2

3686 Words
-Daniella Tumango ako saka lumabas ng OSA. Nang makita ko sina Gian at Dane na naghihintay sa labas, napangiti ako kasi hinintay pa talaga ako. "Okay na." Nilapitan ko sila saka ko ginulo parehas ang buhok nila. "May two chances pa ako at kapag umabot na ako ng three, they have no choice but to kick me out." "And you still act like that kahit pinagalitan ka na dahil sa ginawa mo?" Umiling si Gian at bumuntong hininga saka ako inakbayan pero tinanggal ko iyon saka ako lumapit kay Dane. Tumingin muna siya sa akin, tapos sa nilapitan ko pero ibinalik niya rin ulit sa akin iyong tingin niya, na parang nagtatanong. Tumabi ako kay Dane saka ko ito inakbayan kahit pa nakatingkayad na ako dahil matangkad ito. "May project pa kami and we have to practice dahil kapag hindi kami nakapagpasa ng cover namin kay prof Lano by this week, quarto kami. Well, ako lang pala kasi wala namang problema si Daney sa music namin. Sadyang tutulungan niya lang talaga ako." Tinignan muna niya iyong braso ko na nakaakbay sa kaibigan ko saka itinapon ulit sa akin iyong atensyon niya. "So pupunta kayo sa music room?" Tumango ako. "Let's talk later, okay?" Once again, tumango ako. Humakbang siya palapit sa akin saka ako hinalikan sa pisngi nang hindi man lang nakangiti. "Balik na ako sa Annex." Tinalikuran niya na kami saka naglakad palayo at alam ko na naiinis na naman siya dahil sa selos. Oh, brother. Tinanggal ko iyong pagkakaakbay ko sa katabi ko saka tinignan iyong mga estudyanteng nakatingin sa akin habang nakatambay sa labas ng NSTP room. At bago pa man ako makapagsalita, hinawakan na nito ang braso ko kaya ngumiti ako't tinignan ito. "Bakit?" "I know what you're thinking. Tara na at baka magstrike two ka na sa OSA." Naglakad na siya habang hawak iyong braso ko kaya napasunod na lang ako sa kaniya. Nang makapasok kami sa music room, na hindi masyadong ginagamit, umupo ako sa harap ng piano tapos tumabi naman siya sa akin dahil siya ang tutugtog. "Anong kakantahin natin?" "Ikaw?" Tinanggal niya muna iyong cover ng keyboard saka ako tinignan. "Anong gusto... wait. I know a song but first, I'll ask you something obvious just to make sure." Tinaasan ko siya ng kilay, telling him to go on. "You can still do whistle tone and reach high notes, right? Ang tagal na kasi kitang hindi naririnig kumanta. Like... one year? I don't know." Tumango ako and he said sample kaya humigop muna ako ng hangin then whistled and belted. "Good, I know you can pull this song off. Kaya lang duet ito." Duet? "Duet?" nakangiting tanong ko sa kaniya. "You'll really sing with me?" He shrugged then played a song on the keyboard. "That's new. Akala ko ba, ayaw mong kumanta?" "Para namang hindi mo ako kilala." Inikutan niya ako ng mata kaya hindi ko maiwasang ngumiti. "In a crowded place, yes, ayoko. Pero since ngayon lang tayo nagkasama sa iisang room na tayo lang, I'll sing." Bumuntong-hininga siya saka tumigil sa pagtugtog. "Buti na lang talaga at hindi ko namana iyong singing ability ni Papa." I playfully punched him kaya napangiti siya gaya ko. "Astig kaya si Tito. Pero yeah." I resigned nang maalala ko iyong moments na kasama namin si Tito habang kumakanta. "Buti na lang, marunong kumanta si Tita Aira." "Yeah." He laughed but stopped after a few seconds. "Kabisado mo iyong lyrics ng Almost is Never Enough nina Ariana at Nathan?" "Oo naman. Favorite ko iyon, eh." "Alam mo, you could be the next Mariah or Ariana dahil sa whistle tone mo. Now enough talking. Game." We sang two songs together at isang pasada lang bawat isa. The first one