4

3940 Words
-Daniella After the drama at Gian's house, lumabas na ako pagkakuha ko ng bag na iniwan ko sa salas nila. I didn't even bother na magpaalam sa mga magulang niya. Bastusan na kung bastusan pero sila ang nauna. If only they aren't like that baka hindi ko sila binastos ng ganuon. Dumiretso ako sa sakayan and took a jeep dahil kung magtataxi pa ako, baka maubos ang pera ko gayong malapit lang naman ang lugar kung saan ako nakatira. The ride took me fifteen minutes bago nakarating sa kanto ng street kung saan ibinababa ng mga jeepney at bus driver ang mga pasahero-- loading and unloading area kung baga. Nadaanan ko pa nga ang mga tambay sa center habang pauwi ako, eh. Pero siyempre, hindi ko sila pinansin. Hinayaan ko lang silang pumito nang pumito at icatcall ako. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, sina Mama, Papa at Carla ang nadatnan ko. Tinignn lang nila ako saka sinabi ni Mama na kumain na tapos bumalik na ulit sila sa panunuod. They really look like a happy family kapag magkakasama-- and that pissed me off, big time. I mean, what about me, hindi ba? Am I not their daughter? Am I not her sister? Kung pati si Kuya, ganuon ang pagtrato sa akin, baka matagal na akong naglayas. Siya na lang naman ang rason kung bakit ako nananatili sa bahay namin. I can get a job and live on my own pero dahil kay Kuya, hindi ko magawa kasi alam ko na kapag naglayas ako at iniwan siya, masasaktan siya and I don't want that to happen. I really don't. Dumiretso na lang ako sa kusina saka kumain ng, lo and behold, tiratira nila. At habang kumakain, rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila. Bawat tawa nila ay parang katumbas ng isang malaking espada na bumabaon sa dibdib ko. Imagine kung ilang tawa ang ginawa nila, ganuon rin karami ang espadang bumaon sa dibdib ko. I need to get out of this house bago pa ako mamatay sa depression. Kahit naman kasi wala akong pakielam sa kanila, I'm still hoping na makita rin nila ako bilang anak nila, bilang kadugo nila, at hindi utusan. Umakyat ako sa kwarto ko and there I saw Kuya Carlo. Nakahiga siya sa kama ko habang nagbabasa ng libro. Ibinaba niya rin naman iyon saka ako sinimangutan. Nginitian ko siya saka ko inilapag ang bag ko tapos lumapit ako sa kama at dinaganan siya. "Anong problema ng gwapo kong kuya, ha?" paglalambing ko sa kaniya habang pilit na ipinupulupot ang mga braso ko sa bewang niya. "Late na kaya. Kanina ka pa dapat narito pero anong oras na wala ka pa rin kaya hinintay na kita rito sa loob ng kwarto mo para mapagsabihan." "Eeh." Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at kasabay nuon ay ang pagpulupot ng mga braso niya sa leeg ko. "Sorry na. Galing kasi ako sa bahay ng schoolmate ko." "Kumain ka na?" tanong niya na sinagot ko sa pamamagitan ng pagtango. Hinila ko siya patayo at sinabing lumabas na muna dahil magbibihis ako. Ginawa niya naman pero bago siya nakalabas sa kwarto, sinabi niya munang magtext o tumawag ako kapag malelate ako ng uwi saka niya ako hinalikan sa ulo. Ang sweet ng kuya ko kaya mahal na mahal ko siya. Kung kaparehas lang sana nina Mama si Kuya, wala akong problema bukod sa pagkuha sa lalakeng gusto ko. Pakiramdam ko talaga, ang nangyari, napagkatuwaan lang akong buuin. Sina Kuya, they were made with love. Pero ako? I was made with lust-- kasi trip lang nila, kasi nangati lang sila. Kaya siguro nila ako idinidisregard dahil ako iyong unwanted child, na kaya lang nila pinakakain at pinag-aaral ay dahil obligasyon nila iyon bilang magulang, bilang kapatid, na kung puwede lang, hindi na nila ako pag-aralin o pakainin. I don't know kung tama ang iniisip ko pero iyon kasi ang nararamdaman ko; iyon kasi ang ipinararamdam nila sa akin. Ni minsan, hindi nila tinanong kung anong gusto ko. Kapag nagrequest naman ako, hindi sila papayag, o hindi nila bibilihin ang pakiusap ko. I have no freedom sa pagpili ng mga gusto ko kasi ang mga gusto nila ang dapat na masunod. Ginagawa nila akong puppet tapos ako iyong unwanted. I hate feeling that kasi kapamilya ko sila. Kadugo ko sila. Sila dapat ang nagpaparamdam ng mga bagay-bagay na makapagpapasaya sa akin. Iyong mga hinahanap ko sa isang pamilya, si Kuya lang ang nagbibigay, ang nagpapakita. Sa buong buhay ko, si Kuya lang ang bukal ang kalooban kung tulungan ako. Ayoko naman rin umiyak sa kaniya kasi alam ko na mag-aalala siya. Kaya nga nagkukunwari na lang ako minsan na masaya kapag magkakaharap kami. Pero kapag kami na lang nina Mama at wala si Kuya, back to normal na ulit kaming tatlo nina Papa. Whatever. Pagkatapos ko maligo, iyong cell phone ko kaagad iyong kinuha ko instead na damit. I asked Tita Aira, through text, what Travis' number is. Nang makuha ko na, nag-ayos na ako't kinuha iyong jacket na nakasampay sa upuan sa gilid kung saan ko ipinatong iyong bag ko kanina. Saktong pagkalabas ko matapos kong itext iyong pangalan ko kay Travis para ipaalam na magpaparamdam ako ngayon, bumungad sa akin si Kuya, na mukhang bababa para maligo dahil may tuwalyang nakasabit sa balikat niya. Great timing. Bumaba na rin naman siya matapos niyang sabihin na huwag akong magpapagabi. Ano bang akala niya? Gagala ako? Hello? Nakapajama at loose shirt lang ako, ano. Si kuya talaga. Magsasaoli lang naman ako ng jacket. Baka sabihin kasi ng batang iyon na pinagnanasahan ko iyong jacket niya kaya hindi ko pa rin isinasaoli. Nanatili naman akong nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto ko kasi iniisip ko kung dadalahin ko pa ba iyong cell phone at wallet ko pero napagpasyahan ko na huwag na lang kasi sasaglit lang naman ako sa ilog. At pagkababang pagkababa ko, sampal kaagad ni Papa ang sumalubong sa akin at bakas sa mukha nito ang galit. Nang tignan ko sina Mama at Ate na nakatayo malapit sa sofa, sa likod ni Papa, nakita kong masamang tingin rin ang ipinupukol ng mga ito sa akin. Hindi ako nagsalita't tumayo lang ako habang iniinda ang sakit ng pisngi ko at ang kirot ng sugat na ginawa ng singsing ni Papa. Nakipagsukatan rin ako ng tingin sa kaniya pero hindi ako nagpakita ng ekspresyon, kahit sa loob-loob ko, gusto ko nang umiyak dahil sa sakit ng sampal, ng sugat at sakit ng katotohanan si Papa ang sumampal sa akin. Nasaan na ba si Kuya? Kailangan ko siya ngayon para makaalis na ako. Ang mga tanong sa isip ko tungkol sa paghahanap rito, nasagot dahil sa narinig kong pagbuhos ng tubig mula sa banyo. "Ano ito, ha?" gigil na tanong sa akin ni Papa matapos niyang itapat sa akin ang hawak niyang picture. Nagulat ako pero kaagad ko rin namang icinompose ang sarili ko. Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang siyang mainis. Ilang segundo rin bago siya nagsalita. Siguro naisip niya na wala akong balak na sumagot. "Pinag-aaral kita, hindi para lumandi. Ginagastusan ang pag-aaral mo pero ito ang isusukli mo sa amin?" Napapikit ako nang ibato niya sa mukha ko iyong picture. "Hindi ka na nahiya at talagang sa corridor ka pa nakipaghalikan." puno ng pagtitimping sinabi niya sa akin. Iminulat ko ulit ang talukap ng mga mata ko saka ko itinuloy ang pakikipagsukatan ng tingin sa kaniya. "Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakita sa iyo ruon? Ano na lang ang sasabihin ng mga estudyante ruon? Na ang mga magulang mo, may anak na malandi? Ano? Buntis ka na ba at iyong kahalikan mo ang ama ng bata, ha?" Kuya... Hindi. Hindi ka dapat matakot ngayon, Daniella, dahil sumusobra na ang mga magulang mo. "Pinag-aaral mo ako?" malimig na tanong ko kaya mas nagsalubong ang mga kilay niya. Alam ko na nabigla at nainis lalo siya dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako sumagot. Tama na. Ayoko nang manahimik na lang habang pinagagalitan ako. May karapatan naman akong magsalita so bakit hindi ko pa gamitin ang karapatan ko na iyon? "The last time I checked, sina Kuya at Carla ang nagpapaaral sa akin, hindi ikaw." "Bastos kang bata ka." Akmang sasampalin niya na ako pero napatigil siya nang magsalita ako. "Oh, ano? Sasampalin mo ulit ako? Ganiyan ka naman, eh. At saka kung gusto mong sumigaw, sumigaw ka nang mailabas mo ang galit mo sa akin. Huwag ka matakot sa anak mong naliligo, na walang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon. Ano naman kung magbago ang tingin sa iyo ni Kuya dahil sa ginagawa mo ngayon sa akin, hindi ba?" Umiling ako tumawa ng mahina saka ako tumingala para pigilan ang pagbagsak ng luhang nagbabadyang tumulo. At success naman dahil hindi sila tumulo kaya tinignan ko na ulit ang kaharap ko. "Huwag mo rin matawag-tawag na magulang ang sarili mo dahil ni minsan, hindi ko naramdaman na tatay kita." Nahagip ng mga mata ko ang paglapit ni Carla sa akin pero napatigil ito nang tinignan ko ito. Ibinalik ko rin kaagad kay Papa ayong atensyon ko saka ko siya nginitian ng bahagya. "Go ahead, sampalin mo na ako; sampalin mo ang napakalandi mong anak. Nangangati kang padapuin ulit iyang kamay mo sa mukha ko, hindi ba? Pero tandaan mo ito, once na malaglag ang anak ko dahil sa ginawa mo, huwag ka na magtaka kung isang araw, may dumating na pulis dito para kuhanin ka." Akmang lalabas na ako ng bahay nang marinig ko iyong pagtawag sa akin ni Kuya pero hindi ko na lang ito pinansin at tumakbo kaagad ako. At base sa tono ng boses nito, parang wala pa rin itong alam sa mga nangyari. Ang late ng pasok mo, Kuya. Dumiretso kaagad ako sa ilog, sa sakayan ng bangka. Nang makarating ako ruon, may mga pasahero't bangkero pa kaya naupo muna ako sa pahabang upuan na nakalaan para sa mga pasaherong naghihintay. Alam ko naman na maaga pa kaya wala pa ang pakay ko rito so maghihintay muna ako para makausap ko ito dahil sa ngayon, wala na akong ibang matatakbuhan kung hindi ito. Ayoko munang umuwi sa amin ngayon dahil nanggigigil talaga ako. Sa totoo lang, puwede akong magpalipas ng gabi rito pero malikot ako matulog kaya baka mahulog ako sa ilog. Isa pa, hindi malapad ang upuan, ano. Ang option ko na lang ngayon, makitulog kina Dane o kay Travis. Gustuhin ko man na kina Dane na lang makituloy, hindi puwede dahil una sa lahat, kapag naghanap si Kuya, duon kaagad ang punta nuon dahil alam niya kung gaano ako kaclose sa mga Eru. Pangalawa, alam kong makapal ang mukha ko pero nakakahiya kina Tita. Maglalayas-layas ako tapos porque open sila na tanggapin ako, duon kaagad ang punta ko? No. Pride na lang ang mayroon ako ngayon dahil iyong cell phone at wallet ko, naiwan ko sa bahay. At pangatlo, wala akong pamasahe kasi hindi ba nga, iniwan ko iyong wallet ko. Puwede kong balikan kung tutuusin pero ayoko na munang makita ang pagmumukha nina Papa. Kaya bahala na. Makapal naman ang mukha ko, hindi ba? Makikitulog na muna ako sa nirerentahang bahay ng banda ni Travis. Halos dalawang oras na akong nakatambay rito pero wala pa rin ang mga ito. Wala na ngang nagbabangka't mga pasahero, eh. Talagang ako na lang ang natira. Ang masama pa, iyong ulan na akala ko hindi na matutuloy, biglang buhos. Naghintay pa ako ng isang oras sa ilalim ng ulan pero wala pa rin sila kaya nagpasyahan ko nang pumunta na lang sa kanila kahit halos dalawang kanto pa ang lalakarin ko, makapunta lang sa bahay nila. "Babes?" bungad ni AJ nang makarecover siya matapos siyang maubo dahil sa usok na nilanghap niya sa sigarilyong hawak niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit halos mamatay na siya sa gulat. Basang-basa ako nang iniluwa ako ng pintuan pagkabukas niya rito. Tumingin ulit siya sa loob ng bahay, para siguro silipin iyong mga kasama niya. "Hoy, mga tubol, may bisita tayo!" Nakarinig ako ng yabag ng mga paa, na hula ko ay galing sa mga kasama niya sa bahay. At heto na nga sila, lahat nakatingin sa akin na parang nagtatanong kung bakit ako basang-basa habang nasa pintuan nila. "Puwedeng papasukin niyo muna ako?" sarkastikong tanong ko habang nakayakap sa sarili ko dahil sa matinding lamig. Nang maalala ko kung ano iyong isa sa mga pakay ko, tinignan ko iyong jacket na nasa braso ko saka ko iyon inilahad kay Travis. Nilapitan niya ako't kinuha iyong jacket sabay hawak ng mahigpit sa pulso ko gamit iyong free hand niya. Pakiramdam ko tuloy, mababalian ako ng buto dahil sa higpit ng hawak niya. "Halika nga!" Hinila niya ako, ignoring the fact na basang-basa ako at tumutulo sa sahig iyong tubig na dala ng pajama at damit ko. Dinala niya ako sa pinakadulo ng bahay, kung saan nakatayo ang cr, saka niya ako ipinasok ruon. "Hindi ka ba nag-iingat?!" pabalang na tanong niya kaya nakatikim siya ng kotong sa akin. "Aray!" "Huwag mo akong sigawan. Mas matanda ako sa iyo." "Isang taon lang ang tanda mo sa akin, huwag kang ano!" Napatingin siya sa dibdib ko sabay iwas ng tingin. "Sa susunod, huwag kang susugod rito ng ganiyan ang itsura mo dahil manyak ang mga kasama ko." Kinapa niya iyong doorknob ng hindi nakatingin at nang mahawakan niya na ito, hinila niya ito at pabagsak na isinara ang pinto. Napailing na lang ako dahil sa katotohanang hindi na siya magiging kasing bait ng mga kapatid niya. Napakalabo. At saktong pagkaharap ko sa salamin ng banyo, natigilan ako dahil sa nakita ko. Bukod sa mukha akong binombet ng isang daang elepante, bakat na bakat pa ang bra kong kulay itim sa damit kong puti. "Pakshet..." pabulong na nasabi ko. Kaya pala namumula siya. Nabalik ako sa katinuan nang may kumatok sa pintuan. "Daniella," pagtawag sa akin mula sa labas. At alam ko na iyong vocalist nila ang nasa labas ng pintuan ngayon. "Oh?" "Nakahubad ka na ba?" Nang marinig ko iyong tanong niya, nagsalubong ang kilay ko at napamura ako ng mahina. I was about to curse him pero natigilan ako dahil nagsalita kaagad siya. "Kung hindi pa, buksan mo muna itong pintuan kasi dala ko iyong mga gamit ni Trav na gagamitin mo." Napabuntong hininga ako. Akala ko pa naman kung ano na. "Hindi pa. Teka lang." Bubuksan ko na dapat iyong pinto pero bago iyon, tinakpan ko muna ang dibdib ko gamit ang isang braso ko at nang masigurado ko na hindi na ako makikitaan, binuksan ko na ito. Tumalikod kaagad ako nang mabuksan ko na iyong pinto saka ko iniyakap sa dibdib ko iyong isa ko pang braso. "Pakisabit na lang tapos lumabas ka na." "O-Okay." Ngayon ko napatunayan na kawawa pala talaga ako kasi kahit kaibigan, bukod kina Dane, Gabriel at Chrissy, wala ako. Kung mayroon lang akong kaibigang babae, sa kaniya sana ako pumunta ngayon. Pero dahil nga mataas ang pride ko, sa taong pinakahuling tutulong sa akin ang bagsak ko. Ang galing ko naman kasing magtulak ng tao palayo sa akin. Ako tuloy itong namomroblema ngayon. Ayoko namang pag-alalahanin sina Dane kaya bahala nang ang magkakabanda ang sumakit ang ulo dahil sa akin. Nang matapos akong maligo, kinuha ko iyong nag-iisang towel na nakasampay sa sampayan. Ginamit ko iyon pangtuyo sa katawan at buhok ko saka ko isinuot iyong mga damit na nakasampay rin. Wala namang ibang nakasampay bukod sa towel kanina at iyong damit at jogging pants na isinuot ko so I guess iyon iyong ipinasok kanina ni vocalist. At, wala akong suot na panty dahil nabasa nga ako, hindi ba? Ang uncomfortable tuloy. "Paano iyan..." Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago ko napagpasyahang tawagin si Travis para manghiram ng boxer. Alangan naman sa mga kabanda niya, hindi ba? "Travis!" Nakarinig ako ng yabag ng mga paa na parang tumatakbo mula sa labas at halos wala pa yatang limang segundo nang pinaulanan ng katok iyong pintuan ng banyo. "Ella!" Pinaulanan niya ulit ng katok kaya nagsalubong iyong kilay ko dahil sa pagtataka. "Ella, anong nangyayari sa iyo?!" "Anong nangyari?" Narinig kong tanong ng isa pang boses, na sa tingin ko kay vocalist nanggaling. "Ewan ko." sabay na sagot nina AJ at Kevin. Binuksan ko iyong pintuan saka ko siya hinila papasok para tumigil. "Ang oa mo. Para kang tanga." "Eh, bakit ka sumigaw?" "Pahiram ng boxer pati sando." Nagsalubong iang mga kilay niya, dahil siguro sa pagtataka. "Wala akong..." Inilapit ko iyong mukha ko sa tenga niya pero lumayo siya kaya lumapit ulit ako. At sa wakas, napatigil na siya dahil nakasandal na siya ngayon sa pader. "Wala akong magagamit na pangloob kasi nabasa dahil sa ulan." Inilayo ko na iyong mukha ko, and I swear, para siyang tanga kasi parang pinigilan niya iyong paghinga niya. Ilang segundo rin akong nakatingin sa kaniya hanggang sa natauhan na siya. Tumayo siya ng tuwid saka lumabas ng cr. Nagkatinginan kami ng mga kabanda niya dahil sa pagtataka sa inakto niya. Seriously, ang weird niya. Hindi rin naman nagtagal nang bumalik siya na may bitbit na sando at boxer short, na Angry Birds pa ang design. Kinuha ko naman ang mga ito at nagpasalamat. "Labas." utos niya sa tatlong nakasilip pa rin sa pintuan. Nang hindi natinag ang mga ito, siya na ang kusang nagtulak sa mga ito paalis saka nito isinara iyong pintuan. Isinampay ko iyong ipinahiram niya sa aking boxer at sando saka ko inilock iyong pintuan dahil nakalimutan niyang ilock. Hinubad ko iyong jogging pants at tshirt saka ko isinampay tapos kinuha ko ulit iyong boxer at sando para maisuot. Nang maisuot ko na ang mga dapat isuot, lumabas na ako ng banyo't pinabayaan ko na lang iyong loose shirt at pajama ko na nakasampay para matuyo pero siyempre, dala ko iyong bra at panty ko. Alangan naman na iwanan ko lang na nakalambitin ang mga iyon sa loob ng banyo. Malay ko ba kung anong gawin ko ng mga lalake sa bahay na ito sa mga pangloob ko. Knowing guys? Disgusting. Itinago ko na muna sa nakita kong lata sa ilalim ng lamesa ang mga gamit ko tapos dinala ko iyon sa ilalim ng lababo since may parang cabinet something naman ruon. Nakakadiri man dahil puro ipis ang nakita ko ruon at sobrang baho pa, hinayaan ko na lang tutal may takip naman iyong lata at isa pa, mas mabuti nang maitago ko sa kadiring lugar ang mga iyon kaysa naman mapunta pa sa kadiring mga kamay. "Kain ka, babes." ani AJ pagkaupo ko sa harap ng lamesa. Inilapag niya iyong cup noodles sa harap ko saka tumabi sa akin. Kumuha siya ng kutsara sa lagayan ng mga kutsara at tinidor, na nakapatong lang sa lamesa tapos inilahad niya iyon sa akin habang nakangiti. Kinuha ko iyon saka ko siya tinanguan. "Salamat." Bigla kong naisip si Dane dahil sa sitwasyon ko. Kasi kung katulad ko si Dane na masyadong conscious, malamang hindi ako makakain ng maayos dahil lahat sila, nakatingin ngayon sa akin. Parang bawat pagsubo ko ng kutsara, kaabang-abang at kapag may nalagpasan, magmumukmok sila dahil hindi nila nakita. Seriously. Imagine, maliit na pasquare iyong table. Pang-apatan lang talaga. Ang arrangement pa, si AJ, nasa right side ko. Si Travis, nasa harap. Si Kevin, nasa left side. Tapos si vocalist, na hanggang ngayon ay hindi ko pa naitatanong ang pangalan, nasa likod ni Travis, para siguro mas maayos iyong view niya sa panunuod sa akin habang kumakain. Good thing at sanay na ako sa atensyon. "Pagkatapos niyan, ihahatid na kita-" Hindi ko pinatapos si Travis sa pagsasalita dahil sinapawan ko kaagad siya. "Dito ako matutulog." "Ano?! Baliw ka ba?!" Hindi ko pinansin iyong pagsigaw niya saka ko itinuon iyong atensyon ko sa lalake sa likuran niya, si vocalist. "Hoy, vocalist." Itinuro nito ang sarili at tignan ako na parang manghang-mangha ito na tinawag ko itong vocalist. Tumango ako saka ko hinipan iyong sabaw na nakalagay sa kutsara. "Ano ngang pangalan mo?" Ibinaba niya iyong kamay niyang ipinangturo niya sa sarili niya saka ako tinignan habang salubong ang kilay. "Lagi kang nasa ilog, hindi ba? Bakit hindi mo pa rin ako kilala?" "Hindi naman kasi ako interesado sa iyo." balewalang sagot ko saka ko hinigop iyong sabaw sa kutsara. "Ooohh." sabay na pang-asar nina AJ at Kevin sa kaniya kaya nakatikim ang mga ito ng hampas sa ulo. "Daryl." Nagkibit-balikat ako saka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko. At talagang hinintay nila ako matapos dahil naubos na lang ang pagkain ko, pinanunuod pa rin nila ako. Nakakaloko. Matapos kong inumin ang tubig na ibinigay sa akin ni AJ, iniwan ko sila sa lamesa at naglakad papunta sa nakita kong pintuan kanina, na alam kong kwarto nila dahil sa buong bahay na ito, tatlong pintuan lang ang nakita ko; iyong sa cr, pintuan ng bahay pati na rin iyong hindi ko pa nabubuksan. At tama nga ako, nang buksan ko iyon bumulaga sa akin ang double deck na kama. I've always wanted to experience sleeping on top of that kind of bed kaya naman dali-dali akong umakyat ruon since medyo tuyo naman na ang buhok ko saka ko ibinalot sa katawan ko iyong kumot. I'm not sure though kung si Travis ang nakapuwesto rito dahil kaamoy ng pabango niya ang unan. "What the?!" narinig kong sigaw ni Travis. At para ipaalam na gusto ko nang matulog, tinalikuran ko siya at humarap ako sa pader. "Tang ina, ano bang trip mo, ha?!" Narinig ko ang yabag ng mga paa niya na papalapit sa akin pati na rin ang pagtunog ng bakal na hagdan para makaakyat sa hinihigaan ko. Napamulat ako nang tinanggal niya iyong kumot na bumabalot sa akin saka niya hinila ang mga kamay ko para mapaupo ako. "Tara na!" Hinila niya ulit ako pero hinila ko ulit iyong mga kamay ko saka ko ibinaksak iyong katawan ko sa kama. "Ayokoooo. Inaantok na ako kaya please lang-" "Ihahatid na nga kita!" "Travis, shut up kung ayaw mong mahalikan! Sinasabi ko sa iyo, pumapatol ako sa bata!" "Fine." He said through gritted teeth saka niya ako itinulak paurong tapos nahiga siya kahit na siksik na siksik na ako sa gilid. "Ayaw mong umuwi? Bahala kang mahirapan diyan." Tinalikuran niya ako't kinuha iyong kumot gamit iyong paa niya saka iyon ikinumot hanggang sa leeg niya. I tried pushing him pero hindi talaga siya nagpatinag kaya ako rin ang kusang sumuko. Kinuha ko iyong excess ng kumot na gamit niya saka ko iyon itinalukbong. Hindi ko maiwasang amuy-amuyin iyong likod niya, iyong damit niya. Ang bango kasi talaga. Pakiramdam ko pa, niyayakap niya ako kasi mga gamit niya ang suot ko. Hello naman kasi, paanong hindi ko mararamdaman ito kung amoy na amoy ko ang pabango niya sa mga suot ko – iyong jogging pants, boxer, tshirt at sando, sa kaniya lahat galing. At isa pa, iyong pabango niya, hindi niya pinalitan. Namiss ko tuloy bigla iyong elementary days namin. Palagi ko kasi siyang inaamoy tapos todo puri pa ako kasi ang bango, bango ng pabango niya-- panglalakeng-panglalake. "Sa ibaba ka na lang, Travis." pabulong na pakiusap ko habang nakaharap sa likod niya. "Ayoko." "Sige na." "Hindi puwede." Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa isinagot niya. Paanong hindi puwede? "At bakit?" "Lalake kaming lahat rito. Ikaw lang ang nag-iisang babae. Kung may dapat kang pagkatiwalaan rito, ako iyon dahil ako, hindi kita gagalawin." I sighed in defeat saka ko hinawakan ang likod ng damit niya saka ko ibinaon ang mukha ko ruon. I felt him stiffen as I do that pero hindi ko na lang pinansin at nagpatangay na lang sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD