-Daniella
I’m bored.
It’s raining. Dane’s absent. My entertainer is nowhere to be found. People keep on praising and talking to me kahit na nakaearphones ako. Don’t they have any lives? Why can’t they just stop pestering me and go kill their selves? If they can’t, I’ll be glad to do it for them.
But Dane said killing is bad so yeah. Thou shall not kill, Daniella.
At dahil super bored na ako, dumiretso ako sa cafeteria para kumain. Pero dahil marami talagang gumagalit sa akin ngayon, pumwesto ako sa harap ng cashier pagkataboy ko sa dalawang babaeng nakapila. Gusto nila ng ganito, eh. Okay, ako ang mauunang bibili.
“Hey, ano ba?!” reklamo nuong babaeng nakapony tail na itinaboy ko pero hindi ko siya pinansin dahil ang atensyon ko, nasa mga estudyanteng nagkukumpulan ngayon sa harapan ko. I noticed that some of them are familiar at nang magsink in sa akin kung saan ko sila nakita, nainis lalo ako.
Talagang sinundan pa nila ako. Hindi ko na nga sila pinansin kanina, eh.
“Do you guys know that all of you are a grade A pain my ass?” Inirapan ko sila saka ako humarap sa cashier, na halatang nainis sa akin. “c***a Chups.” Dumukot ako ng pera sa wallet ko saka ko iyon ibinigay sa kaniya. Pagkakuha ko sa sukli at binili ko, nilagpasan ko na iyong mga estudyanteng nagkukumpulan. I even heard some negative comments na patungkol sa akin pero binalewala ko na lang. Ano ba ang mapapala ko kung pag-aaksayahan ko ng oras ang mga iyon, hindi ba?
I wandered around the campus since wala naman kaming prof ngayon at mamaya, vacant na. Three hours of doing nothing tapos wala pa iyong best friend ko. Augh, kill me now.
Nang maubos iyong lollipop ko, tignan ko iyong stick nuon habang naglalakad. And as always, tinitigan ko ulit iyong maliit na butas nito dahil hindi ko alam kung para saan ito. Dati ko pa talaga iniisip kung para saan iyon and I haven’t come up with an answer up to now.
Maybe it’s a gateway to Narnia.
Napangisi ako dahil sa naisip ko pero nabura kaagad iyon nang may humawak sa magkabilang balikat ko, na siyang dahilan kung bakit ako napahinto, saka ako isinandal sa pader at ikinulong sa magkabilang braso niya. And when I looked up, nakita ko kung sino ang taong humawak sa akin. It’s a guy, obviously a varsity player dahil sa suot nitong jersey ng university namin.
Pero kilala ko siya, only by his face.
Itatanong ko sana kung anong problema niya pero bigla niya akong hinalikan. Itinikom ko iyong bibig ko para kung sakali man na ipasok niya iyong dila niya, hindi niya magagawa. At habang nagpapakasasa siya sa mga labi ko, hindi ko ipinahalatang dinukot ko iyong ballpen na nakasabit sa necktie ko. Nang idikit ko ang tulis nuon sa leeg niya, napatigil siya.
“Tapos ka na?” Nanglaki ang mga mata niya pagkadiin ko ng bahagya ng ballpen sa leeg niya saka siya umatras. Humakbang ako paabante saka ko siya tinignan sa mga mata. “Nagpapakamatay ka ba?”
“S-Sorry!” Umatras ulit siya, at bakas sa mukha niya ang kaba. Nang mapansin ko na plano niyang tumakbo, iniharang ko na kaagad ang isang paa ko sa paa niya kaya nang humakbang siya, bumagsak siya. Akmang babangon na siya kaya ipinatong ko kaagad iyong heel ko sa likod niya saka ko iyon idiniin. “Aray!” Iniangat niya iyong tingin niya kaya tinignan ko rin iyong direksyon kung saan siya nakatingin. May mga estudyante na palang nanunuod pero may isang estudyante ang nahagip ng paningin ko.
Tumatakbo ito palayo.