was Almost is Never Enough and the second one was Uptown Funk. Pero iyong Uptown Funk, ginawa naming rock version kaya sobrang saya. At sa ilang taon naming magkaibigan, I was surprised kasi marunong siyang kumanta ng rock. Sabagay, sobrang mellow naman kasi ng boses niya kaya hindi ko talaga inakalang marunong siya pero kahit pa ganuon iyong boses niya, ang cool kasi marunong siyang kumanta ng rock. He said na magsolo raw ako and I said okay dahil ang ipapasa ko, two covers dapat. At dapat, isa solo tapos iyong isa, solo or group. "I-record mo kaya?" Tumango siya saka kinuha iyong cell phone sa bag niya tapos itinapat iyon sa akin. "Ang sabi ko, record, hindi video." "Fine. Pero para mas maganda iyong kalabasan ng kanta, dapat from start to finish, nakapikit ka and feel the song, okay?" he instructed sabay lapag ng cell phone sa keyboard. His condition sounded stupid pero ginawa ko na lang. I sang ATC's Guessing 'cause I really love that song. Nang matapos kami, lumabas na kami sa music room at saktong pagkalabas namin, bumulaga sa amin ang kumpulan ng mga estudyante kaya nagtaka ako. "Sabi na, pamilyar iyong boses." narinig kong sinabi ng isang lalake. "I told you silang dalawa iyon kasi sila iyong nakita ko kaninang pumasok riyan." Napatingin ako sa nagsalitang babae pero hindi niya nakita iyong pagtingin ko sa kaniya dahil nakikipag-usap siya sa isa pang babae na katabi niya. "I knew it was Daniella Clemente." "Pero hindi ko inakalang marunong palang kumanta iyong kaibigan niya." Sari-saring komento ang narinig ko, namin ni Dane, mula sa mga estudyante. At dahil alam ko na hindi sanay ang kasama ko sa atensyon dahil dati pa man, hindi na siya pansinin, ang ginawa ko, hinawakan ko iyong kamay niya, na nanlalamig na. I knew it. "Manahimik kayo." malamig na pagkakasabi ko sa babae sa harapan ko kaya isa-isang namatay ang ingay na ginagawa nila. "DC," pagkuha ni Dane sa atensyon ko kaya tinignan ko siya. "Sorry. Nakalimutan kong i-off iyong mic ng room." "Okay lang. Tara na." nakangiting sinabi ko saka ko siya hinila gamit lang ang isang kamay dahil iyong isang kamay ko, okupado ng bitbit kong bag. Buti nga at nahawi iyong mga usisero. Kung hindi, baka napagsalitaan ko pa ang mga ito. -- Pagkaapak na pagkaapak ko papasok sa loob ng bahay pagkauwi ko, parang gusto ko na kaagad umalis dahil sa naabutan ko. Pero bahala silang magpatayan sa salas dahil wala akong pakielam sa kanila. Basta ako, huwag nilang guluhin dahil nananahimik ako at ayokong madawit sa issue nila kahit magulang ko pa sila. Umakyat na ako sa kwarto ko at hindi na lang pinansin sina Mama at Papa na nag-aaway pa rin kahit na alam nilang nakauwi na ako. Hindi pa ba sila nagsasawa sa pag-aaway nila? Araw-araw na lang. Pero kapag nandiyan naman sina Carla at Kuya Carlo, para silang maamong tupa. Whatever. Hindi ko naman ikasasaya kapag tumigil sila sa pag-aaway, eh. Hinubad ko ang uniform ko, leaving only my undergarments on, tapos nagsuot ako ng loose shirt. Mainit, sobra, kaya hindi na nakakapagtaka kung ganito palagi ang get-up ko sa loob ng kwarto. I was about to jump on my bed pero napatigil ako dahil biglang nagring ang cell phone ko na nakapatong sa kama. "Bakit hindi mo sinabing magaling ka palang kumanta?" bungad ni Gian pagkasagot ko sa tawag. Wait, what? Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko dahil sa confusion. I know I can sing pero paano niya nalaman iyon kung hindi niya pa nga ako naririnig kumanta? "Hindi ka naman nagtanong kaya bakit ko sasabihin sa iyo?" "Bad trip?" I rolled my eyes because of annoyance saka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama. "Whatever. Saan mo nalaman iyan? Or kanino mo nalaman iyan?" "Dan, narinig ko kanina through the speakers. Tatawagan nga dapat kita kanina kaya lang, naconfiscate iyong phone ko. Plus, you're all over f*******: tapos usap-usapan ka rin sa buong campus dahil lahat ng pumasok kanina, narinig ang pagkanta mo. You do know na lahat ng room at lugar sa campus, may speaker na nakakonekta sa music at media room, hindi ba?" "What the f**k?" Napabangon ako dahil sa gulat. What did he just say?! "Wait, what do you mean I'm all over f*******:?" "Hindi mo pa ba alam?" "Magtatanong ba ako kung alam ko na? Don't be stupid and answer me, Gian." "Sorry. You know the university's official and unofficial page on f*******:, right?" I nodded, kahit na alam kong hindi niya naman ako nakikita. "May video ka ruon, kasama iyong kaibigan mo. Tapos puro share pa iyon. And right now, iyong video niyo sa official page, it has two hundred thirty two shares - and still counting. Sa unofficial, a hundred and two. You know, sobrang proud ako dahil girlfriend kita." "Whatever. Matutulog na ako." Augh. Sanay na ako sa atensyon pero dahil sa nangyari kanina, mas marami pang tao ang makakakilala sa akin and that'll suffocate me. Gusto kong patayin kung sino man iyong nagpost ng video sa mga page sa f*******: pero hindi ko alam kung sino. Plus, wala akong mapapala. And right now, I'll kiss my even more f****d-up life hello. Nang magising ako, iyong cell phone ko kaagad iyong tinignan ko para alamin ang oras since wala naman akong alarm clock or kahit na wall clock sa kwarto. I got up and put on a board short saka ako bumaba para kumain. And as expected, nang makarating ako sa kusina, iyong tirang ulam at kanin na lang ang nadatnan ko sa lamesa. "Figures." bulong ko habang nakatitig sa lamesa. Umupo na ako sa upuan sa harap nito saka ko kinain iyong mga tirang pagkain. At nang matapos na ako sa pagkain, nagsipilyo ako sa banyo saka ako dumiretso sa sala para manuod. And problema, nanduon ang kambal kaya idinismiss ko na lang iyong plano kong panunuod. "Hinugasan mo ba iyong pinagkainan mo?" bungad ni Carla, na nagpatigil sa akin, nang makita ako nito sa likuran ng sofa pagkadaan ko ruon. "Oo." tipid na sagot ko saka ko kinalabit si Kuya Carlo. Nilingon niya rin ako habang nakangiti kaya napangiti rin ako. "Pahingi ng 50." "Saan ka pupunta? 11 na, ha?" tanong niya habang dumudukot ng pera sa bulsa niya. Nang makakuha na siya, ibinigay niya na iyon sa akin. "Mag-iinternet lang sa labas tapos bibili na rin ng ice cream." Ibinulsa ko iyong pera saka ko siya niyakap sa leeg at hinalikan sa pisngi. "Thank you, Kuya." "Dito ka na lang sa cell phone ko mag-internet, bunso." suhestiyon niya pagkakalas ko sa pagkakayakap ko sa kaniya. Kinuha niya iyong cell phone sa tabi niya saka iyon inilahad sa akin pagkabalik niya sa pagkakapihit para makaharap sa akin. "Anong oras na, lalabas ka pa para lang mag-internet." "At bumili ng ice cream." nakangiting sinabi ko. "Don't worry, Kuya, 30 minutes lang naman ako sa comp shop." Lumabas na ako ng bahay pagkatapos niyang sinabihin na mag-ingat ako pero siyempre, nagtsinelas muna ako. Gaya nga ng sinabi ko, dumiretso ako sa computer shop at nagrent. Masikip sa shop dahil sa players pero tolerable naman kasi air conditioned kaya hindi ko na pinroblema. Iyon lang, ang ingay nila. Buti na lang at hindi nalabas ang ingay kung hindi, magrereklamo iyong mga kalapit bahay dahil gabing-gabi na, maingay pa rin ang mga ito. Wala naman akong ginawa sa