat ko ang ulo ko para tignan sina Kuya, Dane pati na iyong lalakeng nakangisi sa akin, nakita kong nasa labas na ng kabao ang dalawang mahal ko sa buhay pero hindi ko na makita iyong isang lalake at ang atensyon ko, naagaw ng butas sa kaliwang parte ng dibdib nila.
Napahigpit iyong hawak ko sa kumot saka ako umiling, hoping na sana ay mawala na sa isip ko iyong napanaginipan ko kanina. Gusto kong tawagan sina Kuya at Dane para kumustahin at siguraduhin kung okay lang sila pero wala sa akin iyong cell phone ko. Puwede ko naman sigurong hiramin iyong cell phone ni Travis para tawagan si Dane tapos kapag nagkausap na kami, hihingiin ko sa kaniya iyong number ni Kuya para matawagan ko rin.
Tama.
Pero palaisipan pa rin sa akin kung sino iyong lalake sa panaginip ko. Hindi pamilyar ang mukha nito at alam kong hindi ko pa ito nakikita sa tanang buhay ko kaya nakakapagtaka na ang linaw-linaw ng mukha nito sa panaginip ko.
"Travis..." mahinang pagtawag ko sa kasama ko. Hindi ko pa kasi kayang sumigaw at kapag pinilit ko, baka sumakit lang ang lalamunan ko. "Travis..." pagtawag ko ulit sa kaniya kahit na alam ko na imposibleng marinig niya ako dahil nasa labas siya ng kwarto.
"Hoy, anong trip mo?" tanong niya kaya napatigil ako sa tangkang pag-upo. Ibinaling ko sa direkyon niya ang ulo ko kaya nakita ko na may dala siyang bowl na may lamang noodles. Ang sarap sa paningin kasi umuusok pa. Tamang-tama sa malamig na panahon. "May sakit ka, nag-eexercise ka? Tanga ka talaga, ano?"
"Ikaw ang tanga." Inialis ko iyong tingin ko sa bowl saka ako tumingin ulit sa kisame. "Bakit naman ako mag-eexercise?"
"Malay ko sa iyo." Umakyat ulit siya matapos niyang ilapag iyong bowl sa gilid ko. Nang makaakyat na siya, hinila niya ako paupo saka kinuha iyong bowl. "Susubuan na kita. Baka matapon pa kapag pinabayaan kitang mag-isa kumain nito. Tanga ka pa naman."
Seriously, bakit niya ba ako tinatawag na tanga? Hindi naman ako ganuon katalino pero hindi ako tanga.
"Pahiram ng cell phone." Napatigil siya sa paghipan sa kutsarang may sabaw saka ako tinignan habang salubong ang kilay. "May tatawagan ako."
"Sino? Si Kuya?" Tumango ako. He knows me too well. Hinipan niya ulit iyong kutsara saka isinubo sa akin. Ang sarap talaga ng beef-flavored noodle. "Mamaya, pagkatapos kumain."
"Ngayon na." ungot ko. "Kuhanin mo na."
"Kumain ka na nga muna." singhal niya saka ulit hinipan iyong sabaw sa kutsara. "Tigas ng ulo mo." For the last time, hinipan niya ulit iyon saka isinubo sa akin. Kumuha ulit siya ng sabaw saka iyon hinipan tapos siya naman ang sumubo.
"Sa akin iyan, hindi ba?" tanong ko dahil ang alam ko talaga, para sa akin iyong noodles at hindi para sa kaniya.
"Nagugutom rin ako, huwag kang magulo."
Inikutan ko lang siya ng mata saka ko ibinalot sa katawan ko iyong kumot habang nakalitaw pa rin iyong ulo ko dahil sinusubuan niya ako. Ganuon lang iyong ginawa niya-- hihipan niya, isusubo sa akin tapos siya naman ang susubo. Salit-salitan kami sa pagsubo pero nagrereklamo ako kasi mas marami siyang nakain.
Matapos kaming kumain, bumaba siya sa kama ng walang paalam saka lumabas ng kwarto habang dala iyong bowl. Pagkabalik niya, dala niya na iyong cell phone at pagkasampa niya sa kama, ibinigay niya iyon sa akin. Saktong pagkakuha ko, hindi ko napigilan na masuka dahil kahit pa kaonti lang iyong kinain ko, pakiramdam ko, sobrang rami nuon. Ang malala pa, nasukahan ko siya sa katawan tapos may iba pang bumagsak sa kama at kumot.
"Augh..." mahinang ungot ko dahil biglang sumakit iyong lalamunan ko pero ininda ko at kinalikot ang cell phone niya. I need to know if Dane and Kuya are okay.
"Tang ina!" Umatras siya saka dali-daling bumaba sa kama. "Letse naman, oh!" sigaw niya, na halos mabingi na ako dahil sa sobrang lakas, tapos lumabas siya sa kwarto habang paulit-ulit na nagmumura.
Hindi ko na lang siya pinansin, pati na rin kung gaano kakadiri ang itsura ko, pati ng kama ngayon. Good thing naman at hindi pin iyong password ng cell phone niya kaya nabuksan ko kaagad. Matapos ko itong buksan, hinanap ko kaagad ang pangalan ni Dane at nang makita ko na, itinext ko, asking kung ano number ni Kuya dahil hindi ko kabisado. Nang maisend ko na, saka ko lang naalala na hindi pala ako nakapagpakilala kaya hinayaan ko na lang. Baka magtaka iyon kung bakit hiningi ni Travis iyong number ng kuya ko when the truth is, ako naman talaga iyong nagtext.
Nagreply rin naman siya. Kasama ng number ni Kuya ay ang tanong niya kung bakit ko hiningi iyong number. Hindi ko na muna siya rineply-an dahil gusto kong makausap si Kuya. Alam ko kasi na hinahanap na ako nuon at halos mamatay na iyon sa pag-aalala.
Nang tinawagan ko na, cannot be reached iyong number. Ilang beses ko siyang tinawagan pero wala pa rin kaya kinabahan na ako. Kaya kahit nahihirapan, pinilit ko pa rin na makababa sa kama tapos nang makababa, lumabas kaagad ako. Nalalaglag ang suka ko sa lapag at alam kong nagkakalat na ako pero wala na akong pakielam. Hindi ko nakita si Travis pero bukas iyong shower sa banyo kaya alam kong nanduon siya. Inilapag ko iyong cell phone sa sofa saka ako lumabas ng bahay dahil gusto kong makita si Kuya. Gusto kong malaman kung okay lang siya. Kapag may nangyaring masama sa kaniya nang dahil sa akin, sisisihin ko talaga ang sarili ko dahil hindi ko man lang nakuhang ipaalam sa kaniya kung saan ako nagpunta.
Malakas ang ulan pero ininda ko na lang kahit nanginginig na ako sa lamig tapos dumadagdag pa iyong malakas na hampas ng hangin kaya pakiramdam ko, any minute now, magcocollapse na ako. Wala na nga rin akong marinig kung hindi iyong tunog ng hangin dahil sa sobrang lakas nito. Hindi ko alam kung nanglalabo lang ba ang paningin ko o sadyang wala talaga akong makitang tao. Hindi naman nakapagtataka iyon kasi malakas talaga ang ulan. Akmang tatakbo na ako pero bago ko pa man magawa iyon, biglang may bumuhat sa akin na parang bagong kasal saka ako nito itinakbo.
Nang buksan ko ang mga mata ko, si Travis ang nakita ko.
Ibinalik niya ako sa bahay habang paulit-ulit na nagmumura at nanginginig na rin dahil topless siya nang lumabas at tanging boxer lang ang suot niya. Kahit tumutulo ang tubig mula sa katawan niya, pumasok siya sa kwarto at paglabas niya, bagong boxer na ang suot niya tapos may bitbit pa siyang dalawang damit, short na pangbasketball pati kumot. Hinila niya ako papunta sa banyo pagkalapag niya ng kumot sa sofa at nang makapasok na ako, ibinigay niya sa akin iyong mga damit at short. "Magpalit ka na ng damit. Umayos ka kung ayaw mong ako magpalit ng mga suot mo. Bilisan mo dahil kailangan kitang painitin." galit na sinabi niya sa akin. Wala sa sarili akong tumango kaya isinara niya na iyong pintuan. "Gagong iyon, may balak yatang magpakamatay." narinig kong sinabi niya mula sa labas.
Isa-isa kong hinubad ang mga suot ko saka ko isinuot iyong mga ibinigay niya sa akin. Medyo airy dahil basketball short lang ang suot ko pero pinabayaan ko na lang. As long as hindi ako makikitaan, okay lang. Lumabas na ako sa banyo at iniwan na lang ang mga pinaghubadan ko ruon. Nakita ko siyang nakatayo sa salas habang nakatingin sa direksyon ng banyo, na parang hinihintay ako. Nang magtama ang mga mata namin, nilapitan niya kaagad ako saka ako hinila hanggang sa makaupo siya sa sofa, habang ako, nakatayo lang sa harap niya. Nagtaka nga ako dahil alam kong nilalamig siya pero wala siyang suot na damit, tanging boxer lang.
"Trav--"
"Tang ina, manahimik ka na lang." singhal niya saka kinuha iyong kumot sa gilid niya. Hinila niya ako kaya napaupo ako sa kandungan niya tapos ibinalot niya iyong kumot sa amin kaya ang kinalabasan, ulo lang namin ang kita dahil mula paa hanggang leeg, natatakapan ng kumot.
Ang awkward ng puwesto namin dahil una, nakayakap siya sa bewang ko para maiyakap rin iyong kumot. Pangalawa, nakakandong ako sa kaniya. Pangatlo, nakabaon iyong mukha niya sa balikat ko at pang-apat, nakahubad siya.
Gustuhin ko man na umalis, hindi ko na lang ginawa dahil iyong lamig na gustong pumatay sa akin kanina, nawala dahil sa yakap niya. Pero malamig pa rin talaga.
"Travis," Tinapik ko siya sa hita pero hindi pa rin siya umimik. "Huy, masyadong mahigpit iyong yakap-"
"Letse. Huwag ka na ngang mag-inarte." bulalas niya habang nakabaon pa rin ang mukha sa balikat ko. "Ito lang iyong paraan para mainitan ka. Buti nga, tinutulungan ka pa. For Christ's sake, akala mo ba ginusto ko rin ito? Hindi. Nakakasala tuloy ako sa girlfriend ko."
Girlfriend? May girlfriend siya? Bakit hindi ko alam iyon? At buti may nagtiyaga sa kaniya. Kung ako iyong babae, baka iwanan ko kaagad itong lalakeng ito. Ang sama ng ugali, eh. Well... ako rin naman, masama ang ugali ko pero kasi grabe iyong kagaspangan ng ugali niya. Ultimo sa pagsasalita, grabe. Parang lahat ng mura, alam niya. Hindi na nga ako magtataka kung alam niya pati mga mura ng mga Greek, Japanese, Taiwanese, Korean, African o kahit anong lahi pa iyan.
Kawawang babae iyon. Siguro, nabulag sa itsura at talent nito sa paggigitara. Kung nabulag nga siya, tanga siya. Baka pinauulanan na siya ng mura, wala pa rin sa kaniya dahil nga sa itsura at talent ng boyfriend niya. Kabobohan.
"Kapag ako namatay dahil sa higpit ng yakap mo," Suminghot ako saka ko niyakap iyong sarili ko. "Sinasabi ko sa iyo, mumultihin kita. Hindi kita patatahimikin."
"Gago. Akala mo naman, natakot ako."
Minura na naman ako.
"Huwag mo nga akong murahin. Mas matanda ako sa iyo."
"Isang taon lang. At saka, wala kang pakielam kung murahin kita. Deserve mo naman, eh." Lumuwag ng kaonti iyong pagkakayakap niya sa akin kaya akala ko, pakakawalan niya na ako pero nagkamali ako dahil bumwelo lang siya para pigain ako "Kung hindi ka gumagawa ng katangahan, hindi kita mamumura."
"Kahit nga yata huminga lang ako, mumurahin mo na ako." I tried breaking free from his bone-crushing hug pero every time na sinusubukan ko, mas hinihigpitan niya pa lalo. "Travis, sinasabi ko sa iyo, kapag ako talaga namatay-"
"Kaya ko nga hinihigpitan para mamatay ka na, eh." matawa tawang pagsapaw niya.
Wow, tumawa siya. That's new. Ngayon ko na lang ulit narinig iyong tawa niya, ha? If I remember it correctly, the way he laughed back then, ganuon pa rin siya tumawa ngayon-- walang ipinagbago. May nagbago, oo pero boses niya lang iyon pero iyong way ng pagtawa? Wala. Ganuon pa rin.
"Gago ka talaga. Bumitaw-"
"Hindi bale nang ako ang pumatay sa iyo kaysa iyang katangahan mo. At least kapag ako nakapatay sa iyo, may maikukulong at makakakuha ka ng hustisya. Iyang katangahan mo? Hindi makukulong iyan."
"Ewan ko sa iyo. Kung ano-anong sinasabi mo." I sighed then rested my back on his chest. "Sana pumunta iyong girlfriend mo dito para makita tayo. At siyempre, mag-iisip iyon ng kung ano. Then boom, magbebreak na kayo." nakangising sinabi ko saka ako suminghot.
"Magpapaliwanag ako. At saka, hindi iyon selosa."
"Sa itsura natin, imposibleng hindi magselos iyon. Babae ako kaya alam ko mararamdaman nuon once na makita niya iyong itsura ng boyfriend niya pati nuong babaeng. Wala man tayong ginagawang masama, mag-iisip pa rin iyon."
"Hindi pa ba masama itong ginagawa natin?" matawa tawang tanong niya. "Mag-isip ka nga."
Bakit pakiramdam ko, iniisip niya na ang tanga-tanga ko kasi hindi ko iniisip na masama itong ginagawa namin ngayon? Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama, ha? He's just helping me out. Nothing else. Oo, nakakandong ako pero duh naman. Hindi naman kami gumagawa ng intimate na bagay, ano.
Matignan nga kung gaano niya kamahal iyong girlfriend niya. Oo, alam kong masama itong gagawin ko. Kaysa naman tumunganga lang ako dito habang nakayakap siya, might as well goof around kahit pa may sakit ako. Titigil rin naman ako kapag dapat nang huminto.
Hindi hadlang itong sakit ko sa paglalaro.
Umalis ako sa pagkakasandal sa dibdib niya saka ako pumihit paharap sa kaniya. Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya, siguro dahil sa pagtataka kung bakit ako nakatingin sa kaniya. Unti-unti, ngumiti ako kaya halos mag-isang linya na lang ang mga kilay niya. "Alam mo," panimula ko habang dahan-dahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. "Hindi naman masama itong ginagawa natin, eh." malambing na sinabi ko, na may kasama pang pagsinghot. Letseng sipon. "Don't worry, hindi ka naman nagkakasala ngayon sa girlfriend mo." Ipinatong ko iyong noo ko sa noo niya habang hindi pa rin inaalis iyong eye contact namin. "Wala naman rin makakaalam nito."
"What the f**k are you doing?" pabulong na tanong niya habang nakatitig rin sa akin tapos iyong yakap niya, lumuwag na.
"Nothing." nakangiting sagot ko. "Basta, huwag ka masyadong mag-isip. You're just helping me out. What's the big deal? It's not like we're doing intimate things, right?"
God. What did I just felt on my ass? May gumalaw.
"Alam ba ng kuya ko na ganito ka?"
Nang dahil sa sinabi niya, iyong ngiti ko, napalitan ng pagkalito tapos inilayo ko iyong mukha ko sa kaniya. Bakit ganuon ang itinanong niya? Alam ng kuya niya na ganito ako? Whatever that ganito is, ano naman kay Dane kung ganuon nga ako? "What do you mean by ganito?"
"A flirt." nakangising sagot niya.
At nang dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko, nawala iyong sama ng pakiramdam ko tapos napalitan ito ng inis, nagbabaggang inis-- if there's even such a thing.
"I am not a flirt." I said through gritted teeth.
"Then ano iyong ginawa mo kanina? Isn't that flirting?"
Ang sarap tanggalin ng ngisi sa mga labi niya. God, nakakairita siya!
"I was just playing, okay? I wasn't flirting-"
"Playing. Flirting. That's just the same thing." balewalang sinabi niya pero nanduon pa rin iyong trace ng pag-aangas sa boses niya.
Ako talaga, iniinis nito, eh. He doesn't believe me? Fine. I'll show him the difference between playing around and flirting.
Inalis ko iyong confusion na nakapaskil sa mukha ko saka ko iyon pinalitan ng ngiti, iyong ngiting ipinapakita ko kapag nangangailangan ako ng lalakeng magagamit para gawing pangselos. At iyong ngisi niya, imbis na mawala, nanduon pa rin. God, nakakairita talaga siya. Buti na lang at hindi ganito si Dane. "Believe it or not, iyong kanina, naglalaro lang ako dahil bored ako. At alam mo iyong nakakainis?" tanong ko habang nakangiti pa rin. "Iyong sinabihan ka ng malandi kahit hindi ka naman ganuon." Isinabit ko ang magkabilang braso ko sa mga balikat niya. I was really expecting na matanggal iyong ngisi niya dahil sa ginawa ko pero hindi pa rin. Kailangan pa ng kaonting push para matanggal iyon. "I was really goofing around earlier. Kung may plano man ako na landiin ka, hindi ganuon ang gagawin ko. Ganito." Pinagapang ko iyong isang kamay ko mula sa balikat niya, papunta sa batok hanggang sa mahawakan ko na iyong buhok niya tapos iyong isa naman, ginamit ko para iyakap sa leeg niya. Masyado na kaming malapit sa isa't isa kaya iyong pagbuga namin ng hangin, tumatama na sa mukha ng bawat isa.
And come on! Hindi pa rin nawawala iyong ngisi niya!
"Two minutes."
Ha? Two minutes?
Kahit naguguluhan, hindi ko ipinahalata. Nakatitig pa rin ako sa kaniya habang nakangiti, at ganuon rin siya. Sana lang, huwag pumasok iyong mga kabanda niya dahil malamang, gagawa ng issue ang mga ito.
Nakaganuon lang kami ng ilang segundo pero nang makaramdam ako ng hilo, napagpasyahan ko nang umayos ng upo sa kandungan niya. Tama na ang laro dahil baka bigla na naman akong masuka, katapat ko pa naman mukha niya.
I was about to let go pero bigla niya akong hinapit sa bewang gamit iyong isang kamay niya tapos iyong isang kamay niya naman, ipinananghawak niya sa batok ko.
"Ano--"
I was caught off guard nang bigla niyang inilapit iyong mukha niya sa mukha ko, making our forehead touch. "Lakas ng loob mo na ganiyanin ako, ano?"
"Trav--"
"Alam mo, ang dapat sa iyo, pinarurusahan."
"Travis, umayos ka--"
"Shut up." nakangiting sinabi niya saka niya inilapat iyong labi niya sa labi ko kaya nanglaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
Hindi ako nakagalaw kaagad dahil hindi pa nagsisink-in sa utak ko iyong ginagawa niyang paghalik sa akin. At halos ilang segundo rin akong nag-ala poste habang pinapapak niya iyong mga labi ko, pero nang maramdaman ko na naman iyong matigas na bagay na tumama sa puwetan ko, natauhan ako.
God, tama nga iyong iniisip ko! He's seriously having it hard down there.
Itinulak ko siya sa dibdib kaya naghiwalay ang mga labi namin at akmang sasapakin ko na siya nang hinila niya ulit iyong ulo ko nang marinig namin ang pagbukas ng pintuan.
I just found my face buried on his neck nang marinig ko iyong boses ng isang tao na ayaw kong makita ang posisyon namin ngayon.
"Kuya." masayang bati niya sa taong pumasok.
Shet, si Dane!