“Oooohhh.” nasabi ko nang makilala ko kung sino iyong tumatakbong estudyante. Kahit nakatalikod, kilalang kilala ko ito. I think I know what’s going on. This isn’t the first time na nangyari ang ganito, except, the first one, there was no kissing involved, talagang yakap lang. Same old trick. But still, that show cost me my puppet. Umiling ako saka ko itinuon ang atensyon ko kay varsity dude, na pilit tumatayo pero dahil sa mabigat na pagtapak ko sa likod, hindi niya magawa. Wimp. Naturingang varsity player, inaapak apakan lang ng five seven na babae. “Next time, kung gagawa kayo ng kalokohan ng syota mo, huwag niyo akong idamay. Nakakadiri kayo.” Dinuraan ko siya dahil hinalikan niya ako kanina tapos inialis ko na ang pagkakatapak ko sa likod niya saka ko iniayos iyong pagkakasabit ng bag sa balikat ko. Tinalikuran ko na ito saka ako naglakad paakyat para makapunta sa library.
Isinuot ko ang hood ng jacket ni Travis, na suot suot ko simula kagabi pa then wore my faux glasses, the black one, the one that Dane bought for me kasi alam niyang mahilig ako magsuot ng glasses na walang grado. Ewan ko pero kapag namimiss ko siya, isusuot ko lang ito tapos okay na ako kasi pakiramdam ko, nasa tabi ko siya. Siguro kasi sa kaniya galing ito? I don’t know. Plus, I really need him right now kasi lahat ng tao ngayon, pinepeste ako. And also, he’s one of the very few people that calm me easily.
And wow. Gamit ko pala ang mga gamit ng magkapatid ngayon. Well, technically, sa akin naman na itong glasses so yeah, iyong kay Travis lang ang suot kong hindi ko pagmamay-ari.
The moment I stepped inside the library, the students' attention flew to my direction, to me. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at naglog na lang sa logbook ng librarian. After that, dumiretso na ako sa shelves ng mga libro para hanapin iyong gagamitin ko para sa research paper na ipapasa na namin bukas. Good thing naman at isang topic lang ang ibigay ng prof namin kasi kung nagkataong iba ibang topic per person, baka hindi ko maigawa si Dane kasi siyempre, ibang topic ang ibibigay sa kaniya. He’s my best friend kaya gusto ko siyang igawa dahil absent siya ngayon.
Habang nagsscan ng libro sa shelf, nagvibrate ang cell phone ko so I fished it out of my skirt. Someone, obviously a dummy account, sent something to me through Messenger. It was only a picture of my toy being played by a female dog so I ignored it.
Mamarkahan ko nga mamaya sa bahay iyong calendar na nakasabit sa wall ko. And I’ll name this day Go And Kiss Someone Attractive Day.
Nang matapos ang last class ko, dumiretso na ako sa parking lot habang pilit na itinatago ang bag ko sa ilalim ng jacket para hindi mabasa ng ulan. May usapan kasi kami ni Gian na after ng last class ko, aalis na kami. He welcomed me with a kiss on the cheek saka niya ako pinapasok sa front seat ng sasakyan niya.
“Nervous?” tanong niya habang nagdadrive.
“Yeah, kind of.”
Hinawakan niya iyong kamay ko saka iyon pinisil. “Don’t be. I’m sure na magugustuhan ka nina Mommy. Just look at you.” Tinapunan niya ako ng tingin habang nakangiti. Kinikilig na naman ito dahil kanina pa panay ang ngiti nito sa akin.
“Eyes on the road.” Iniwas ko iyong tingin ko nang tumingin na siya sa daanan.
“As I was saying, maganda ka – plus the fact na ikaw iyong kauna-unahang babae na ipapakilala ko sa kanila as my girlfriend. Siguro nga, ikaw na rin ang last. Kasi alam mo, sigurado na ako sa iyo. Nasa iyo na lahat ng hinahanap ko sa isang babae so bakit pa ako maghahanap ng iba, hindi ba?”
I wanted to laugh kasi sobrang corny niya pero pinigilan ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ako sa kaniya, sa mga sinabi niya. He’s a manwhore, I know. Kaya hindi maialis sa sistema ko iyong doubt. Imposible naman kasi na ako pa lang ang ipinakikilala niya sa mga magulang niya. I mean, hello. Since day one nang magcollege ako, usap-usapan na kung gaano siya kababaero. And not just that. Ikinakama niya pa ang mga nagiging babae niya. And guess where those gossips came from? Sa mga babae na halatang naikama niya na. Almost half of the girls on our school, mukhang natikman na siya.
I know the fact na masasaktan siya kasi hindi siya pinaniniwalaan ng girlfriend niya. Pero ano bang magagawa ko? Kilalang-kilala ko na siya tapos iyong mga ebidensiya kung gaano siya kababaero, it’s swarming like bees in front of me, na parang sinasabi na ang tanga ko na lang kung hindi pa ako maniwala sa mga ebidensiya. Hindi niya man alam pero marami na akong alam sa kaniya.
“Yeah, right.” matawa tawang sinabi ko.
“You don’t believe me, do you?” I shrugged. Nahagip ng paningin ko ang paglingon niya saglit sa akin saka siya tumawa. “Wala na akong magagawa pero alam mo, totoo iyong mga sinabi ko. Oo nga pala, I have something for you.” Nang dahil sa sinabi niya, napalingon ako sa kaniya. “Nasa kwarto ko pa, eh. But first, ibibigay mo muna sa akin ang gift mo bago ko ibigay sa iyo iyon.” Binitawan niya iyong kamay ko saka niya ipinangsuklay sa buhok niya iyong kamay na ipinanghawak niya sa kamay ko kanina, while the other one is one the steering wheel. “I can’t wait for our first kiss to happen.” Tinignan niya ako saka ngumiti pagkatigil niya sa kotse, na sa tingin ko ay nagred light kaya niya ginawa. “Mamaya na kita igigreet para masaya.”
Nag-usap lang kami ng kung ano ano habang nasa biyahe. And he even sensed na masaya ako kaya panay ang ngiti niya. Sa isang buwan naming magkarelasyon, ngayon niya lang kasi nakita na panay ang ngiti ko. Masaya lang ako kasi I have something big for him and his family, and I’m sure na magiging memorable itong araw na ito.
Nang makarating kami sa bahay niya, nauna siyang bumaba sa kotse para pagbuksan ako pinto. And he did. Hawak-kamay kaming pumasok sa bahay niya, na gusto ko rin magkaroon dahil sa laki, at sobrang laki pa ng ngiti niya kaya nawirdohan yata sa kaniya iyong katulong na nagbukas ng gate nang makita siya.
Halatang masyado siyang masaya sa nangyayari ngayon dahil sa wakas, matutupad na ang inuungot niya sa akin ipakilala ako sa mga magulang niya.
“Nasaan na sila?” tanong ko pagkapunta namin sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko kasi namataan ang parents niya. Kumuha siya ng dalawang baso saka iyon sinalinan ng tubig na galing sa ref tapos ibinigay niya sa akin iyong isa, which I gladly accepted dahil nauuhaw na rin ako.
Tinignan niya iyong wristwatch niya habang umiinom. Nang maubos na ang nasa baso niya, inilapag niya iyon sa counter saka ako tinignan. “5:30 pa lang at usually, ang uwi nila ay 6 o'clock.” Nang maubos na iyong tubig sa hawak kong baso, inilapag ko na rin iyon sa counter. At saktong pagkalapag ko nito, hinawakan niya iyong kamay ko saka ako hinila hanggang sa makaakyat kami sa kwarto niya. Nang makapasok kami, isinara niya iyong pintuan saka siya pumasok sa walk-in closet niya. Pagkalabas niya, may hawak na siyang malaking teddy bear na may yakap na heart kung saan nakasulat ang mga katagang Happy First Monthsary, isang stem ng rose at isang box na maliit.
And I guess, necklace ang nakalagay ruon.
“Ano iyan?” Stupid question, I know but I wanted to play dumb for now. Well, it’s cute and he loves dumb girls.
“Gifts ko sa iyo.” nakangiting sagot niya pagkalapit niya sa akin tapos inilayo niya iyong mga iyon sa akin. “But first, nasaan na iyong promised gift mong kiss sa akin?” Natawa ako ng mahina habang nailing. Hindi niya talaga ako tatantanan hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. “C’mon, Dan. Don’t keep me waiting. Excited na ako sa first kiss natin.”
Okay, fine. I’ll give him my thank you gift.
Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya saka ko siya hinalikan sa pisngi. “There.” Sinamaan niya ako ng tingin saka hinawi ang buhok ko kaya natawa ako. Para siyang tanga. Alam niya namang alam ko ang ibig niyang sabihin, sasamaan niya pa ako ng tingin. I closed the gap between us and kissed him. The moment my lips brushed on his, binitawan niya iyong mga hawak niya saka niya ako niyakap.
“Happy first monthsary, Dan.” he said between our kisses.
I just found myself lying on the bed, making out with my sneaky boyfriend. He was hovering on top of me and one of his hands started roaming from my thigh, to my stomach, up to my waist. Pero bago pa niya mahawakan ang dibdib ko, pinigilan ko na siya sa pamamagitan ng pagtulak.
I wouldn’t go that far.
“Nanduon na, eh.” reklamo niya pagkaupo niya sa dulo ng kama. Umupo na rin ako saka ko iniayos iyong uniform ko. Tumayo siya’t hinawakan ako sa magkabilang kamay tapos hinila niya ako patayo saka niyakap. “Thank you sa gift mo.” He gave me a peck on the lips saka siya ngumisi. “Kahit na binasag mo, it was still awesome because it was our first kiss.”
“Tara na,” Kumalas ako sa yakap at akmang lalakad na para lumabas nang pinigilan niya ako. “Bakit?”
Binitawan niya iyong pagkakahawak sa braso ko saka siya humalukipkip. “Iyong mga gift ko sa iyo? Hindi mo pa ba dadalahin?”
“Kakausapin pa natin parents mo, hindi ba?” Tumango siya. “It’s better kung iiwan ko muna riyan. Babalik na lang ako rito sa kwarto mo para kuhanin iyang mga iyan mamaya.”
“Plano mo pa talagang bumalik dito, ha? Why? Itutuloy ba natin iyong pinutol mo kanina?” pang-aasar niya habang tinataas baba iyong mga kilay niya.
“Who knows?” Tinalikuran ko siya. “Baka matuloy. God knows baka hindi lang make-out ang mangyari mamaya.” Napangisi ako dahil sa mga eksena na posibleng mangyari mamaya saka ako naglakad palabas ng kwarto.
“Yes!” narinig kong sigaw niya pagkasara ko ng pinto ng kwarto niya.
One word to describe him: manyak.
Hindi rin naman nagtagal nang dumating ang oras na pare-parehas na kaming nakaupo paikot sa lamesa sa kusina. His parents welcomed me with open arms, yet I can sense that something is off. Yeah, visible iyong ngiti nila pero hindi iyon umabot sa mga mata nila.
They don’t like me for their son, that, I know. I’m not assuming because I know that fact. Ramdam na ramdam ko, eh.
Why don’t they just tell me that they don’t like me? Kailangan pa ba naming magplastikan rito? Kailangan pa ba nila akong plastikin for the sake of their son’s happiness? No wonder naging babaero si Gian dahil ang lakas ng pakiramdam ko na hindi siya pinalaki ng tama, na hinayaan lang siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin. God.
Baka nga iniisip nitong mga ito na isa lang ako sa mga babae ng boyfriend ko, na tulad ng mga babae nito, pinulot lang rin ako para gawing parausan, na isa lang ako sa mga ikinakama ng anak nila kaya ganuon na lang kung makatapon sila ng tinging hindi maintindihan sa akin.
Okay, Daniella, keep your cool. Don’t let them know that your feelings are mutual. You have to make this day memorable for your boyfriend.
“You’re really beautiful, Daniella.” narinig kong sinabi ng mama niya pagkalapag ng katulong ng pagkain sa harap nito.
If I know, gusto niyang itanong kung magkano na nahito ko sa anak nila.
Ngumiti ako ng bahagya pagkatingin ko sa kaniya pero tulad ng ngiting itinapon niya sa akin, hindi umabot sa mga mata ang ngiti ko. “Thank you po, Tita.”
“Sabi ko naman sa iyo, mama ang itawag mo sa akin dahil girlfriend ka naman ng anak ko.”
If I know ulit, ayaw mo kahit tita ang itawag ko sa iyo.
Hiniwa ko iyong steak gamit ang maliit na kutsilyo na para dito saka ko iyon isinubo. “Sure po.” sagot ko pagkalunok ko sa stake matapos ko itong nguyain.
I can play your game, guys. Gustong-gusto ko sabihin sa kanila pero minabuti ko na lang na huwag. I have something in store for them.
“Gian,” pagkuha ng atensyon ng papa niya sa kaniya kaya napatingin siya rito, pati na ako. At saktong pagkatingin ko rito, nahuli ko na tinapunan niya ako ng tingin bago niya itinuon ulit iyong atensyon sa anak niya. “Paano na si-”
“Dad,” pagpuputol ni Gian sa papa niya, na parang pinatitigil ito sa pagsasalita dahil sa madiin na pagtawag niya rito.
“Oo nga. Paano na siya?” Isa pang tanong ng mama niya.
“Dad, Mommy, ano ba kayo?” reklamo niya. “My girlfriend’s in front of us. Bakit ganiyan kayo?”
“We were just asking.” sagot naman ng papa niya. “At isa pa, engaged ka na sa kaniya, hindi ba? Ikakasal na nga kayo next year after ng graduation mo.”
“I already told you a month ago to pull off the engagement dahil may girlfriend ako at wala akong balak pakasalan iyong babaeng iyon!” iritableng sinabi niya saka binitawan ang hawak niyang kutsara at tinidor. “Ang bata ko pa para ipakasal just for the sake of your company for Pete’s sake!”
“Tama na iyan.” suway ng mama niya sa kanila saka ako nito tinapunan ng tingin. “So, Daniella.” Tinignan ko lang ito kaya naisip siguro nitong hindi ako sasagot. Tumikhin ito habang hinihiwa iyong steak na nasa plato nito. “What do you do?”
Bastusan pala ang gusto ng mga ito, eh.
“I eat, sleep, pick my nose, dance in my room, sing, walk, take a bath, piss a lot of people off, mostly I just breathe but basically, I do a lot of things.” I answered dryly then continued eating.
Napatigil silang tatlo kaya napangisi ako at gusto kong matawa nang mabitawan ng mama ni Gian iyong mga hawak nitong utensils. Bakas na bakas sa mga pagmumukha nila ang gulat dahil sa sagot ko. Nang bumagsak ang mga iyon sa plato nito, natauhan sila at napaubo ng sabay sina mama at papa.
“I-I see.” She cleared her throat saka umupo ng tuwid at kinuha iyong kutsara at tinidor niya.
“Daniella, how about your parents? What do they own-”
Hindi natapos ni papa ang sinasabi niya dahil bumuntong hininga ako na sobrang exaggerated sa sobrang lakas to emphasize na naiirita ako. At saka, nairita talaga ako, seryoso. Alam ko na iyang mga ganiyang tanong, eh. Diyan mauuwi ang lahat. Ilang beses ko na bang narinig iyan sa mga magulang ng mga naging boyfriend ko? Magkano ang income ng pamilya mo wata wata. Lahat na lang, nauuwi sa usapang income, eh, wala ngang income ang mga magulang ko dahil sina Kuya Carlo at Carla lang ang nagtatrabaho para sa amin. “Can you guys please stop talking? Can’t you see na kumakain ako?” sinabi ko habang nakataas iyong kutsilyo na panghiwa sa steak. Umiling ako saka ko itinuloy iyong pagkain ko.
Kapag ako talaga nainis, hindi ako magdadalawang isip na saksakin itong mga ito, eh.
“Excuse me,” narinig kong sinabi ni Gian. I was about to put the chunk of meat into my mouth when he suddenly grabbed me by the arm kaya napatigil ako’t napatingin sa kaniya. “Let’s talk.” madiin na pagkakasabi niya saka niya ako hinila patayo sabay kaladkad sa akin hanggang sa makaakyat kami sa kwarto niya. Isinara niya iyong pintuan nang makapasok na kami saka ako tinapunan ng nagtatanong na tingin. “What was that, Dan? A-Anong nangyari?”
“What?” I looked at him and plastered the most innocent expression I could pull. “Sila ang nauna.”
“Hindi mo dapat ginawa iyon!” frustrated na sinabi niya saka siya napasabunot sa sarili niya.
“So hahayaan mo na lang na bastusin nila ako sa harap mo, ganuon?” Umiling ako saka ako tumawa ng mahina. “Kasi ako, hindi ako iyong tipo ng tao na hinahayaang bastos-bastusin lang ng kung sino-sino.”
“Pero, Dan, parents ko iyon.” he reasoned out.
“I know.” nakangiting sagot ko saka ko dinukot sa bulsa ko ang cell phone ko. Mukhang mas nainis siya sa akin dahil hindi ko na siya pinansin at pinagkaabalahan ko na lang ang cell phone ko pero hinayaan ko na lang. Nang mabuksan ko na iyong picture na isinend sa akin kanina, ipinakita ko sa kaniya iyon at halos mawalan ng kulay ang mukha niya dahil sa nakita. “Tulad ng babaeng kahalikan mo, nakakadiri ka. Si Shaina pa talaga?” matawa-tawang tanong ko. “And guess who sent this picture to me.” Akmang lalapitan niya ako pero pinatigil ko siya by raising my hand. “Tadaaa. It was your fiancé, Cassandra. That girl is a two-faced b***h and she’s also obsessed with you.”
“P-Paanong…”
Tinignan ko iyong picture habang nailing. “Mukhang kanina lang ito pinicture-an sa rooftop ng campus dahil iyong damit at pants na suot mo rito,” Tinignan ko siya saka ko itinago iyong cell phone sa bulsa ko. “Ay ang mga suot mo rin ngayon.”
“Dan, I can explain.” pakiusap niya saya lumuhod sa harap ko.
“Explain what?” matawa-tawang tanong ko. He was about to answer me pero tinakpan ko iyong bibig niya. “Na babaero ka?” Nanglaki ang mga mata niya kaya napangisi ako. “Na almost all of the girls on our school, naikama mo na?”
Tinanggal niya iyong pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya saka ibinaon sa iyong mukha niya sa tiyan ko. “Dan,” he said, pleading.
“No wonder may s*x video kayo ng fiancé mo.” At dahil sa sinabi ko, napatingala siya para tignan ako. At tulad kanina, bakas ang gulat sa mukha niya. “Huwag ka na magtaka kung paano ko nalaman. Let’s just say na siya ang nagpakita sa akin nuon nang malaman niyang girlfriend mo ako, as a proof daw na fiancé ka niya at may nangyayaring kababalaghan sa iniyo bago pa man maging tayo. And you know why she did that? Kasi, obsessed siya sa iyo. Kasi, pinalalayo niya ako sa iyo. Kasi, sa kaniya ka raw. Kasi, fiancé ka raw niya. Kasi, wala raw may karapatan sa katawan mo kung hindi siya lang. Kasi, siya raw ang mahal mo.”
“D-Dan, please, let me explain. That was before. Nagbago na ako-”
“Alam mo, ayoko ng drama kaya ayoko na.” Tinanggal ko iyong pagkakayakap niya sa bewang ko pero ibinalik niya rin ulit. At dahil sa binigla niya ako, napaupo ako sa kama. “Tama na.”
“Hindi ko siya minahal. You’re the first girl that I have ever loved. Ikaw iyong mahal ko-” Sinubukan kong tanggalin iyong pagkakayakap at pagkakabaon ng mukha niya sa mga hita ko pero hindi ko kinaya dahil mas hinihigpitan niya pa habang umiiling, telling me na ayaw niyang bumitaw. “Why are you doing this?”
“Kasi kailangan kita.” malamig na pagkakasabi ko, na siyang dahilan kaya napaangat ang tingin niya sa akin. “Kasi kailangan kitang gamitin dahil alam ko na gamit iyong status mo sa school, may possibility na makuha ko siya.”
“A-Ano?”
Bumuntong hininga ako’t umiling tapos tinanggal ko iyong pagkakayakap niya sa akin saka ako tumayo. Good thing naman at hindi niya na hinigpitan. Nagulat siguro dahil sa sinabi ko. “Akala ko, makukuha ko iyong taong gusto ko sa pamamagitan ng pagiging girlfriend mo, sa pagiging girlfriend ni Gian, sa pagiging girlfriend ng The great Gian Laurea. Pero alam mo? Mali ako.” Naglakad ako palapit sa upuan sa harap ng study table niya saka ko iyon inupuan, leaving him kneeling beside his bed. “Tulad ka rin ng mga ginamit ko noon; mga wala kayong silbi dahil kahit anong gawin niyong kasweetan sa akin sa harap niya, hindi pa rin siya nagseselos.”
“Dan, please stop.” pakiusap niya habang nagtataas baba ang magkabilang balikat.
He’s crying? God.
“Cut the crap, Gian. Ayaw mo nuon? At least madadagdagan lalo ang popularity mo kasi hiwalay na tayo. Iyon naman talaga ang habol mo sa akin, hindi ba? Kaya mo nga ako niligawan kasi alam mo na kapag ako ang niligawan mo, magiging usap usapan tayo kasi sikat ako-- and that’ll boost your popularity. All you care about is f**k girls like rag dolls and your popularity, am I right, Gian? Then again, huwag ka na mabigla kung alam ko ang mga gusto mo mangyari kasi halatang-halata kayo ng barkada mo, at narinig ko pa ang plano niyo. Hindi ba’t pinagpustahan niyo pa kung maikakama mo si Daniella Clemente bago mag-isang buwan tapos ano? You’ll dump The Daniella Clemente?” Tumawa ako saka tumayo para lumapit sa pintuan. “Ginamit mo ako, ginamit kita-- naggamitan tayo. Ang kaso, pareho tayong palpak dahil ako, hindi ko nakuha ang gusto ko at ikaw, minahal mo ako; minahal mo si Daniella Clemente.”
“Dan, huwag namang ganito.” pabulong na pakiusap niya saka niya ibinaon iyong mukha niya sa mga braso niya pagkapatong niya ng mga iyon sa kama. “Nasasaktan ako, eh.”
“Okay lang, hindi naman ako iyong nasasaktan.”
“Why are you so heartless?”
“If I’m heartless, hindi ako nagmamahal ngayon. Tandaan mo iyan, Gian.” I fished out my phone from my pocket and dialed his number. Nagring iyong cell phone niya na nakapatong sa drawer sa gilid ng kama, sa gilid niya. Hinintay ko na sagutin niya iyon pero ilang beses ko na siyang tinawagan, and as expected, hindi niya iyon sasagutin dahil sa nangyayari ngayon sa kaniya. After a few more attempts, I decided na itext sa kaniya ang sasabihin ko. After sending the message, nagsalita na ako dahil ilang minuto ko na siyang tinawagan kanina pero hindi niya sinasagot. “Tignan mo; baka importante iyan.”
Tumingala siya saka pinunasan ang pisngi niya gamit iyong likod ng kamay niya saka niya inabot iyong cell phone at tinignan iyong text. Tinignan niya ako, and he really look defeated dahil sa laman ng text. “Y-You’re breaking up with me? Through text? Dan, you can’t do that.”
“But I just did.”