shop, as always. Tinignan ko lang iyong videos namin ni Dane na kumakalat. I didn't felt happy kahit na puro papuri at pagkawindang ang comments ng mga nakapanuod sa video. Vinevideo na pala kami kanina, hindi ko man lang napansin? Grabe. I'm used to being praised by a lot of people kaya wala namang bago. Medyo nainis pa nga ako kasi siyempre, mas maraming makakilala sa akin because of those stupid videos. Tapos si Dane pa, inaalala ko. Hindi kasi sanay iyon sa attention kaya hindi ako mapakali. At para medyo mabawasan iyong pag-aalala ko, naglakad-lakad muna ako habang kinakain iyong drumstick na nabili ko. Nagpadala lang ako kung saan ako dadalahin ng mga paa ko habang pinakikiramdaman ang sarap ng pagtama ng malamig na hangin sa balat ko, mostly sa hita ko tumatama kasi maikli iyong short ko. Sobrang sarap sa pakiramdam kasi ang lamig ng hangin. Napadpad ako sa sakayan ng bangka at nadatnan ko ang mga tambay lagi duon sa ganitong oras. Napatigil sila sa pagtugtog pagkababa ko sa hagdan saka nila ako sabay-sabay na tinignan. Iyong atensyon ko, napako sa isang tao nang magkatinginan kami pero matapos ang ilang segundo, siya ang unang umiwas ng tingin saka tinignan iyong gitara na nakapatong sa kandungan niya. "Babes!" narinig kong pagtawag sa akin ng isa sa mga kabanda niya, na sinabi niya dati na idate ko raw kasi patay na patay sa akin. Hindi ko ito pinansin saka ako naglakad palapit sa pahabang upuan sa harap niya, kung saan nakaupo iyong kabanda niya na may hawak na dalawang drumstick habang paulit-ulit na ipinapalo sa upuan ang mga ito. "Ano na namang ginagawa mo rito?" tanong niya pagkaupo ko saka siya nagstrum sa gitara. Galit na naman siya. Ano bang bago? "Dapat pala, dati pa kita isinumbong kina Tito na naninigarilyo ka, ano, Travis?" Tinignan niya ako ng masama pagkatigil niya sa pagsstrum. Magsasalita pa lang sana siya pero inunahan ko kaagad siya. "Sabagay. Kapag isinumbong kita, siguradong babalik ka sa bahay niyo dahil magagalit sila. Pero don't worry, hindi ako sumbungera - hindi ko ugali iyon. Wala akong mapapala sa pangingielam sa buhay mo at wala rin naman akong pakielam kahit pa mamatay ka sa ginagawa mong paninigarilyo. Kaya sige lang, sunugin mo iyang baga mo, pati na baga ng mga nakakatabi mo every time na naninigarilyo ka." Tumingin ako sa katabi ko saka ko kinuha iyong stick ng sigarilyo na nasa bibig nito gamit iyong free hand ko kaya napatingin ito sa akin, na parang sinasabing bakit ito nadamay sa amin ng kabanda niya. "Pero ikaw, tigilan mo muna itong paninigarilyo mo dahil nasa tabi mo ako. Ayokong magkasakit." Tumingala ako para tignan iyong mga bituin habang hawak pa rin iyong stick ng sigarilyo. "Sige na, tumugtog na kayo. Huwag niyo na lang akong pansinin." "Bakit ba lagi kang epal kapag nagjajamming kami rito, ha?" narinig kong tanong ni Travis, at halata sa boses niya na naiinis na naman siya sa akin. "Hindi ako epal." sagot ko habang nakatingin pa rin sa langit. "Hindi naman ako nanggulo sa pagtugtog niyo, hindi ba? Kusa kayong tumigil nang dumating ako kaya manahimik ka riyan at tumugtog ka na lang." Ibinaba ko na iyong tingin ko saka ko kinain iyong drumstick ko. "Babes, tanggalin ko lang iyong patak ng ice cream sa hita mo, ha?" sinabi ng lalakeng may hawak na base guitar habang nakangiti ng bahagya. "Ano ngang pangalan mo?" tanong ko pagkatingin ko sa mga mata nito. "AJ." Tumango ako habang nakangiti ng bahagya kaya lumawak rin iyong ngiti niya. Lumapit siya sa akin pagkalapag niya sa tabi ni Travis ng hawak niyang gitara. At bago pa dumapo ang kamay niya sa hita ko, pinaso ko na siya ng sigarilyong hawak ko kaya napaatras siya saka napahawak sa kamay niya na pinaso ko. "Sa susunod, huwag ako ang mamanyakin mo, ha?" Itinapon ko iyong stick sa kaniya kaya napatalon siya para umiwas. "Umalis ka na nga." singhal ni Travis sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Ang sama-sama ng tingin niya sa akin, na parang anytime now, kakainin niya ako ng buo. Ano pa bang bago sa paraan niya ng pagtingin sa akin? Lagi namang masama ang ipinupukol niyang tingin sa akin, eh. "Tang ina, ang hilig mo manggulo." "Alam mo iyong salitang respeto?" sarkastikong tanong ko pagkapunas ko sa hita ko na natuluan ng ice cream gamit iyong damit kong pagkalaki-laki. At bago pa man siya makasagot, inunahan ko na ulit siya. "Ah, hindi pala. Kasi isa ka sa mga taong hindi karapat dapat bigyan ng dahilan para respetuhin dahil ikaw mismo, hindi ka karespe-respeto." Tumayo ako saka ako naglakad papunta sa unahan, kung nasaan ang isa pang hagdan para makababa sa ilog. Naupo lang ako duon at nagpahangin habang kinakain iyong ice cream. Ilang segundo rin silang tahimik simula nang umupo ako sa hagdan pero tumugtog rin naman sila matapos ang napakaikling katahimikan na iyon. At pakiramdam ko, lahat sila, nakatitig sa akin pero binalewala ko na lang at tinignan iyong mga ilaw na nagmumula sa mga bahay sa kabilang ibayo pati na rin iyong mahinang pag-alon ng ilog. Sobrang sarap na pakiramdam ang nararamdaman ko habang nakatambay ako sa hagdan. Sariwang hangin, libreng music na ginagawa ng magkakabanda, na nasa likuran ko, ice cream na sobrang tamis-- sana ganito na lang palagi. Nang mapalitan iyong tinutugtog nila, napakanta ako ng mahina dahil alam ko iyong tunog. It was Something You Need by ATC. Sa totoo lang, sa kanila ko lang nalaman iyong band na iyon, and also the band's songs. Kaya nga iyong Guessing ng ATC ang cover na ipapasa ko sa music teacher namin kasi una, kabisado ko. Pangalawa, I can hit the notes, at pangatlo, I'm in love not just with the band but also with the song. They're just so freaking cool. Nang matapos iyong pagtugtog nila sa Something You Need, sinundan nila ito ng sobrang mellow na kanta. It was MYMP's Especially For You. And once again, napasabay ulit ako at tulad kanina, mahina ulit iyong pagkanta ko dahil ayokong marinig nila ako. Truth be told, sila iyong rason kung bakit madalas akong pumunta rito. I just like listening to their music kasi kahit ako, hindi ko maitatanggi na magaling talaga sila. Pero siyempre, hindi ko sila pinupuri. Ayokong lumaki iyong ulo nila at baka hindi sila magseryoso kapag nandito ako habang tumutugtog sila. At isa pa, I don't really like them. Hindi naman nakakapagtaka na magaling sila, eh. They're their school's official band sabi ni Dane, Gabriel at Chrissy. Too bad, wala iyong vocalist nila. Hindi ko tuloy siya nakaduet ngayon. It's kind of funny kasi mag-iisang taon na akong nakikinig sa kanila, hindi man lang nila nalalaman na I secretly sing with their vocalist. And also, sa isang taon na iyon, kahit pa binabanggit nila iyong pangalan nila, I keep on forgetting them. Ang pangalan lang ni Travis ang hindi ko nakakalimutan kasi anak siya nina Tito Uno at Tita Aira, at nakababatang kapatid siya ng best friend kong si Dane. Travis and I was once close, as in. Pero simula nang grumaduate ako noong elementary sa school na pinapasukan namin, nawala na iyong closeness namin. At iyong time na iyon, malayo na talaga ako sa mga tao dahil sa ginagawang pagtrato sa akin ng pamilya ko kaya nang hindi niya man lang ako sinubukang kausapin, o maski puntahan man lang sa bahay namin, naisip kong hindi niya ako pinahahalagahan kaya kinalimutan ko na siya. Nang dahil sa kaniya, naging close ako sa pamilya niya. At nang dahil sa kaniya, nakilala ko si Dane. Si Dane, naging best friend ko simula nang lumipat ito ng school. Sa ibang school kasi ito nag-aral noon hanggang sa magsecond year high school. At noong third year, nagtransfer ito dahil sa pangbubully - pero hindi nito ipinaalam kina Tito - at swerte kasi naging magkaklase kami. Natuwa ako noon kasi naisip ko, at last, may kaklase na ulit akong anak nina Tito. Magkakaroon na ako ng dahilan para bumisita nang bumisita duon. At iyon nga ang nangyari. Kung hindi ko naging kaibigan si Travis noong elementary, hindi ko makikilala ang pamilya niya. Ang pamilya niyang gusto ko maging kapamilya. Hindi ko ipinapahalata sa iba na uhaw ako sa pagmamahal dahil ayoko maging katawa-tawa at lalong ayokong kaawaan ako. Kaya nga dinadalasan ko iyong pagbisita kina Tito kasi nararamdaman ko na may pamilya ako kapag nasa kanila ako. Kapag nasa bahay ako? Si Kuya lang ang pinagtutuunan ko ng pansin kasi siya lang ang itinuturing ko na kapamilya duon. Siya lang rin naman ang nakikita sa akin duon bilang kadugo, eh. Nakakaloko pero mas mahal ko pa iyong pamilyang Eru kaysa sa pamilya ko. At mas nakakaloko kasi bilang na bilang sa isang kamay ko kung ilan lang ang taong pinahahalagahan ko. Maraming naiinsecure sa akin dahil kilala ako ng maraming tao, dahil sikat ako. Ang hindi nila alam, nakakagago iyong buhay ko. Pagkatapos nilang tumugtog, naghintay pa ako ng isang kanta pero ilang segundo na ang lumipas, wala pa rin. Bago pa man ako tumayo, may naramdaman akong nagpatong ng jacket sa likod ko kaya napatingin ako sa likod para alamin kung sino. Iyong inagawan ko pala ng sigarilyo. "Ang galing mo kumanta, ha?" nakangiting pagpuri niya saka siya tumayo ng tuwid pagkalagay niya ng mga drumstick sa bulsa niya. "What?" "We heard you singing habang tumutugtog kami." That's impossible. Ang layo ko kaya sa kanila. Paano nila narinig iyong pagkanta ko? Or... maybe I got carried away at hindi ko napansin na nawala na ako sa planong panatiliing mahina iyong boses ko. Oh, God. "Kevin, tara na!" narinig kong sigaw ni Travis kaya napatingin kami rito. Ang sama ng tingin nito sa amin, sa akin, habang buhat ang gitara nito. "Sa susunod, huwag kang kumanta dahil tang ina lang, ang lakas mong manira ng kanta. At saka, umuwi ka na nga. Kababae mong tao, anong oras na, nasa labas ka pa rin." singhal niya sa akin. Ibinaling niya ulit iyong tingin niya sa nagpatong ng jacket sa likod ko, na Kevin ang pangalan. Kailangan ko na talaga tandaan ang pangalan nila. "Let's go." "Sige na, balik na kaming tatlo sa bahay." pagpapaalam niya saka niya ako tinalikuran. Nanatili akong nakatayo habang naglalakad sila paalis. Nang mawala na sila sa paningin ko, kinuha ko iyong jacket na nakapatong sa likod ko saka ko ito tinignan. At dahil malapit ito sa ilong ko, naamoy ko ito. Ang bango. Pero bago ko pa ubusin ang amoy ng jacket, dapat na akong umuwi dahil baka nag-aalala na si Kuya sa akin. Ang sinabi ko pa naman, thirty minutes lang ako sa shop at bibili ng ice cream. Baka isipin nuon, may nangyari nang masama sa akin. Grabe pa naman maparanoid iyon. Tapos hindi ko pa dala iyong cell phone. Naman. "Hindi ka pa rin nagbabago ng pabango, Travis." Bahagya akong napangiti habang nakatitig sa jacket niya saka ako umiling at naglakad na paalis sa sakayan ng bangka para makauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD